Chapter 6

3030 Words
Jhoyce's POV "Dad, nasasaktan ako," bulong ko. Pilit ko namang binabawi ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Daddy, pero masyado itong mahigpit. Nginitian ko sina Luis at Anton na nag-aalalang nakatingin lang sa akin. Alam nila ang sitwasyon ko kay Dad at alam ko naman na ayaw lang nilang madamay sa amin. "Okay lang ako. Tatawagan ko na lang kayo mamaya." Tumango naman 'yong dalawa kaya hinayaan ko na ang sarili ko na magpahila kay Daddy. "Talagang hindi ka nadadala, Jhoyce!" giit nito sa akin. Pinasok niya naman ako sa loob ng kotse at 'saka ito pumunta sa may driver seat. "Hanggang kailan mo ba ako balak suwayin?" Iniwas ko ang tingin sa kaniya at tumingin sa labas ng bintana. Mula rito ay tanaw ko pa rin ang mga tao roon na nagulat sa nangyari at lahat sila ay nakatingin sa kotse na 'to. "Hindi ka na sana dapat pumunta rito. Pinapahiya mo ako sa mga kaibigan ko." "Kung ayaw mo akong papuntahin dito, hindi mo sana ginawa 'yong pinagbabawal ko sa'yo!" may diing sabi nito. "Kailan ka ba magtitino, Jhoyce? Araw-araw mo na lang pinapasakit 'yong ulo namin ng Mommy mo." Hindi ko ito sinagot at nanatiling tahimik. Pinaandar niya naman 'yong kotse at kahit sa daan ay kung ano-ano pa ang pinagsasabi niya sa akin. Nakarating kami sa bahay na hindi ko siya iniimik. Padabog kong sinarado ang pinto ng kotse nang makababa ako. Dumiretso kaagad ako sa loob ng bahay at hindi na pinansin ang pagtawag ni Daddy sa akin. "Jhoyce, what happened?" Mom's asked when we bumped into each other. "Bakit hindi si Dad ang tanungin mo?" I said in a sarcastic tone. Nakita ko naman ang gulat sa mukha ni Mommy nang sagutin ko ito. Naglakad ako papunta sa hagdanan, pero hindi pa ako nakahakbang sa unang baitang ay boses na agad ni Daddy ang nag-echo sa loob ng bahay. "Jhoyce!" he shouted. "Hon, anong nangyari?" rinig kong tanong ni Mommy. Nanatili akong nakatalikod sa kanila dahil ayoko nang sumagot pa. Gusto ko na lang pumunta sa kuwarto ko at doon magkulong. "Talagang tatalikuran mo kami, Jhoyce? Kinakausap pa kita ng maayos! Ganiyan ba ang tinuro namin sa iyo, ang maging barumbado? O baka naman ganiyan ang tinuro sa iyo ng pagca-car race mo at ng mga kaibigan mo?!" Tila ba nagpantig ang tenga ko nang marinig ang sinabi ni Daddy. Nanginginig ang katawan ko dahil sa galit at hindi ko mapigilang ikuyom ang dalawa kong kamay. "Lahat na lang ba, Dad?!" sigaw ko. Hinarap ko silang dalawa. "Alam niyo kung sino nagturo sa akin ng pagiging walang modo? Kayo, Dad... kayo!" Dahan-dahan akong lumapit sa kanila habang pinipigilan ko ang pagluha. Ayokong makita nila akong mahina dahil alam kong gagamitin nila 'yon para sa sariling kagustuhan nila. "Mabuti pa nga ang mga kaibigan ko dahil tinuring nila akong parang pamilya. Sinuportahan nila ang mga gusto ko. Nandiyan sila habang inaabot ang mga pangarap ko. Pero 'yong sarili kong pamilya? Wala!" Napapailing ako habang pinupunasan 'yong luha na nagsipag-unahan nang tumulo. Tuluyan na akong bumigay sa kanila. "Kayo ang nagtulak sa akin para maging ganito, Dad. Pinipilit niyo ako sa mga paraang ayaw ko. Matanda na ako pero pakiramdam ko ang liit-liit ko pa rin sa paningin niyo," may diing pagkakasabi ko. "Sinubukan ka naman naming suportahan, anak," singit ni Mommy. "Sinubukan?" natatawang tanong ko habang patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko. "Bakit hindi ko man lang maramdaman? Bakit sa mga panahong kailangan ko kayo, lagi na lang kayong busy sa trabaho? Tapos kung ano pa ang nagpapasaya sa akin, ayon pa ang hinahadlangan