Jhoyce's POV
Hindi ko magawang tignan sila ng diretso dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko nang tawagin ako ng Lawyer. Nang iangat ko ang tingin ay nagtama naman ang mata namin ni Franco. Bakas sa itsura nito ang pagiging kabado dahil sa komprontasyon na naganap.
"Mrs. Vielle?" naguguluhang tanong ni Rhea habang papalit-palit ang tingin nito sa aming tatlo.
Nagawa ko ngang magsinungaling kanina. Baka matakpan ko pa ulit ang isang 'to.
Nakita ko ang takot sa mukha ni Franco. Pakiramdam ko hanggang ngayon ay may affection pa rin sila. Kung walang nakakaalam na asawa ko si Franco. Wala rin dapat makaalam sa kakilala niya na kasal kami.
Kailangan mong mag-isip ng paraan, Jhoyce.
"Hahaha!" Tumawa ako nang malakas na ikinagulat nilang lahat. Napansin ko rin ang paglingon ng mga taong dumadaan sa amin.
"Mapagbiro ka talaga, Sir. Hindi ka pa rin nagbabago noong huling kita natin," sambit ko sa Lawyer. Lumapit kaagad ako kay Franco at binigay sa kaniyang 'yong dalawang bag na hawak ko.
"Sir, banyo lang muna ako," paalam ko habang pinipilit na tumawa sa harapan nila. Natulala naman silang lahat dahil sa gulat. Kahit ako ay nalilito kung bakit ginawa ko 'yong bagay na 'yon.
Lumapit ako kay Franco at bumulong. "May utang ka sa akin."
Hindi naman sila nakasagot nang agad akong umalis sa harap nila. Patakbo akong naglakad hanggang sa makaliko ako sa may unahan, doon lamang ako tumigil.
Muntikan na kaming mabuking.
Nilibot ko naman ng tingin sa may Mall. Saan na ako nito? Nagsimula ulit akong maglakad paunahan hanggang sa mapahinto ako nang makita ang pamilyar na tao sa harapan ko. Napapalingon ito sa paligid niya na para bang may hinahanap hanggang sa napatigil siya nang makita akong nakatayo sa likuran niya.
Bakit ba ang dami kong nakikita na kakilala rito? Hindi ko alam kung sinasadya lang ba ng tadhana na magkita-kita kami sa iisang lugar at magkaroon ng reunion.
"J-Jhoyce," gulat niyang tawag sa akin.
Ang huling natatandaan ko na makita siya ay noong nakulong ako. Hindi na ako naka-recieve ng tawag mula sa kaniya pagkatapos no'n. Kung sabagay mas okay na rin 'yon, kaysa naman palagi niya akong kinukulit sa ibang bagay. Noong hindi siya nagparamdam, mas lalo pa ngang gumaan ang buhay ko. Walang dumadagdag sa problema ko.
"Jhoyce," pagtawag ni Hendrix ulit sa akin. Hindi ako nagsalita at tinignan lang siya. Nakikita ko pa rin sa mukha niya ang kagustuhan na makausap ako hanggang ngayon.
Bakit ba kasi ako nag-stay pa? Wala naman akong dapat sabihin sa kaniya.
Iniwas ko ang tingin sa kaniya at naglakad ng diretso. Akala ko makakatakas na ako dahil nalagpasan ko na siya. Pero nahinto ako sa paglalakad nang maramdaman ang paghawak niya sa kamay ko. Tinignan ko naman ito at naramdaman ang lalong paghigpit na para bang ayaw niya itong bitiwan.
"Jhoyce, please," pagsumamo niya. Hinawakan ko naman ng isang kamay ko ang kamay niya at pilit itong tinanggal sa pagkakahawak. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya na nakayuko sa akin.
"Imposible namang nagkataon lang na nagkita tayo rito," pag-uumpisa ko. Napaangat naman siya ng tingin at halata sa kaniya ang pagtataka sa sinabi ko. "Hinahanap mo siya 'di ba?"
Pagtukoy ko kay Rhea, ang kasintahan niya ngayon. Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin nang ma-gets nito 'yong sinasabi ko. Hanggang ngayon ay alam ko na may relasyon pa rin sila. Noong mga nakaraang araw na gusto niyang mag-sorry, ginagawa niya lang 'yon dahil naaawa siya sa akin. He felt an enourmous sense of guilt when he thought about how he'd treated me. Akala niya na responsible niya ako kasi nasaktan ako.
"Nandoon siya." Pagturo ko sa kinaroroonan nila ni Franco kung saan ko sila iniwan kanina. "Puntahan mo na bago pa siya umalis."
Hindi naman siya dadayo rito nang napakalayo kung wala siyang pakay. Noong makita ko pa lang siya kanina, alam kong may hinahanap na ito. Hindi naman ako nagkamali. Pinuntahan niya talaga si Rhea.
Hanggang ngayon ay si Rhea pa rin pala ang pinili niya.
Tumalikod na ako sa kaniya nang maramdaman ang pangingilid ng luha ko. Mabilis akong naglakad palabas ng mall. Hindi ko na nilingon pa si Hendrix noong tawagin niya ang pangalan ko.
Bakit ba hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako? Dahil ba mas pinili niya noon 'yong taong 'yon kaysa sa akin? Biglang bumalik ang alaala sa akin noong magmakaawa ako sa kaniya na ako ang piliin niya.
Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Hendrix nang magsimula itong maglakad palayo sa akin. Ramdam ko ang pilit nitong pag-alis sa kamay ko kaya mas lalo ko itong hinigpitan.
"Babe, please," pagsusumamo ko. Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng luha ko habang pinipigilan ko siya na huwag umalis sa harap ko. "Huwag mo naman akong iwan. Pinangako mo sa akin na hindi mo ako iiwan, 'di ba?"
"Jhoyce, tama na!" giit nito. Napatigil ito at hinarap ako. "Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Hindi na ako masaya sa'yo, okay?"
Pinunasan ko ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko at tinignan siya ng diretso sa mata.
"B-Bakit, Hendrix? Dahil ba sa kaniya?" tanong ko, "dahil ba kaya niyang ibigay kaysa sa akin? Bakit hindi mo ako sagutin, Hendrix?! Dahil ba sa kaniya?!"
"Oo!" sigaw niya na ikinatigil ko. Hinarap niya naman ako. "Kaya tigilan mo na ako, Jhoyce! Nakakasakal ka na!"
Para bang martilyo ang mga salita niya na dinudurog ang puso ko sa sakit. Hindi ko magawang maibuka ang bibig ko habang patuloy lang sa pagbuhos ang mga luha ko.
"Nakakarindi ka na! Napakahirap mong intindihin, Jhoyce!" madiing sabi nito. "Ang daming mga bawal sa iyo. Konting kibot ang dami mo nang sinasabi, nawalan na ako ng oras para sa sarili ko. Nakakasakal ka na!"
"Kaya ko namang baguhin 'yon, Hendrix. Magbabago ako para sa iyo, ha? Huwag mo lang akong iwan." Pilit kong inaabot ang kamay niya pero kusa na siyang umiiwas.
"Jhoyce, please. Ayoko na. Tigilan na natin, okay?" Mabilis akong umiling sa kaniya.
"N-No, please. Ayokong maiwan, Hendrix. Ikaw na lang ang meron ako. Huwag mo naman sirain 'yong mundo na ginawa ko para sa iyo." Dahan-dahan akong napaluhod sa harapan niya at patuloy na nagmakaawa.
"Paano naman ako, Jhoyce? Lagi na lang ba ikaw ang iintindihin ko? Paano 'yong mundo ko? Wala na ba akong karapatan para maging masaya? Hindi ko ba pwedeng hanapin ang sarili ko?" Pinulupot ko ang braso sa binti niya para hindi siya pakawalan. "Tigilan na natin 'to, Jhoyce. Kung patuloy tayong kakapit, parehas lang tayong masasaktan."
"A-Ayoko, Hendrix. Hindi ako papayag. Nasasabi mo lang 'yan dahil may nakita ka sa kaniya na wala sa akin." Napakagat ako ng labi nang maalala ko kung paano ko siya nahuli na may ginagawang kababuyan sa iba, pero nanatili akong tahimik kasi ayokong maghiwalay kami.
Inangat ko ang tingin sa kaniya na diretso lang ang tingin sa malayo. "Kaya ko rin naman 'yong ginagawa niyang pagpapaligaya sa iyo. Kakayanin ko, Babe."
Yumuko ito at napatingin sa akin. Nakakunot ang noo niya na para bang naguguluhan sa sinasabi ko. Bumitaw ako mula sa pagkakayakap sa binti niya at hindi ko mapigilang mapalunok nang mapadako ang tingin ko sa nakaumbok sa unahan ng pantalon niya. Umayos ako ng pagkakaluhod sa harapan niya. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko at ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. Tinanggal ko ang butones nito sa pantalon at ibababa na sana ang zipper niya nang umatras siya palayo sa akin.
"What are you doing?!" may diing tanong nito.
"Gagawin ko na ang gusto mo, Hendrix. Huwag mo lang akong iwan."
"Nababaliw ka na ba?!" Lumapit muli ako sa kaniya, pero lumayo ulit ito.
"Hendrix, please. Let me do this, kaya ko naman, e. Kakayanin ko naman para sa iyo. Huwag mo lang ako iwan. Huwag mo akong ipagpalit sa kaniya."
"Jhoyce, ano ba?!" Nag-echo ang boses nito sa loob ng kwarto nang isigaw niya ang pangalan ko. "Hindi mo ba ako naiintindihan? Ayoko na! Tapos na tayo."
Tumayo ako at pilit na inaabot siya, pero tinulak niya lang ako. Naglandas ang sunod-sunod na luha sa pisngi ko nang talikuran niya ako. Napatalon pa ako sa gulat nang ibagsak niya ng malakas ang pinto nang isarado ito. Naramdaman ko ang bigat sa dibdib ko at tanging pag-iyak ko lang ang naririnig sa buong kwarto.
Hinawakan ko nang mahigpit ang bibig sa pagpipigil na huwag gumawa ng ingay sa pag-iyak. Nanatili akong nakatayo sa likod ng poste kung saan ako nagtago noong umalis ako sa harapan ni Hendrix. Mabilis kong kinuha ang cellphone at nag-text kay Ira na sunduin ako sa lugar na 'to.
Wala pang isang oras nang makarating si Ira rito. Pinunasan ko naman ang natirang luha sa pisngi ko nang makita ko ang sasakyan niya. Huminto ito sa harap ko kaya mabilis na akong sumakay sa passenger seat. Sinabi ko sa kaniya 'yong address na tinutuluyan namin ni Franco. Pagkatapos ay nanatili akong tahimik habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Anong nangyari?" rinig kong tanong ni Ira habang nagda-drive. Hindi ko naman siya pinansin, kaya wala siyang nagawa kung hindi tumahimik na lang. Mabilis naman kaming nakarating sa bahay.
"Thank you," tanging sabi ko. Lumabas ako ng kotse niya at nagdiretso sa may pintuan. Natigilan ako nang mapansin na nakakandado ang pinto. Nawala sa isip ko na ni-lock pala ito ni Franco kanina at nasa kaniya ang susi.
Umupo ako sa may unang hakbang at nakasalong baba. Iniisip ko 'yong mga nangyari kanina noong nagkita-kita kami sa iisang lugar. Ang lupit talaga ng tadhana sa akin. Kung kailan nasa process na ako ng pagmo-move on, 'saka naman sila susulpot.
"Jhoyce." Napansin ko ang mga paa ni Ira na nakatayo sa harap ko. Inangat ko naman ang tingin sa kaniya at nakita ko ang awa sa mata niya. Lumapit naman siya sa akin at pinunasan ang luha sa pisngi ko na hindi ko man lang namalayan na tumulo. Pagkatapos ay tumabi siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit.
Napapikit naman ako nang maramdaman ang paghaplos nito sa likod ko. Kasabay nito ay ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko.
"Nandito lang ako," ani niya. Matagal ang yakap na binigay niya bago siya lumayo sa akin at punasan ang natirang luha sa pisngi ko. "Ano bang nangyari? Sinasaktan ka ba ng asawa mo? Gusto mo bang bugbugin ko?"
Agad naman akong umiling. Napakagat ako ng labi para pigilan ang pag-iyak nang maalala 'yong kay Hendrix. "Bakit nasasaktan pa rin ako, Ira? Baki kahit matagal na ay nakabaon pa rin sa dibdib ko 'yong sakit?"
Hindi naman kaagad siya nakasagot at naguguluhan pa rin sa tinutukoy ko. "Kanina nakita ko 'yong babaeng pinalit sa akin noon ni Hendrix."
"W-What?" Nanlaki ang mata niya sa narinig. "Anong nangyari? Sinapak mo ba?"
Umiling naman ako. "Nalaman ko na ex-girlfriend siya ni Franco. Nakasama ko siyang kumain pero hindi niya ako nakilala. Siguro ay dahil na rin sa buhok o matagal niya na akong kinalimutan."
"Tignan mo nga naman dahil napakaliit talaga ng mundo," wika niya. Nilapit niya ang mukha sa akin. "Anong nangyari pagkatapos?"
"Noong pauwi na ako, nakita ko naman si Hendrix. Akala ko sadya lang talaga na mapunta siya roon, pero may hinahanap pala siya. Tapos bigla kong naalala 'yong nangyari dati sa amin kung paano ako magmakaawa sa kaniya na huwag niya akong iwan. Na huwag siyang sumama sa babae niya, pero tinalikuran niya lang ako. Hanggang ngayon kahit matagal na nangyari, feeling ko parang kahapon lang 'yong sakit. Nasasaktan pa rin ako, Ira. Ang bigat pa rin sa dibdib kapag naiisip ko 'yong alaala na 'yon." Lumapit siya ulit sa akin at niyakap ako nang mas mahigpit. Saglit lang ang tinagal at humiwalay na rin siya. Nilagay niya naman ang nilipad na buhok sa may likod ng tenga ko.
"Hayaan mo na 'yong kumag na 'yon. Hindi naman siya kawalan. Ang mahalaga ay may bago ka nang buhay na haharapin. May asawa ka na, Jhoyce. Mas pagtuunan mo ng pansin ang bagay na 'yon dahil may sarili ka ng pamilya."
Pero hindi ko naman siya mahal. Wala akong nararamdaman kay Franco.
Ngumiti na lang ako sa kaniya ng pilit. Ayokong mag-isip pa siya ng kung ano. 'Saka ko na sasabihin sa kaniya 'yong pinag-usapan namin ni Franco kapag naghiwalay na kami.
Sinamahan naman ako maghintay ni Ira sa labas ng bahay hanggang sa makarating si Franco. Akala ko sisigawan niya ako dahil iniwan ko siya sa mall, pero nakangiti itong sinalubong kaming dalawa ni Ira.
Mukhang maganda 'yong mood niya, ah.
Hindi ko alam kung anong nangyari noong iwan ko sila, pero mukhang may magandang kinalabasan ang pagsisinugaling ko.
"Franco, saan ko 'to ilalagay?" Narinig kong tanong ng maputing lalaking kasama niya. Nang lingunin ko si Ira ay nakita ko ang pamumutla nito.
"Hoy, ayos ka lang?" kinakabahang tanong ko. Nakatingin ito nang diretso sa lalaking nasa harapan na kasama ni Franco.
"Siya yon, Jhoyce. Siya yon." Nanliit naman ang mata ko sa sinabi niya at pilit na iniintindi ito. Nakaramdam ako ng sunod-sunod na pagyugyog mula kay Ira.
Nang lumapit sa akin 'yong lalaking kasama ni Franco ay bigla kong naalala kung saan ko siya nakita.
"Uy, tissue girl!" tawag nito nang parehas kaming magkatinginan sa isa't isa.