Chapter 2

2190 Words
Jhoyce's POV Napasabunot na lang ako sa buhok ko nang makarating sa company building ng magulang ko. Hindi pa ako mapakali sa suot ko kasi naka-corporate attire na naman ako at may suot na heels. May mga ilan na bumabati at 'yong iba ay dinadaanan lang ako. Wala rin naman akong balak pansinin sila kasi hindi naman ako magtatrabaho rito. Sinalubong ako ng assistant ni Daddy para sundan siya sa kuwarto kung saan gaganapin ang meeting. Hindi ko alam kung bakit pa ako pinapunta rito. Wala naman akong gagawin at makikinig lang sa mga reports nila sa kumpanya. Nang makarating ako roon ay umupo ako sa pinakadulo at ilang minuto rin bago nagsimula ito. Habang nasa kalagitnaan ng meeting, narinig kong nag-ring 'yong cellphone ko kaya napatigil sila at napatingin sa akin. Napansin ko pang nilakihan ni Daddy ang mata niya. Mabilis kong kinuha ang phone at pinindot ang silent mode. "Sorry." Napailing na lang sila at itinuloy na ang meeting. Bago ko ibalik ang phone ko sa bulsa ay nakita ko ang message ni Ira sa akin. Pasimple ko naman itong binuksan at patagong binasa. Ira: Jhoyce, anong nangyari kagabi? Bakit namumula ang pisngi ko? My God! May photoshoot pa naman ako ngayon. Napailing na lang ako at napangisi. Hindi na ako nag-abala pang i-text siya dahil hahaba na naman ang usapan namin. Ira: Girl, nakita mo ba 'yong isang hikaw ko? OMG! Bigay pa naman sa akin ni Mom 'yon, hindi puwedeng mawala 'yon. I composed a message at 'saka nag-send sa kaniya. Me: Lasing ka lang, Ira. Wala kang amnesia, okay? Wala kang suot na hikaw kahapon. Ira: Really? God! Thank you, akala ko naiwala ko na. Mabilis kong tinago ang phone ko nang makarinig nang malakas na pagbagsak. Napansin kong nakatingin na naman silang lahat sa akin.  Ano na namang ginawa ko? "Jhoyce!" Napalingon ako nang marinig ang sigaw ni Daddy sa unahan. "Are you still listening? Kanina pa kita tinatawag," paliwanag nito. Napayuko naman ako dahil sa kahihiyan. "I'm sorry, Dad," I answered quietly. "Anyway, I assigned your assignment together with Mr. Carter. He will be discussing it with you later, and make sure to listen." Mabilis naman akong napatingin kay Daddy at sa lalaking tinuro niya sa harapan ko. Nakita ko ang pagngisi nito. Really, Dad? Sa lahat ng makaka-work ko? Bakit sa kaniya pa? Bakit sa ex-boyfriend ko pa? Tumayo naman si Daddy at naglakad palabas ng room na ito. Ibig sabihin ay tapos na ang meeting. Sumunod naman sa kaniya ang ilan palabas. Naiwan naman kaming dalawa ni Hendrix dito habang nakaupo pa rin. "Magaling ka sa trabaho mo, hindi ba?" tanong ko. “You can finish it without me," I said without looking at him. "Really, Jhoyce? That's it?" he asked. I rolled my eyes. "Yeah, thats it! May dapat pa ba akong sabihin?" madiin kong sagot at lumabas ng kuwarto na iyon. Ayoko ng atmosphere kapag kasama ko siya, lalo na kapag naalala ko 'yong ginawa niya sa akin noon. Nadaanan ko si Daddy sa hallway at nagpaalam ako na uuwi na. Nagdahilan ako na masama ang pakiramdam ko para lang payagan niya ako, pero ang totoo ay gusto ko lang talaga umalis sa building na ito. Isa rin sa reason kung bakit ayokong matrabaho rito ay dahil nandito siya. Pinuntahan ko si Ira sa condo unit niya, pero wala na siya roon. Sa tingin ko ay pumunta na siya sa photoshoot niya. Naghintay na lang ako sa park nila at pabalik-balik ang tingin ko sa cellphone dahil baka tumawag siya. Ilang oras akong naghintay rito at pansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sa suot ko. Nakalimutan kong magpalit ng damit bago pumunta kay Ira, masyado kasing magulo ang isip ko kanina. Bakit kaya naisipan ni Daddy na bigyan ako ng assignment? Bakit din kaya naisipan niya na i-partner ako kay Hendrix? Alam niya naman na hiwalay na kami. Hendrix cheated me for no reasons. Akala ko nagbago na siya noong unang beses kong nahuli ito, pero nagkamali ako. Palihim niya pa rin akong niloloko. Ilang beses ko siyang nahuli, ilang beses din siyang nagsinungaling kahit alam ko na ang totoo. Hindi ko alam kung bakit niya nagawa 'yon, sobrang perfect naman ng relationship namin. Ilang beses akong napabuntong hininga bago ko naisipang umuwi na lang. Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sunod-sunod na text mula sa cellphone ko. 'Yong iba galing kay Ira at 'yong iba ay galing kay Hendrix. Paano niya kaya nakuha ang number ko? Isa-isa kong binuksan ang message mula sa kanila. Ira: Jhoyce, sabi ng guard pumunta ka raw sa condo ko? Bakit? Hendrix: Hey Jhoyce! It's me, Hendrix. I got your number from your father. I would like to ask, kung busy ka ba tomorrow morning? I will discuss with you our assignment. Ira: Jhoyce, paano ba gamutin 'yong namamagang pisngi? Ira: Help mo naman ako, oh! Hendrix: Don't make it hard, Jhoyce. Uso ang reply. Ira: Jhoyce, I need your help with my decision. Can you sleep over at my condo? Hendrix: Hindi ka ba talaga magre-reply? Hindi mo pa rin ba ako papansinin? Hendrix: I miss you. Hendrix: Sorry, wrong sent. Hendrix: Jhoyce? Hendrix: I will come to your house tomorrow morning. Nagpaalam na ako sa Daddy mo and he said yes. 'Yong iba ay pabalik-balik na message na pupuntahan ako ni Hendrix sa bahay kapag hindi pa raw ako nag-reply sa kaniya. I composed a message to them. To Ira: I need to finish something, then punta ako. To Hendrix: Stop texting me! Wala kang mapapala sa akin. Kaya mong mag-isa 'yan. Itinapon ko na lang sa kama ang cellphone ko at 'saka dumiretso sa banyo para maligo. Nagsuot lang ako ng black jeans, simple white shirt na may design na kotse at white rubber shoes. Pagkarating ko sa hagdanan ay napakunot ang noo ko nang makita si Hendrix sa baba na nakaupo sa sofa habang may hawak na tasa. Napatayo naman siya nang makita niya akong pababa. "Anong ginagawa mo rito? Sinong nagpapasok sa'yo?" tanong ko while directly looking at him. Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya. "Yong maid niyo. Hindi mo ba nabasa ang text ko? Sabi ko pupuntahan kita." "Akala ko kasi niloloko mo ako. Hindi ba magaling ka roon?" sarcastic kong sagot at napaiwas siya ng tingin. Natamaan siya. "I came here because of our assignment, Jhoyce. Bakit ba palagi na lang mainit ang dugo mo sa akin?" Bigla akong natahimik sa tanong niya. Hindi ko magawang sagutin dahil natatakot ako na baka magkamali ako sa sasabihin ko. Lumapit siya sa akin at tinignan ako sa mata. "Please, Jhoyce, kahit ngayon lang, huwag ka munang magalit sa akin. Alam ko kung gaano kapursigido ang Daddy mo na makatulong ka sa company niyo. Isipin mo na lang, paano kapag naging successful ang assignment na binigay niya sa atin? Baka unti-unti ka nang payagan sa mga kagustuhan mo," he explained. He knows me a lot. Wala na akong nagawa kung hindi sumang-ayon sa kaniya. Kahit wala sa loob ko ay nagpalit ako ng pang-corporate attire. Pumunta kami sa isang company building. Kailangan daw kasi namin makuha ang information kung sino ang nagpapatakbo ng business na ito. Masyado kasing confidential, lalo na nang malaman ni Daddy na tumataas ang ratings ng company nila. Mabilis naman kaming pinapasok ng guard at itinuro sa amin 'yong floor kung saan nandoon ang room ng may-ari ng company. Pagkarating namin doon ay bumungad sa amin 'yong secretary niya. She's leading our way papunta sa isang room. Naghintay kami sa labas ng ilang minuto bago niya kami papasukin. Nakatalikod ang may-ari sa amin habang nakaupo sa swivel chair niya. Napansin ko naman ang isang babae na nakaupo sa sofa niya, girlfriend niya yata o hindi. "Carolline, get me a glass of coffee," utos nito sa babae. Mabilis naman itong tumayo at lumabas ng kuwarto. Nahuli ko rin ang mga tingin ni Hendrix kanina sa babae at alam kong type niya 'yon. Hindi na ako magtataka dahil may itsura naman ang babae at maganda pa ang katawan nito. Lumapit naman ang lalaki sa amin at inilahad 'yong kamay niya sa harapan ko. Hindi niya pinansin ang katabi kong lalaki. "I'm Francis Vielle, the chairman of this company." Kinuha ko ang kamay niya at nakipag-shake hands. He looks young to become a chairman. Hindi na ako magtataka kung bakit ang daming gustong makuha ang information niya. "Jhoyce Amber Rivera," I answered. "And?" Napakunot noo naman ako sa tanong niya. Ano pa ang gusto niyang idugtong ko? That I love car racing? Sasagot na sana ako nang magsalita 'yong katabi ko. "We are from the company of her parents. By the way, I'm Hendrix Carter, her secretary." Napalingon naman ako sa kaniya at hindi ko mapigilang magtaka. Kailan ko pa siya naging secretary? Itinuro naman ni Mr. Vielle ang sofa at umupo kami roon. Tinignan niya nang masama si Hendrix sa tabi ko. "You are her secretary. You should not be sitting beside her." Mabilis namang napatayo si Hendrix at pumunta sa gilid ng sofa. Wala siyang nagawa kung hindi sundin ito, dahil kapag hindi niya ginawa' yon ay hindi magiging successful ito. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Si Hendrix nakakaalam ng mga itatanong sa kaniya. Napatingin ako kay Mr. Vielle nang tumikhim ito. He is waiting at wala pa rin akong naitatanong. "What are your hobbies?" tanong ko. Tinignan ko naman si Hendrix at napailing na lang siya. Tinignan ako nang matagal ni Mr. Vielle bago siya sumagot. "Working," he simply replied. "Other than that?" "Working," pag-uulit niya. Sabi ko nga, wala na. "You should be hurry because I have to attend a meeting." "How old are you when you started to work with this company, and what motivates you to continue it, even if you have many competitors?" Napansin ko ang pagkagulat ni Hendrix, hindi niya siguro in-expect ang sasabihin ko. "I started to run a company when I was eighteen, and my parents taught me how the company works." Naghintay ako ng ilang segundo, pero hindi niya na sinundan ang sagot niya. "How about the last question?" tanong ko. Parehas kaming nakaabang ni Hendrix sa sasabihin niya. "Have you ever been in love?" Napatigil ako at napatingin kay Hendrix. Nagtama ang paningin namin at hindi ko mapigilang kabahan. "Have you trusted someone, and that person betrays you?" Napaiwas ng tingin si Hendrix dahil alam kong natamaan siya. Alam niyang siya lang ang sumira ng tiwala na binigay ko sa kaniya noon.   "Have you fallen in love with a person that you imagine a life with him, but he broke you in the end because he's just using you?" Hindi ako makasagot dahil lahat ng iyon ay naramdaman ko with him. With the person beside me. Napalingon kaming tatlo nang bumukas ang pintuan at pumasok 'yong matabang babae. "Excuse me, Sir Francis, kumpleto na po sila roon at kayo na lang po ang hinihintay." Inayos naman ni Mr. Vielle ang kaniyang suit at naglakad papunta sa pintuan, pero bago siya umalis ay nilingon niya ako. "Because I do, and that motivates me to continue this, just to show her that I am a successful businessman and I don't need her to fulfill me." Ilang minuto akong nakatunganga sa pintuan kung saan siya lumabas, bago ko napagdesisyunan na habulin siya pero huli na. Gusto kong tanungin siya kung paano niya nagawa ang mga bagay na iyon. Baka makakuha man lang ako ng idea kung paano tuluyang maka-move on sa kaniya. Nasa hallway ako nang mapansin ko si Mr. Vielle na may kausap na babae sa ‘di kalayuan. Napakunot ang noo ko dahil ang bilis niya namang makapagpalit ng damit. Kung kanina ay naka-suit ito, ngayon naman ay naka-itim na shirt at naka-slim chinos pants na. Mabilis akong lumapit sa kaniya at mabuti na lang dahil tapos niya nang kausapin ang babae kanina. Nagulat naman siya nang makita ako sa harapan niya. "Mr. Vielle, last question. How did you do that?" Napakunot noo siya at napahawak sa kaniyang batok. "Hindi ko alam, e! Lumapit lang siya sa akin tapos tinanong niya kung anong number ko." Nakailang beses akong kumurap sa kaniya. "May nasabi ba akong mali?" "Hindi kita maintindihan," diretsong sagot ko. "Nagtatanong ka kung paano ko nagawang palapitin 'yong babae 'di ba? Sinagot ko lang tanong mo. Bakit? Gusto mo rin bang makuha ang number ko?" Nanlaki ang mata ko sa sagot niya. "Are you Mr. Francis Vielle?" pag-confirm ko. Umiling naman siya. "Ako 'yong pogi niyang kambal, Franco Vielle nga pala." "s**t!" "Nagmura ka? Naku! Bad 'yan, baka hindi ka magkaka-jowa niyan," pananakot niya sa akin. Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa. Napatigil ako sa labi niya. "Tapos mo na akong ma-scan? Pasok na bang maging asawa mo?" taas-baba na kilay na tanong niya. "Tsk," singhal ko at umalis na. "Hoy! Teka lang!" sigaw niya. Nagsipaglingunan naman 'yong ibang mga tao sa kaniya. Tumigil ako at hinarap siya. "Hindi ako pumapatol sa lalaking naka-lipstick!" Nanlaki ang kaniyang mata at mabilis na pinunasan ang labi niya. "H-Hoy!" nauutal na sigaw niya pabalik. "Tsk, bakla," sagot ko at 'saka tumalikod na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD