Chapter 1

2117 Words
Jhoyce's POV "Congrats, Jhoyce!" masayang bati sa akin ni Ira nang makalapit ako sa kaniya. Ginawa naman namin ang handshake bago niyakap ang isa't isa. "Kailan pa ba ako natalo sa race?" natatawang tugon ko. Tumango naman siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. Hinarap ko naman ang team at isa-isa silang kinamayan. Nagpasalamat din ako sa mga ginawa nilang pagtulong to win this race.                                               "Jhoyce, pumunta ka na sa stage. Kailangan nila marinig ang speech ng isang winner." Sinunod ko naman ang utos ni Ira sa akin at sinamahan niya ako hanggang sa makarating kami sa backstage. "Everyone, let's all welcome the first woman to beat the man at National Car Racing, Miss Jhoyce Amber Rivera!" Napatingin naman sa akin lahat ng audience nang pumunta ako sa gitna ng stage. Narinig ko ang mga sigawan at palakpakan na nanggaling sa kanila. Nagpasalamat ako nang ibigay sa akin ng emcee ang microphone. "Hello," napapakamot sa ulo na bati ko. Tinignan ko naman ang mga taong nag-aabang sa susunod na sasabihin ko. Bumuntong hininga ako at pinagpatuloy na. "Nagtataka siguro kayo kung bakit isang dalaga ang nakatayo sa inyong harapan? Samantalang nandiyan naman 'yong mga lalaking magagaling talaga sa larangan na ito." Sabay turo ko sa ibang mga racers sa likod ko. "Kahit ako rin, hindi rin ako makapaniwala." Napatawa naman ang mga ilan at 'yong iba ay patuloy na nakikinig. "Biruin niyo isang babae na nakaabot sa National? This is one of my biggest dreams, standing in front of you while holding this microphone. Akala ko hindi na ako makakarating dito, kasi laging sinasabi ng parents ko na wala akong mapapala rito. They are against my dream.” Napatawa ako nang mahina. “Biruin mo 'yong sarili mong magulang, hindi ka kayang suportahan sa gusto mo? Pero kahit ganoon ay masaya ako dahil nandiyan ang mga kaibigan ko." "Racing has been one of the most exciting forms of sports competition. Pero hindi lang ito 'yong sports kung saan nakikipag-unahan tayo sa ibang bagay.” Humakbang ako ng tatlong beses paunahan. “Sa buhay natin may darating sa atin na mga problema, para itong mga ka-kompetensiya mo sa laro. Sila 'yong mga racers o problema na sisira sa pangarap mo. 'Yong susubukin ang katatagan mo, kung kaya mo bang umabot sa finish line o ihihinto mo na lang ang sasakyan dahil suko ka na?" Napatango naman ang mga tao sa sinabi ko at para bang naintindihan nila ito. "Pero naisip mo rin ba na nandiyan ang team mo? 'Yong team na nagsasabing ako 'yong family or friends mo na handang tumulong hanggang sa maabot mo ang gusto mo. Kaya ikaw, kung may pangarap ka at iniisip mo nang sumuko, nandiyan 'yong mga kaibigan mo para makaabot ka sa finish line na pinapangarap mo. So, sa lahat ng team ko, I want to thank all of you for your hard work and trusting me that I will win this race. Congratulations, everyone!" Nagpalakpakan naman ang lahat, kasunod nito ay ang pag-abot sa akin ng golden trophy. Nakita ko ang saya ng mga ka-team ko nang tawagin ko sila para makasama sa glory na natanggap ko ngayon.  Pagkatapos ng event na iyon ay napagdesisyunan naming lahat na mag-celebrate sa The Alley. Ako ang nagbayad ng buong bill. Pasasalamat ko iyon sa mga tulong na ginawa nila sa akin. Nandito 'yong mga crew na nagma-manage na sina Anton, Luis, Jimple, Charls, Antonio, Claudine, Jewellie, Phia, and Lyra. Hindi na nakapunta 'yong iba dahil may iba silang kailangang puntahan.  "Jhoyce, club tayo mamaya," bulong sa akin ng kaibigan ko na si Ira. Tinawanan ko naman siya at pinitik sa noo. Napaurong naman siya palayo at sinamaan ako ng tingin. "Last time na punta natin ay napa-away tayo. Hindi ka pa rin ba nadadala?" paalala ko sa kaniya. "Ang daming club sa Pilipinas. Hindi naman na tayo babalik doon sa club na pinuntahan natin noon," she said, pouted. "Pag-isipan ko," sagot ko at tumayo na para kumuha ng pagkain. Sumunod naman siya sa akin. Natatawa na lang ako nang mahina kapag nakikita ko siyang ginagaya 'yong mga kinukuha kong pagkain.  "Kain lang kayo, guys," nakangiting sabi ko nang makabalik na sa lamesa namin. Tinalian ko naman ang buhok ko bago ako nagsimulang kumain. We stayed at the Alley for four hours. We just talked random things hanggang sa sabay-sabay na lang din kami sumuko dahil sa kabusugan. 'Yong iba nagpaalam na dahil hinahanap na sila ng family nila at 'yong lima naman ay sumama sa amin.  Hindi na ako nakatanggi nang hilahin na ako ni Ira papunta sa club. Mukhang nakapag-reserve na rin siya kaya wala na akong choice kung hindi ang samahan na lang ito. Ilang beses akong umiling kapag niyayaya nila akong uminom. Alam kong walang maghahatid kay Ira kapag nalasing ito. Ayoko ring mangyari na may makaaway kami dahil kung sino-sino na lang ang hinahalikan nito kapag nalalasing na. Napailing na lang ako nang makita siya sa dance floor habang kasayaw 'yong random stranger na nahatak niya kung saan. Sana lang talaga ay walang sabit ang lalaki na 'yon. 'Yong ibang kasamahan naman namin ay may kaniya-kaniya na ring mundo. Mukhang ako na lang talaga ang loner dito sa lamesa namin. Napagdesisyunan ko na lang na tumayo at pumunta sa front bar. Umupo ako roon habang pinagmamasdan 'yong mga tao sa loob ng bar. "One glass of sunset martini for a beautiful lady." Napalingon ako nang ilapag ng bartender iyon sa harapan ko. The lines in my forehead creased. "I didn't order this drink," nagtataka kong sagot at pinipilit na kunin niya ito pabalik. "It's free," tugon niya. Itinuro niya naman ang lalaking nakaupo sa hindi kalayuan na nakatingin sa akin. Malaki ang katawan nito at may bigote at balbas. Kung titignan ay nasa thirties na ang edad nito. Hindi ko mapigilang tumaas ang mga balahibo sa katawan ko nang makita ang paraan ng pagngiti niya. Ngumiti na lang ako at 'saka iniwas ang tingin sa kaniya. Tinawag ko naman 'yong bartender na nagbigay sa akin ng drinks na nasa harapan ko. "Yes, Ma'am?" tanong niya. Hindi ko alam kung itatanong ko ba sa kaniya dahil baka ma-offend ko siya pero bahala na. "Wala naman pong lason 'yan?" He burst out laughing. "Why?" I asked, and he shook his head. "I made that drink, hindi ko naman ipapahamak ang customer ko," he assured. Tumango na lang ako at kinuha 'yong drink at 'saka ito ininom. "Emman, three glasses of tequila," singit ng isang lalaki sa gilid ko. "Excuse me," ani nito at binigyan ng drinks 'yong katabi kong lalaki. "Ayos ka lang, Franco?" tanong nito. Napailing na lang ako nang makita ang itsura niya. He looked wasted, para bang nanggaling ito sa break up at walang ibang ginawa kung hindi ang magpakalunod sa alak. "Hi, Miss, puwede bang makipagkilala?" I looked at the man beside me. Tinignan ko ang kanina niyang puwesto at ibinalik ang tingin sa kaniya. Nakaabang ang kamay niya sa harapan ko.  Mabilis akong napatingin nang makarinig ng sigawan mula sa dance floor. Nakita kong napatumba si Ira sa sahig nang sampalin siya ng babae sa harapan niya. Napailing ako at aalis na sana nang pigilan ako ng lalaki sa gilid ko. "Miss, saglit lang." Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.  "Kuya, saglit lang, 'yong kaibigan ko kasi," paliwanag ko habang nakaturo kay Ira. Hindi na ito makatayo at alam kong naparami na naman ang inom nito. Ano na naman kaya ang ginawa niya? "Miss, makikipagkilala lang ako, mamaya mo na puntahan ang kaibigan mo." Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. "Kuya, bingi ka ba? Nandoon ang kaibigan ko." "Masarap ba 'yong martini na binigay ko sa'yo?" malanding tanong nito. "Kuya, saglit. Iyong kaibigan ko kasi kailangan ng tulong," pagpigil ko. "Miss, mamaya na 'yan. Makapaghihintay naman 'yang kaibigan mo." "Tang ina! Alangan naman unahin pa kita?!" Nag-iba ang itsura nito. Kung kanina ay maamo ang mukha nito. Ngayon naman ay parang kaya niya na akong lamunin sa paraan ng pagtingin niya. "Aba! Bastos ka pa lang babae ka, e! Nakikipagkilala na nga sa'yo. Akala mo kung sinong pokpok!" Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya at parang kusang gumalaw ang kamay ko at sinampal siya nang malakas sa pisngi na ikinatigil niya. "Tang ina mo pala, e!" sigaw ko. Hinawakan niya ang kaniyang kaliwang pisngi at nag-aapoy ang mata na hinarap ako. Mabilis siyang lumapit sa akin at mahigpit na hinawakan ang braso ko. "Putang ina mong babae ka! Pahihirapan mo pa ako." Pilit kong iniinda ang sakit ng pagkakahawak niya. Napatingin sa akin 'yong lalaking katabi ko sa upuan kanina at napailing. Pagewang-gewang na lumapit siya sa amin. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa akin ng lalaki at hinarap ito. Napaatras ako nang hatakin niya ako papunta sa likod niya. "You idiot! Wala kang karapatan na manakit ng babae. Hayaan mo silang saktan tayo!" lasing na sagot nito. Napailing na lang ako. "Sino ka ba?" "Ako?" natatawang sagot niya habang tinuturo ang sarili niya. "Tinatanong mo kung sino ako?" "Oo! Sino ka ba? Bakit ka ba nangingialam dito?" "Ako lang naman 'yong lalaking pinagpalit niya!" Tuluyan ko nang napasapo ang noo ko at hindi na ako nagtaka nang bumalagta na lang siya sa sahig dahil sa suntok ng lalaking kaharap niya kanina. "Tsk, bakla!" mahinang singhal ko. Lumapit naman sa akin 'yong lalaki, pero bago niya pa mahatak ang braso ko ay may dalawang bouncer na lumapit sa kaniya at hinatak ito palabas ng club. Tinignan ko 'yong lalaking nasa sahig sa harapan ko at napailing na lang. Mabilis na akong lumapit kay Ira at tinulungan na siyang makatayo. Napatingin ako sa lalaking nasa likuran ng babae sa harapan ko. Ito 'yong lalaki na kasayaw niya kanina, mukhang may ginawa na namang kagagahan ang kaibigan ko. Humingi na lang ako ng sorry sa kanila at umalis na rin sa club. Nagpaalam ako sa kasamahan namin na mauuna nang umuwi. Ayokong lumaki ang gulo roon sa loob. Mabilis kong naihatid si Ira sa condo niya dahil hindi naman traffic. Umabot na rin kami ng alas-dos sa club. Pagkarating ko sa bahay ay napansin kong nakapatay na ang mga ilaw. Nakalimutan kong wala nga pala ang parents ko rito. Busy sila patakbuhin ang negosyo nila. Nag-park ako at kinuha 'yong trophy sa compartment ng sasakyan. Ilalagay ko ito sa kuwarto ko, para makita ko araw-araw na may isang pangarap na rin akong naabot. Pagkapasok ko sa bahay ay sinalubong ako ng isang katulong at kinuha ang bitbit kong trophy. Nasa unang baitang pa lang ako ng hagdan nang marinig ko ang familiar na boses na nanggaling sa likuran ko. Kasunod nito ay ang sunod-sunod na pagbukas ng mga ilaw sa loob ng bahay. Napalingon ako at nakita ko si Daddy na nakaupo sa sofa habang nakatingin ng diretso sa akin. "D-Dad," nauutal kong tawag. “Nakauwi na po pala kayo. Nasaan po si Mommy?" "She's sleeping. Bakit late ka na umuwi?" "May pinuntahan po kami ni Ira kanina. Medyo traffic po kaya na-late na rin ako," pagsisinunangaling ko. "What's with the trophy? Bakit may dala ka no'n?" Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ako makapagsalita na para bang nahuli ako sa krimen na nagawa ko. Mukhang alam niya na kung saan ako nanggaling. "You are doing it again, Jhoyce. Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na itigil mo na 'yang pagkakarera mo? Wala kang mapapala diyan! Sinabihan kitang mag-focus sa business dahil ikaw ang magma-manage ng lahat ng iyon." Nasasaktan ako sa sinabi ni Daddy, para bang ang dali sa kaniyang itapon ang mga pangarap ko. "Dad, wala po sa puso ko ang negosyo," pagdadahilan ko. Bata pa lang ako laging negosyo na lang ang naririnig ko mula sa kanila. Hindi ko na nagawa ang mga gusto ko. Laging desisyon na lang nila ang sinusunod ko. "Ganiyan din ang sinabi ko sa lolo mo noon, pero tignan mo ako ngayon? Ang layo na ng narating ko. Bakit hindi mo ako gayahin at sundin mo na lang lahat ng sinasabi ko?" "Pero hindi ako katulad mo, Dad. Iba ang gusto ko. Iba ang tinatakbo ng utak ko at iba ang goal ko sa buhay." "Lahat ng iyan ay mawawala pagdating ng panahon. 'Yong negosyo natin kapag inalagaan mo 'yon, maipapamana mo pa iyon sa magiging anak mo. Kaya Jhoyce, huwag matigas ang ulo mo. Sumunod ka sa akin at i-pursue ang pagpapatakbo sa business natin. Daddy mo ako, alam ko ang tama para sa iyo." Wala na akong nagawa. Kahit naman tumanggi ako ay ipipilit pa rin nila ito sa akin. Ganoon sila kapursigido na pilitin ako dahil ako lang ang nag-iisang anak nila. Wala ng ibang magmamana ng lahat ng iyon, kung hindi ako lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD