Prologue

484 Words
THE MARRIAGE BARGAIN Wanted Series #2 Prologue: I looked at myself in the mirror. All I saw was a stranger staring back. This is not me. I'm not used to wearing make-up with a fitted yellow dress and pointed black stiletto heels. I prefer to wear rubber shoes, jeans, and a simple shirt. "Jhoyce, let's go. We're late!" Dad shouted outside my room. Mabilis naman akong sumunod sa kanila at dumiretso na sa sasakyan. Nakarating kami agad sa isang Japanese Restaurant. Hindi ko alam kung bakit niya ako sinama rito, pero alam kong hindi business meeting ang pupuntahan namin. Nasanay na ako sa mga set up na ginagawa ng parents ko sa akin. Simula bata pa lang ako, lagi na silang nandiyan sa akin. Lahat ng mga ginagawa ko dapat alam nila. Hindi na ako magtataka, na kahit anong maging desisyon ko dapat may permiso nila. Nakakasakal na. "Jhoyce, stand straight," utos ni Daddy. Napabuntong hininga ako at sinunod na lang siya. Wala na akong magawa. Lumapit ang parents ko sa isang rectangular table, pero may mga tao na roon. Ayoko ng ganitong atmosphere. Ayokong pinag-uusapan nila ako at magsasabi ng mga sugarcoated words para lang maipagmalaki ako. Because the truth is I'm not a good daughter. Alam ko naman 'yon sa sarili ko. "Mom, powder room lang ako," I whispered. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis na naglakad papunta sa banyo. May nakabangga pa akong lalaki kanina dahil sa pagiging lutang ko. Ilang minuto akong nandoon at bumalik na rin dahil nakita ko ang sunod-sunod na text ni Mommy sa akin. Hindi talaga nila kaya na mawala ako sa paningin nila nang matagal. "She's here." Napalingon naman sa akin ang mga taong nasa lamesa. "She was the one I told you, Mr. Vielle. She will inherit the Rivera's Company soon," nakangiting sabi ni Daddy habang nakatingin sa akin. Napakunot ang noo ko nang ipaghila ako ng lalaki ng upuan sa tabi ni Daddy. Nagpasalamat na lang ako at umupo na. "He's such a gentleman," Mom said. Napansin ko namang tinapik sa balikat ng matanda 'yong lalaki kanina. And I saw him mouthed a good job to his son. They will still talking habang kumakain kami, hindi ko na lang sila pinakinggan dahil wala naman akong pake a pinag-uusapan nila. "By the way, the kids don't know each other yet," Dad said. 'Kahit naman ipakilala mo ako, Dad, wala akong pakialam,' sagot ko sa isip ko. Kinuha ko na lang ang glass ng water sa harapan ko at ininom. Nasa kalahati pa lang ako ng iniinom nang marinig ko ang sinabi ni Dad sa akin, dahilan ng pagbuga ko ng tubig sa bibig at tumama sa mukha ng lalaking kaharap ko. Napapunas kaagad ako ng labi at wala na akong paki-alam sa sasabihin ng iba nang padabog akong tumayo. "Pardon?" nanlalaking matang tanong ko. "Jhoyce, this is Franco Vielle, your fiancé."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD