Jhoyce's POV "Ano na naman 'yan?" tanong ko. Napalingon ako saglit kay Franco nang ilapag niya ang isang brown envelope sa harap ko. "Let's have a deal." Tumigil naman ako sa paghihiwa ng apple at hinarap siya. "Deal na naman?" reklamo ko. "Kailan ba matatapos 'yang deal mo?" "Kapag tumigil ka na sa pagrereklamo mo." Padabog ko namang binitiwan ang kutsilyo na hawak ko sa harapan niya. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata nito at ang sunod-sunod na paglunok. "Ikaw lang naman ang madalas magreklamo," nakangising sagot ko. Ilang beses ba siyang sumalungat sa mga sinabi ko? Kapag may sasabihin ako lagi na lang siyang may resbak. Kinuha ko ang mga hiniwa kong apple at nilagay sa isang mangkok. Naglakad naman ako patungo sa kwarto at umupo sa may couch. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa