Jhoyce's POV
"Nasaan ka?" tanong ni Luis sa kabilang linya. Kinuha ko naman ang baso na may lamang orange juice at naglakad papunta sa sala.
"Nasa bahay," sagot ko. Umupo naman ako sa couch at nilagay ang baso sa may lamesa. Kinuha ko ang remote at 'saka pinahinaan ang sound na pinapanood ko.
"Sayang naman."
"Bakit?" tanong ko. Kumuha naman ako ng popcorn sa ibabaw ng lamesa at kumain.
"May mga darating kasi na car racer galing Europe." Natigilan ako sa pagsubo at napaupo ng maayos.
"Talaga?" pagkumpirma ko. "Sino raw? Kilala mo?"
"Hindi nga sinasabi sa akin ni Anton. Sa kaniya ko lang din nalaman ang tungkol doon," paliwanag ni Luis.
"Kailan daw ba yan? Ngayon na ba?" Tinignan ko naman ang orasan na nakasabit sa dingding. Tanghali na, pero hindi pa rin bumabalik si Franco simula kaninang umaga.
"Mamaya pa namang hapon kaya sinabihan na kita agad baka sakaling makahabol ka. Pero nasa bahay niyo naman ikaw, baka hindi ka payagan ng Daddy mo umalis."
"Pupunta ako," mabilis kong sagot sa kaniya. Ang problema ko nga lang ay kung ano ang masasakyan ko papunta roon. Ginamit pa naman ni Franco ang kotse niya at nasa bahay nina Daddy ang kotse ko. Kung pupunta pa ako sa bahay nina Dad ay mas mapapalayo ako.
"Good! I forgot, nasa akin pa pala 'yong pera mo noong nanalo ka."
Bigla akong nabuhayan sa sinabi ni Luis. Sakto at wala akong perang dala. Hindi pa naipadala nina Daddy sa akin 'yong credit card ko at nakakahiya naman na humingi sa kanila, lalo na at alam kong abala pa sila sa kumpanya. Kahit nga hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ako tinatawagan para kamustahin simula noong ipagkasundo nila ako kay Franco.
Hindi pa rin sila nagbabago.
"Uy, ano? Nandyan ka pa? Nakatulog ka na yata, e," birong sabi ni Luis.
"Sunduin mo ako. Sira pa kasi 'yong kotse ko," pagsisinungaling ko.
"Papayagan ka ba ng Daddy mo? Baka sugurin ka ulit katulad noong nakaraan."
"Hindi yan. Wala naman ako sa bahay namin, nasa ibang bahay ako. Busy rin sila sa trabaho kaya wala silang pakialam sa akin ngayon."
"Sure ka ba? Baka may sabit na naman."
"Wala na, promise. Text ko sa iyo 'yong address, thank you. Bye!"
Pagkatapos kong patayin ang tawag ay agad na rin akong nag-text kay Luis na sunduin niya na lang ako sa may gate at 'yong address kung saan siya maghihintay. Niligpit ko na rin 'yong mga pinagkainan ko at pinatay ang television. Dumiretso na ako sa banyo para makapag-ayos.
Nang matapos ako sa pag-aayos ay lumabas na rin ako ng bahay. Sinarado ko na lang ang pinto kahit na hindi ito naka-lock. Wala naman sigurong magtatangkang pumasok sa loob at magnakaw.
Mabilis akong pumunta sa gate kung saan kami magkikita ni Luis. Nang makarating doon ay napansin ko kaagad ang kotse niya sa may gilid. Lumapit naman ako roon at sumakay sa may passenger seat.
"Amber!" sigaw ni Luis sa second name ko nang makapasok. Tinignan ko naman ito ng masama kaya napatigil siya. "Na-miss kitang bruha ka." Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit.
"Ang tagal na rin simula noong nagkita-kita tayo. Nandoon ang buong team mamaya kasama si Ira." Nanlaki ang mata ko at napangiti. Na-miss ko na rin silang lahat. Palagi ko pa naman naalala 'yong mga bonding namin noong medyo maluwag pa akong nakakatakas kina Mommy at Daddy.
