Jhoyce's POV
Noong sabihin sa akin ni Mommy na pupunta kami kina Tita Carla sa France ay alam kong may mali na. Hindi nila ako kailanman sinasama kapag umaalis sila at alam kong excuse lang si Tita noong sabihin nila sa akin 'yon. At hindi nga ako nagkamali.
Pagkarating namin sa bahay nina Tita Carla ay nangamusta lang sila at agad na rin kaming umalis. Wala man lang silang sinabi sa akin. Sa hotel kami nag-stay at kinagabihan ay inabot sa akin ni Daddy ang isang fitted yellow dress at black stiletto heels. Wala naman akong nagawa kung hindi suotin ito.
I looked at myself in the mirror. All I saw was a stranger staring back. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay sa mga ganitong set-up.
"Jhoyce, let's go. We're late!" Dad shouted outside my room. Mabilis naman akong sumunod sa kanila at dumiretso na sa sasakyan. Nakarating kami agad sa isang Japanese Restaurant.
Hindi ko alam kung bakit nila ako sinama rito, pero alam kong hindi business meeting ang pupuntahan namin. Nasanay na ako sa mga set up na ginagawa ng parents ko sa akin.
"Jhoyce, stand straight," utos ni Daddy. Napabuntong hininga ako at sinunod na lang siya. Lumapit ang parents ko sa isang rectangular table, pero may mga tao na roon. Halos kasing edad lang ng parents ko ang mag-asawa na nakaupo roon. Halata sa mga mukha nila na may mga lahi, pero marunong sila mag-Tagalog.
Nag-usap sila tungkol sa business at dahil wala naman akong alam doon ay lumapit ako kay Mommy.
"Mom, powder room lang ako," I whispered. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis na naglakad papunta sa banyo. Dahil sa pagiging lutang ay hindi ko napansin ang lalaking kasalubong ko kaya nagkabungguan kami.
"Watch your step, Lady," paalala nito. Hindi ko naman ito pinansin at dumiretso lang sa banyo.
Ilang minuto akong nandoon at bumalik na rin dahil nakita ko ang sunod-sunod na text ni Mommy sa akin. Hindi talaga nila kaya na mawala ako sa paningin nila nang matagal.
"She's here." Napalingon naman sa akin ang mga taong nasa lamesa. Napansin ko rin ang isang lalaki roon na kasing edad ko lang. Hindi ko siya nakita kanina, mukhang kakarating niya lang.
"She was the one I told you, Mr. Vielle. She will inherit the Rivera's Company soon," nakangiting sabi ni Daddy habang nakatingin sa akin. Napakunot ang noo ko nang ipaghila ako ng lalaki ng upuan sa tabi ni Daddy. Nagpasalamat na lang ako at umupo na.
"He's such a gentleman," Mom said. Napansin ko namang tinapik sa balikat ng matanda 'yong lalaki kanina. And I saw him mouthed a good job to his son.
Napakunot ang noo ko habang inisiip kung saan ko na-meet 'yong lalaki sa harap dahil pamilyar ang itsura nito.
They will still talking habang kumakain kami. Hindi ko na lang sila pinakinggan dahil wala naman akong pake sa pinag-uusapan nila.
"By the way, the kids don't know each other yet," Dad said.
Kinuha ko na lang ang glass ng water sa harapan ko at ininom. Nasa kalahati pa lang ako ng iniinom ko nang marinig ang sinabi ni Dad sa akin, dahilan ng pagbuga ko ng tubig sa bibig at tumama sa mukha ng lalaking kaharap ko.
Napapunas ako ng labi at wala na akong paki-alam sa sasabihin ng iba nang padabog akong tumayo.
"Pardon?" nanlalaking matang tanong ko.
"Jhoyce, this is Franco Vielle, your fiancé."
"F-Fiancé?" Halos mawala ang boses ko nang sabihin 'yon. Nagkatinginan silang lahat at para bang nag-uusap ang mga mata nila. Nang mapadako ang tingin ko sa lalaking kaharap ko ay nakatingin lang din siya sa akin habang pinupunasan ang kaniyang mukha.
Natatandaan ko siya. Siya 'yong nakausap ko sa bar noong araw na nahuli rin ako ng mga pulis. Siya rin 'yong kambal ni Mr. Francis Vielle na nakita ko sa VL Company.
Akala ko ba meet up lang, pero bakit may biglaang desisyon naman sila? Hindi man lang tinanong sa akin kung papayag ba ako o hindi. Ano pa nga ba ang inaasahan ko sa kanila? Kaya nilang ibenta ang sariling anak para sa negosyo.
"Jhoyce!" May pagbabanta sa boses nang tawagin ako ni Daddy. Napakuyom ako ng kamay at pinipigilan kong huwag mag-iskandalo sa harap ng ka-meeting nila. Inayos ko ang upuan at umupo ulit.
"S-Sorry."
"It's okay," sagot ng mag-asawang Vielle.
"Just what I've said earlier, he's your fiance," saad ni Daddy.
Hanggang ngayon ay nauuso pa rin pala ang arrange marriage. Kung alam ko lang na ganito ang pupuntahan namin, hindi na sana ako sumama sa kanila.
May mga pinag-usapan pa sila tungkol sa mga plano nila para sa kasal ng lalaking katapat ko. Pero nanatili akong walang kibo dahil hindi ko pa rin tanggap 'yong desisyon na ginawa ng magulang ko para sa akin.
Sumusobra na sila.
"Jhoyce, why don't you talk to your fiance para naman magkakilala kayo?" sabat ni Mommy sa gilid. Lahat naman sila napatingin sa akin at inaabangan ang sasabihin ko. Naramdaman na siguro nila ang pananahimik ko simula pa kanina.
"I'm sorry, I need to go to the washroom," paalam ko. Tumayo naman ako at bago pa ako makalayo ay narinig ko ring nagpaalam si Franco sa kanila.
Bakit ba ayaw nila akong lubayan?
"Jhoyce, saglit!" pagpigil nito sa akin. Napahinto ako nang hawakan niya ako sa braso. Hinarap ko naman ito at tinitigan sa mata.
"Get your hand off of me!" banta ko sa kaniya. Mabilis naman niya itong tinanggal at napalayo ng dalawang hakbang. "Natatandaan mo pa b--- Jhoyce!"
Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya nang pumasok na ako sa loob ng banyo. Hindi naman siya kaagad nakasunod sa akin.
Bakit ba sa tuwing nakikita niya ako ay palagi na lang gano'n ang tanong niya?
Pumunta naman ako sa pinakadulo na cubicle. Nilabas ko ang cellphone at dinial ang number ni Ira, kaso nakailang ring na ako pero hindi niya sinasagot. Kung kailan kailangan na kailangan ko siya, 'saka naman siya hindi nagpaparamdam. Ano na kayang nangyari roon?
Dahil wala naman akong ibang magawa rito ay lumabas na rin ako pagkatapos ko maghugas ng kamay. Laking gulat ko nang makita si Franco sa labas ng washroom, mukhang kanina pa nag-aabang sa akin.
"Jhoyce," nakangiting tawag niya.
"What do you want?" inis kong sagot.
"Bakit ba palagi kang naghahamon ng away kapag nagkikita tayo?"
"Ano bang pakialam mo?" Nawala naman ang ngiti niya. "Kung wala kang sasabihin, umalis ka sa harap ko. Ang laki mong harang." Gumilid naman kaagad siya kaya nakadaan ako. Pero nakailang hakbang pa lang ako ay nagsalita na ito.
"Bakit ba ang laki ng galit mo sa akin? Akala mo ba gusto ko rin 'to?" Nilingon ko siya at nakita ko ang pagkaseryoso nito.
"Bakit hindi ba? Baka ikaw pa nga ang nagsabi sa parents ko na ipagkasundo ako sa iyo."
"Wow!" napapailing na sagot niya. Napahawak naman ito sa kaniyang noo at hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Naririnig mo ba 'yong sinasabi mo? Para namang pinapalabas mo na patay na patay ako sa'yo."
"Bakit hindi ba?" pagputol ko sa sinasabi niya. Nakanganga naman ito at nanlalaki ang kaniyang mata. "Kaya pala sa tuwing makikita mo ako ay palagi mo na lang na pinapamukha na magkakilala tayo."
"Dahil lang doon kaya nasabi mong may gusto ako sa'yo?" Napaiwas ako ng tingin. Alam kong nasabi ko lang 'yon dahil wala akong maisip na ibang dahilan. Narinig ko ang ilang pagmumura niya bago siya muling nagsalita. "Ganyan ba kataas ang tingin mo sa sarili? Hindi lang naman ikaw ang biktima rito, Jhoyce. Hindi lang ikaw ang nasasaktan at naiinis sa mga nangyari kanina. Isa pa, hindi ko ginusto na matali sa babaeng hindi ko naman talaga mahal."
Napatulala ako sa mga narinig ko sa kaniya. Gumilid ako nang maglakad siya sa gawi ko. Hindi ko na naman mapigilang mainis sa sarili ko.
Kahit kailan talaga hindi ka marunong mag-isip bago magsalita, Jhoyce.
Bumalik naman ako sa lamesa at pansin ko ang pananahimik ni Franco. Ayoko namang magtagal pa rito kaya nag-isip na ako ng paraan. Umarte ako na masama ang pakiramdam ko kaya naman napatingin sila lahat sa akin maliban kay Franco.
"What happened, Jhoyce? Ayos ka lang ba?" may pag-aalalang tanong ni Mommy sa tabi ko. Hinawakan ko naman ang ulo ko at umarteng nahihilo.
"Bigla po yatang sumama ang pakiramdam ko," sagot ko.
"Are you okya, Iha?" tanong ng Mommy ni Franco. Tumango naman ako at ngumiti.
"O-Okay lang po."
"Pwede bang ituloy na lang natin 'to sa susunod?" rinig kong tanong ni Mommy sa kanila. Hinawakan ko naman ang braso ni Mommy.
"Mom, okay lang po ako. Kailangan ko lang yata ng pahinga. Pwede bang mauna na muna ako sa hotel?"
"You sure, anak?" Tumango naman agad ako.
"I'll take a cab na lang po."
"No, it's too dangerous," sagot ng Daddy ni Franco. Hinarap naman nito ang anak. "Franco, ihatid mo si Jhoyce sa hotel na tinutuluyan nila."
"Po?!" biglang sagot ko. Napaharap naman sila sa akin. "Kaya ko naman po ang sarili ko," dagdag ko. Nginitian ko naman sila para hindi sila maghinala pa.
"Yes, Dad." Nilingon ko si Franco nang sabihin niya 'yon. Tumayo naman ito at kinuha ang coat na nakasabit sa upuan niya.
"Thank you, Franco," sambit ni Mommy. Habang tinanguan naman siya ni Daddy.
"Mag-iingat kayo," wika ng Mommy ni Franco. Wala na akong nagawa nang lumapit si Franco sa akin. Kinuha ko ang pouch na dala ko at 'saka naman ako inalalayan ni Franco palabas ng restaurant. Nang makalabas at alam kong hindi na nila kami makikita sa loob ay lumayo kaagad ako kay Franco.
"Kaya ko na ang sarili ko. Pwede ka nang bumalik sa loob." Akala ko ay magugulat siya dahil nakaya kong tumayo ng maayos na parang kanina lang ay lantang gulay ako. Tinignan niya lang ako ng walang reaksyon.
"It's fine. Ihahatid na kita."
"I can handle myself," giit ko.
"Huwag kang makulit. Parehas tayong mapapagalitan kung hindi kita mahahatid sa inyo." Lumapit naman ito sa black na sasakyan at pumunta sa may side ng driver seat. "Sumakay ka na. Huwag kang maghintay na ipagbukas pa kita ng pinto."
"Tsk," singhal ko. Sumunod naman ako sa kaniya pero sa likod ako sumakay at hindi sa passenger seat. Nagkatinginan naman kami sa may rear view mirror.
"What are you doing?" kunot noong tanong nito.
"Nakaupo," sarcastic kong sagot. "Hindi mo ba nakikita?"
"I mean, anong ginagawa mo dyan? Dito ka umupo sa may passenger seat." Turo niya sa may bakanteng upuan sa harapan.
"Ayoko."
"Hindi mo ako driver at hindi kita amo kaya umupo ka sa passenger seat!" Nakabusangot ang mukha kong lumabas ng kotse para lang lumipat sa passenger seat. Sinuot ko naman agad ang seatbelt kaya in-start niya na rin ang kotse.
Pagkatapos kong ituro sa kaniya 'yong hotel ay hindi na ako nagsalita pa. Nakatutok lang din naman siya sa daan kaya walang pansinan ang nagaganap sa aming dalawa. Hindi ko alam kung galit pa rin ba ito sa akin dahil sa sinabi ko sa kaniya kanina o wala lang talaga siyang balak pansinin ako.
Nakarating ako sa tapat ng hotel nang wala kaming kibuan. Bumaba kaagad ako sa sasakyan niya nang hindi man lang nagpapasalamat. Hindi naman siya nagreklamo dahil umalis kaagad siya.
Dumaan muna ako sa may malapit na store at bumili ng limang cans na beer at 'saka dumiretso sa hotel room. Alam ko namang matatagalan pa sina Daddy kaya uminom muna ako. Ginawa ko lang din ito para mabawasan ang pag-iisip ko sa mga desisyon na ginagawa ng parents ko para sa akin.
Nilibang ko ang sarili ko para mahintay sina Daddy. Ayoko namang matulog lang nang hindi nasasagot lahat ng mga tanong sa isip ko. Ilang sandali pa ang sabay sina Mommy na pumasok sa may pintuan.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Mommy sa akin, pero hindi ako sumagot. Nanatili akong nakatayo habang nakaharap sa kanila. "Naihatid ka ba ni Fr---"
Natigilan si Mommy nang makita ang can ng beer sa lamesa. Lumapit naman ito sa akin at inamoy ako.
"Uminom ka ba?" Kinuha naman ni Mommy ang plastic sa lapag at nilagay ang mga can na naubos. "Akala ko ba masama ang pakiramdam mo. Bakit ka naman uminom, Jhoyce?"
Lumapit ako kay Mommy at hinawakan ang kaniyang braso. Napatigil naman ito at hinarap ako.
"May kailangan ka ba? Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?" Mapupungay ang mga mata ko nang tignan ko siya ng diretso.
"Bakit niyo naman ginawa sa akin 'yon?" bulong ko. "Paano niyo nagawang ipagkasundo ako sa lalaking hindi ko naman kilala?"
Alam kong naiintindihan ni Mommy kung ano ang tinutukoy ko, pero iniiwasan niya ito.
"Jhoyce, halika at ihahatid na kita sa kwarto mo." Nilapag niya naman ang hawak na plastic at lumapit sa akin, pero mabilis akong umiwas.
"Mom!" sigaw ko. "Bakit niyo ginawa' yon?!"
Tinignan niya naman si Daddy na nakatayo sa may gilid. Nanatili itong tahimik habang inaayos ang kaniyang mga gamit.
"Tama nga ang hinala ko. Ginawa niyo lang si Tita Carla na excuse para sumama ako sa inyo." Kusa nang tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa kanila. "Bakit? B-Bakit niyo nagawa sa akin 'to?"
Biglang nanghina ang mga tuhod ko at napaupo ako sa may sofa.
"Ginawa ko naman ang mga gusto niyo. Nakipag-date ako sa mga lalaking sini-setup niyo sa akin araw-araw. Ano pa bang kulang? Paano niyo nagawang i-sacrifice 'yong nag-iisang desisyon ko sa buhay? Bakit parang ang bilis lang ninyo magdesisyon?" Pinunasan ko ang luha sa pisngi. Lumapit ako kay Daddy na nakatulala lang sa gilid.
"I can't believe that you will do this to me, Dad!" may diing wika ko habang napapailing. "I'm very disappointed in both of you."
Tumalikod ako at naglakad palayo sa kanila. Pero natigilan ako nang marinig ang sinabi ni Daddy.
"Ginawa ko lang 'yon dahil nalulugi na tayo, Jhoyce. Kung hindi pa ako kikilos ay tuluyan nang mawawala sa atin ang kumpanya. Wala akong ibang maisip na paraan kung hindi ang ipagkasundo ka sa iba." Nilingon ko si Daddy at nakita ko ang pamumula ng mga mata nito habang nakatingin sa akin. "Hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Ayokong maulit 'yong panahon na nilalait nila ako dahil wala akong magawa para sa sarili ko, para sa pamilya ko."
"D-Dad."
"Ngayon, kung ayaw mong magtrabaho sa kumpanya natin, pwes gumawa ka naman ng desisyon na tama. Pakasalan mo ang anak ni Mr. Vielle. Pakasalan mo si Franco Vielle."