“Sinabi ko na nga sa inyo, hindi kami magkalevel ni Fuyumi.” paliwanag ni Haruhi sa mga kaibigan niya.
“Subukan mo pa rin umamin sa kanya.” sabi ng kaibigan niya.
Bigla namang pumasok si Fuyumi sa silid-aralan at napatingin ang grupo ni Haruhi sa kanya.
“Eh? May dumi ba ako sa mukha?” tanong ni Fuyumi sa kanyang sarili.
Umupo na si Fuyumi sa upuan niya na nasa harapan ni Haruhi. Dumaan siya at umiwas ng tingin ang lahat ng kaibigan ni Haruhi sa kanya.
Agad namang humarap si Fuyumi kay Haruhi. “May… problema ba?” tanong ni Fuyumi.
Agad umiwas ng tingin si Haruhi at pinagpapawisan siya. “Wala naman.” sabi ni Haruhi.
Pumasok naman na ang guro nila at nagsimula na ng klase. Lumipas ang oras at oras na para sa club activities sa hapon.
“H'wag n'yo kalimutan mag-aral para sa darating na pagsusulit.” sabi ng guro nila at saka umalis.
Nagkumpulan naman ulit ang mga kaibigan ni Haruhi sa pwesto niya habang si Fuyumi ay nanatili lang sa upuan niya.
“Haaaah. Anong gagawin ko? Kapag di ako pumasa, hindi ako isasama ni Coach sa starting line up.” namomroblemang sinabi ni Haruhi.
Magsasalita sana ang kaibigan ni Haruhi nung tumayo si Fuyumi. Lahat ay napatingin sa kanya habang naglalakad siya sa harap nila. Tumigil si Fuyumi sa harap ni Haruhi.
“Kung kailangan mo ng tulong sa mga subject na nahihirapan ka, nasa library ako pagkatapos ng club.” sabi ni Fuyumi sabay alis na hindi man lang niya tinitignan pabalik si Haruhi.
Nagpunta si Fuyumi sa silid-aklatan. Kumuha siya ng libro at inilabas niya ang aaralin niya. Nakapwesto si Fuyumi sa tabi ng bintana at kita doon ang soccer field. Napatingin siya sa field at nakita si Haruhi. Hindi kalayuan ang field sa silid-aklatan kaya nakita rin ni Haruhi si Fuyumi. Umiwas siya ng tingin pero agad tumingin ulit sa direksyon ni Fuyumi at kumaway. Nagulat naman si Fuyumi at kumaway din pabalik kay Haruhi.
Makalipas ang isang oras ay agad pumunta si Haruhi kay Fuyumi. Tahimik ang silid-aklatan at kaunti lang tao sa loob. Umupo si Haruhi sa isang upuan sa harapan ni Fuyumi.
“Wala ka bang club activities?” pabulong na tinanong ni Haruhi.
“Wala akong club activities sa ngayon.” sabi ni Fuyumi.
Tahimik na nag-aral ang dalawa hanggang sa nag-uwian. Unang tumayo at lumabas ng silid-aklatan si Fuyumi at sumunod naman si Haruhi sa kanya.
“Teka sandali, Fuyumi.” tawag ni Haruhi sa kanya paglabas nila ng silid-aklatan.
Huminto naman si Fuyumi sa paglalakad niya. “May sasabihin ka pa ba?” tanong ni Fuyumi.
“Ahh. Gusto ko lang magpasalamat sa 'yo. Inaasahan kong makita at makasama ka ulit sa mga susunod na araw bago ang pagsusulit.” sabi ni Haruhi habang nahihiya siya.
“Ganon din ako.” sabi ni Fuyumi at nginitian niya si Haruhi.
Lumipas ang isa pang buwan. Laging magkasama si Haruhi at Fuyumi pagkatapos ng club activities nila. Halos sila na rin ang usap-usapan ng mga kapwa nilang kamag-aral.
Katatapos lang nang pagsusulit nila at nakapasa si Haruhi. Lumapit si Haruhi kay Fuyumi at may binigay na pagkain.
Tumingala si Fuyumi at nagtanong. “Para saan 'to?” tanong ni Fuyumi.
“Konting pasasalamat sa mga tulong mo sa akin.” sabi ni Haruhi habang nakangiti.
“Ah. Walang anuman.” sabi namam ni Fuyumi at nginitian niya si Haruhi.
“Siya nga pala, gusto ko sanang panuorin mo yung practice game namin bukas.” sabi ni Haruhi.
“Manonood ako.” sabi naman ni Fuyumi at hindi na siya nagdalawang-isip na sabihin ang mga salitang iyon.
“Talaga? Ayos!” tuwang-tuwang sinabi ni Haruhi. “Mauuna na muna ako, Fuyumi. Kita na lang tayo bukas.” paalam niya pa.
* * *
Habang nagpapahinga sila Haruhi kasama ng mga kaibigan niya ay nagkaroon sila ng sandaling kwentuhan.
“Hindi ka pa ba aamin kay Fuyumi, Haruhi?” tanong ng isa sa mga kaibigan niya.
“Ha?!” gulat na tanong ni Haruhi.
“Paano kung bukas pagkatapos ng practice game… ayain mo si Fuyumi na tulungan kang mag-ayos ng gamit sa club?” sabi ng isa niya pang kaibigan.
“At pagkatapos, ikakandado namin ang storage room para makapag-usap kayong dalawa.”
“Para maamin mo na sa kanya na gusto mo siya.”
“Na-nababaliw na ba kayo?!” tanong ni Haruhi at napatayo siya sa kinauupuan niya.
“Hindi naman masamang ideya yun, Haruhi.”
“Paano kung hindi gusto ni Fuyumi ang gagawin natin?” tanong ni Haruhi habang namumula.
“Hindi naman niya malalaman na tayo ang may gawa non. Hahaha.”
Kinabukasan…
Papunta na sa soccer field si Fuyumi nung masalubong niya si Kosame kasama ng dalawa pa niyang kaibigan.
“Ikaw si Fuyumi, hindi ba?” tanong ni Kosame habang nakataas ang isa niyang kilay.
“Ako nga.” sagot ni Fuyumi.
“Layuan mo si Haruhi kung ayaw mong masaktan.” sabi ni Kosame at lumapit siya kay Fuyumi.
“At kung ayaw ko?” tanong ni Fuyumi.
“Papatayin kita.” pabulong na sinabi ni Kosame kay Fuyumi habang nakangiti.
Hindi naman nasindak si Fuyumi sa sinabi ni Kosame at sa halip ay tumuloy sa paglalakad.
“Pasensya ka na. Manonood pa ako ng laro nila Haruhi. Ayokong mahuli.” sabi ni Fuyumi at naglakad na siya.
“Hindi pa ako tapos sa 'yo, Fuyumi.” sabi ni Kosame at tinapunan siya ng tubig mula sa isang timba sa tapat ng gripo.
Napatigil naman si Fuyumi at tumingin kay Kosame. “H'wag ngayon, Kosame.” seryosong sinabi ni Fuyumi.
“Hah! Dapat lang sa iyo yan.” sabi ni Kosame habang nakangisi.
Inilabas ni Fuyumi ang shinai(bamboo sword) niya at mabilis na itinapat ito sa baba ni Kosame. “Pasensya na Kosame pero wala akong oras para makipagtalo sa iyo.”
Nagulat naman sila Kosame at hindi nakapagsalita. Hinatak si Kosame ng isa sa mga kaibigan niya at tumakbo na sila.
Napabuntong-hininga naman si Fuyumi at itinago na ulit niya ang kanyang shinai at saka dumiretso sa soccer field. Nakita ni Fuyumi na patapos na ang laban at mukhang hindi sang-ayon kina Haruhi ang laban. Umupo siya malapit sa lilim ng puno. Nakita naman siya ni Haruhi kaya agad na kumaway si Haruhi sa kanya at kumaway din siya pabalik.
Natalo sa practice game sina Haruhi. Agad pumunta si Fuyumi sa may field at sinalubong siya ni Haruhi.
“Pasensya na at nakita mong natalo kami, Fuyumi.” sabi ni Haruhi.
“Mas mabuting makaranas kayo ng pagkatalo. Isang magandang karanasan para manalo kayo sa susunod.” sabi ni Fuyumi habang nakangiti at binigyan niya ng tubig si Haruhi.
“Ya. Fuyumi.” bati ng kaibigan ni Haruhi.
“Ano ba Kazuki, umayos ka nga.” saway naman ni Haruhi.
“Fuyumi, pwede mo bang tulungan si Haruhi magligpit ng gamit?” tanong ni Kazuki kay Fuyumi.
“Ganon nga ang gagawin ko.” sabi naman ni Fuyumi.
“Ayun! Haha. Nice one Haruhi.” sabi ni Kazuki sabay tapik ng braso ni Haruhi.
Nagtataka naman si Fuyumi sa nangyayare.
Tinulungan ni Fuyumi si Haruhi na maglagay ng mga gamit sa storage room at nung makapasok na sila ay nakita ni Haruhi si Kazuki na nakangiti at isinara ang pinto ng storage room. Pagkatapos ay kinandado ito.
“Huh? Haruhi, anong nangyari?” tanong ni Fuyumi.
“Ahh. May nagsara nung pinto. Hindi ata nila nakita na nandito tayo.” pinagpapawisang sinabi ni Haruhi.
“Ganon ba?” tanong ni Fuyumi at bigla niyang hinubad ang uniform niya sa harapan ni Haruhi.
“F-Fuyumi, anong gi-ginagawa mo?!” namumulang tinanong ni Haruhi si Fuyumi pagkatapos niyang tumalikod.
“Oh. Pasensya na, Haruhi. Kanina pa kasi basa ang uniform ko, ayoko namang magkasakit kaya papalitan ko lang sana ng dala kong extra na damit.”
“Alam ko pero… hindi niya ba ako nakikita bilang lalake?” tanong ni Haruhi sa kanyang sarili habang namumula. “Aaaaa… babae ka at lalake ako… Hindi ka dapat naghuhubad sa harapan ng isang lalake.”
“Bakit?” tanong ni Fuyumi pagkatapos niya magbihis.
“Aaaa… teka bakit ako yung nahihiya? Di ba dapat siya ang nahihiya ng ganito?”
Bigla namang natawa si Fuyumi.
“Pasensya ka n-na Fuyumi.” sabi ni Haruhi.
“Para saan?” tanong ni Fuyumi.
Nagulat si Haruhi dahil sobrang lapit ng mukha ni Fuyumi sa kanya.
“Ah!!” napaatras si Haruhi dahil ayaw niyang makita ni Fuyumi ang namumula niyang mukha.
“Teka Haruhi, may sakit ka ba?” tanong ni Fuyumi at hinawakan niya ang noo ni Haruhi.
“Wala akong sakit.” sabi ni Haruhi habang nakapikit.
Napansin naman ni Fuyumi na namumula pa rin si Haruhi kaya agad siyang lumayo. “Naiintindihan ko.” sabi ni Fuyumi at umupo siya sa saheg katapat ni Haruhi.
Habang nasa loob sila ng storage room ay nakarinig sila ng mga ingay sa labas. Ang mga ingay na kanilang naririnig ay ang mga tunog ng bumbero at ambulansya na umaalingawngaw sa buong paligid. Napatayo sila Haruhi at nakinig sa mga nagaganap sa labas.
"Anong nangyayari?" tanong ni Fuyumi.
Agad namang tumawag ng tulong si Haruhi dahil pakiramdam niya ay hindi kaagad makababalik si Kazuki para buksan ang pintuan ng storage room para sa kanila. "NANDITO KAMI!! TULONG!!" sigaw niya.
Paulit-ulit na isinigaw iyon ni Haruhi hanggang sa mawala ang ingay sa labas.
Ilang oras pa ang lumipas at napansin nilang gabi na sa labas. Kumain sila ng pagkaing dapat sana ay kakainin nila pagkatapos ng kanilang practice game.
"Mukhang dito muna tayo buong gabi ah." sabi ni Fuyumi at inayos ang hihigaan nila.
"Dito?" tanong ni Haruhi. "K-katabi mo?" tanong ni Haruhi habang nauutal-utal.
"May iba ka pa bang alam na matutulugan natin bukod dito?" tanong ni Fuyumi.
"Wala." sabi ni Haruhi habang itinatago niya ang kanyang hiya.
* * *
Kinabukasan... nagising sila dahil bigla na lang may malakas na parang bumangga sa pinto ng storage room.
"Nand'yan na si Kazuki." masayang sinabi ni Haruhi.
Pagkatapos ng malakas na kalabog ay bigla na lang tumahimik ang buong paligid.
"Haruhi, hindi ba nakapagtataka? May mga club activities dapat ngayon pero walang ingay sa labas."
Napansin din ni Haruhi ang sinasabi ni Fuyumi.
"Kailangan natin makita kung anong nangyayari sa labas." sabi ni Haruhi.
Nakakita sila Haruhi ng bintana at agad nilang kinuha ang mga gamit na nasa loob ng storage room at inipon ito sa ilalim ng bintana.
Agad umakyat si Haruhi—