Jhoyce's POV
Nagising ako nang maramdaman ang bigat na nakapatong sa bewang ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ang malapit na mukha ni Franco sa akin. Sa gulat ko ay sinipa ko ito nang malakas paalis ng kama.
"Fvck!" daing niya. Halata ang pagkagulat sa bagong gising nitong mukha. Hinatak ko naman ang kumot at binalot ito sa katawan ko.
"What do you think you're doing?!" bulalas ko.
Ang huling naalala ko ay ang pagtatalo naman kung sino matutulog sa kama. At alam kong ako ang nagwagi roon. Bago ako natulog ay sinigurado kong nakahiga ito sa may sofa. Pero paano siya nakarating sa kama at sa mismong tabi ko pa? Nagawa niya pang yapusin ako ng mga bisig niya habang natutulog.
Sinasabi ko na nga ba. Hindi dapat ako naniniwala sa kaniya na tulog lang.
"I'm just trying to sleep," paliwanag niya. Tumayo naman ito habang kinukusot ang kaniyang mata. Tinuro ko naman ang sofa sa gilid na may nakalagay na unan sa ibabaw.
"Akala ko ba sa sofa ka natulog? Anong ginagawa mo sa tabi ko?" sunod-sunod kong tanong. Hinigpitan ko ang paghawak sa kumot. "Pinagsamantalahan mo ba ako habang tulog?"
Natigilan siya at hinarap ako. "W-What?"
"Huwag ka nang mag-deny. Ikaw pa nga ang nagsabi kagabi na may time pa sa honeymoon." Nanghina ang boses ko sa huli kong sinabi dahil sa hiya at agad na napaiwas ng tingin.
"Cut the bullshit, Jhoyce! I don't even find you attractive." Naramdaman ko ang panandaliang sakit nang marinig ang sinabi niya.
Kung hindi siya na-a-attract sa akin, bakit mas pinili niyang ituloy ang kasal namin? Pwede naman niyang sabihin ng diretso sa magulang na ayaw niya sa akin. Pero bakit pa rin siya nanatili? Ibig sabihin ay na-a-attarct din siya sa akin, kahit papaano.
Hindi ko mapigilang mapangisi at harapin siya. Dahan-dahan naman akong lumapit sa kaniya. Sumakto namang nahulog ang dalawang strap ng wedding dress na suot ko. Dahil sa tapis ng kumot sa aking katawan ay nagmukha akong walang saplot. Nakita ko ang pagsalubong ng dalawang kilay niya. Alam kong naguguluhan na rin siya sa kinikilos ko. Nakita ko ang pagbaba ng adams apple niya na mukhang kinakabahan sa gagawin ko.
"W-What do you think you're doing?" nauutal na sagot nito. Napaatras naman ito ng isang hakbang palayo sa akin.
"You don't find me attractive, huh?" nakangising tanong ko.
Napaiwas naman ito ng tingin sa akin. Patuloy pa rin ang pagtaas baba ng adams apple nito at tila ay naputulan ng dila dahil hindi kaagad siya makapagsalita.
"Nagtatanong ka sa akin kanina na para bang may ginawa ako sa'yo. Pero parang ikaw ang may gagawin sa akin ngayon."
"W-What?!" may diing tanong ko. Binalik niya naman ang tingin sa akin at hindi ko mapigilang mapaatras nang makita ang kakaibang ngiti niya.
Bakit ba ang bilis ng karma sa akin?
"Sabihin mo lang kung may gusto kang gawin sa akin, papayag naman ako, e. Ako na tatapos ng inumpisahan mo, Jhoyce."
"Tsk," singhal ko. Inayos ko ang strap ng dress ko at tinignan siya. "Akala ko ba hindi ka attractive sa akin? Bakit mo naman gagawin 'yon? Parang kinain mo lang din ang sinabi mo." Napailing ito at naglakad papunta sa may banyo.
"Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko, Franco!" sigaw ko.
"Nag-sleepwalking lang ako," dahilan niya.
"Sinong mauuto mo sa ganiyang reason?"
"Ikaw," mabilis niyang sagot. Tumaas ang isa kong kilay. Nang mapalingon ito sa akin ay tinuro niya ang aircon. "Wala akong kumot kagabi. Ayoko namang mamatay na lang sa lamig."
Pinanliitan ko ito ng mata na para bang hindi naniniwala sa sinasabi niya. Baka reason niya na naman 'yon para iwasan niya 'yong mga tanong ko.
"Huwag kang mag-alala, wala akong ginawa sa'yo. Kahit bagong kasal tayo, wala pa akong plano na makipag-honeymoon." Tumalikod naman ito at pumasok na sa loob ng banyo. Pero bago niya isara ay sumilip muna siya sa may pinto. "Pero soon, malay mo naman. Gawin natin 'yon."
Dinampot ko naman ang unan sa kama at binato sa kaniya. Kung hindi niya pa naisarado ang pinto, sure akong matatamaan 'yong mukha niya.
"Gago ka talaga kahit kailan!" galit kong sigaw. Narinig ko naman ang pagtawa niya sa loob.
Hindi ko na napansin si Franco nang marinig ang ringtone ng cellphone ko. Kinuha ko naman ito at sinagot nang makita ang mukha ni Ira sa screen.
"Kumusta naman ang bagong kasal?" bungad niyang tanong.
"Tigilan mo ako, Ira. Huwag mo akong simulan. Badtrip ang umaga ko ngayon."
"Bakit naman? Hindi ba natuloy ang honeymoon niyo?" natatawang ani niya.
"Ira Mae Velasquez!" may diing tawag ko sa pangalan niya.
"Biro lang naman," wika nito. "Nandito ako ngayon sa bahay niyo, kaso wala ka naman dito. Kailan mo ako balak papuntahin sa bagong bahay mo?"
"Alam mo na?" tanong ko. Tinanggal ko naman ang kumot sa katawan ko. Pumunta ako sa may sala at kumuha ng damit sa may maleta. Dumiretso naman ako sa may banyo rito sa labas.
Nakalimutan ko nang magpalit kagabi dahil sa pagkahalong pagod at hilo.
"Kakasabi lang ni Tito Angelo kanina sa akin."
"Wala na bang ib---" Napatigil ako nang marinig ang pagtawag ng pangalan ko ni Franco.
"Hinahanap ka na yata ng asawa mo." Narinig ko ang mahinang pagtawa nito sa kabilang linya. Alam kong inaasar niya na ako sa isip niya.
"Hindi ko si---" Hindi ko natuloy ang sasabihin nang patayin niya ang tawag sa kabilang linya. Kahit kailan ay hindi talaga siya marunong magpaalam ng maayos.
Hindi ko na pinansin ang pagtawag ni Franco sa akin at pinagpatuloy na ang pag-aayos sa loob ng banyo. Nakabusangot naman ang mukha nito nang lumabas ako.
Ang gulo talaga ng mood niya.
Dumiretso ako sa may sala habang bitbit ang cellphone ko. Naramdaman ko ang pagsunod ni Franco sa akin at umupo sa harapan. Hindi na ako nag-abala pang tignan ito. Nag-text na ako kay Ira at pinipilit na tawagan niya ulit ako, pero hindi niya ako sinasagot.
"Tanda mo pa ba noong unang araw na nag-meet tayo?" Napatigil ako sa pagtipa sa cellphone ko nang magsalita ito.
Bakit na naman niya in-open 'yong topic na 'yon?
Nilagay ko naman ang cellphone sa gilid at hinarap siya. Magkasalubong ang kilay niyang nakatingin sa akin, mukhang inaabangan ang sagot ko.
Hindi ko siya unang na-meet sa VL Company. Natatandaan ko, na siya ang tumulong sa akin noong may nangbastos sa akin sa may bar. Pero alam kong hindi niya ako natatandaan dahil lasing siya no'n.
"Yeah! Sa may VL Company," tugon ko. Napatango naman siya.
"And you are asking how I did it. What do you mean by that?"
Naalala ko na iyon 'yong araw na na-interview ko si Mr. Francis Vielle, his twin, tungkol sa company nila. Hindi ko naman alam na may kambal pala siya. Kaya nagtataka ako kung bakit ang bilis nitong magpalit ng damit kahit kalalabas niya lang no'n sa office.
"Napagkamalan kasi kitang si Mr. Francis." Tumango naman ito na para bang naalala niya pa 'yong araw na 'yon.
"Kaya pala," napapatangong sagot niya. "Pero bakit mo akong tinawag na bakla no'n?"
Hindi ko mapigilang matawa nang maalala 'yong pagbakat ng pulang lipstick sa labi niya.
Umiling naman ako at tinawanan lang siya. Gusto kong ma-curious siya kung bakit ko tinawag 'yon sa kaniya.
Tumahimik naman ako nang magseryoso ang mukha niya. Mukhang ayaw niya nang pag-usapan ang bagay na 'yon. Binalik ko ang pagtipa sa cellphone ko, kahit wala naman akong kausap.
"Anyways." Napaangat muli ako ng tingin sa kaniya. "Bakit pala naisipan ng Daddy mo na i-date ka sa iba't ibang lalaki?"
"Paano mo nalaman 'yon?" Nagkibit balikat naman ito at hindi sinabi kung paano. Mukhang gumaganti siya sa hindi ko pagsabi sa kaniya kanina.
"Nabalitaan ko pa, na pati babae ay naka-blind date mo rin." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Pati 'yon, alam mo? Aminin mo, chismosa ka noong past life mo 'nu?" Nakita ko ang pagngiti niya at pag-iling sa narinig.
"Hindi ko lang ma-imagine 'yong makipag-date ka sa kaparehas mong gender. Mas gusto mo ba ang babae?" Hindi ako nagsalita sa tanong niya.
Tang-ina nito, ginawa pa akong tomboy. I'm not against them, pero hindi naman ako tomboy.
"Sa tingin mo?" nakataas na kilay kong tanong.
Lumapit naman siya sa akin at tinaas ang kamay na para bang nakikipag-apir. Nagtaka naman ako, pero um-apir din sa kaniya. Akala ko babalik na siya sa pwesto niya, pero umupo siya sa tabi ko. Nagulat pa ako nang ilagay niya ang braso sa may balikat ko na para bang kaibigan niya lang ang kausap nito.
"Anong ginagawa mo?"
"What? Kumpare na tayo," sagot niya. Agad ko namang tinanggal ang pagkaka-akbay niya at tumayo. Naiwan naman siya roon sa may upuan na nagtatakang nakatingin sa akin.
"Tigilan mo nga ako, Baks!" banta ko.
"Baks?" kunot noong tanong niya.
"Bakla" agad kong sagot. Tumayo naman ito at lumapit sa akin. Napataas naman ako ng tingin sa kaniya dahil mas matangkad ito kaysa sa akin.
"Asa ka namang titigilan kita, Tibs." Nilabas niya ang dila at inasar ako.
"Tibs?"
Ano na namang pauso 'yon?
"Tibo," natatawang sagot niya. Agad naman itong naglakad palayo sa akin.
Kung nag-stay lang siya rito baka tuluyan ko na talaga siyang nasapak.
Lumipas ang oras at naramdaman ko na rin ang gutom. Dahil wala pa namang ingredients na pwedeng lutuin dito ay nagpa-deliver na lang kami ng pagkain. Si Franco na ang nagbayad dahil wala akong dalang pera noong umalis ako sa bahay. Sinabi pa nga nito na may utang ako sa kaniya. Ang kapal talaga ng mukha kahit kailan.
Kasalukuyang naghuhugas ako ng plato ng pinagkainan namin dahil ako ang nakatoka. Nasa huling plato na ako nang may naglapag ng baso sa sink. Napatingin naman ako kay Franco sa gilid.
"Are you kidding me?" Hindi naman ito sumagot kaya pinagpatuloy ko na lang ang paghuhugas ng plato kasabay ng basong inihabol nito. Binabanlawan ko na ang kamay ko nang may maglapag na naman ng plato.
Nakabusangot ang mukha ko nang lingunin siya.
"Bakit? Madumi pa 'yong plato, e!" paliwanag niya. Inikot ko naman ang mata sa kaniya at hinugasan ito. Patapos na ako nang maglapag na naman ulit siya ng panibagong plato at baso, pero pansin ko naman na malinis ito.
"Ginagago mo ba ako?" inis kong tanong sa kaniya. "Napapansin ko na kanina ka pa lagay nang lagay ng plato at baso kahit malinis naman."
"Madumi nga kasi," sagot niya.
"Pinagloloko mo ba ako? Hindi ako pinanganak kahapon lang." Padabog kong inabot sa kaniya ang hawak na sponge. "Ikaw magtuloy niyan!"
Nakabusangot naman ang mukha nito nang iwan ko siya sa kusina. Narinig ko pa ang malakas na pagdabog niya.
"Nagdadabog ka ba?!" sigaw ko. Biglang humina ang pagtunog ng plato at baso na hinuhugasan niya. Akala ko ay okay na pero nakarinig ako ng pagkabasag. Mabilis akong lumapit sa kaniya at tinignan ang huling baso na binigay niya sa akin kanina.
"Opps! Nabasag na, mukhang wala na akong huhugasan," nakangising sagot niya. Nilabas niya ang cellphone at tinapat sa tenga niya. "Yes, Mom?" tawag niya sa kabilang linya.
Tinuro naman ni Franco ang nabasag at sinenyas ang kaniyang cellphone na may kausap ito. Tumalikod ito sa akin at naglakad papunta sa may sala. Kinagat ko ang labi at sinarado ang kamay ko, pinipigilan na huwag siyang murahin dahil kausap nito ang Mommy niya.
Alam kong sinasadya niya rin ang pagkabasag nito para sa akin bumalik lahat. Talagang iniinis niya talaga ako.
"May araw ka rin talaga sa akin!" inis kong sagot.
Wala na akong nagawa kung hindi ligpitin ang mga nabasag. Nilibot ko ang tingin para makahanap ng dustpan at walis, pero wala akong makita. Wala akong choice kung hindi pulutin ang bawat piraso nito.
Umupo ako sa harap at dadamputin ko na sana ang nabasag na baso nang may humawak sa kamay ko. Pagkaangat ko ng tingin ay nakita ko si Franco roon.
"Tanga ka ba? Talagang pupulitin mo 'yan gamit ang kamay mo?" bulyaw niya. Inagaw ko naman ang kamay sa kaniya at nginisian.
"Kung hindi mo 'to binasag, hindi na sana ako magliligpit pa," ani ko. Sinimulan ko namang pulutin ito, pero napatigil ako nang maramdaman ang pagdaplis ng daliri ko sa matalim na part ng baso. Nakita ko kung paano sunod-sunod na tumulo ang dugo sa may sahig.
"Ang tigas talaga ng ulo mo." Hinila niya naman ako patayo at lumapit kami sa may sink. Hawak niya ang kamay ko habang hinuhugasan ang daliri ko na may dugo. Pilit kong inaagaw sa kaniya ang kamay ko, pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya.
Kinuha niya ang first aid sa cabinet gamit ang isang kamay niya habang hawak niya pa rin ako sa kabila. Nilabas niya ang betadine at nilagyan ang sugat ko. Pagkatapos ay tinakpan niya ito gamit ang bandaid.
Napaka-OA niya naman. Ang liit lang naman ng sugat ko.
Hindi na ako nakapagsalita nang kinuha niya ang dustpan at walis sa gilid. Mukhang dala niya ito pagkabalik sa kusina. Niligpit niya ang nabasag na baso at diretsong tinapon ito sa basurahan. Natulala na lang ako sa ginawa niya at wala nang nagawa.
"Don't do stupid things like that, Jhoyce." Nakatingin sa matang sabi niya sa akin. "Don't hurt yourself again."