niyo? Hanggang kailan niyo ba didiktahan ang mga gusto ko?" "Anak, hindi ganoon 'yon." Pilit inaabot ni Mommy ang kamay ko pero iniiwas ko ito. Hindi ko maiwasang matawa nang maalala ko ang ginawa ni Daddy para lang sa pansariling kagustuhan niya. "Kaya pala ginamit niyo si Hendrix?" tanong ko. Binalik ko ang tingin kay Daddy at nakita ko ang gulat sa mga mata nito. "Pinapa-ikot niyo ang lahat sa palad niyo na para bang lahat ay mapapasunod niyo. Kahit buhay ko ay sinusubukan niyong kontrolin." "Iniisip ko lang naman ang magiging future mo," wika ni Dad. "Future? 'Yong future na sinasabi mo, hindi ko kailanman magugustuhan 'yon!" Napatagilid ang mukha ko nang maramdaman ko ang malakas na sampal sa kaliwang pisngi ko. "How dare you talk to me like that? Magulang mo pa rin kami! Kami ang nagpalaki sa iyo, kaya kami ang magde-decide kung ano ang magiging future mo!" "Hon, please. Let's stop this, okay? Madadaan naman natin ito sa usapan," pagpapakalma ni Mommy kay Daddy. "What? You are siding with her? Kaya lumalaki ang ulo ng batang 'yan kasi kinukunsinti mo!" Hinawakan ko ang pisngi ko at hinarap silang dalawa. Tuloy-tuloy pa rin ang pagbuhos ng mga luha ko na parang gripo. "I'm twenty-two and still you are treating me like a sulky teenager!" "How dar---" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Daddy nang tumalikod ako at naglakad palayo sa kanila. "You're grounded, Jhoyce! Hindi ka lalabas ng bahay na ito!" he shouted. Patakbo ko nang tinahak ang kuwarto at nang makarating doon ay agad kong sinarado ang pinto. They keep on telling me what to do. Palagi nilang pinapangunahan ang desisyon ko kahit hindi naman dapat. Dapat talaga noong sinabi ni Tita na sumama ako sa France ay ginawa ko na. Bakit ko ba kasi naisip 'yong mga taong maiiwan ko rito? Hindi ko rin naman maramdaman 'yong pagpapahalaga nila sa akin. "Jhoyce? Anak?" tawag ni Mommy mula sa labas ng kuwarto. Nanatili akong tahimik at hindi gumawa ng ingay. "Anak, pag-usapan naman natin 'to. Hindi sinasadya ng Daddy mo ang sinabi niya. Nag-aalala lang ang Daddy mo dahil malaki ka na. Kung magso-sorry ka sa kaniya ay baka bawiin niya pa ang sinabi niya sa’yo." "Para saan pa? Kahit ano namang sabihin ko ay lagi akong mali sa paningin niyo," bulong ko sa sarili. "Jhoyce?" Patuloy na tawag ni Mommy sa akin pero hindi ko ito pinansin. Dumiretso ako sa kama at dumapa. Sinubsob ko ang mukha sa unan at doon humagulgol ng iyak. Katulad ng sinabi ni Daddy ay nanatili ako sa loob ng kuwarto buong maghapon. Hindi ko na sinubukang lumabas pa o kausapin sila. Sa mga sumunod na araw ay dinalhan ako ng mga maids ng pagkain, pero minsan lang kung kainin ko ito. Wala rin akong ideya kung anong nangyayari sa labas ng bahay dahil naiwan ko ang cellphone sa kotse ni Daddy noong nag-away kami. Kasalukuyan akong nagsusuklay ng buhok nang marinig ang pamilyar na boses sa labas ng kuwarto. "Jhoyce? Si Ira 'to. Sabi ng Mommy mo ilang araw ka na raw hindi lumalabas ng kuwarto at hindi kumakain sa tamang oras." Nakarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok nito sa pinto. "Pwede mo ba akong papasukin? Kakaalis lang nina Tito Angelo dahil may biglaang meeting sila. Gusto mo bang pag-usapan natin ‘yan? May dala akong paborito mong pagkain." Binaba ko ang hawak na suklay sa lamesa at tumingin sa pinto. "Jhoyce?" tawag muli ni Ira. Tumayo ako at lumapit sa pintuan. "Sure ka bang wala na sina Daddy?" paniniguradong tanong ko. "Oo, umalis na sila." Hinawakan ko naman ang door knob at dahan-dahang binuksan ito. Sinilip ko muna ang hallway bago ko binalik ang