Jhoyce's POV "Kailangan ko ba talagang sumama?" pag-ulit na tanong ko sa kaniya. "Ilang beses mo bang tatanungin sa akin 'yan, Jhoyce?" Napairap naman ako ng mata at umupo sa may harapan niya. Tumawag kasi ang kaibigan nito sa kaniya kaninang umaga habang kumakain kami. Sinabing may gusto raw makipag-meet na magandang babae sa kaniya. Dahil narinig ko naman ang pag-uusap nila ay pumayag ako. Why not? Kasal lang naman kami sa papel at wala kaming gusto sa isa't isa. Mas okay na sigurong igugol namin ang oras sa iba at mag-invest sa kanila ng feelings. Pero nagulat ako nang pasamahin niya ako. "Ano ba kasing ang gagawin ko sa lugar na 'yon?" pagtatanong ko sa kaniya. Napatigil naman siya sa pagtipa sa cellphone at napatingin sa akin. "Be a spy," tugon niya. Napakunot naman ako ng noo