"Ingatan mo ang sample na iyan." sabi ng isang scientist sa kanyang assistant.
Nasa isang maliit na lalagyan ang isang guinea pig. Hawak ito ng isang assistant scientist at dala niya ito habang maingat na sinusundan ang head niya papunta sa laboratory.
Pagpasok nila sa laboratory ay may isang kulungan doon na puno rin ng guinea pig.
"Professor, ano po bang klaseng drug ang dine-develop natin?" tanong ng assistant.
"Isang drug na magpapalakas sa mga tao." sabi ng head scientist at kinuha niya ang lalagyan na hawak ng assistant niya.
"Magpapalakas sa mga tao?"
"Superhuman. Ibig sabihin, may kakayanan na silang gumawa ng isang bagay na hindi nila aakalaing kaya pala nilang gawin."
Dinala ng head scientist ang guinea pig sa isa pang lalagyan para maturukan ng drug na kanilang ginagawa.
"Ihanda mo ang gas sa may kulungan ng guinea pig." utos ng head scientist.
Agad namang sinunod ng assistant ang head. Mula sa pwesto ng assistant ay nakikita niya ang head scientist na itinurok na ang drug sa guinea pig. Agad kinuha ng head scientist ang guinea pig at inilagay ito sa kulungan ng guinea pig na may nakakapampatulog na gas. Di nagtagal ay nakita nilang parang hindi na gumagalaw ang guinea pig test nila. Nadismaya ang head scientist at tatanggalin na sana nila ang guinea pig sa kulungan nung bigla itong gumalaw at pumunta sa direksyon ng head scientist.
Napangiti muli ang head scientist pati ang kanyang assistant sa guinea pig at nakita nilang unti-unting nababasag ang salamin ng kulungan.
"Patulugin mo ang guinea pig." utos ng head scientist.
Agad namang binuksan ng assistant ang gas at unti-unting nakatulog ang guinea pig.
"Gumana ang tests ko." pabulong na sinabi ng head scientist.
Nasa gilid lang naman ang assistant at pinanonood ang head scientist.
"Magsasagawa tayo ng ilan pang test sa guinea pig na iyan." sabi ng head scientist habang nakatitig sa natutulog na guinea pig.
* * *
Ang araw ay naging linggo at ang linggo ay naging buwan. At ang buwan ay naging taon. Walang pagbabago sa kanilang ginagawang drug.
"Kung walang pagbabago sa test subject, baka may magbago kung sa tao natin gagawin." malalim na pag-iisip ng head scientist.
"Professor, wala tayong pambayad sa magiging human subject." sagot ng assistant.
"Hindi natin kailangan humanap ng tao para maging subject." sabi ng head scientist habang nakangiti sa kanyang assistant.
Agad namang napagtanto ng assistant kung ano ang nasa isip ng head scientist. "Eh?! Hindi maaari ang iniisip n'yo, Professor."
"Mas magandang sa akin itest ang drug. Mas mapag-aaralan natin ng husto ang pagbabago ng drug sa loob ng katawan ko." sabi ng head scientist at hinawakan niya ang balikat ng assistant niya.
"Paano kung hindi gumana, Professor?" tanong ng assistant.
"Sinasabi mo bang papalpak ako?" tanong ng head scientist.
"H-hindi po." sagot ng assistant.
"Mabuti kung ganon."
* * *
Nagsimula sila sa kanilang eksperimento at di kalaunan ay bumigay ang katawan ng head scientist.
Naiwan ang assistant na nag-iisip sa ginawa nilang mali sa kanilang eksperimento habang ang head scientist ay kinalaunang nalagay sa mahimbing na pagkakatulog.
Maya-maya ay may kumatok sa pinto ng laboratory.
"Tagalinis ng laboratory." sabi ng janitor sa labas ng laboratory.
Agad tumayo ang assistant at binuksan ang pinto.
"Ingatan mong h'wag magalaw ang mga gamit dito. Lalo na ang kwartong iyon ng laboratory." sabi ng assistant sabay turo sa kwarto kung saan natutulog ang head scientist.
"Masusunod." sabi ng janitor at pumasok na siya sa loob ng laboratory.
"Kukuha lang ako ng maiinom." sabi ng assistant at lumabas na siya ng laboratory.