tingin kay Ira. Binuksan ko ng malaki ang pinto para makapasok siya, dumiretso naman ito sa mini table at nilagay ang pagkain na dala-dala niya roon. "Kumusta ka?" nag-aalalang tanong nito. Sinarado ko muna ang pinto bago ko siya nilapitan at umupo sa harapan niya. "Grounded ako," simpleng sagot ko. Nakita ko naman ang paglapag niya ng cellphone at susi ng kotse niya sa lamesa. "Kaya pala ilang araw kitang hindi ma-contact. Nag-aalala na rin sina Luis at Anton sa'yo. Hindi naman kita agad mapuntahan dito dahil nagsunod-sunod 'yong photoshoot ko." Nilabas niya naman 'yong dala niyang pagkain na buffalo wings at milk tea. Agad niya naman akong inalok na kumain. Hindi na rin ako tumanggi dahil nagugutom na ako. "Na-cancel na rin pala 'yong interview mo sa sports magazine." Natigilan ako sa pagsubo at hindi ko mapigilang malungkot nang sabihin niya ang dahilan. "Ano pa lang nangyari?" tanong nito. "Nagkasagutan kami ni Daddy. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang ako tratuhin ni Daddy." Kinuwento ko naman kay Ira ang mga nangyari noong araw na nagkasagutan kami. Simula noong umalis ako ng condo niya hanggang sa sabihin ni Daddy na grounded ako. "Paano nalaman ng Daddy mo na nasa MTB Track ka?" tanong nito. Nagkibit balikat naman ako. "Ayon nga rin ang hindi ko maintindihan. Iniisip ko nga na baka pinapabantayan na naman ako ni Daddy sa mga tauhan niya katulad noong dati." "Sinabi mo na rin ba ang tungkol sa inyo ni Hendrix?" Umiling naman ako. "Baka nakadagdag din 'yon sa init ng ulo niya. Alam mo naman 'yong nangyari sa inyo, hindi ba? Tapos kinabukasan ay hindi ka pa mahagilap. Nag-aalala lang din ‘yon sa’yo." "Hindi ba dapat ako ang may karapatang magalit? Sinekreto nila sa akin ang lahat," saad ko. “Hindi niya naman kailangang gumamit ng ibang tao para sa kapakanan ko. Marami na siyang nadadamay, Ira.” "May point ka rin naman," pagsang-ayon niya. "Pero huwag kang mag-alala, nandito lang ako para suportahan ka." Lumapit naman ito sa akin at binigyan ako nang mahigpit na yakap. "Nararamdaman ko na 'yong buto mo. Ilang araw ka bang hindi kumain?" pabiro niyang sabi sa akin sabay tawa. Tinulak ko naman siya dahilan ng pagsanggi niya sa milktea at pagtapon nito sa lapag. "s**t!" pagmura nito at mabilis na tinayo ang natumba na milktea. Naghanap agad ako ng basahan pero napatigil ako nang makita 'yong susi ng kotse at cellphone niya sa lamesa. "Jhoyce, pamunas!" natatarantang sabi nito. "OMG! Natalsikan pa 'yong damit ko, wala pa naman akong pangpalit." Tinanggal niya naman ang suot na bag para mapunasan ng maayos ang damit. Alam kong nandoon 'yong pera ni Ira kaya lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob para tumakas ng bahay. "T-Teka, kukuha ako ng basahan sa baba." Tinignan ko si Ira na abala sa pagpupunas ng kaniyang damit. Kaya pasimple kong kinuha ang susi ng kotse at bag niya. Inilagay ko naman kaagad ito sa harapan ko para hindi niya makita at agad na bumaba. Dali-dali akong dumiretso sa labas at mabuti na lang dahil wala akong nakasalubong na bantay sa bahay. Sakto ring nakabukas pa ang gate kaya hindi ko mapigilang mapangisi sa naisip. Sumakay ako ng kotse at binuksan agad ang makina nito. "Jhoyce, anong ginagawa mo?!" rinig kong sigaw ni Ira mula sa taas ng kuwarto ko. Dumungaw ako sa bintana ng sasakyan niya. "Pahiram lang ako saglit, ibabalik ko rin kaagad!" sigaw ko pabalik. "Pahiram na rin pala ako ng pera mo. Babayaran ko, promise!" "Jhoyce, ano ba?!" "Thank you! Ikaw na muna bahala dyan, sorry!" pahabol kong sigaw. "Magagalit sa akin ang Daddy mo, Jhoyce!" Hindi ko na ito pinansin at agad na pinaandar ang sasakyan paalis ng bahay. Nagpaikot-ikot lang ako sa buong city at nang wala na akong ibang mapuntahan ay dumiretso na lang ako sa bar kung saan ako huling pumunta. Nakita ko naman agad 'yong bartender doon. Hindi ko pa rin makalimutan 'yong huling beses na pumunta ako rito. Gabi-gabi ay lagi akong napapaisip kung sino 'yong lalaking nakasama ko noong araw na nalasing ako. "Beer, please." Lumapit naman sa akin 'yong bartender at binigay 'yong order ko. Tinignan ko pa ito at nagbabakasakali na may sabihin tungkol sa nangyari noong nakaraan, pero mukhang hindi niya ako naalala. O baka naman ayaw niya lang akong maalala. Kinuha ko ang beer at ininom ko ito. Wala pa ako sa kalahati ng iniinom nang may lumapit na lalaki na naka-blue quilted bomber at brown slim chinos pants. Nakatingin ito ng diretso sa akin na para bang kilalang-kilala niya ako. "Hey! Remember me?" Napataas ako ng kilay at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Binalik ko ang tingin sa mata niya. "Sino ka ba?" tanong ko. He gasped in disbelief. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang braso ko. Agad naman akong napatayo at napaatras. Tinanggal ko rin ang pagkakahawak niya sa akin. "Talaga bang hindi mo ako matandaan?" he asked. Nanatili akong nakatingin sa kaniya at naguguluhan sa kinikilos niya. Bagong raket ba ito para makakuha ng pera sa ibang tao? Tinignan ko naman ang itsura niya at maayos naman ang pananamit nito. Mukhang mayaman din dahil sa mga pormahan niya. "Imposible namang hindi mo matandaan 'yon,” nakangusong sagot niya. Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pag-inom ng alak. "Franco, you are here again?" rinig kong sabi ng bartender. Franco? Familiar 'yong name niya. Natigilan ako nang maalala at agad na napaharap sa lalaki na 'yon. "Naalala mo na?" tanong nito nang mapansin na napalingon ako sa kaniya. Dahan-dahan naman akong tumango. "I remember you in VL Company. Ikaw 'yong lalaking naka-lipstick 'di ba?" "W-What?" "Really, Franco? Naka-lipstick ka?" natatawang asar naman sa kaniya ng bartender. "Tsk! Shut up, Emman!" pagbabanta nito. Hinarap niya naman ako at pinanlakihan ng mata. "What?" I asked. "Aside from that, wala ka na bang matandaan?" Nagsalubong naman ang kilay ko sa pag-iisip at agad na umiling sa kaniya. "Sure ka?" "Why? Nag-meet na ba tayo noon? Nakalaban sa car race?" sunod-sunod kong tanong at napailing ito. "Baka may utang ka sa akin?" I said while laughing. "What? Why would I borrow money from you? Hindi naman kita kilala." Nawala ang ngiti sa labi ko at kaagad nagseryoso. "Exactly! You don't know me and I don't know you, too. Why still bothering me?" "Parang kasalanan ko pa," he murmured. Hindi na ako nag-abala pang makipagsagutan sa kaniya at pinagpatuloy ang pag-inom ng beer. Inubos ko ang natitirang oras sa pag-inom ng alak. Alam kong pagbalik ng bahay ay pagagalitan din naman ako. Sasagarin ko na ang pag-inom dahil hindi ko alam kung kailan ulit ako makalalabas ng bahay. Nang mapansin kong malapit na magmadaling araw ay tumigil na ako. Hindi naman gaano karami ang nainom kong alak kaya makapagmamaneho pa ako ng sasakyan. Agad kong binayaran ang bills na in-order ko at dumiretso na sa sasakyan. Mabilis ko namang pinaandar ito para makauwi agad. Alam ko naman na bukas pa ng umaga makakarating ang parents ko. Kapag may mga biglaang meeting ang mga 'yon ay madalas sa hotel na sila tumutuloy. Sanay na akong mag-isa. Iniisip ko lang naman si Ira roon na naiwan ko, baka nag-aalala na siya sa akin. Hininto ko ang sasakyan nang makita ko ang stoplight. Naramdaman ko na ang hilo pero nanatiling kalmado ang katawan ko na para bang hindi nakainom. Napatingin ako sa gilid ng sasakyan ko na may mga grupo ng mga lalaki ang nakasakay roon at napakalakas ng tugtog. Lalong sumasakit ang ulo ko. Napatingin ako sa lalaking nagda-drive at hindi ko mapigilang mapangisi nang makilala siya. Ito 'yong mayabang na lalaking naka-itim na nakalaban ko noong nakaraan sa MTB Track. Natatandaan ko pa rin kung paano niya akong maliitin noon. Pinaingay ko ang kotse ng sasakyan para hamunin muli ito sa karera. Hindi naman ako nagkamali dahil pinaingay niya rin ang kaniyang sasakyan na para bang tinatanggap ang hamon ko. Nawala ang sounds at tanging mga pagsigaw lang ng mga kasama niya ang naririnig ko. Tinignan ko ang traffic light at may count down na itong ten seconds. "Let's get it on, baby!" Hinawakan ko nang mahigpit ang manibela. Sa huling beses ay binalik ko ang tingin sa mga lalaki sa sasakyan niya. Tignan natin kung sino ang mapapahiya sa huli. Binalik ko ang tingin sa traffic light at sinabayan ang pag-countdown nito. "In three... two... one." Tinapakan ko nang madiin ang pedal gas. Dahil madaling araw na ay maluwag ang kalsada, may mga sasakyan man pero bilang lang ito. Halos magkasabay lang ang kotse namin sa bilis ng pagpapatakbo. Nakita ko pa ang pagngisi ng lalaki nang tignan ko ito. Kahit malakas na ang tunog ng makina ng kotse ay rinig pa rin ang tawanan nila sa loob na halatang nag-e-enjoy. Hindi ko mapigilang mainis dahil alam kong minamaliit na nila ako sa isip. Inapakan ko ang clutch at kasabay nito ay ang pag-turn ko sa stick shift, kasunod nito ay ang pag-apak ko ng madiin sa pedal gas. Napangiti ako nang maunahan ko sila at halos malapit na ako sa dulo kung saan mag-e-end 'yong race. Agad akong kinabahan nang marinig ang sirene ng sasakyan ng pulis. Pagkatingin ko sa rear view mirror ay sinusundan kami ng mga pulis sa likuran. "s**t!" Hindi nila ako puwedeng mahuli. Tumakas lang ako kay Daddy at kapag nalaman nila ang ginawa ko ay madadagdagan na naman ang parusa ko. Inapakan ko ang pedal gas para lalo pang bilisan ang pagtakbo ng kotse pero nagulat ako nang biglang tumunog ang makina. Mabilis akong napatingin sa dashboard ng gas at nakita ko na ‘yong red line na nasa empty side na. Napalingon ako sa isang sasakyan na nauna. Tinignan ko muli ang sasakyan ng pulis sa likuran ko na malapit na akong maabutan. "Bwisit!" saad ko. Binalik ko ang tingin sa harapan pero nang mapansin ko ang aso sa gitna ng kalsada ay agad kong naapakan ang preno at niliko ang manibela. Dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko ay nagdiretso ang sasakyan at bumangga ito sa poste. The airbag deploys when the car hits the pole. Napapikit ako nang maramdaman 'yong hilo. Sinubukan kong igalaw 'yong katawan ko, pero para bang namamanhid na ito. Pagkalingon ko sa labas ng bintana ay may mga pulis na nakaabang sa gilid ng driver seat. Nakatulala pa rin ako at hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Para bang napakahina ng ibang tunog na naririnig ko. Inalalayan ako ng dalawang pulis na makalabas ng sasakyan. Pilit akong nagpupumiglas pero nanghihina pa rin ang katawan ko. Hindi nila ako pwedeng mahuli. "B-Bitawan niyo ako!" Patuloy kong sigaw sa mga nakahawak sa akin. Pilit nilang pinagdidikit ang dalawang kamay ko sa likuran at naramdaman ko na lang ang pagsikip ng isang bagay nang ilagay nila ang posas sa akin. "Miss Rivera, you are under arrest."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD