Jhoyce's POV
May mga bagay talaga na hindi natin kontrolado. Maraming pangyayari na hindi natin kailanman maiiwasan. Pangyayari na hindi natin magugustuhan at susubok sa katatagan natin bilang tayo. Pero paano kung kontrolado mo talaga ang buhay mo? Pero natatakot ka lang sumubok dahil hindi mo alam kung magiging tama ba ang desisyon mo. Kaya sa huli mas pinili mo na lang maging tahimik at magsunod-sunuran.
"Jhoyce!" I glanced up and faked my smile when my Dad called me. His gaze drifts from me to the door. "Let's go. Kanina pa tayo hinihintay ng mga Vielle."
Tumayo naman ako at lumapit sa kanila. Nanatili akong tahimik hanggang sa makarating kami sa restaurant. Isang simpleng lunch na naman kasi ang magaganap sa family namin at family ni Franco. Alam ko naman na continuation lang ito ng pag-uusap nila kahapon.
Noong nalaman ko kagabi kay Dad kung bakit pinagkasundo ako kay Franco ay wala akong nagawa. Hindi ko magawang makasagot kaya naging mabilis lang ang sagutan namin. Kaya simula kaninang umaga ay parang may sarili utak ang katawan ko na sinusunod ang bawat utos ng parents ko. Masyado nang pagod ang utak ko para mag-isip pa.
Bago kami makapasok sa loob ay hinawakan ni Daddy ang braso ko para patigilin. Agad namang napadako ang tingin ko sa kaniya.
"I know that this is too much to bear, pero sana matulungan mo kami, Jhoyce."
Gusto kong sabihin sa kanila na ayokong pumayag sa kagustuhan nila. Pero ayaw ko rin naman iwan ang parents ko sa baba habang nahihirapan.
Tumango lang ako sa kaniya at inulit na naman ang pekeng ngiti na kanina ko pa pinapakita.
"Salamat, anak." Naramdaman ko ang paghaplos niya sa braso ko bago siya naunang pumasok sa loob at sumabay kay Mommy.
Bakit gano'n? Bakit ako na lang palagi ang nagsa-sacrifice para sa kanila?
Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha sa aking mata. Agad ko namang pinunasan 'yon sa takot na baka makita ako ni Daddy. Sumunod naman ako sa kanila sa lamesa at napansin ko na hinihintay ako ng Vielle Family.
Katulad ng nauna naming pagkikita ay pinaghila muli ako ni Franco ng upuan nang makalapit ako sa kanila.
"How are you, Jhoyce? Okay na ba ang pakiramdam mo?" Mrs. Vielle asked. Tumango naman ako at ngumiti. "That's good to know. Mabuti na lang at napainom ka kaagad ni Franco ng gamot."
Pinainom ng gamot? Wala akong natatandaan na ginawa niya 'yon.
Mabilis ko namang tinignan si Franco na abala sa pag-inom ng kape. Alam kong iniiwasan niya ang mga tingin ko simula pa kanina.
Paano niya nagawang magsinungaling sa magulang niya?
"Y-Yes po. Thanks to him, medyo gumaan ang pakiramdam ko," sagot ko. Ayoko na lang lumaki pa ang gulo.
"Anyways, how old are you again, Iha?"
"I'm twenty-two po," I answered.
"Really?" she replied. "Franco was already twenty-four, but he's still acting like a kid," natatawang ani nito.
Naramdaman kong nakatingin si Franco sa akin kaya nilingon ko siya ng bigla. Nagulat naman ito kaya nasamid siya sa kaniyang iniinom. Natapon ang konting kape sa damit niya kaya napatayo ito nang maramdaman ang init sa balat.
Kinagat ko ang labi para pigilan na huwag tumawa sa katangahan niya.
"Are you okay?" I asked. Lumapit naman ako sa kaniya at kumuha ng tissue sa table. Tinulungan ko ito na punasan ang natapon na kape sa damit niya. "Mag-ingat ka kasi sa susunod."
"Yeah. T-thanks, I can handle." Binitawan ko ang hawak na tissue nang kunin niya ito sa akin. Bumalik naman ako sa upuan ko. "I excuse myself."
Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makarating siya sa men's room. Binalik ko naman ang tingin kay Mr. Vielle nang tawagin niya ako.
"What are your hobbies, Jhoyce?" he asked. Natigilan naman ako at pinapakiramdaman sina Daddy. Baka kasi magkamali ako sa sagot at ma-disappoint ko sila. Ayoko lang lumaki ang problema na dadalhin nila.
"She used to help me in the company." Napalingon ako kay Daddy nang sabihin niya 'yon. "Actually, na-meet niya na rin 'yong isa niyong anak. Right, Jhoyce?"
Tumango naman ako kay Daddy at hinarap si Mr. Vielle. "Yes po. We interviewed him regarding how he manages the Company."
"Really? Si Francis ba?" singit ni Mrs. Vielle at tumango naman ako.
"Yes, Ma'am."
"Call me Tita Jane, and he's your Tito Frank," she said. Pilit naman akong ngumiti. "What about him again?"
"I met him a few months ago. I really admire him because of his dedication to his work." Napangiti naman si Mrs. Vielle habang tumango lang si Mr. Vielle.
Ilang saglit pa ay dumating na rin si Franco. May stain pa rin sa damit niya dahil sa kape na natapon kanina. Kinuha na rin nila ang in-order na pagkain para makapagsimula na kami. May ngiti na sana sa labi ko dahil nagsimula kaming kumain nang tahimik. Pero nabura 'yon nang pag-usapan na naman ang tungkol sa amin ni Franco.
"Where do you want to live? Gusto niyo bang maging french citizen at dito na manirahan?" wika ni Mrs. Vielle.
"I suggest na sa Pilipinas na lang sila. They are both familiar in the Philippines. Hindi pa nila alam dito at baka ma-culture shock silang pareho," sabat naman ni Mommy.
"I agree," pagsang-ayon ni Mr. Vielle. "At least sa Pilipinas ay mababantayan pa natin sila."
"Paano pala ang magiging set up natin? Gusto niyo ba ng bonggang kasal?" Natigilan naman ako sa pagsubo ng pagkain sa sinabi ni Mrs. Vielle.
Kasal? Bakit ang bilis naman 'yata? Kahapon ko nga lang nalaman na may fiance pala ako.
"I really like that!" sagot ni Mommy. Tinignan ko naman si Franco na nakatingin sa akin. Pinanlakihan ko ito ng mata para tumutol siya sa sinabi ng magulang niya.
"P-Pwede rin, Mom," sagot ni Franco. Napadako naman ang tingin sa kaniya ng Mommy niya at natuwa sa sinabi nito.
"You like it too?" tanong ng Mommy nito. Dahan-dahan naman siyang tumango. Napailing na lang ako at kinagat ang labi para pigilan ang inis.
"What?" Franco's mouthed.
"Stupid," I mouthed at him. Hindi ito sumagot at pinagpatuloy ang pagkain na parang walang nangyari.
"M-Mom," tawag ko. Napatigil naman sa kasiyahan ang Mommy ko at Mommy ni Franco. Sabay silang lumingon sa akin. "Pwede bang simple na lang? Kahit tayo na lang po at ang family nila."
"You sure, anak?" Tumango naman ako.
"Jhoyce's right." Napalingon kami kay Daddy nang magsalita ito sa gilid ko. "Mas okay kung tayo na lang ang nakakaalam. Big or small celebration, kasal pa rin naman ang tawag doon."
Hindi na sila sumagot nang sabihin 'yon ni Dad.
Ayoko rin namang ipagkalat sa iba na ikakasal na ako sa hindi ko kilala. Mas okay nang ganito na kami lang ang makakakita. Isa pa, kasal lang naman ito para matulungan si Dad sa kumpanya niya. Sapilitan lang ang lahat ng ito.
"Saan naman sila magho-honeymoon?" Mrs. Vielle asked. Kung may iniinom lang ako baka naibuga ko na sa kaharap ko.
Nagkatinginan naman kami ni Franco dahil sa narinig at agad ko ring iniwas ang tingin ko nang magtama ang mata namin.
Bakit ba nila pinag-uusapan ang mga sensitibong bagay na 'to? Asa naman silang gagawin ko 'yon sa lalaking 'to. Virgin pa ako at wala pang pwedeng umangkin nito bukod sa akin.
Pero virgin pa ba ako? Sa tuwing naalala ko 'yong gabi na naglayas ako at natagpuan ko ang sarili sa ibang kwarto. Hindi ko alam kung masasabi kong virgin pa ba ako. Nalilito na ako.
"Let them decide, Hon. Huwag na tayong makialam pa roon," sagot naman ng Daddy ni Franco.
Napansin ko naman ang pagiging tahimik ni Daddy sa gilid ko. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Bilang lang sa kamay kung magsalita ito. Tanging ang magulang lang ni Franco ang nagsasalita simula pa kanina noong pagkarating namin dito.
"Okay," she simply said.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa hotel room para makapagpahinga. Babalik na kami ulit sa Pilipinas bukas para asikasuhin ang kasal. Sa mga susunod na araw ay tuluyan na akong matatali sa lalaking hindi ko naman kilala. Hindi ko alam kung anong paraan ang gagawin ko para makatakas.
Naramdaman ko naman ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa. Akala ko si Ira ang nag-text at nangangamusta sa akin. Pero unknown number na naman ulit. Binasa ko naman ang nakalagay roon.
Can we meet? I'll wait for you in the lobby -Franco
Saan niya naman nakuha ang number ko? At paano naman siya nakasisigurado na pupuntahan ko siya sa baba?
Nanatili akong nakaupo sa sofa at hinayaan ang text ni Franco. Bahala siya sa buhay niya. Pero ilang saglit pa ay naka-received na naman ako ng text mula sa kaniya.
Franco: This is important.