Naiwan ang janitor sa loob ng laboratory. Nagpapatugtog siya sa kanyang headphones nung naisipan niyang sumilip sa kwarto ng head scientist.
"Hindi naman siguro magagalit ang scientist na yun kung sisilip ako di ba?" tanong ng janitor sa kanyang sarili.
Binuksan niya ang pinto ng kwarto at nakita niyang maraming apparatus na nakakabit sa head scientist.
"Ew. Amoy basura dito sa loob." sabi ng janitor habang tinatakpan niya ang kanyang ilong.
Lumapit siya sa higaan ng head scientist at nakita niyang tila parang naaagnas na ang katawan ng head scientist. Sa likod niya, hindi niya namalayang nakatakas pala ang isa sa mga test subject nilang guinea pig. Habang patuloy ang janitor sa pagkilatis sa katawan ng head scientist at hindi niya napansin na papunta na sa kanya ang guinea pig.
Maya-maya ay parang may nakita siya sa labas ng kwarto na anino kaya nagmadali siyang lumabas at hindi naisarado ng mabuti ang kwarto. Nung makita niyang walang tao ay itinuloy na niya ang kanyang ginagawa.
Habang naglilinis siya ay umaakyat naman ang guinea pig sa kanyang damit. Nang makarating sa may balikat ng janitor ang guinea pig ay bigla na lang niyang kinagat ang janitor.
Sumigaw ang janitor sa sobrang sakit ng kagat nung guinea pig. Agad niya itong hinawakan at ibinato sa sahig.
"Aaaaa!! Hayop!! Ang sakit!!" sigaw ng janitor. Paghawak niya sa kanyang leeg ay dumudugo ito. "Aaaa... hindi ko alam na nangangagat ang mga guinea pig." sabi niya pa.
Napatingin siya sa guinea pig at wala na itong buhay.
"Hanep, lagot ako." sabi ng janitor.
Ibinaba niya ang headphones niya at lumingon kung paparating na ba ang assistant sa laboratory. Nung nakita niyang hindi pa dumarating ang assistant ay agad niyang dinampot ang guinea pig at inilagay ito sa basurahan.
Napalingon siya sa kwarto ng head scientist at nakita niya itong nakabukas. Nagtaka siya at agad pumunta doon. Pagpasok niya sa kwarto ay may aninong humarang sa kanyang anino. Pagtalikod niya ay nakita niya ang head scientist na nakatayo sa kanyang likuran.
"AAAAAAAA!!" wala nang oras ang janitor na tumakbo pa dahil dinakma siya ng head scientist at kinain siya.
* * *
Pabalik na sa loob ng building ang assistant scientist nung mapansin niya ang mga tao sa loob na nagtatakbuhan.
“Eh?” pagtataka niya at tumigil siya sa harapan ng pinto ng building.
Walang nakakapansin sa kanya kaya dahan-dahan siyang gumilid at nagtago habang nanonood sa loob.
Biglang naisip ng assistant ang head scientist at babalik na sana nung makita niya ang isang babae na biglang tumalon sa likuran ng isang lalakeng tumatakbo. Kinagat niya ang braso ng lalakeng iyon at kinain ang parte na kinagat niya.
Nagulat ang assistant sa kanyang nakita. “Anong nangyayare sa kanila?” tanong niya sa kanyang sarili habang nagtatago.
Maya-maya ay napagtanto niya ang isang bagay. “Posible kayang… dahil sa ginagawa namin ni Professor?”
Bago pa siya makapag-isip ay sumilip siya muli sa pinto at nakita niya ang isang lalakeng naglalakad at pinalilibutan ng mga taong halos hindi na makilala sa kanilang itsura.
Nagulat ang assistant sa kanyang nakita.
“Hindi… hindi maaari.” sabi ng assistant at napaatras siya sa kanyang kinatatayuan. “Kailangan kong magtago.” sabi niya pa.
Bago pa siya makalayo ay tumingin sa kanya ang head scientist at ngumiti. Tila parang tinatawag siya. Nadapa pa ang assistant pero tumuloy pa rin siya sa pagtakbo. Ang tanging nasa isip lang niya ay ang mapanatili niyang ligtas ang kanyang sarili.