Chapter 7

2279 Words
Jhoyce's POV I woke up when I heard a sudden loud noise from the metals. I quickly touched my head after I felt dizzy. It's more than feeling off-kilter and usually gets worse when I move my head. It was as if I had undergone a head operation. Then, I recall flashes of memories about certain things that happened before I got here. Doon ko lang napagtanto ang mga nangyayari sa paligid ko. Nasa loob ako ng kulungan at tanging ako lang ang nandito. Tinignan ko ang aking katawan na may mga pasa at gasgas mula sa nangyaring aksidente kanina. Tumayo ako at lumapit sa rehas. Nilibot ko ang paningin sa loob ng police station at napansin ang dalawang lalaki sa kabilang selda na nag-uusap. Habang ang mga police naman na nakikita ko sa harapan ay abala sa kani-kanilang mga ginagawa. "Buti naman gising ka na. Parating na ang parents mo, tinawagan na namin kanina noong tulog ka pa." Natulala ako nang marinig 'yon sa isang police na lumapit sa akin. Agad kong inabot ang braso niya, pero binawi niya ito agad. "Officer, hindi pwedeng malaman ng magulang ko na nandito ako. Tawagin niyo na lang po 'yong kaibigan ko," pagmamakaawa ko. "Mga bata nga naman," napapailing na sagot nito. "Iha, kanina pa namin na-contact ang magulang mo, baka malapit na rin ang mga iyon. Bakit mo ba kasi naisipang gawin 'yon kung takot ka naman pala malaman ng magulang mo?" "Please, officer. Pwede niyo naman pong tawagan sila ulit at huwag nang papuntahin dito." "Gusto mo bang habang buhay na nasa kulungan na lang?" pananakot nito. "Mabuti nga at tinawagan pa naman sila." Mas gugustuhin ko pang nasa kulungan kaysa ang makasama sila. "J-Jhoyce? Jhoyce?!" Lahat ay natigilan nang marinig ang malakas na boses ng babae na nanggaling sa may entrance. Napansin ko roon si Mommy na inikot ang tingin sa kung saan-saan at para bang kagagaling lang nito sa pagtulog dahil magulo pa ang kaniyang buhok at agad na lang sinuot ang jacket. Nakasunod naman sa kaniya sina Daddy, Ira at si Hendrix. Ano na namang ginagawa niya rito? Paano niya nalaman na nandito ako? Paniguradong sinabi na naman sa kaniya ni Daddy ang lahat. "Where's my daughter?" naluluhang tanong ni Mommy. Napansin naman ako agad ni Ira kaya tinuro niya ang puwesto ko kina Mommy. Patakbo naman silang lumapit sa akin at halos lahat sila ay nag-aalala, maliban kay Daddy. Ano pa nga ba ang ine-expect ko? My Mom asked me, "anak, sinong naglagay sa'yo rito?" "Jhoyce, kumusta ka?" Hendrix asked. "Jhoyce, are you okay?" Ira asked. Lahat sila ay natataranta na nakatingin sa akin, habang nanatiling tahimik naman si Daddy sa gilid nila. Hindi ko sila sinagot lahat at napayuko na lang. "Anong nangyari, anak? Paano ka napunta rito? May nakaaway ka ba? Bakit may mga sugat at pasa ka sa katawan? Diyos ko po!" sunod-sunod na sabi ni Mommy. Inabot ni Mommy ang kamay ko at hinawakan nang mahigpit. "May ginawa ba sila sa iyo? Sinaktan ka ba nila?" "Mom!" may diing sagot ko at napatigil siya. Naramdaman ko ang pagluwag ng kamay niya kaya agad ko itong binawi. "Hindi niyo na dapat ako pinuntahan," sagot ko. Tinignan ko naman sila isa-isa na para bang nagulat ito sa sinabi ko. "Nakakahiya naman po sa inyo na na-istorbo ko pa." Nilipat ko ang tingin kay Hendrix. "Hindi ka na sana nag-abala pa." "J-Jhoyce," tawag niya. "Ganiyan ba 'yong anak na pinalaki mo?" rinig kong tanong ni Daddy sa gilid. Nanatiling nakatingin ito sa malayo at para bang pinaparinig lang ito sa akin. Agad naman itong napansin ni Mommy. "Hon, please," pag-awat sa kaniya ni Mommy. Lumapit naman ang isang police sa kanila. "Mr. and Mrs. Rivera?" "Yes?" tanong ni Mommy. "Pwede ko po ba kayong makausap regarding sa anak niyo?" Napatingin muna sa akin si Mommy bago siya tumango sa police na nasa harapan niya. Hinawakan din nito ang braso ni Daddy at sumunod silang dalawa sa police. "Jhoyce, ano ba talagang nangyari?" tanong sa akin ni Ira. "Naghamon ako ng car racing sa kalsada," nakangusong sagot ko. "Sino namang matinong maghahamon ng karera?!" inis na sagot nito. "Lasing ako kay---" "What?! Nag-iisip ka ba talaga? Bakit naman nag-drive ka pa ng lasing?" Napatigil ako sa pagsasalita nang putulin niya ito. Parang hindi niya naman ginagawa ang ginawa ko. Siya kaya palagi ang nagda-drive ng naka-inom. "Nasaan 'yong kotse ko?" Napakagat labi ako nang maalala 'yong nangyari sa kotse niya. "Jhoyce? 'Yong kotse ko, nasaan?" "Hindi ko alam," mabilis kong sagot. "Nawalan ng gas 'yon kaya nahuli ako ng mga pulis agad. Hindi ko alam kung saan nila dinala 'yon." Pinanliitan niya naman ako ng mata na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko. Ayoko namang sabihin na nabangga ko 'yong kotse niya sa poste at baka tuluyan na akong hindi makalabas sa kulungan na ito. "Yare ka talaga sa akin," pagbabanta nito. Sa susunod ko na lang siya po-problemahin kapag natapos ko na ang isang 'to. Iniwas ko ang tingin kay Ira at nagtama naman ang mata namin ni Hendrix. Nandito pa pala ito. Akala ko umalis na. "Jhoyce," tawag niyang muli. Hindi ko ito pinansin at nilingon si Ira. "Bakit nandito 'yan?" tanong ko rito. Nagkibit balikat naman ito at tinuro si Daddy na kausap ng isang police. Binalik ko ang tingin kay Hendrix. "Sige na, umalis ka na. Nandito naman silang lahat para sabihin sa akin 'yong mga maling nagawa ko. Hindi ka naman kailangan pa rito at baka istorbo pa ito sa ginagawa mo." Naramdaman ko ang paghawak ni Ira sa kamay ko nang mahigpit. "Hayaan mo na, nag-aalala lang din 'yong tao sa'yo," bulong nito. "Nag-aalala? Imposibleng mag-alala 'yan sa akin. Parang noong nakaraang araw nga lang ginamit niya pa ako para sa makakuha siya ng pera kay Dad," natatawang tugon ko. "Tama ka," sagot ni Hendrix. "Alam ko. Kaya sige na at umalis ka na rito. Sayang 'yong oras mo sa pag-aalala sa akin, hindi ko naman mababayaran 'yan." Ngumiti ito at tinignan ako sa mata. "Naiintindihan ko kung galit ka pa rin sa akin. Tatanggapin ko lahat ng masasakit na salitang ibabato mo. Pero huwag mo naman sana akong tulaking palayo, Jhoyce. Tao lang din naman ako at nasasaktan." Kapag ganitong nagda-drama siya ay hindi na umeepekto sa akin. Alam kong gusto niya lang na kaawaan siya ng iba at magmukhang ako ang may kasalanan sa huli. "Sige, yosi muna ako sa labas," paalam nito. Tinignan niya lang ako bago siya umalis. "A-Aray!" daing ko nang maramdaman ang kurot ni Ira sa braso ko. Sinamaan ko naman ito ng tingin, pero hindi naman siya nagpatalo sa akin. "Baka nakakalimutan mong nasa police station tayo, Ira? Pwede kong sabihin sa kanila 'yong ginawa mo at para masamahan mo ako rito sa loob." "Sige, para masambunutan kitang gaga ka." Tinaasan ko naman ito ng kilay at nginusuan na lang. Napakasadista talaga kahit kailan. Ilang minuto pa kaming naghintay hanggang sa may lumapit na police at inalis ang kandado sa may selda ko. "Napiyensahan ka na," wika ng officer kanina, na nakausap ko. "P-Po?" tanong ko. Para bang nabingi ako sa sinabi nito. "Mabuti na lang at nandiyan ang magulang mo," pagtutuloy niya at 'saka ako pinalabas. Nagtataka naman akong napatingin sa magulang ko na nakaupo sa may dulo. Napapunas pa si Mommy ng luha at wala pa ring reaskyon ang mukha ni Daddy. Hindi ko naman ini-expect na makakalabas ako agad dito, lalo na at alam ko sa sarili na mabigat ang ginawa kong kasalanan. Iba talaga ang nagagawa lalo na kung may kapit ang magulang mo sa may mataas na posisyon dito. Hindi na nakakapagtaka na ginamit na naman nila ang pera para makalabas ako ng kulungan. "Salamat po," sagot ni Ira sa gilid. Hindi naman agad ako nakapagsalita nang umalis na ang police sa harapan ko. "Tara na, Jhoyce. Hintayin na lang natin ang magulang mo sa labas." Tinignan kong muli ang pwesto nila Daddy na abala na sa pakikipag-usap sa pulis habang hinihila naman ako ni Ira palabas ng station. May liwanag na sa labas pero konti lang ang mga taong dumadaan. Hindi ko mapigilang matulala at maisip 'yong nangyari kanina. "Kailangan ko bang mag-sorry dahil nakalaya agad ako o kailangan ko silang pasalamatan?" tanong ko sa sarili. "Anong sabi mo?" tanong ni Ira na mukhang narinig ang pagsasalita ko. Tinignan ko naman siya at umiling. "Nasaan na kaya 'yon si Hendrix?" tanong nito. Hindi ko mapigilang mapangisi at maisip na umuwi na 'yon. Tama nga ang hinala ko, na nagdadahilan lang 'yon na pumunta rito. Napatingin naman kaming dalawa ni Ira nang bumukas ang pinto at lumabas sina Daddy roon. "Let's go, Jhoyce. Umuwi na tayo," utos nito. Agad naman akong pumunta sa likod ni Ira. "Sa kanila Ira po muna ako tutuloy," pagdadahilan ko. Ayoko na munang bumalik sa bahay. "Hindi ka ba nahihiya sa kaibigan mo?" Hinawakan ko naman ang braso ni Ira para tulungan niya ako kay Daddy. "O-Okay lang naman po, Tito. Wala na---" "No, Ira!" pagpigil ni Dad sa kaniya. Nakita ko naman ang pagtalon ni Ira dahil sa gulat. "Let's go, Jhoyce!" Lumapit sa akin si Daddy at hinawakan nang mahigpit ang braso ko. "D-Dad, ayoko nga po." Pilit kong inaalis ang pagkakahawak nito sa akin. “Dad, nasasaktan na ako.” Wala namang magawa si Mommy dahil alam niyang mainit ang ulo ng asawa nito. "Ano ba ang gusto mong mangyari? Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!" sigaw nito. Binitawan niya naman ang pagkakahawak sa braso ko at nakita ko ang pamumula no'n. Hinawakan ko naman ito at tinignan ng masama si Daddy. "Hindi mo ba alam na 'yong ginagawa mo ang makakasira sa kumpanya natin? Apilyido ko ang dinadala mo, Jhoyce! Tandaan mo 'yan! Kaya kapag may mali kang ginawa, sa akin 'yon bumabalik! Sa kumpanya natin!" sigaw nito. "Kumpanya na naman? Kumpanya na lang ba ang mahalaga sa'yo, Dad?" tanong ko. Natigilan naman agad ito at natahimik 'yong iba. "Paano naman ako? Mas mahalaga pa ba 'yon, kaysa sa sarili mong anak?" Mabilis kong pinunasan 'yong luha sa pisngi ko nang bigla itong tumulo nang hindi ko namamalayan. Napabuntong hininga muna ako bago ko binalik sa kanila ang tingin. "Mukhang mas alam mo pa ang takbo ng kumpanya mo kaysa sa nangyayari sa anak mo. Natatandaan mo pa ba kung kailan mo ako binati ng good morning at halikan ako sa noo bago matulog? Hindi 'di ba? Dahil sa tuwing magkikita tayo ay laging kumpanya na lang ang binabanggit mo sa akin!" "Ginagawa ko 'yon para sa'yo." "Hindi, Dad,” napapailing na sagot ko. “Ginagawa mo 'yon para sa sarili mo. Hindi para sa akin, kung hindi para sa iyo!" Kinagat ko ang labi ko at pinipigilan na huwag lalong umiyak. "Kapag may mali sa trabaho mo, ang bilis mo kaagad hanapan ng solusyon. Pero alam mo pa ba ang nangyayari sa pamilya na 'to? Unti-unti nang nawawala, Dad. Nakalimutan ko na nga rin kung kailan tayo nagsabay-sabay kumain. Ginawa mo ng buhay ang trabaho mo. Samantalang kami na pamilya mo, parang past time mo lang." Napalingon ako kay Hendrix nang makita ang paglapit nito sa amin. Binalik ko ang tingin kay Daddy na hanggang ngayon ay hindi pa rin makasagot. "Alam niyo po ba ang dahilan ng paghihiwalay namin ni Hendrix?" pag-uumpisa ko. Lahat naman ay nagulat at nagpabalik-balik ang tingin sa akin at kay Hendrix. "Siguro ay kung nasabi ko lang ito noon sa inyo ay hindi niyo na ako pinilit sa kaniya. Alam niyo po ba ang ginawa ng gagong 'yan sa akin? Niloko niya ako. Pinagpalit niya ako!" "Bakit hindi mo kaagad sinabi sa amin, Jhoyce?" singit ni Mommy. "Dahil noong nalaman kong niloloko niya ako ay abala kayo ni Daddy na kausapin 'yong mga business investors niyo. Sinubukan kong lumapit sa inyo, Dad... Mom. I swear, sinubukan ko. Pero noong panahon na lumapit ako, alam niyo ba ang sinagot niyo sa akin?" Tinignan ko si Mommy at Daddy. "Tinanong niyo lang naman sa akin kung mahalaga ba 'yong sasabihin ko dahil mas importante pa ‘yong ginagawa niyo noon! Isa lang naman 'yong hinihiling ko sa inyo noon, na kahit isang gabi lang ay makuha ko naman ang atensyon niyo. Na ako naman 'yong bigyan niyo ng pansin, kaso hindi. Pinamukha niyo sa akin na wala akong halaga sa inyo!" Pagkatapos ko sabihin 'yon ay tuluyang bumuhos ang luha sa pisngi ko. "Kaya naiinis ako sa tuwing pinipilit niyo ako kay Hendrix. Naiinis ako pero hindi ko pa rin magawang magalit sa inyo. Bakit? Dahil magulang ko kayo at alam ko na kayo pa rin ang nagpalaki sa akin. Oo, nagrerebelde ako. Paulit-ulit kong ginagawa 'yong mga ayaw niyo kahit ilang beses niyo na akong pinagsabihan. Pero nagagawa ko lang naman 'yon dahil gusto kong mapansin niyo ako at ako naman ang piliin niyo." "I'm sorry, anak. Patawarin mo kami ng Daddy mo. Hindi namin alam," saad ni Mommy. Katulad ko ay patuloy rin nitong pinupunasan ang luha niya. Nang tignan ko si Daddy ay nakatingin lang ito sa sahig at hindi magawaang makapagsalita. "Kaya please... kahit isang gabi lang? Isang gabi lang naman ang hinihingi ko, e. Hayaan niyo muna akong tumuloy kina Ira. Gusto ko munang mapag-isa." Pinunasan ko ang luha ko nang wala akong marinig na sagot mula kay Daddy. Lumapit ako kay Ira at hinila ito, wala naman itong nagawa at nagpadala lang sa akin. Bago ako tumalikod sa kanila ay nakita ko ang magkaibigang suot ni Daddy na sapin sa paa. Doon ko naisip ang pagmamadali nina Daddy kanina na makarating dito at kahit papaano ay may pakialam pa rin sila sa akin hanggang ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD