Jhoyce's POV
"Anong ginagawa niyan dito?" bulong ko kay Franco. Patuloy naman siya sa paglalagay ng mga pagkain sa loob ng refrigerator. Nilingon ko ang pwesto nina Ira at Allen sa may sala na tahimik lang na nakaupo sa may couch.
"Ikaw lang ba ang pwedeng magdala ng bisita?" tugon niya. Binalik ko naman ang tingin kay Franco na nakatingin na rin sa pwesto nina Ira. Alam ko namang si Ira ang tinutukoy niya.
"Tsk," singhal ko. Tinulungan ko naman siya sa pag-aayos ng mga binili namin kanina. "Akala ko ba wala na dapat makaalam ng tungkol sa atin?"
"Wala naman talaga," ani niya. Tinuro ko naman agad 'yong lalaking kasama niya na lumaklak ng glutathione sa sobrang puti.
"E, anong tawag mo sa kaniya? Paano niya nalaman ang tungkol dito?"
"Gusto mong maglihim ako sa pinsan ko?" Napatigil naman ako sa ginagawa at tumingin sa kaniya.
"P-Pinsan? Pinsan mo si Allen?" kunot noong tanong ko. Tumango naman siya at tinuloy ang pag-aayos. "So, alam niya na kasal tayo?"
Hinarap niya ako at pinakita ang suot niyang singsing. Parang kanina lang hindi ko 'yon nakita sa kaniya.
"Alam din ba niyang maghihiwalay tayo after three months?" Natigilan naman siya at natahimik. Nakita ko ang pag-iwas niya sa akin ng tingin. "Hindi niya alam?"
"Bakit? Alam din ba ng kaibigan mo na maghihiwalay tayo?" pagtukoy nito kay Ira. Dahan-dahan naman akong napailing.
"H-Hindi ko pa nasasabi," bulong ko. Nang matapos siya sa pagliligpit ay lumapit ito sa akin.
"Listen, Jhoyce. Okay na siguro na hanggang doon muna ang malalaman nila... na kasal tayo. Kung sasabihin natin sa kanila, na after three months na maghihiwalay tayo, baka mas mahirapan tayo. Mas okay nang tayo lang ang nakakaalam sa mga plano natin." Hindi na ako nagsalita at sumang-ayon na lang sa kaniya.
Tama naman siya. Kung maraming nakakaalam ng tungkol sa amin, alam kong marami rin ang mangingialam. Okay na siguro na hanggang kasal lang ang alam nila. Hanggang doon lang muna.
"Matagal pa ba yan?" Sabay kaming napalingon ni Franco sa likuran. Nakita namin si Ira roon na nakatayo habang naka-cross ang kaniyang kamay na naiiritang nakatingin sa amin. Lumapit naman siya at tinignan ang ginagawa namin.
"Wala ba tayong kakainin ngayon?" tanong nito. Humarap naman ito sa akin. "Alam mo bang galing pa akong shoot para lang sa iyo? Tapos sinamahan pa kitang hintayin 'yong asawa mo hanggang hapon dito. Nagugutom na ako," reklamo ni Ira.
"Bibili na lang muna kami sa labas ni Allen." Napalingon kami nang magsalita si Franco sa gilid.
"Really? Thank you." Umalis naman siya sa harap namin at hinila na lang kaagad si Allen sa may sala palabas ng bahay. Ilang minuto ang nakalipas ay nakarinig kami ng pag-andar ng sasakyan.
Pumunta naman kami sa sala ni Ira at nakinig ako nang magkwento siya tungkol sa trabaho niya. Nalaman ko rin na nag-extra rin siya sa isang teleserye kaya medyo busy siya ngayon. Hindi ko tuloy mapigilang ma-guilty na tinawagan ko pa siya para sunduin ako sa may Mall kanina.
Nang makabalik na sina Franco ay may dala itong mga pagkain at ilang bote ng alak. Agad na ring kaming kumain dahil gutom na si Ira at ilang saglit pa ay nagkayayaan na ring uminom ng alak.
Nag-usap lang sila ng kung ano-ano at nanatili akong tahimik na nakamasid sa kanila habang umiinom.
"Maglaro tayo!" excited na sabi ni Ira. Napatingin naman kaming lahat sa kaniya.
"Ano ka, bata?" natatawang asar sa kaniya ni Allen sa tabi nito. Tinarayan niya naman ito at hinarap kaming dalawa ni Franco.
Ang bilis talaga magbago ng mood niya. Parang noong nakaraan may gusto pa siya sa katabi niya. Naalala ko pa nga kung paano siya magsabi sa akin na gusto niyang mahingi ang number ni Allen. Tapos ngayon para na silang stranger ulit. Hindi na talaga ako uulit sa mga pinapagawa niya.
"What kind of game?" tanong ni Franco. Mukhang sila lang ang nagkakasundo dalawa ni Franco simula pa kanina. Pansin ko rin kasi na sila lang dalawa ang maingay simula noong mag-inuman kami.
Kinuha naman ni Ira ang bote na walang laman sa gilid at nilagay ito sa may gitna namin.
"Truth or dare," nakangiting sabi niya. Napasinghal naman ako sa gilid na ikinatingin nilang tatlo. "Sumali ka, Jhoyce," pagyaya niya.
Hindi ko naman siya pinansin at pinagpatuloy ang pag-inom ng alak sa bote. Kinuha naman nito ang kalat at ilang mga nakalagay sa lamesa at ibinaba, 'saka niya tinumba ang bote sa gitna para paikutin.
"Sasali ka ba o hindi? Kung ayaw mo, pwede ka namang umuwi na. Walang may gusto sa'yo na nandito ka," sambit ni Ira sa katabi niya. Sa paraan ng pagkakasabi niya, parang ayaw niyang nandito si Allen.
"Sige," simpleng sagot lang nito sa kaibigan ko. "Ayusin mo ang pag-ikot, ah."
"Ikaw na kaya? Mas magaling ka pa sa naglalaro, e."
"Nagsasabi lang ako. Ikaw na, hawak mo na nga 'yong bote," sagot naman ni Allen.
"Mag-aaway lang ba kayo?" singit ni Franco. Mukhang may balak pang sumagot si Ira, pero pinandilatan ko ito ng mata kaya tumahimik na siya.
"Alam niyo naman siguro 'yong truth or dare, 'di ba?" Napatango naman 'yong dalawa sa tanong ni Ira. "Kung sino ang tatapatan ng ulo ng bote siya ang gagawa. Samantalang ang matuturo naman ng pwetan ng bote ang magpapagawa. Game na kayo?"
"Ayos, ah," utos ni Allen sa kaniya.
Hindi naman ito pinakinggan ni Ira at inikot na ang bote. Una namang tumapat kay Franco ang bote at si Ira ang magtatanong.
"Truth or dare?" tanong ni Ira. Napaisip naman saglit si Franco.
"Truth," sagot niya.
"Nag-s*x na ba kayo ni Jhoyce?" Nanlaki ang mata ko sa narinig at pinandilatan siya ng mata.
"Ira!" pagpigil ko sa kaniya.
"What? Nag-truth siya," pagdadahilan niya. Hindi ko naman mapigilang mapayuko dahil sa kahihiyan na ginawa niya. Minsan ay hindi ko ma-control ang bibig niya. Kung ano-ano na lang ang lumalabas dito.
"Hindi," maikling sagot ni Franco.
"Dude, seryoso?" ani ni Allen. "Walang naganap na honeymoon noong unang gabi na kinasal kayo?"
"Ang hina mo naman," sabat ni Ira sa kaniya. Sinipa ko naman ang paa nito sa ilalim ng lamesa kaya napatigil na siya. Nang tignan ko si Franco ay namumula ito. Hindi ko alam kung dala lang ba 'yon ng alak na nainom niya.
"Ako naman ang mag-iikot," wika ni Franco. Tumango naman sa kaniya si Ira kaya sinimulan niya na itong ikutin. Tumapat naman ang sunod na ikot kay Allen at ako ang magtatanong.
"Truth or dare?" tanong ko.
"Dare," sagot niya agad.
"Tapang-tapangan na naman siya," rinig kong bulong ni Ira sa gilid ko. Mabuti na lang at hindi narinig ni Allen dahil alam kong mag-aaway na naman sila.
Hindi ko alam kung ano ang ipapagawa ko dahil hindi naman ako sanay sa mga ganitong laro. Inilibot ko ang paningin hanggang sa may nakita ako sa likod ni Allen at agad akong nakaisip ng ipapagawa.
"Kunin mo 'yong bote na walang laman sa may likuran mo at ipukpok mo sa'yo ng tatlong beses." Napalingon naman si Allen sa likuran at napansin ang bote na plastic ng walang laman. Agad niyang binalik ang tingin sa akin.
"Are you serious?" Tinignan ko lang ito ng diretso sa mata at tumango.
Akala ko ay hindi niya ito gagawin, pero tumayo ito at lumapit sa may bote na walang laman. Kinuha niya ang bote at ginawa ang sinasabi ko. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Ira sa gilid ko, habang tahimik naman si Franco. Nang matapos si Allen ay agad na itong lumapit sa amin at umupo sa harap.
"Ako naman mag-iikot," sabi ni Allen. Tumango naman kaming lahat kaya pinaikot niya na ang bote. Tumapat naman ito kay Ira at si Franco ang magpapagawa.
"Truth or dare?"
"Truth," mabilis na sagot ni Ira. Napansin ko ang paglingon ni Franco sa pinsan nya at nakita ko ang pagngisi nito.
"May gusto ka ba sa pinsan ko?"
"W-What?" nauutal na sabi ni ira. Nilingon naman ako nito at para bang humihingi ng tulong, pero nanatili akong tahimik. "Ano bang klaseng tanong 'yan?"
"Oo o hindi lang ang isasagot mo. May gusto ka ba sa pinsan ko?" Nagkatinginan naman si Ira at Allen sa isa't isa. Ilang segundo rin ang nakalipas at nakita namin siya na tumatango habang nakatingin kay Allen.
"Sinasabi ko na nga ba," kumpirmadong sagot ni Allen sa kaniya. Narinig ko ang pagtawa ni Franco sa gilid ko na para bang nagtagumpay siya sa pag-amin ni Ira. "Ikaw ang nanghihingi ng number ko noon, nu?"
"Isang tanong lang, ako naman ang mag iikot," nahihiyang tugon ni Ira. "Pero bago iyan ibahin natin ang rules. Pagkatapos ng dalawang truth dapat ang kasunod na ay dare at vice versa. Tapos pwedeng magtanong kahit sino basta isang beses lang."
Nanatili kaming tahimik sa sinabi niya. "Game kayo?"
Nagkatinginan kami sa isa't isa bago tumango. Nagsimulang ikutin ni Ira ang bote at tumapat naman ito sa akin.
"Ako ang magtatanong," mabilis na sabi ni Franco. Napakurap naman ako ng ilang beses sa narinig. Tinignan ko si Ira at pinanlakihan ng mata.
"What?" she mouthed at me.
"Ikaw na," bulong ko sa kaniya.
"Truth or dare?" Binalik ko naman ang tingin kay Franco nang magsalita ito. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya o hindi. Lahat naman sila ay nakatingin sa akin na para bang hinihintay ang sagot ko.
"Truth," I answered. Nakita ko ang pagngisi ni Franco nang tignan ko ito.
"Ano ang first impression mo sa akin?" tanong niya.
"Ayon lang?" tugon ko at tumango siya. Inisip ko naman 'yong unang araw na nagkita kami sa may bar. Ayon 'yong araw na uminom kami dahil nanalo ako sa car racing. Naalala ko kung paano niya ako protektahan doon sa lalaking nangbastos sa akin.
He's such a gentleman.
Ayoko namang sabihin sa kaniya 'yon ng diretso dahil alam kong lalaki na naman ang kaniyang ulo.
"Lampa," pagsisinungaling ko. Tumawa naman 'yong dalawang kasama namin habang inaasar si Franco.
"Iba na lang dapat ang tinanong ko," rinig kong bulong ni Franco sa tabi ko.
"Next na," agad na sabi nito at mabilis na inikot ang bote sa may gitna. Tumapat naman ang bote kay Ira.
"Ako naman ang magtatanong," mabilis na sabi ni Allen.
"Huwag ka na. Si Jhoyce na lang ang magtatanong."
"Ako na," pagsingit ni Allen. Tinignan naman ako nito at tumango. Walang nagawa si Ira kung hindi sagutin na lang ito. "Truth or dare?"
"Truth," sagot ni Ira.
"Kung may gusto ka sa akin. Bakit hindi mo ako tinawagan noong binigay ko ang number sa inyo?" Agad naman akong napatingin kay Ira. Hindi ko alam ang tungkol doon. Naalala ko na siya ang nagtago ng papel na binigay ni Allen noong nagkita kami.
Bakit nga ba hindi tinawagan ni Ira?
"Busy ako," simpleng sagot nito. Pero alam kong nagsisinungaling siya dahil hindi ito makatingin ng diretso sa kausap niya. Sure akong binalak niyang tawagan si Allen, pero may dahilan kung bakit hindi niya sinabi ang totoo ngayon.
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay napansin ko ang pananahimik nito. Hindi na rin nagsalita ang dalawang lalaki kaya ako na ang nag-ikot ng bote at malas nang tumapat ito sa akin.
"Bawal ka na magsabi ng truth, Tissue girl," wika ni Allen. "So, dare na ang para sa'yo. Ako na ang magpapagawa. I dare you to stay inside the cabinet with Franco within thirty minutes."
"T-Teka lang," pagpigil ko. "Gantihan ba tayo rito? Porket ba ginawa ko 'yong dare sa'yo kanina?"
"Ayaw mo ba?" agad na tanong nito. "Sige, halikan mo na lang si Franco sa harap namin."
"Ano?!" gulat kong tanong. Tinignan ko naman si Franco na tahimik lang sa tabi ko. "Bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Asawa mo naman siya," ani niya. "Okay lang naman na gawin niyo 'yon. Unless, hindi talaga totoo ang meron sa inyo?" Tinignan ko naman si Jhoyce na tahimik lang at para bang okay sa kaniya ang dare sa akin ni Allen.
Babawi talaga ako sa kanila mamaya. Kung alam ko lang na ganito ang kahinatnan dapat mas malala na ang pinagawa ko sa kanila.
"Sige, payag na ako."
"Na hahalikan mo si Franco?" Umikot naman ang mata ko sa sinabi ni Allen.
"Payag na ako sa dare mo na makasama si Franco sa loob ng cabinet." Nakita ko naman ang pagngiti nito na para bang nagtagumpay siya sa binabalak niya. Wala na akong nagawa at tumayo na para pumunta sa loob ng kwarto.
Sakto lang ang laki ng cabinet para sa dalawang tao. Tinanggal pa namin ang ilang damit na nakalagay roon para lang makapasok kami.
"Thirty minutes lang, ah," pagbabanta ko sa kanila. Tumango naman si Ira at pinakita ang hawak niyang cellphone na may timer na sa screen.
Inalalayan naman kaming makapasok ni Franco sa loob. Akala ko ay magrereklamo siya dahil sa ginawa ng pinsan niya, pero nanatili lamang itong kalmado.
Nakaupo kami sa may loob ng cabinet at wala na akong makita dahil nakasarado na ang pinto nito. Tanging ang paghinga lang ni Franco at lakas ng t***k ng puso ko ang naririnig sa loob.
Bakit ba kasing naisipan kong pumayag sa kanila? Pwede ko namang ayawan na lang bigla 'yon.
Ginalaw ko naman ang paa ko nang maramdaman ang pangangalay pero tumama lang ito kay Franco.
"Huwag kang malikot," utos niya. Hindi ko makita ang reaksyon ng mukha nito kung galit ba o hindi. Wala talaga akong makita sa loob dahil sobrang dilim.
"Nangangalay na ako," reklamo ko. Gusto ko nang iunat ang mga binti ko.
Ilang minuto na ba ang nakalipas? Baka dinadaya na ako nina Allen sa labas.
Naramdaman ko ang pagdikit ng kamay ni Franco sa binti ko kaya agad kong tinapik ang kamay niya.
"What do you think you're doing?" nakataas na kilay kong tanong. Kahit na alam kong hindi niya 'yon makikita.
Hindi naman siya sumagot at naramdaman ko na naman ang paghawak niya sa binti ko. Magsasalita pa sana ako nang kunin niya ito at inilagay sa may gilid niya. Nakaramdam naman ako ng pagkaayos dahil sa upo ko. Kanina pa kasi ako naka-indian sit kaya nangalay na ang mga binti ko.
"T-Thanks," nauutal kong sabi. Hindi ko tuloy mapigilang mahiya dahil pinagkamalan ko pa siya na may gagawin sa aking masama. Nanatili ulit kaming tahimik hanggang sa basagin niya 'yon.
"Bakit ka pala nagsinungaling noong tawagin ka ni Attorney Marquez na Mrs. Vielle? Totoo naman na kasal tayo."
"Wala naman dapat pang makaalam ng tungkol sa atin. Maghihiwalay rin naman tayo agad." Hindi naman siya sumagot at tumahimik. "Bakit kayo naghiwalay ni Rhea?"
Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga niya. "Sabihin nating nakahanap siya ng saya sa ibang tao."
Bigla kong naalala ang tungkol sa amin ni Hendrix nang sabihin niya 'yon. Gano'n din kasi ang nangyari sa amin.
Bakit ko ba naalala ang kumag na 'yon hanggang dito?
"Hindi ka nagalit?"
"Paano naman ako magagalit kung alam kong doon siya masaya? Tama lang naman na pinili niya 'yong lalaki na 'yon dahil hindi ko siya pinahalagahan noon. Masyado akong nagkulang sa kaniya." Napakagat ako ng labi nang marinig 'yon galing sa kaniya.
May mga tao rin pala na tulad ko na sobrang tanga pagdating sa pag-ibig.
"Pero pinagpalit ka niya, niloko ka niya. Karapatan mong magalit sa kaniya."
"Paano ako magagalit kung hanggang ngayon ay siya pa rin ang inisiip ko? Paano ako magagalit sa babaeng hanggang ngayon ay mahal ko?" Natigilan ako sa sinabi niya at hindi ko mapigilang maawa sa kaniya. Nakikita ko noon ang sarili ko kay Franco, kung paano ako magmakaawa kay Hendrix na ako ang piliin niya. Na kahit bumalik siya sa akin ay hindi ako magagalit.
Naramdaman ko ang lahat ng iyon sa taong kasama ko ngayon. Iba rin talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Siguro kaya kami pinag-meet ng tadhana dahil pareho kaming sawi. Pareho kaming pinagpalit sa ibang tao.
"Last ten seconds!" Napatingin kaming dalawa ni Franco sa pinto ng cabinet nang marinig namin si Allen sa labas.
"Sorry for doing this." Napakunot noo naman ako sa sinabi ni Franco.
"What do you mean?" Mayamaya ay nakarinig ako ng pagkaluskos. Akala ko ay matatapos na ang lahat ng paghihirap ko sa cabinet. Pero nagulat ako sa huling ginawa ni Franco bago tuluyang bumukas ang pinto.
He pulled me close in an embrace, his lips warm against mine in response to my silent query.