"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yup! Ikaw lang yata ang hindi nakakaalam ng pagdating ng mga racers."
"Alam din ni Ira?" Umikot naman ang mata niya at napaisip.
"Hindi," natatawang sabi nito. "Actually, sinabi lang din sa kaniya ni Anton."
Napatango naman ako at sinuot na ang seat belt.
"Kanino pa lang bahay 'yong tinutuluyan mo ngayon?" Tinuro niya 'yong subdivision na nilabasan ko kanina.
"Sa malayong kamag-anak namin," pagsisinungaling ko. Tumango naman ito at pinaandar na ang kotse niya.
"Mabuti naman at gano'n dahil nakakatakas ka." Tinignan niya naman ako saglit bago ibalik ang tingin sa labas. "In fairness sa'yo, Amber---"
"Stop calling me by my second name, Jerome!" may diing sabi ko. Kapag naririnig ko 'yong Amber, biglang pumapasok sa alaala ko 'yong pagtawag nina Franco at Rhea sa akin noong nasa Mall kami.
"Tsk," singhal niya. "Pero walang biro, parang blooming ka ngayon."
Napaikot naman ako ng mata sa narinig.
"May kailangan ka nu?" Napanguso naman ito at umiling.
"Ayan ang hirap sa'yo. Konting papuri lang, may kailangan agad. Pero dahil sinabi mo na rin naman, pautangin mo ako, ah. Babayaran ko 'yong pina-upgrade ko kay baby." Napangisi na lang ako at napailing.
Sabi ko na nga ba, e. Minsan lang kasi bumati si Luis at kapag ginawa niya 'yon ay magulat ka dahil may kasunod na 'yong paghingi ng pabor.
Nakarating naman agad kami sa venue. Katulad ng inaasahan ay nandoon lahat ng team, pero hindi ko napansin si Ira. Mukhang hindi makakarating dahil busy 'yon sa shooting niya.
Nagbatian naman kaming lahat at kung ano-ano ang pinagkwentuhan. Kapag matagal talagang nagkikita ay nakaka-miss ng sobra. Tahimik lang ako habang nakikinig sa mga kwento nila. Ayoko namang sabihin sa kanila na kinasal na ako dahil sa arrange marriage na ginawa ng magulang ko. Mas okay nang maging lay low muna.
"Guys, scam!" sigaw ni Charls. Napatingin naman kaming lahat sa kaniya. "Hindi naman pala darating ngayon 'yong racers na galing Europe. Sa susunod pa raw na linggo."
Nagulat naman kaming lahat at nagkatinginan sa isa't isa. Anong pinunta naming lahat dito?
"Kanino galing 'yong information na nakuha ko kanina?" tanong ni Anton sa sarili. Mukhang nakakuha na naman siya ng fake news sa ibang team.
Nang lingunin ko ang ibang tao na naghihintay rito ay malungkot din sila. Wala naman silang magawa kung hindi ang umuwi na lang. Iniisip siguro nila na nasayang ang punta nila para lang sa wala.
Pero dahil buo naman ang team maliban kay Ira ay nagkayayaan kaming kumaing lahat. Si Anton na ang nanlibre dahil na-guilty siya na pinapunta niya kami rito. Puro kwentuhan ulit ang naganap at nagkaroon ng konting inuman hanggang sa napagdesisyunan na rin naming umuwi dahil gabi na.
Inihatid pa rin ako ni Luis sa may gate ng subdivision. Nag-insist pa siya na ihahatid ako sa loob, pero hindi na ako pumayag. Nagdahilan ako na baka mahuli at hindi na ako payagan sa susunod. Naglakad na lang ako patungo sa bahay. Maliwanag pa sa labas dahil sa sinag ng buwan. Pagkarating ko sa bahay ay nakita ko kaagad ang kotse ni Franco. Mukhang kanina pa siya nandito.
Anong oras kaya siya nakauwi?
Madilim na ang loob, mukhang natutulog na siya. Tamang-tama lang para hindi na siya magtanong ng kahit ano tungkol sa pinuntahan ko. Naglakad naman ako at binuksan ang pinto. Kinapa ko pa ang switch ng ilaw sa gilid dahil wala akong makita sa loob.
"Ay, baboy!" gulat kong sigaw nang pagkabukas ko ng ilaw ay si Franco kaagad ang bumungad sa akin.
"Anong oras na, ah. Bakit ngayon ka lang umuwi?" bungad na tanong niya sa akin. Hindi ko naman ito pinansin at dumiretso sa may kwarto. Naramdaman ko naman ang pagsunod nito sa akin.
"Oras pa ba ito ng uwi ng babae? Wala ka bang balak sagutin ako?" Nilapag ko naman ang bag sa may side table at lumapit sa cabinet para kumuha ng damit. "Talaga bang iniiwasan mo ako?"
Napaharap naman ako sa kaniya. "Anong gusto mong sabihin ko? Mabuti nga at umuwi ako."
"Asawa mo pa rin ako. Dapat nagpapaalam ka kung aalis ka o hindi," sabat niya. Napaikot naman ako ng mata at napansin agad ang pulang marka sa may pisngi niya. Mukhang lipstick 'yon ng babae na humalik sa kaniya.
"So, saan ka galing kanina? Kanino ka nakipagkita? Sino ang katawagan mo kagabi?" Binalik ko ang mga tanong sa kaniya. Hindi naman ito nakasagot kaya kumuha na ako ng damit. Bago ako dumiretso sa banyo ay hinarap ko siya ulit.
"Alam mo? Okay lang naman sa akin na makipag-date ka sa ibang babae. Kahit hindi ka pa umuwi ng ilang araw. Wala naman akong pakialam. Pero sana huwag mo rin akong pakialaman sa mga gusto ko. Kasal lang naman tayo sa papel at hindi naman natin gusto ang isa't isa. Huwag kang umarte na para bang tunay kitang asawa."
Nakita ko ang gulat sa mata nito bago ko siya tuluyang iwan. Nang masarado ko ang pinto ng banyo ay napasandal ako rito at napahawak sa dibdib. Ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa kaba na naramdaman ko noong magkasagutan kami. Huminga muna ako ng malalim at lumapit sa may shower.
Bakit pa kasi siya tanong nang tanong sa akin? Kapag naiirita pa naman ako ay hindi ko mapigilang makapagsalita ng masakit na bagay.
Naalala ko 'yong reaskyon niya bago ko ito iwanan. Alam kong hindi siya makapaniwala na sinabi ko 'yon sa harap niya. Siguro ay nagawa niya lang akong kulitin dahil babae ako at gabi na nga talaga ang uwi ko. Pero hindi naman siya dapat mag-alala dahil sanay na ako sa ganitong bagay. Nakalimutan ko lang siyang i-inform sa buhay ko noong nakaraan, noong hindi pa ako kasal.
Matapos kong maligo ay nag-stay pa ako ng ilang minuto sa may banyo. Nang makaramdam na ako ng antok ay doon na ako lumabas. Akala ko tulog na si Franco dahil ang tahimik na at tanging tunog na lang ng aircon ang naririnig ko. Ngunit hindi ko ito napansin na nakahiga sa may couch at kahit sa kama.
"Jhoyce, can we talk?" Napatingin ako nang may magsalita sa may gilid at nakita ko roon si Franco na nakatayo habang nakatingin ng diretso sa akin. Bumuntong hininga naman ako at umupo sa may gilid ng kama.
"Okay," simpleng sagot ko.
"About what you said earlier, you're right. Kasal lang tayo sa papel at hindi dapat ako makialam kung ano man ang magiging desisyon mo." Lumapit naman siya at umupo sa may couch. Nanatili akong nakayuko dahil hindi ko alam ang isasagot ko. "Pero sana maging open tayo sa isa't isa, lalo na sa mga ganitong bagay. Hindi lang naman ikaw ang mapapahamak sa desisyon mo kapag may nangyaring masama sa iyo. Damay ako rito, Jhoyce."
"Huwag kang mag-alala, hindi naman kita sisisihin kapag may nangyaring masama sa akin."
"Jhoyce."
Tinaas ko ang tingin sa kaniya. "Anong gusto mong gawin ko? Ang sabihin sa iyo lahat ng gagawin ko? Kailangan ba alam mo ang takbo ng utak ko? Gano'n ba ang gusto mo?"
Hindi niya ako sinagot pero alam ko na ayon ang gusto niyang iparating sa sinabi niya kanina.
"Bakit ko naman sasabihin sa iyo? Hindi mo nga masabi sa akin kung sino ang ka-meet mo kanina."
"It was Abbie." Natigilan ako nang marinig 'yon sa kaniya. Hindi ko alam na sasabihin niya kaagad sa akin. "She's my friend and she knows about our marriage."
"W-What? Nababaliw ka na ba? Akala ko ba si Allen lang ang nakakaalam?"
"I have never said that," tugon niya. "Malalaman din naman ng lahat ang tungkol sa atin kapag 'yong parents na natin ang nagsabi."
"Paano naman ako maniniwala sa iyo? Nagawa mo ngang magsinungaling sa akin." Kinuha niya naman ang cellphone sa bulsa at may tinipa siya roon bago lumapit sa akin. Hinarap niya naman ang cellphone sa akin.
"Franco? Bakit ka napatawag?" tanong ng babae sa kabilang linya.
"Jhoyce was listening to us," sagot ni Franco.
"Jhoyce? Oh, I see." Para bang nabuhayan ito nang marinig ang pangalan ko. "Hello, Jhoyce. I heard a lot about you from Franco. Anyways, congrats on your wedding!"
"T-Thanks," sagot ko.
"Hindi ko na napagpaalam ang asawa mo. Biglaan lang din kasi ang pagkikita namin dahil saglit lang ako rito, babalik na rin ako sa states tomorrow." Hindi ko mapigilang ma-guilty dahil sa sinabi ko sa kaniya. Akala ko ay nakipag-date ito sa kung sinong babae.
Pinatay naman ni Franco ang loud speaker at dinikit sa tenga niya ang phone.
"She needs to rest, Abbie. Hindi na kita mahahatid bukas sa airport. Tawag ka na lang kapag nakarating ka na. Yeah... I will... good night." Pinatay niya naman ang tawag at binalik sa bulsa 'yong phone.
Napabuntong hininga naman ako. "Pumunta ako sa car race kanina with my team," pagsisimula ko. Bumalik naman siya sa may couch at umupo. "Nalaman ko kasi na nandito 'yong ibang car racer from Europe. Since wala ka naman ay pumunta na lang din ako. Hindi ko naman in-expect na gagabihin ako. Kumain pa kasi kami sa labas."
Tumango naman ito. "Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin kanina?"
"Natatakot kasi ako na baka sabihin mo kay Daddy," turan ko. Napakunot naman ang noo niya.
"Bakit ko naman sasabihin sa Daddy mo?"
"May naging issue na kami noon about sa pagkahilig ko sa car race at ayoko lang ulit mangyari 'yon. Ayoko nang makadagdag sa problema na kinakaharap nila ngayon." Pinagdakop ko ang dalawa kong palad at pinaglaruan ang mga daliri ko.
"Kung gano'n, edi sana tinigil mo na lang ang pagca-car race mo." Lumingon ako sa kaniya at napailing.
"I can't," sagot ko. "Kapag ginawa ko 'yon ay parang tinanggalan ko na rin ang sarili ko ng karapatan para mangarap. I don't have a choice to keep it as a secret."
Ito lang ang naging way ko noon para ma-enjoy ang sarili ko. Kahit ang higpit ng tali na nakakabit sa akin ay nagawa ko pa ring abutin ang pangarap ko. Hindi ako nagsisi na ginawa ko 'yon.
"Then, it's a secret between us." Hindi ko magawang sumagot nang marinig 'yon sa kaniya. "I tell you everything about mine, and you tell me about yours. Let's work together, Jhoyce. We still have the remaining months to work. Kapag nagawa nating mapaniwala ang parents natin, tuluyan na tayong makakawala sa mga gapos nila. Magiging malaya na tayo."
Lumapit siya sa akin at nilahad ang kamay niya sa harapan ko. Inabot ko naman ito at tumayo sa harap niya.
"Once we start our plan, it will be harder to get back. It's now or never!"