Chapter 16

2366 Words
Jhoyce's POV "P-Personal maid?" nauutal kong tanong kay Franco. Kinuyom ko ang dalawang kamay at pinipigilan ang inis ko nang panlakihan niya ako ng mata. Para bang sinasabi nito na sumabay na lang ako sa kaniya. Wala akong idea sa pinaplano niya.  Alam kong mukha akong katulong sa suot ko, pero bakit yaya pa ang pinakilala niya? Pwede namang kapatid, pinsan o malayong kamag-anak. "It's nice to meet you, Amber." Amber? She called me by my second name?! Gustong gusto ko nang bigwasan 'yong dalawang kasama ko. Sobra na ang pagtitimpi na ginagawa ko para sa kanila. Pilit akong ngumiti kay Rhea at nanahimik na sa gilid. Bahala sila sa buhay nila. "Buti na lang nagkita tayo. Ilang araw na rin pala noong huling kita natin," wika ni Rhea habang nakatingin ng diretso kay Franco. Mukhang nakalimutan na nila na may kasama pa silang iba. "Yeah," tumatangong sabi ni Franco. Halata pa rin na nahihiya ito sa kaharap at hindi makatingin ng diretso kay Rhea. "Kumusta ka naman pala? Nawalan na ako ng contact sa iyo noong naging kayo ni He---" "I'm fine," pagputol nito sa sinasabi ni Franco. Napansin ko na hindi siya komportable at mukhang ayaw niyang pag-usapan 'yong tungkol sa kanila.  Nakaramdam naman ako ng pagkulo ng tiyan ko at mukhang nagkakasundo kami na gusto na naming kumain. Kinalabit ko naman si Franco at napatingin naman siya sa akin. "Nagugutom na ako," I mouthed at him. Tinapik niya naman 'yong kamay ko na nakahawak sa braso niya.  "Manahimik ka muna," he mouthed too. Napakamot naman ako ng ulo at napalingon sa mga taong kumakain.  Hindi na talaga kaya ng tiyan ko. Konti na lang at hihimatayin na ako sa gutom. Hanggang kailan ba sila uupo rito at mag-uusap? Ang tagal naman nilang um-order. Kinalabit ko muli si Franco nang bumalik ito sa pakikipag-usap kay Rhea. Pagalit niya naman akong nilingon at tinignan ng masama. "Mamaya, okay?" bulong na sagot nito. Umiling naman ako at sumakto naman na tumunog ang tiyan ko na narinig niya.  "Is there something wrong?" tanong ni Rhea. Napansin siguro nito na matagal ang pag-uusap namin ni Franco. Agad naman akong ngumiti sa kaniya at umiling. Binalik ko ang tingin kay Franco. "Sir, ako na po ang mag-o-order ng pagkain. Ano po ba ang gusto niyo, SIR?!" I said emphasizing the word Sir. Nakita ko naman ang pagkagat niya sa labi at nagtitimpi na sa akin. Tatayo na sana ako nang hawakan ni Franco ang braso ko. "It's okay, let me order our food," pagpigil niya sa akin. Hinila niya naman ako paupo sa may upuan ko. "Alam kong pagod ka na sa pagsama sa akin bumili. Just stay with Rhea for a while and let me do the rest."  Mabilis naman itong tumayo at lumapit sa counter. Wala naman akong nagawa kung hindi hayaan siyang mag-order ng pagkain. Siya rin naman kasi ang magbabayad kaya ayos lang sa akin. "So..." Narinig ko naman ang boses ni Rhea nang magsalita ito. "How long have you been working with my ex-boyfriend?" Hindi ko mapigilang mainis sa way ng pagsasalita niya. Para bang kahit wala na sila ni Franco ay territorial pa rin ito.  "Nitong mga nakaraang araw lang, Ma'am," sagot ko. Ngumiti naman ako sa kaniya ng pilit at iniwas agad ang tingin dito.  "Kumusta naman siya as a boss? Is he strict?" Bumalik ang tingin ko sa kaniya, tila ba nag-aabang siya ng sagot ko. Ang dami niya namang tanong. Hindi niya ba feel na ayaw ko sa kaniya? Napangisi naman ako nang may maisip para asarin siya.  "Sa totoo lang po, napakabait ni Sir Franco. Kulang na nga lang na patayuan ko siya ng altar at dasalan gabi-gabi." Parang hindi naman ito nasurpresa sa sinabi ko. Mukhang kilalang-kilala niya si Franco. "Actually, I'm not surprised. I met Franco's twin, and Franco is the kindest person between them." Nilagay naman ni Rhea ang kamay sa gilid ng labi na para bang may ibubulong at 'saka lumapit sa akin ng kaunti. "Francis is rude," bulong nito. Sasang-ayon na sana ako sa sinabi niya, pero na-meet ko na ang kambal ni Franco. Mas mabait siya kumpara kay Franco. Siguro ay ayaw lang sa kaniya ng kambal nito kaya pinakitaan kaagad siya ng masamang ugali. Hindi ko rin naman masisisi ang kambal niya, makita ko pa nga lang ang hilatsa ng mukha ni Rhea ay kumukulo na ang dugo ko.  "Talaga ba?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumawa naman ito ng mahina at napapatango na para bang may naalala.  "Hindi mo pa ba siya name-meet?" tanong niya. Nagsinungaling ako at umiling sa kaniya. "I'm telling you, hindi mo gugustuhin na makita kahit anino niya. Boses niya pa lang sobrang nakakatakot na."  "Anong nakakatakot?" singit ni Franco sa gilid namin. Umupo naman siya sa tabi ko habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Rhea. "May na-kuwento lang ako kay Amber about sa movie na napanood ko," paliwanag niya kay Franco. Nilingon niya naman agad ako. "Right, Amber?" patanong nitong sambit habang nanlalaki ang kaniyang mata sa akin. "Yes, Sir. Tama po 'yong sinabi ni Ma'am. Nakakatakot talaga 'yong lalaki sa may palabas," wika ko. Napatango naman si Franco nang dahan-dahan at para bang hindi nakumbinsi sa sinabi namin. Pasimple niya pa akong tinignan ng masama na para bang may sinabi akong mali habang wala siya. That's what you get. Bahala ka mamatay sa kakaisip kung ano ang pinag-usapan naming dalawa. Mayamaya pa ay dumating na rin 'yong pagkain na in-order ni Franco. Laking tuwa ko nang makita ang well-done steak habang sini-serve ng waiter sa lamesa. Pero nawala ito nang ibigay ni Franco kay Rhea ang pagkain na 'yon. Samantalang kinuha niya naman ang caesar salad sa waiter at nilagay ito sa harapan ko.  Pinagloloko niya na naman ba ako? Wala man lang grilled chicken o katulad man lang na in-order nila. Ano ako kambing? Sino namang kakain ng ganitong pagkain? "Mabubusog ba si Amber sa pagkain na 'yan?" tanong ni Rhea. Lumingon naman sa kaniya si Franco at tumango. "I care for my workers," pagsisimula niya. "Naikuwento niya rin kasi sa akin noong nakaraan na nagdi-diet siya. Alam mo na, gusto ko lang makatulong." "Thank you, Sir. How sweet of you. Sure akong mabubusog ako sa in-order mo," sarcastic kong sagot sa kaniya. Nakita ko naman ang lihim na pagngisi niya noong hindi nakatingin si Rhea sa kaniya.  "So, let's eat?" tanong ni Franco.  Wala akong nagawa kung hindi tumango na lang. Kahit takam na takam ako sa steak na nakahain sa harap nila, kailangan ko pa ring magpanggap na kuntento na ako sa in-order niya. Nagsimula akong kumain habang nakatingin sa kanila. Nakita ko naman na nahihirapan si Rhea sa paghiwa ng steak nito. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba para lang magpapansin kay Franco. Nagwagi naman siya dahil napansin siya ng katabi ko. "Akin na nga." Kinuha niya naman ang steak ni Rhea at nilagay sa harapan nito at nagsimulang maghiwa. Habang ginagawa ito ay parehas kaming nakamasid sa kaniya. "Hanggang ngayon ba naman you suck at this?"  "Nasanay kasi ako noon na ikaw ang naghihiwa ng steak kapag kumakain tayo." Pasimple akong napairap nang marinig ang sinabi ni Rhea. I secretly mocked her in my head.  Kailangan ba talaga nilang maglandian sa harap ko? Binalik naman ni Franco ang steak kay Rhea pagkatapos hiwain ito. "There you go," sambit niya. "Thank you, Hon--- I mean Franco."  Simplehan din ang galawan niya, e. Alam ko namang sinadya niya 'yon sabihin kay Franco. Nalandi niya nga ang boyfriend ko noon. Si Franco pa kaya na ex-boyfriend niya. Para bang lalo akong nawalan ng gana sa mga nasaksihan ko sa kanila. Pinipilit kong kumain, pero nagmukhang pinaglalaruan ko na lang ang pagkain sa harapan ko. Nanatili akong tahimik habang abala pa rin sila sa pag-uusap. Nakasalong baba ako sa may lamesa habang ang kanang kamay ko ay abala sa pagdutdot sa pagkain. Nagulat ako nang pagpalitin ni Franco ang plato namin. Wala pa sa kalahati ang nabawas sa steak na kinakain niya nang ibigay ito sa akin. Napansin naman ito ni Rhea at napatingin sa amin. "Why? Hindi mo ba gusto 'yong lasa ng steak nila?" tanong nito. Nagkibit balikat naman si Franco. "Nah! Nag-crave lang ako sa salad nila," tugon nito. Nilingon naman ako ni Franco. "Hindi naman siguro masisira 'yong diet mo kung kakain ka niyan ngayon, 'di ba?" Agad naman akong tumango. Nang makita ko ang steak sa harapan ay para bang naglaway ako at sinimulan itong kainin. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa ginawa niya. Pagbibigyan ko na siya sa pagtawag ng second name ko kanina. Natapos kaming kumain pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko. Kinuha ko naman ang table napkin at pinunasan ang gilid ng labi ko. "Oh! I like your ring." Nanlaki naman ang mata kong tumingin kay Rhea. Halos sabay lang kami natapos sa pagkain. "Is that a wedding ring? That looks expensive."  "H-Hindi," nauutal kong tugon. "Nakalimutan ko lang tanggalin 'yong wedding ring ng nanay ko. Sinukat ko kasi ito noong nakaraan."  "I see." Tumango naman ito na para bang naniwala sa sinabi ko. Nilipat ko naman ang tingin sa kamay ni Franco at napansin ko na wala itong suot na singsing. Kailan niya pa tinanggal 'yon? Noong kanina lang ay nakita ko pang suot niya ito habang nagtutulak ng cart. Siguro ay inalis niya 'yong singsing nang makita si Rhea. Hindi nga ako nagkamali dahil napansin ko ang bumabakat na hugis bilog sa may bulsa ng pantalon niya at alam kong singsing niya 'yon. Iba rin naman talaga ang bilis ng utak niya na maisip 'yon. Hanggang sa matapos ang pagkain ay hindi pa rin nauubusan ng pag-uusapan 'yong dalawa kaya nagpaalam muna ako na magbabanyo. Tumango naman si Rhea habang sinenyasan lang ako ni Franco na tumuloy gamit ang kamay niya. Mabilis naman ako dumiretso sa banyo at pumunta sa isang cubicle para umihi. Pagkatapos ay naghugas ako ng kamay sa sink, pero natigilan ako nang makita ang isang pamilyar na mukha sa reflection ng salamin.  "Jhoyce, is that you?" Humarap naman ako sa kaniya upang kumpirmahin kung tama ba ang nakita ko. Napansin ko naman si Phia, isa sa mga ka-team ko sa car racing.  "Phia," tawag ko. "Halos hindi kita nakilala dahil sa buhok mo. Nagpagupit ka pala, infairness mas bumagay sa iyo." Ngumiti naman ako sa kaniya. "Kumusta ka naman?" "Ang team ang kumusta?" pabalik na tanong ko. "Anong nangyari noong nawala ako? May sumunod bang laban? Hindi na ako na-contact nina Anton, mukhang mga busy na rin, e." "Wala naman. 'Yong alam kong huling laban ay noong nandoon ka kasama sina Luis," tugon naman ni Phia. "Ang tagal na rin pala," napapatangong sagot ko. "Balitaan niyo na lang ulit ako kapag may laban na." "Maglalaro ka ba? Nabalitaan ko kasi kay Luis na pinuntahan ka raw ng Daddy mo noong huling laban niyo." Pilit naman akong ngumiti at kahit nahihiya ay tumango pa rin.  "Manonood na lang muna," sambit ko. "Text na lang kita. Gano'n pa rin ba number mo?" Tumango naman ako. "Sige na at baka hinihintay na ako ng kasama ko. Anong table number ka pala?" "Hindi ko napansin basta malapit kami sa may fountain," wika ko.  "Doon lang din kami banda. Hindi man lang kita napansin. Ang laki na rin kasi ng pinagbago mo dahil sa buhok. Sige na, baka hinahanap ka na nila." Tumango naman ako at nagpaalam na. Bumalik na ako agad sa may table, pero napansin ko na wala na 'yong dalawa. Natira na lang ay 'yong dala ko na dalawang plastic bag at isang papel sa lamesa. Nasaan ang mga 'yon? Inikot ko ang paningin sa loob ng restaurant, pero hindi ko sila nakita. Nagulat naman ako nang may lumapit na waiter sa akin at kinuha 'yong papel sa lamesa para ibigay sa akin. Doon ko lang napansin 'yong resibo ng kinain namin kanina. "Hindi pa po ba nabayaran ng mga kasama ko 'yan?" Umiling naman 'yong waiter. "Hindi pa po, Ma'am. Iniwan lang po nila at sinabi na ikaw raw po ang magbabayad." "P-Po?" nauutal kong tanong. Gagong Franco na 'to.  Alam niya naman na wala akong dalang pera tapos iniwan niya pa sa akin 'yong bill. Balak pa yata niyang paghugasin ako ng plato. "Saglit lang po, Kuya. Tatawagan ko lang po sila." Mabilis ko namang nilabas ang cellphone ko at tinawagan si Franco, pero hindi ito ma-contact. Para bang sinasadya niyang patayin ito. Humanda talaga siya sa akin kapag nagkita kami. "Ma'am?" tawag ng waiter sa akin. Napasabunot ako ng buhok at napatingala dahil sa pag-iisip. Nang ibaba ko ang tingin ay napansin ko si Phia sa dulong table na may kausap sa likod ng waiter.  "Saglit lang po, Kuya," ani ko. Pikit matang lumapit ako kay Phia. Napatigil naman sila sa pag-uusap at lumapit sa akin.  "Uy, Jhoyce," tawag niya. Napansin niya naman na para bang hindi ako okay kaya agad siyang tumayo para lapitan ako. "May problema ba?" bulong niya. "P-Pwede bang mangutang sa 'yo? Hindi ko kasi dala 'yong pera ko at naiwan ako ng mga kasama ko. Nakalimutan yata nilang bayaran 'yong kinain namin." "Sure, sure, no problem." Lumapit siya sa lamesa at kinuha ang card sa wallet 'saka ito binigay sa akin. "Thank you, Phia. Babayaran kita, promise!" Ngumiti lang ito at tinapik ang braso ko.  "Pakisabi na lang din sa waiter na ibalik ang card sa may table namin." Tumango naman ako sa kaniya at lumapit na sa waiter. Pagkatapos ay binigay ang card at sinunod ang sinabi niya. Kinuha ko na ang dalawang plastic bag at lumabas sa restaurant. Agad ko namang hinanap 'yong dalawang kumag na nang-iwan sa akin. Nakita ko sila sa may unahan at mukhang hindi pa nakakalayo. Napansin ko rin na may kausap silang lalaki na halos kaedad lang ni Daddy. Padabog naman akong lumapit sa kanila at huli na nang mapansin na kausap nila ang lawyer na nagkasal sa amin ni Franco. Lahat naman sila ay napalingon sa akin. "Mrs. Vielle, ikaw pala 'yan. Kumusta ang buhay ng may asawa?" tanong nito. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Rhea nang marinig ang sinabi ng lawyer. "Mrs. Vielle?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD