Lumalalim na ang gabi nung naisipan na ni Haruhi na lumabas na ng storage room. Pinagpatong-patong niya ang mga gamit na nakita niya malapit sa may bintana ng storage room. Sumilip muna siya sa labas at saka niya tinapon sa damuhan ang isang baseball bat para hindi ito lumikha ng kahit anong ingay. Ibinato niya rin ang bag ni Kosame na nilagyan niya ng mga lubid at iba pang mga bagay na kakailanganin niya. Sunod ay dahan-dahan siyang lumabas sa bintana. Nang makalabas siya ng bintana ay agad siyang umikot at nakita niya ang isang katawan na nakahandusay sa harapan ng storage room. Agad din niyang napansin ang iba pang katawan na nakahandusay sa iba't ibang direksyon niya. Masangsang ang amoy ng dugo na nagkalat kahit saan at pinipilit ni Haruhi na h'wag siyang maapektuhan nito. Agad siyang