Tinignan ko naman ang orasan sa nakasabit sa wall. Ilang oras pa lang simula noong magpaalam kami sa restaurant, gusto niya kaagad makipagkita?
Binalik ko ang tingin sa pinto nina Daddy at nakasarado pa rin ito. Alam kong pagod na sila kaya pagkarating namin dito ay dumiretso na sila sa kwarto. Wala na akong nagawa at kinuha ko ang jacket sa kwarto pagkatapos ay bumaba na rin ako. Naabutan ko si Franco sa may lobby ng hotel na nakaupo sa gilid. Napansin ko rin ang dalawang baso sa may lamesa. Mukhang mahaba ang pag-uusapan namin at nag-order pa talaga siya.
"Anong pag-uusapan natin?" bungad kong tanong nang makalapit sa kaniya.
"Please, sit down," seryosong ani nito. Napaikot naman ako ng mata at umupo sa may harapan niya.
"Bilisan mo lang at baka hanapin ako ng parents ko," sabat ko. Hindi niya naman ako pinansin at tinignan lang ako.
"Alam kong una pa lang ayaw mo sa akin," diretsong sabi niya. Nanliit naman ang mata ko sa sinabi nito.
Ano na namang iniisip niya at nagda-drama ngayon?
"The feeling is mutual," he continued.
"Tsk," singhal ko. Kinuha ko ang kape sa lamesa at uminom. "Pumunta ka rito para lang sabihin 'yan? Bakit hindi mo pa sinabi sa akin kanina sa restaurant? Sinasayang mo lang ang oras ko."
Umiling ito habang nakatingin sa ginagawa ko. "No," he answered.
"Diretsuhin mo na kasi ako, Franco. Ano ba kasi ang pinunta mo rito?"
"Let's make a deal." Napakunot naman ako ng noo at nilapag ang baso sa lamesa.
"Deal? Bakit naman akong makikipag-deal sa taong hindi ko naman kilala?" natatawang sagot ko. "Joke ba 'yan?"
"Mukha ba akong nagbibiro?" he said in serious tone. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko at tumikhim.
"Ano namang deal 'yan?"
"Gawin natin 'yong pinapagawa ng parents natin. Let's get married, Jhoyce."
Parang ang dali naman sa kaniya sabihin ang bagay na 'yon. Samantalang ako oras-oras ako ginugulo ng pesteng kasal na 'yan.
Kinuha niya ang kape sa lamesa at uminom. Nilapag niya muli ito sa ibabaw ng lamesa nang matapos.
"Let us give them three months. After that, we will work for our annulment." Napangisi naman ako sa kaniya.
"Sa tingin mo ba gano'n kadali 'yon? Sa Pilipinas tayo ikakasal, Franco. Mahirap makipaghiwalay once na natali ka na sa tao. Lalo na kung hindi naman mabigat 'yong dahilan ng paghihiwalay. Naisip mo ba 'yon?"
"I told you, we will work for that. May kilala akong lawyer at alam kong matutulungan niya tayo pagdating dito." Pinanliitan ko naman siya ng mata.
"And how sure you are na gagana nga talaga ang plano mo?" Nakita ko ang pagngisi niya. "Alam mo ba na maliit lang ang chances na pwede tayong maghiwalay kapag naikasal na tayo?"
"Gusto mo bang habang buhay tayong magkasama?"
"No," mabilis kong sagot.
"Then, trust me!"
"Franco, I don't trust no one!" madiin kong sagot.
"Okay, take your chance with me," he responded. "I don't trust you too, Jhoyce. But I trust my plan. Alam kong ito lang ang paraan natin para sa mga gusto nila para sa atin."
"I'm still not convinced." Tumahimik naman ito sa sinagot ko. Akala ko susuko na siya sa akin hanggang sa magsalita siya.
"I heard from your Dad that your company is not doing well. Gusto mo bang pabayaan 'yon? Malaking kawalan ang pamilya ko kung tatanggihan mo ang offer ko ngayon. Gusto mo bang tuluyan na lang bumagsak ang kumpanya niyo nang wala kang ginagawa?" Natigilan ako sa sinabi niya at alam kong totoo 'yon. "We are doing it for our own benefits, Jhoyce."
May alam siya kung bakit kami pinagkasundo. Kung hindi ako magpapakasal sa kaniya, mahihirapan si Daddy na ibalik ang mga pinaghirapan niya sa kumpanya. Mas magiging mahirap sa akin kapag tuluyan kong pinabayaan ang mga 'yon. Alam kong sa akin pa rin 'to babagsak kapag wala akong ginawa.
Hinarap ko si Franco at nakita kong inaabangan niya ang sagot ko. Tumayo ako at inilahad ang kamay sa harap niya.
"Deal," sagot ko. Lumapad naman ang ngiti nito sa labi at 'saka tumayo. Inabot niya ang kamay ko at nakipag-shake hands.
Three months lang. Pagkatapos ng three months ay dapat nang maputol ang connection namin sa isa't isa.
"Deal," he replied.