Jhoyce's POV Nagising ako dahil sa bigat na nararamdaman ko. 'Yong feeling na sobrang lamig ng paligid mo, pero pinagpapawisan ang buo mong katawan. Gano'n ang nararamdaman ko ngayon. "J-Jhoyce?" tawag ni Franco sa gilid ko. Napatingin naman ako sa kaniya at halata sa mukha nito na ilang oras siyang hindi nakatulog. "What do you feel right now? Nahimatay ka kanina at sobrang init mo. Bakit hindi mo sinabi sa akin na may sakit ka na pala?" "C-Cold," nauutal kong sagot. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko at magsalita nang mahaba. Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hangin sa loob. Natigilan naman ito sa narinig at natatarantang kinuha ang remote at pinatay ang aircon. Lumapit din siya sa cabinet at kumuha ng kumot. Nilagay niya naman ito sa akin. "Okay na ba? Anong pakiramdam mo?" Lumap