Jhoyce's POV
The pink dress that I am wearing makes me feel unpleasant when I saw the restaurant's ambiance. A restaurant's atmosphere sets the stage. The lighting has to be correct. And table settings have to as well. It looks like the restaurant is made for couples.
"Miss Jhoyce?" Napadako ang tingin ko sa lalaki sa gilid. Nakasuot ito ng black suit na may pink na bow tie. Habang nawawala naman ang kaniyang mga mata dahil sa lawak ng kaniyang pagngiti. Para bang pinagmamayabang nito ang isang gold na ngipin niya sa unahan.
Napilitan tuloy akong ngumiti sa harapan niya. Paano niya kaya nalaman ang pangalan ko? Nagkita ba kami noon at sadyang nakalimutan ko lang talaga siya?
"Yes? Do I know you?"
Nawala ang ngiti nito at agad na lumapit sa harapan ko. Napaangat ito ng tingin sa akin dahil mas matangkad ako sa kaniya. Hindi ko alam kung dahil sa suot kong heels o mas maliit lang talaga siya kaysa sa akin.
"Mas matangkad ka pala sa personal, Miss Jhoyce," nakangiting ani nito.
"Sino ka ba? Paano mo nalaman 'yong pangalan ko?" Lumapit naman ito lalo sa akin at inabot ang kamay niya. Tinitigan ko lang iyon at walang balak makipag-kamay, kaya ibinaba niya na lang ito.
"I'm Johann, Miss Jhoyce." Napakunot naman ang noo ko at 'saka ko naalala 'yong initial ng nagpadala ng invitation kanina.
Sa kaniya galing 'yon?
"Ikaw si J?" gulat kong tanong.
Nakangiting tumango naman ito. Nabigla ako nang kunin niya ang kamay ko 'saka hinalikan ang likod nito. Hindi ko naman mapigilang mapangiwi dahil hindi ako sanay sa mga ganitong eksena.
"Ikaw 'yong nagpadala ng dress na 'to?"
"The one and only," sagot niya.
Kaya pala ang cringe. Sa kaniya pala galing.
Agad niya naman akong pinaghila ng upuan, wala na akong nagawa at umupo na lang doon. Katulad ko ay umupo rin siya sa harap ko. Tinawag niya pa 'yong waiter at pinakuha na 'yong order nito. Mukhang kanina niya pa ako hinihintay.
Akala ko 'yong formal na dinner sa invitation ay pangmaramihan talaga. Kung alam ko lang na ganito, hindi na sana ako nag-abala pang pumunta.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko? Ngayon lang naman kita nakita." Napakamot naman ito ng ulo at ngumiti na naman.
Bakit ba ako naiirita sa mga ngitian niya o sadyang hindi lang talaga ako sanay?
"Hindi mo ba alam na naghahanap si Mr. Rivera ng kasintahan mo?" tanong nito.
Mabilis naman akong umiling. "Si Daddy naghahanap ng magiging boyfriend ko? Wala akong alam."
Bakit naman gagawin 'yon ni Daddy? Hindi niya nga ako kinakausap sa bahay at wala rin siyang sinabi tungkol sa ganito.
"Balita ito sa buong kumpanya niyo, ah. Halos lahat ng lalaki na nakakaalam ay nag-a-apply na para sa iyo at ako ang unang napili," he said it confidently. Malakas itong napatawa at hindi ko mapigilang mapayuko nang lumingon 'yong ibang tao rito sa restaurant.
"Kailan pa nagsimula?" pagputol ko kaagad sa kasiyahan niya.
"Kahapon lang," tugon niya. "Hindi ko nga alam na ngayon na agad tayo magme-meet. Kung alam ko lang ay nakapaghanda pa sana ako ng dinner sa yatch ko." Napangiti na lang ako bilang tugon. Halata sa mga salita niya ang pagiging mayabang nito.
"Ayan na ang mga in-order kong pagkain." Napatingin naman ako nang ituro niya 'yong order namin.
"I ordered some healthy foods, and I hope you will like them."
"Sir and Ma'am, here's your order." Napadako naman ang tingin ko sa pagkain na inilapag ng waiter sa harapan ko.
"T-Thanks," sagot ko. May mga ilang hiwa na pa-cube na gulay at may tatlong dahon sa gilid at parang nilagyan lang ng konting sauce para sa design.
Huwag niyang sabihin na ito lang ang ipapakain niya sa akin sa dinner?
"Mahal ang mga 'yan, kaya alam kong magugustuhan mo."
Hindi naman ako gano’n kapili sa pagkain.
Tinignan ko naman kung ano 'yong pagkain na in-order niya at bigla akong natakam nang makita ang manok doon at ilang piraso ng nahiwang patatas sa gilid.
Bakit mas mukhang masarap pa 'yong kaniya kaysa sa akin? Tinitipid niya ba ako?
Napatingin ako nang ilabas niya 'yong maliit na salamin at 'saka siya tumingin doon para tignan 'yong ngipin niyang gold. Nag-smile pa ito na para bang nakatingin sa camera. Hindi niya man lang napansin na hindi lang siya ang tao rito.
Talaga bang gagawin niya 'yan sa harapan ko?
"Okay, let's eat." Hinawakan niya naman 'yong kutsilyo at tinidor. Maghihiwa na sana ito nang pigilan ko siya.
"Saglit," pagpapatigil ko sa kaniya. "Hindi pa kasi ako kumakain simula kaninang umaga, pwede bang magpalit na lang tayo?"
Hindi ko na hinintay ang sasabihin nito. Mabilis kong pinagpalit ang plato namin at bago pa niya ako mapigilan ay nahiwa ko na ang manok at nasubo na ito.
"Ang manok ko," rinig kong sabi niya. Tinignan ko naman siya at tinuro ang plato niya.
"Kain ka na," nakangiting saad ko.
"Busog pa ako," sagot niya. Nakita ko naman sa mata niya ang pagtakam sa manok na kinakain ko.
"Sure ka?" Tumango naman ito at kinuha 'yong tubig sa lamesa at 'saka ininom.
Habang kumakain ako ay napapansin kong nakamasid lang si Johann sa akin. Mukhang titignan niya lang ako hanggang sa matapos akong kumain.
"Ang sarap pala ng pagkain nila rito," saad ko. Napangiti naman ito at para bang sumang-ayon sa sinabi ko. Napansin ko rin na hindi niya pa ginagalaw 'yong pagkain niya. "Hindi mo pa ba kakainin ‘yan? Akin na lang, ah."
Kinuha ko naman ito at saglit lang nang matapos kong kainin. I burped loudly and saw him grinned. It shows that he did not seem to like it. I looked at him with a ghost of a smile, thinking that if I show my wrong sides, it will somehow help to make people distant from me.
"Can I order some more?" I took the tissue in the middle of the table and wiped the edge of my lip.
"Hindi ka pa rin nabusog?" nakangiting tanong nito na para bang napipilitan na lang. Tinawag niya naman agad ang waiter at akala ko ay o-order na ito. Pero mabilis niya namang hiningi ang bill namin, sa takot na baka lumaki pa ito. Napailing na lang ako.
Hindi nga ako nagkamali sa iniisip ko. Kaya niyang magmayabang sa mga nabili niya, pero ang totoo ay isa itong kuripot na tao.
"Naalala kong may pinapakuha si Daddy sa akin. Ipapahatid na lang kita ulit sa driver ko. Mauuna na ako sa iyo, Miss Jhoyce." Ngumiti na naman ito sa akin nang malawak para ipakita ang gold na ngipin niya. Hindi na ako nakapagsalita nang umalis na ito pagkatapos niyang mabayaran 'yong mga na-order niya.
Hindi na rin ako nag-abala pang mag-stay roon at agad nang umuwi. Binagsak ko kaagad sa kama ang katawan ko para makapagpahinga at hinubad na lang ang suot kong heels. Nakaramdam kaagad ako ng pagod kahit saglit lang ang oras na pinunta ko roon.
Kinabukasan ay nagulat ako nang sabihin ni Luna na nandiyan ang parents ko. Mabilis naman akong naligo at nag-ayos sa sarili. Pagkababa ko ay nadatnan ko sila na naghihintay sa dining area.
Himala at kumpleto 'yata kami ngayong umaga.
Hindi ako nagsalita at dumiretso sa upuan ko. Nasa harap ko si Mommy, habang nasa gilid ko naman si Daddy. May mga lumapit na maids para ipaghanda ang makakain namin.
Sa kalagitnaan ng pagkain ay hindi ko mapigilang sulyapan silang dalawa. Tanging mga tunog lang ng kubyertos ang maririnig dahil sa sobrang tahimik namin kumain.
"Kumusta ang tulog mo?" tanong ni Mommy. Napatingin naman ako rito at ngumiti.
"Ayos lang po," simpleng sagot ko.
"How's Johann?" Napadako ang tingin ko kay Daddy na abala pa rin sa pagkain niya. Tinigil ko naman ang pagsubo at sinagot ito.
So, totoo nga ‘yong sinabi ni Johann kahapon.
"O-Okay lang po," nauutal kong sagot. Kinuha ko naman ang baso sa unahan at diretso itong ininom.
"Alam kong hindi ka papayag na gawin ko ito kapag sinabi ko sa iyo." Inilapag ko naman ang baso at napatingin kay Daddy. "Katulad ng sabi mo, Jhoyce. Matanda ka na at hindi ka na bata pa, dapat alam mo na ang priority mo sa buhay. Isipin mo na lang na kaya namin ito ginagawa ay para mapabuti ka."
Tinutukoy niya ba 'yong pag-set up niya sa akin sa ibang tao katulad ng kahapon?
"Simula noong maghiwalay kayo ni Hendrix ay alam kong nawalan ka nang magtiwala. Gusto ko lang bumalik muli ang pagtitiwala mo sa ibang tao at para gawin 'yon ay kailangan namin makahanap ng ka-partner mo." Napatango naman si Mommy at para bang sumasang-ayon kay Daddy. Hindi na ako nagsalita at nakinig na lang. Wala rin naman akong magagawa kahit sabihin kong hindi ako pumapayag sa mga gusto nila.
Kung kaya nilang gumawa ng paraan para ipagkasundo ako sa iba. Kaya ko rin gumawa ng paraan para iwasan ang mga iyon. Oras na siguro para ipakita ko sa iba ang bad sides ko.
Nang matapos kami sa pagkain ay umalis na rin sila Daddy para pumunta sa Company. Wala pang isang oras ay may dumating na isang lalaki na nakasuot ng double rider jacket at maong pants. Mahaba ang kaniyang buhok at may hikaw pa sa kanang tenga niya.
"So, you are Jhoyce?" tanong nito.
"May iba ka pa bang nakikita bukod sa akin?" Tumawa naman ito at napailing.
"Tama nga ang sabi ng Daddy mo." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
Ano na namang sinabi ni Dad sa kanila tungkol sa akin?
"Anyways, I'm Ralph." Inabot niya naman ang kamay sa akin. Hindi ko binalak na makipag-shake hands, kaya kinuha niya ang kamay ko at ginawa na lang ito. "You're Jhoyce, I know."
Tsk. Hambog.
Mukhang magsisimula na ulit ang labanan ngayong araw. Tignan na lang natin kung magwawagi siya sa akin.
Hindi na ako nag-abala pang magbihis ng maganda. Okay na siguro itong simpleng shirt, maong pants at rubber shoes tulad ng kaniya. Hindi naman importante ang pupuntahan namin. Isa pa ay kailangan kong ipakita na ayaw ko sa kanila.
"Let's go," pagyaya niya. Naglakad namin kami palabas ng bahay at hindi ko mapigilang mapanganga nang makita 'yong motor doon.
Huwag niyang sabihin na sasakay kami r'yan?
Inabot niya naman sa akin ang helmet. Dahil wala akong balak suotin ito ay siya na ang nagkusang nagsuot sa akin ng helmet. Hinila niya naman agad ako at pinasakay sa motor niya.
"Sure kang marunong kang mag-drive?" kinakabahang tanong ko. Nilingon niya naman ako at ngumiti.
"Oo naman," proud na sagot niya. "Dadalhin kita sa heaven!"
Hinampas ko naman ang braso niya. "Gago ka ba? Papatayin mo ako?!" galit kong tanong sa kaniya. Tumawa naman ito na para bang nakikipagbiruan lang ako sa kaniya.
Hindi ako takot mamatay sa pagca-car race, pero huwag lang sa motor na ganito.
"Humawak ka nang mahigpit sa bewang ko, babe." Inikot ko ang mata nang marinig ang huli niyang sinabi. Hindi ko naman ito sinunod at humawak sa balikat niya. "Baka mahulog ka," pag-aalalang tugon niya.
"Okay lang," ani ko. Nanlaki naman ang mata ko nang bigla niyang paandarin ang motor, kaya agad kong niyapos ang bewang niya sa takot na baka tuluyang mahulog.
"Papatayin mo ba talaga ako?!" sigaw ko. Tumawa naman ito at patuloy na pinaandar ang motor.
"Kung sabagay, mas mabuti nang mahulog ka sa akin kaysa sa iba."
Napakagat naman ako ng labi para pigilan ang pagngiti ko.