Jhoyce's POV "Sigurado ka bang hindi ka nilalamig?" pag-ulit niyang tanong sa akin. Tumango naman ulit ako at ngumiti sa kaniya. Hindi ko mapigilang mahiya lalo na sa ginawa ko kanina. Hindi na dapat ako tumugon sa halik niya. Hindi ko na dapat pinakita ang emosyon ko sa kaniya. Bakit mo ba kasi ginawa 'yon, Jhoyce? Ano naman ang pumasok sa utak mo at nagsimula ka namang lumandi? Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga sa naisip. Sakto namang narinig 'yon ni Franco kaya napatingin ito sa akin. "Ayos ka lang ba talaga?" tanong niya. Tumawa naman ako ng pilit at tumango sa kaniya. "Huwag kang mag-alala, malapit naman na tayo." Kasalukuyan na kaming naglalakad papunta sa bahay nina Allen. Dala ni Franco ang basket kanina habang ang isang kamay niya ay may hawak na flashlight. Mula rito