Chapter 15

2521 Words
Jhoyce's POV "Bilisan mo naman, Franco!" sigaw ko mula sa labas ng bahay. Tinignan ko muli ang oras sa may relo ko at hindi ko mapigilang mapabuntong hininga ng malakas. Magti-thirty minutes na akong naghihintay sa may labas at hanggang ngayon ay nag-aayos pa rin siya sa loob. Hindi ko alam kung sinasadya niya bang asarin na naman ako o sobrang bagal lang talaga niya kumilos.  Ngayon kasi 'yong araw na bibili kami ng mga stocks na pagkain at iba pang kulang na gamit sa bahay. Kung may pera at sasakyan lang ako, baka naiwan ko na siya rito. Kanina niya pa ako pinaghihintay. Napalingon naman ako sa likod nang makarinig ng pagsarado ng pinto. Nakita ko roon si Franco na nakasuot ng grey sweatshirt, dark denim at chunky sneakers. Akala mo ay makikipag-date sa babae, maggo-grocery lang naman kami. Samantalang ako ay t-shirt, short at rubber shoes lang.  "Ano bagay ba, Tibs?" tanong niya. Umikot pa siya sa harapan ko para ipakita 'yong porma niya. "Oo, mukha kang bakla," inis kong sagot. "Ang tagal mo sa loob tapos ayan lang ginawa mo?"  "Ang hirap kasi pumili ng susuotin. Bagay kasi sa akin lahat." "Buhat bangko ka rin, ano? 'Yong totoo, ginagago mo ba ako?" Mabilis siyang lumapit sa akin at nilagay ang daliri nito sa labi ko para pigilan ako sa pagsasalita. "Sabi ko sa'yo, huwag kang magmumura. Masama 'yon," parang batang sabi niya. Napataray naman ako at kinagat ang daliri niya. Agad naman siyang lumayo sa akin at tinignan ako ng masama. "Puputulin mo ba ang daliri ko?" "Oo, kung wala kang balak tumigil!" Lumapit ako sa kaniya at nilahad ang kamay ko sa harap niya. "Akin na 'yong susi mo, ako na magda-drive. Ang tagal mo pa naman." Hinampas niya naman 'yong kamay ko nang mahina. "Ako na, baka mabangga mo pa." Dumiretso naman ito sa sasakyan niya pagkatapos 'yon sabihin. Buti alam niya. Balak ko talagang ibangga ang kotse niya. Sumunod naman ako sa kaniya papasok sa kotse. Doon na ako dumiretso sa may passenger seat kasi alam kong sasabihin niya na naman na hindi siya driver kapag sa likod ako umupo. Pinaandar niya na agad ang sasakyan papunta sa may malapit na mall kung saan kami mamimili. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana buong biyahe, pero napapansin kong lumilingon siya sa akin.  "Wala ka ba talagang maalala?" Out of nowhere niyang tanong. Napakunot naman ang noo ko at tumingin sa kaniya. "May sinasabi ka ba?" Lumingon siya sa akin saglit, pero binalik din ang tingin sa daan. "Wala," diretsong tugon niya. "Tsk," singhal ko. Binalik ko muli ang tingin sa labas ng bintana sa gilid ko. Mabilis kaming nakarating sa may mall dahil hindi naman traffic. Dumiretso kaagad kami sa may supermarket para mamili. Wala akong listahan na nasulat, bahala na kung ano ang makikita ko roon. Si Franco naman ang magbabayad nito kaya ayos lang. Habang naglalakad kami ay pansin kong nagtitinginan 'yong mga babae nadadaanan namin kay Franco at nagbubulungan. Bakit ba kasi nagsuot pa siya ng ganyan? Gusto niya na namang magpasikat sa ibang tao. "Bilisan mo!" sigaw ko sa kaniya nang lumingon ako sa likuran. Nakita ko pa itong ngumingiti sa ibang babae. Bakit ba kasi ako nangingialam? Ano naman kung nginingitian niya sila? Lumapit naman ito sa akin at inakbayan ako. Pero mabilis ko rin 'yong tinanggal at naunang naglakad. "Teka lang, Tibs!" sigaw niya. Pumunta ako sa may entrance ng supermarket at kumuha ng cart na lalagyan ng mga bibilhin namin.  "Ako na." Nagulat ako nang agawin sa akin ni Franco ang cart at siya na ang nagtulak nito. Napailing na lang ako at sumunod sa kaniya.  Kumuha ako ng mga gulay at prutas noong madaanan namin 'to. Bumili rin ako ng isda at mga karne. Pagkatapos ay dumiretso kami sa mga seasonings at bumili na rin ng mga gagamitin namin. Nakasunod si Franco sa likod ko at alam kong naiinip na siya. Para makaganti ay tinatagalan ko ang pagpili ng mga bibilhin. "Matagal pa ba yan?" iritadong tanong niya sa gilid ko. Tinignan ko naman ang labels ng toyo sa labas nito. "Kailangan kong malaman kung expired na ba. Baka sumakit tiyan mo, ako pa ang sisihin mo." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at hindi ko mapigilang ngumiti ng palihim. Tignan natin kung hanggang kailan ka aabot. "Akin na nga 'yan." Inagaw niya naman ang hawak kong bote ng toyo at nilagay sa cart. "Sasakit talaga ang tiyan ko sa sobrang tagal mo pumili. Bilisan mo, nagugutom na ako." Hindi ko naman siya pinakinggan at ginawa ulit ang pagtingin sa labels sa may suka. Napakagat ako ng labi at pinipigilan na huwag tumawa nang agawin niya sa akin 'yon at ilagay sa cart. "Ano pa bang bibilhin mo?" tanong ni Franco. "Basta," tugon ko. "Sumama ka pa kasi, e. Dapat pinahiram mo na lang sa akin 'yong kotse mo, kaya ko namang mag-isa." "Ayoko, baka magasgasan mo pa." "Sa akin ka pa talaga nagduda," sagot ko. Lumapit ako sa may catsup at nilagay sa may cart ito. Tumigil ako at tinignan siya. "Bakit ka nga ba sumama?" Napaiwas ito ng tingin sa akin at nakita ko ang pagbaba ng adams apple niya. Alam kong kinakabahan na naman siya. Akala ko sasagot na siya nang ituro niya ang free taste sa unahan. Hindi ko na siya napigilan nang iwan niya ang cart at lumapit doon. "Bwisit ka talaga," asar kong sabi. Wala na akong nagawa at tinulak ang cart para sumunod kay Franco. Hindi ko napansin na naparami na pala ang nabili ko. Medyo mabigat na rin kasi ito.  Nakita ko naman si Franco na may hawak na maliit na baso habang kumakain ng beans. "Ma'am, free taste po. Gusto niyo po bang i-try?" wika ng sales lady. Lumapit naman ako sa kaniya at kinuha 'yong binigay niya sa aking cup. "Can I have some more?" Napatingin ako kay Franco nang magsalita ito. Binigyan naman agad siya ng sales lady. Napailing na lang ako at sumubo ng beans. Masarap naman kahit papaano. "Thank you po," sagot ko nang maubos ang laman. "Ma'am, baka gusto niyo pong mag-avail? Sale po ngayon ang isang basket ng Hunt's pork and beans." Umiling naman ako at tinuro 'yong cart na mapupuno na dahil sa dami ng mga nabili ko. "Ang dami ko na rin pong nabili," sagot ko. Tumango naman ang sales lady at hinarap kaagad si Franco. "Miss, can I have some more?" Napakunot naman ang noo ko kay Franco. Hindi naman nagsalita 'yong sales lady at binigyan lang si Franco. Pagkatapos nitong ubusin 'yong laman ay tinuro niya 'yong walong pirasong cup sa lamesa. "Pwede bang akin na lang to? Ang sarap, e." "Sure, Sir," agad na sagot ng babae. Napakurap naman ako ng ilang beses at tinignan silang dalawa. Mukhang enjoy si ate na panoorin si Franco sa pagkain ng mga beans niya. "Franco, tara na," pagyaya ko sa kaniya. Hindi naman siya sumagot at pinagpatuloy ang pagkain.  Ang kapal talaga ng kumag na 'to. Hindi ba siya nahihiya? May mga dumating na ibang customer para humingi rin ng free taste. Lumapit naman 'yong dalawang sales lady at tinulungan maghanda si Ate para ibigay sa ibang customer.  Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapapigil si Franco at mukhang enjoy na enjoy pang kumain. Balak niya pang ubusin ang lahat ng free taste. Malakas akong napabuntong hininga na nagbubulungan na sila habang nakatingin kay Franco. "Sir, gusto niyo po bang mag-avail ng Hu---" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Ate at hinila na si Franco paalis doon. Pinatulak ko naman sa kaniya ang cart na dinala namin. "Ang KJ mo talaga, Tibs." "Hindi ka ba nahihiya? Inuubos mo 'yong paninda nila." Agad naman itong umiling sa akin. "Free taste naman 'yon. Dapat nga magpasalamat pa sila sa akin dahil hindi na sila mahihirapang magpaubos ng pa-free taste nila." "Kahit na," sabat ko. "KJ ka lang talaga." Hindi ko na ito pinansin at dumiretso na sa counter. Pagkatapos ma-punch in 'yong mga binili namin at binayaran na rin ito ni Franco.  Pero dahil walang hiya siya ay kinuha niya ang isang plastic bag na magaan at 'yon ang binuhat. Samantalang iiwan niya sa akin 'yong dalawa na sobrang bigat.  Gano'n siya kagago. Naglakad naman kami palabas ng mall, pero natigilan ako nang hawakan ni Franco ang braso ko. Napakunot naman ang noo ko at tinignan siya. Nakatingin ito sa malayo na para bang nakakita ng multo dahil sa pamumutla niya. "Ano na namang problema mo?"  "Saglit lang, huwag ka munang maglakad," sagot niya.  "Nakakahiya naman sa'yo. Baka nakakalimutan mong mabigat 'yong dinadala ko." Inikot ko ang mata sa kaniya nang sabihin 'yon. Inagaw ko sa kaniya ang braso ko at nilapag naman ang dalawang plastic bag sa lapag na bitbit ko. "Teka lang." "Ano ba kasi 'yong tinitignan mo?"  "W-Wala ka nang pak--- Teka nasaan 'yon?" Pagalit naman siyang lumingon sa akin at tinignan ako ng masama. "Ikaw kasi, e. Ang dami mong tanong, hindi ko tuloy siya nasundan." "Tang-ina mo ba? Nakikita mo ba 'yong dala ko? Kung sana ikaw ang nagbuhat ng mga mabibigat, edi hindi ako nangalay!" madiing sabi ko sa kaniya.  "Kasalanan mo 'yan. Bakit ba kasi ang dami mong binili?"  Gusto ko nang sapukin sa ulo si Franco dahil sa inis. Pero ayoko lang gawin dahil nasa public place kami. Siguro gagawin ko na lang mamaya sa bahay. Ihahampas ko sa kaniya 'yong kawali. "Wow, Franco! Alam mo naman na walang pagkain sa bahay," sagot ko.  "Kahit na." "Ayan na nga ba ang sinasabi ko, e! Puro reklamo ka na naman, hindi ka na sana sumama!" giit ko. Napansin ko na nagtitinginan na sa amin 'yong mga dumadaan. "Huwag kang mag-alala, sa susunod hindi na ako sasama. Bahala ka na sa buhay mo." "Mas okay nga 'yon, e. Walang dramatic sa buhay na kasama. Napakatagal pa kumilos." Kinuha ko naman ang plastic na dala ko at binuhat ulit. "Alis nga! Paharang-harang ka naman sa daanan." Binangga ko naman ng braso ang katawan niya kaya napaatras ito sa akin at nabigyan ng way para makadaan. Pero napatigil ako sa paglalakad nang may humintong babae sa harapan ko. Nakasuot ito ng spaghetti strap bodycon black dress at black tanzschuche shoes. Para bang katulad ito ni Ira na nagmo-model dahil sa kaniyang tindig at ayos.  "Franco," she called. Napalingon naman ako kay Franco na diretsong nakatingin sa babaeng nasa harap ko. "What are you doing here?" Magkakilala sila?  "R-Rhea, you're here," tawag niya. Rhea? Parang familiar 'yong name na 'yon. Saan ko ba 'yon nakita? 'Hey, Rhea. I told Jhoyce that I was sick and couldn't go out. Are you ready for tonight?' Mabilis akong napatingin sa babaeng nasa harap ko nang maalala 'yong text message na na-wrong send sa akin ni Hendrix noong kami pa. Tinignan ko naman siya nang maigi at hindi ako makapaniwala na makakaharap ko siya ngayon. Tandang-tanda ko pa, na siya 'yong babaeng nakita ko noon na kasama ni Hendrix. Siya 'yong babaeng kasama niya na nanggago sa akin.  Gustong-gusto ko nang lapitan siya at hilahin 'yong mahaba niyang buhok. Pasalamat siya at marunong ako magtimpi. Hindi niya alam kung sino ako at ano ang nagawa niya sa akin noon. "Anong ginagawa mo rito? Malayo 'yong mall na 'to sa bahay niyo, ah." Napairap ako nang marinig ang mahabang sinabi ni Franco na para bang ang amo nitong pakinggan sa babaeng kausap. Pero kapag sa akin laging barumbado kung sumagot.  "Nakipagkita kasi ako sa kaibigan ko and saktong nakita kita rito," nakangiting sagot ni Rhea. "Ano pa lang ginagawa mo rito?" Mukhang nakalimutan na ni Franco na may kasama siya. Gusto ko pa naman na umalis sa pwesto ko. Ayokong makasama 'yong lintang babaeng kaharap ko ngayon. Pinakita naman ni Franco 'yong hawak niya na isang plastic bag kay Rhea. "Bumili ng stocks para sa bahay," tugon ni Franco. Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanila. Mukhang abala sila sa pag-uusap at nakalimutan nilang nasa gitna pa ako. "Busy ka ba? Kain muna tayo." Nanlaki ang mata ko nang yayain siya ni Rhea. Agad akong lumingon kay Franco at sakto namang nagkatinginan kaming dalawa. "Huwag kang pumayag," I mouthed at him. "Sure, marami pa naman akong oras," saad niya at binalik ang tingin kay Rhea. Paano ako? Iiwan niya ako rito habang bitbit 'yong dalawang plastic bag na 'to?  "Great!" she replied. Napahakbang ako paatras nang mabangga ako ni Rhea para lang makalapit kay Franco. Nakita ko pa ang paglingkis ni Rhea sa braso niya. Hindi naman umangal si Franco at hinayaan lang ito. Sabay naman silang naglakad at wala na akong nagawa kung hindi sundan sila.  Na kay Franco ang susi ng sasakyan at wala akong dalang pera. Ayoko namang maglakad habang may bitbit na mabibigat. Nakarating kami sa isang Japanese Restaurant. Sabay silang umupo sa may malapit na fountain. Agad naman silang binigyan ng water ng waiter kaya lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Franco. Nilapag ko ang gamit at kinuha 'yong baso ng tubig at diretso itong ininom. Mabuti na lang talaga dahil kanina pa ako nauuhaw. "Who are you?" she asked. Nanlalaki naman ang mata nito habang nakatingin sa akin. Napatigil ako sa pag-inom at hinarap siya. Hindi niya pala ako kilala.  'Ako nga pala 'yong girlfriend ng lalaking nilandi mo noon.'  Gusto kong sabihin sa kaniya ng harapan 'yan, pero wala naman na kami ni Hendrix. Ano pang sense ng pagsasabi sa kaniya? Pabagsak kong nilapag ang walang laman na baso at nginisian siya. Wala akong pakialam kung masira man ang araw nilang dalawa kapag sinabi ko ang totoo, pero bahala na. Mukhang may pinagsamahan pa naman sila dahil halata 'yon sa mga kilos nila. "I'm his w--- Aray!" Napatigil ako nang maramdaman ang pagtapak ni Franco sa paa ko. Tinignan ko naman siya ng masama at minura na sa isip ko. "What? Are you okay?" tanong ni Rhea sa akin. Hindi ko naman ito pinansin at gumanti sa pagtapak kay Franco, pero mas diniinan ko ito. Nakita ko naman ang pagkagat nito sa labi para lang pigilan ang pagsigaw sa sakit. Parehas kaming nagtitigan sa isa't isa ng masama. Ayaw magpatalo kahit isa sa amin. "Sino ka nga pala?" Parehas kaming napatingin kay Rhea sa harapan at mukhang hinihintay niya ang sagot ko. Pero nanatili akong tahimik kaya si Franco na ang nagsalita. "This is Rhea," pakilala nito kay Rhea sa harapan ko. "My ex-girlfriend." Nakita ko ang paglawak ng ngiti ni Rhea sa harapan ko. Para bang pinagmamayabang nito na naging sila ng katabi ko. Baka isampal ko pa sa kaniya 'yong marriage certificate namin ni Franco.  "And Rhea, this is Amber." Umusok naman ang ilong ko sa narinig. Sinong nagsabi sa kaniya na may karapatan siyang tawagin ako sa second name ko?  "And?" tanong ni Rhea. Mukhang naghihintay pa ng kasunod na sasabihin ni Franco. Hindi naman ito kaagad nakasagot.  Gaano ba kahirap sabihin na asawa niya ako? Para naman umalis na 'tong gagang babae na 'to sa harap ko. "She's my personal maid." Bumalik ang tingin ko kay Franco at nanlalaki ang matang tinignan siya. Kailan niya pa ako naging yaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD