Jhoyce's POV
Weddings are intended to be life's best days. But for me, it didn't turn out to be a fairy-tale day. My life is about to change today: tired, hungry, messy hair and dark circles under my eyes. I started my wedding day that way.
"Ma'am Jhoyce, nandiyan na po 'yong susuotin niyong damit sa kasal!" sigaw ni Luna mula sa labas ng kuwarto ko. May pumasok naman na babae habang dala ang white dress.
"I can't believe na ikakasal ka na ngayon," wika ni Ira sa gilid ko.
"Me too," I answered.
Tinignan ko naman ang sarili ko sa harap ng salamin. Hindi ko pa naiisip na ikakasal na ako ngayon. Mamaya lang ay iba na ang last name na dadalhin ko.
Simula kasi noong dumating kami sa Pilipinas ay siya kaagad ang pinuntahan ko. Sinabi ko sa kaniya ang ilan sa mga nangyari sa France. Akala ko poprotesta rin siya sa desisyon nina Daddy, pero naging masaya lang siya para sa akin. Hindi ko talaga matukoy minsan 'yong takbo ng utak niya. Nag-suggest pa nga, na siya raw ang mag-aayos sa akin pagdating ng kasal ko. Kaya napakaaga niyang pumunta rito kanina. Hindi pa nga ako magigising kung hindi pa ako pinuntahan ni Ira dito sa loob ng kwarto.
"I like your wedding dress, Jhoyce." Pinakita niya naman ito at tinapat sa akin. "Simple lang 'yong design niya na beads sa unahan. Sure akong babagay 'to sa iyo."
Nawala ang ngiti niya sa labi nang makita akong nakasimangot. Nilapag niya naman ang hawak na dress sa kama at lumapit sa akin.
"Are you okay?" Umiling naman ako at umupo sa upuan. Tinignan ko ang reflection ni Ira sa harap ng salamin.
"Hindi pa ako handa, Ira. Natatakot pa akong pumasok ulit sa panibagong yugto ng buhay ko."
"Nandito naman ako, e. Hindi kita pababayaan."
"Paano kung takasan ko na lang sila?"
"Baliw ka ba?" sagot ni Ira. "Kawawa naman ang magiging groom mo."
Napasinghal ako. Hindi niya pa nga name-meet si Franco. Kilala niya lang 'yon dahil sa kwento ko.
"Hindi ko rin naman ginusto na aabot ako sa punto na ganito."
"Wala kang magagawa dahil ayan ang gusto ng magulang mo para sa'yo."
"Ayon nga, e. Hindi ko magawang takasan 'to dahil nanganganib ang kumpanya ni Daddy."
"Magiging okay din ang lahat." Naramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likod ko.
Pagkatapos ng usapan namin ni Ira ay nagpaalam itong may pupuntahan dahil sa natanggap niya na emergency text na galing sa work niya. Thirty minutes na lang ang natitirang oras, pero wala pa rin siya. Akala ko pa nga ay makakaabot siya sa oras ng pag-aayos sa akin. At dahil wala naman akong ibang maasahan ay ako na lang ang nagkusang nag-ayos sa sarili ko.
Narinig ko ang ilang tawag nina daddy sa labas ng kwarto ko. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa akong nauumpisahan kahit isa. Mabilis kong kinuha ang damit sa kama at sinuot. Agad din akong bumalik sa harap ng salamin at nagsimulang mag-ayos. Pero natigilan ako nang maisip na... bakit ba ako nag-aayos? Hindi ba dapat gumawa ako ng paraan para hindi nila ako magustuhan?
Napadapo ang tingin ko sa gunting sa ibabaw ng lamesa at dali-dali ko itong kinuha. Sinimulan kong gupitin ang buhok ko hanggang sa ibabaw ng tenga ko. Naglagay rin ako ng dark eyeshadow sa mata at maroon lipstick. Imbis na sandals ang suotin ko ay kinuha ko ang puting rubber shoes sa drawer at sinuot ito.
Nakarinig muli ako ng ilang pagkatok sa labas ng pinto. Nang buksan ko ito ay nakita ko ang gulat sa mata ni Luna.
"M-Ma'am, nasa kotse na po sina Sir at hinihintay ka."
"Thanks, Luna," saad ko. Mabilis naman akong pumunta sa kotse at pumasok sa loob. Nakita ko naman ang gulat sa mukha nina Mommy nang makita ako.
"Anong nangyari sa'yo? Bakit ganiyan ang ayos mo?" Hindi ako umimik at iniwas ang tingin sa kanila. Nilabas ko ang cellphone para i-text si Ira na dumiretso na lang sa mismong venue. Wala namang nagawa sina Mommy sa akin dahil male-late na rin kami kaya pinaandar na nila ang kotse.
Nakarating kami sa venue at sumalubong sa amin si Ira.
"Anong nangyari sa buhok mo?" bungad niyang tanong. "Sinong nag-ayos sa'yo?"
"Basta," tugon ko. Sabay-sabay na kaming pumasok sa loob. Sumalubong naman sa amin ang pamilya ni Franco na bihis na bihis. At katulad ng inaasahan kong reaskyon ay nagulat din sila nang makita ako. Lumapit ang parents ko sa kanila at rinig kong pinapaliwanag nila ang nangyari sa akin.
Siguro naman ay nagdadalawang isip sila kung bakit ako 'yong pinili para pakasalan ang anak nila.
"Siya na ba ang groom mo?" bulong sa akin ni Ira. Tinuro nito si Franco na abala sa pagtipa sa kaniyang cellphone.
"Shh," saway ko sa kaniya. Tumahimik naman ito at bumalik sa pwesto niya.
Nang dumating ang lawyer na magkakasal sa amin ay agad na kaming pumasok sa loob. Katulad ng sinabi ko ay naging simple lang ang kasal namin. Si Ira nga lang ang nakakaalam na ikakasal na ako. Wala akong sinabihang iba dahil alam kong maghihiwalay rin naman kami ni Franco after three months. Katulad ng deal na pinag-usapan namin.
Nagkatinginan kami ni Franco at nagtanguan nang magkaharap kami. Alam ko na ang ibig niyang ipahiwatig sa akin. Samantalang nasa likod naman namin ang parents ni Franco at parents ko, kasama si Ira. Nagtataka nga ako kung bakit hindi kasama ang kapatid ni Franco. Siguro ay dahil na rin sa busy ito sa trabaho.
May sinabi 'yong lawyer sa simula na hindi ko maintindihan hanggang sa may ilabas siyang maliit na notebook at binasa ang nakasulat sa loob nito.
"Franco Vielle and Jhoyce Amber Rivera, today you enter as individuals, but you will leave here as husband and wife, blending your lives, expanding your family ties, and embarking upon the grandest adventure of human interaction. The story of your life together is still yours to write. All those present have come to witness and celebrate your love and commitment this day - eager to a part of the story not yet told."
Katulad ng nasa papel ay sinundan namin ito. Halos natapos na namin ang wedding vows, declaration of intent at ang ring exchange. Naging mabilis ang takbo ng wedding ceremony at nakapirma na rin kami parehas sa marriage contract.
"By the authority vested in me, I now pronounce you Husband and Wife. You may now kiss the bride!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng lawyer sa harapan. Nakalimutan ko na parte rin pala ito ng seremonya.
Nagkatitigan kami ni Franco at walang may isa ang gumalaw sa amin.
"Kiss na, Jhoyce!" Napayuko ako nang magsalita si Ira. Ako na lang talaga ang nahihiya para sa kaniya. Napatingin naman ako sa magulang ko na para bang nag-aabang. Nilingon ko si Franco at nagtama ang mga mata namin.
"Okay lang naman kahit hindi na natin sundin 'yon," bulong ko sa kaniya. Pero nagulat ako nang bigla niyang ilapit ang mukha sa akin.
Hahalikan niya ba talaga ako?
Naramdaman ko ang paglakas ng t***k ng puso ko at bago pa ako maka-react ay naramdaman ko ang pagdapo ng labi niya sa noo ko. Nanlaki naman ang mata ko at hindi ko magawang umalis sa pwesto ko.
Did he kiss me without my consent? Ah, s**t!
"Congratulation to our newlywed!" Franco's mom said. Lumapit naman sa akin ito at niyakap ako.
Nagkaroon pa sila ng batian sa isa't isa at para bang wala akong naririnig. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari sa paligid ko. Akala ko ay magagawan ko ng paraan ang pag-ayaw sa akin ng magulang ni Franco, pero para bang wala lang sa kanila ang naging ayos ko ngayon.
Pagkatapos ng seremonya ay nagkaroon pa ng simpleng celebration. Inabot na nila ang kani-kanilang regalo sa amin ni Franco. Pero naagaw ang pansin ng lahat nang sabihin ni Daddy na may ibibigay itong bahay para sa amin. Akala ko ay nagbibiro lang ito kaya hindi ko na pinansin.
Ilang sandali lang ay inaya naman ako ni Ira na mag-inom sa bar. Pinipilit niya na baka ngayon na lang ang oras para makapag-bonding kami. Sinabi ko naman sa kaniya na hindi magbabago kung anong meron kami kahit na may asawa na ako. Nagpatianod na lang ako sa kaniya at sinamahan itong uminom.
Naramdaman ko ang hilo nang ihatid ako ni Ira sa tapat ng bahay namin. Hindi ko naman akalain na mapaparami ang inom ko. Bakit ko ba kasi naisipang pumayag na makipag-inuman sa kaniya?
Papasok na sana ako ng gate nang pigilan ako ng guard na pinagtataka ko.
"K-Kuya, bakit po?" tanong ko.
"Hindi po kayo pwedeng pumasok sa loob." Nanliit ang mata ko sa sinabi nito.
"Po? Bago lang po ba kayo rito? Ako po ang may-ari ng bahay na 'yan," natatawang sagot ko. Sinubukan ko ulit pumasok, pero hinarangan niya ulit ako. "Kuya, nahihilo na ako. Papasukin mo na ako sa loob."
Napailing naman ito at hinarang ang katawan nito sa may pintuan ng gate.
"Kuya, hindi na po ako natutuwa. Papasukin mo na ako."
"Sorry, Ma'am. Napag-utusan lang din po ako. Ayoko naman po mawalan ng trabaho."
"Kung hindi mo ako papapasukin mawawalan ka talaga ng trabaho, Kuya," pagbabanta ko. Napahawak ako sa poste nang maramdaman ang hilo. Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Kung hindi pa ako makakapasok sa loob, tuluyan na akong makakatulog sa labas ng bahay.
Ayoko namang tawagan si Daddy para lang sabihin sa kaniya na ayaw akong papasukin ng guard. Baka malaman niya pa na tumakas ako para lang makipag-inuman kay Ira, madagdagan pa ang galit niya sa akin.
Napaisip ako at naalala ko si Luna. Alas diyes pa lang naman ng gabi, sure akong gising pa 'yon.
"Luna!" sigaw ko. Hindi pa ako nakuntento at patuloy na tinawag ang pangalan niya.
"Ma'am, huwag na po kayong magmatigas. Hindi ko po kayo papasukin kahit sino pa ang tawagin niyo. Baka magising niyo lang si Mr. Rivera at mapagalitan pa ako." Napadako naman ang mata ko sa loob nang makita si Luna na patakbong naglalakad papunta sa akin.
"Ma'am Jhoyce, ano pong ginagawa niyo rito?" gulat nitong tanong.
"Ayaw akong papasukin ni Kuya Guard. Hindi niya yata ako kilala," sagot ko.
"Ang akala po namin ay nasa kabilang bahay na kayo." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Luna.
"Kabilang bahay? Nagpapatawa ka ba? Kailan pa ako nagkaroon ng bagong bahay?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
"Ayon po kasi ang sabi ng Daddy mo kanina. Pinaligpit pa nga po niya ang gamit niyo dahil doon na raw po kayo titira."
"W-What?" Parang nawala ang pagkalasing ko dahil sa narinig. "Sinabi 'yon ni Dad?" Tumango naman si Luna.
"Nasaan si Daddy?" agad kong tanong.
"Nasa kwarto na po at nagpapahinga." Agad naman akong pumasok sa loob ng gate. Hindi naman kaagad sila naka-react kaya hindi nila ako napigilan.
"Dad!" tawag ko. Nagpatuloy ako hanggang sa makapasok sa loob, pero natigilan ako nang makita si Daddy na nakatayo sa may hagdanan. "Ano po 'yong tinutukoy ni Luna? Totoo ba 'yon? Nasaan na po ang mga gamit ko?"
Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatingin lang sa akin. Totoo nga.
Naalala ko 'yong sinabi ni Daddy kanina. Kung hindi ako nagkakamali 'yong bahay na niregalo niya ang tinutukoy nila mula kanina pa.
Pinapaalis niya na ba ako sa bahay na 'to? Akala ko ba okay na 'yong pagpirma sa marriage contract? Bakit gusto pa nila pagsamahin kami sa isang bahay?
"D-Dad," tawag ko.
"May asawa ka na, Jhoyce. You have your own life now."
"Pero anak niyo pa rin ako," agad kong sagot. "Isa pa, kasal lang naman kami sa papel. Ginawa niyo lang naman 'yon para maisalba ang kumpanya. Hindi ba pwedeng dito na lang ako tumuloy?"
Umiling ito at lumapit sa akin. "Let's go. Ihahatid na kita sa bahay niyo ni Franco." Hinawakan niya ako sa braso at pilit na sinasama, pero nagmatigas ako.
"Dad, please," pagmamakaawa ko. Hindi niya ako sinagot at hinila lang ako papunta sa sasakyan. Wala na akong nagawa nang tuluyan na akong pinapasok sa loob.
Nanatili akong tahimik buong biyahe hanggang sa makarating kami sa bahay na sinasabi ni Daddy. It's a fair-sized bungalow house with the most looking picket fence, surrounded by flowers and a tree.
"Dad, please," patuloy kong pagmamakaawa sa kaniya. "Let me sleep at our house."
"This is your house, Jhoyce." Tinignan ko naman ang tinuturo niya sa labas ng kotse. May ilaw na sa loob ng bahay at para bang may tao na roon. "I need to go. Baka hanapin na ako ng Mommy mo."
Nakasimangot ako nang bumaba sa kotse dahil wala akong nagawa para mag-stay sa bahay namin. Mas pinili niyang ipamigay ako sa iba. Nakatingin na lang ako sa kotse ni Daddy na umaandar palayo sa akin. Hindi ko mapigilang maupo sa may sidewalk.
Sinubukan kong tawagan si Ira para sunduin ako rito, pero nakapatay ang cellphone niya. Ayoko namang tawagan 'yong ibang team para lang humingi ng tulong sa kanila. Masyado ng gabi at nakakaabala na sa kanila.
Wala na akong ibang matutuluyan. Pinalayas na ako sa amin.
Ito naman talaga ang gusto ko. Ang tuluyan nang makawala sa parents ko. Pero bakit naman ganito?
Pinatong ko ang ulo sa mga tuhod ko. Ilang minuto ako nasa ganoong posisyon hanggang sa may bumasag ng katahimikan ko.
"Balak mo ba talagang matulog dito sa labas?" Napalingon naman ako sa nagsalita at nakita ko si Franco na nakatayo sa may gate. Naka-short ito at sando kaya agad ko ring iniwas ang tingin ko.
"Tsk," singhal ko. Binalik ko muli ang pagpatong ng ulo sa mga tuhod ko.
"Baka pagpiyestahan ka ng mga lamok diyan," natatawang ani nito. Hindi ko naman ito pinansin. "Wala ka talagang balak pumasok?"
Bahala siya sa buhay niya. Kaysa naman makasama ko siya sa iisang bubong.
Ilang minuto ring natahimik at ramdam ko na ang pangangagat ng mga lamok sa akin. Napaangat ako ng tingin nang marinig ang pagsara ng gate. Akala ko ay tuluyan niya na akong iniwan at pumasok sa loob, pero nahulog lang pala ako sa patibong niya.
"Bilisan mo na. Sa susunod sasaraduhan na talaga kita ng pinto." Napaikot ako ng mata at tumayo na. Nauna na akong pumasok sa loob sa kaniya at ramdam ko namang nakasunod ito sa akin.
Pagkapasok ko sa loob ay hindi ko mapigilang mamangha. Kahit maliit lang ang space sa loob ay maayos pa rin ang pagkakalagay ng bawat gamit. Sa may left side ko ay may maliit na sala. Napansin ko rin ang pamilyar na maleta roon na nakalagay. Mukhang ito 'yong sinasabi ni Luna na naligpit niya.
Sa kanan naman ay dining area at nandoon lang din banda ang kitchen. Naglakad ako paunahan at malapit lang din ang banyo sa kitchen area. Pero natigilan ako na mapansin na isa lang ang kwarto sa bahay. Nilibot ko pa muli ang loob para siguraduhin, pero isa lang talaga ang nakita ko. Hinarap ko si Franco na nakasunod lang din sa likuran ko.
"Saan ka matutulog?" tanong ko. Napakunot naman ang noo niya na para bang hindi ako naintindihan. Nang mapagtanto ang sinabi ko ay agad niyang tinuro ang nag-iisang kwarto.
"What? Paano ako? Saan ako matutulog?" Tinuro niya naman ang sofa sa sala. Hindi magiging comfortable ang katawan ko kung diyan ako matutulog. Umiling naman ako at hindi sumang-ayon sa sinabi niya. "Ayoko. Sa kwarto ako matutulog."
"Sorry ka, nauna na ako sa'yo." Tinuro niya naman ang mga gamit nito sa loob ng kwarto. Napansin ko ang isang maleta roon at dalawang bag.
"Hindi ako papayag. Si Daddy ang nagbigay nito, dapat ako ang masusunod." Nakita ko naman ang pagngisi nito.
"Niregalo ito sa ating dalawa. Huwag kang makasarili. At kung alam mo na isang lang ang kwarto, dapat mas nauna ka nang pumunta rito." Naglakad naman ito papunta sa kwarto, pero mabilis kong hinawakan ang braso niya para pigilan.
"Babae ako. Hindi ba dapat ako ang nasa loob?" Tinignan niya naman ang buhok ko na maiksi.
"Oh! Akala ko lalaki ka." Inikot ko ang mata sa kaniya. "Inaantok na ako, kailangan ko nang magpahinga."
Mas hinigpitan ko ang paghawak sa braso niya at nag-puppy eyes. Sana lang talaga ay tumalab sa kaniya. Napangiti ako nang makita ang pananihimik nito na para bang nag-iisip.
"Sige, ganito na lang. Matutulog ka sa kwarto." Lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya. "Pero sa may lapag ka."
Agad din itong naglaho nang marinig ang huli niyang sinabi at padabog kong binitawan ang pagkakahawak sa kaniya.
"Really, Franco?" nakataas na kilay na tanong ko.
"Ayaw mo no'n? Dama mo rin ang aircon sa loob?" natatawang ani pa nito. Akala niya naman nakikipagbiruan ako sa kaniya. Kaunti na lang at masasapak ko na ang lalaking 'to.
"Sige na kasi. Para ka namang hindi lalaki."
"Sige, ganito na lang. Magtabi na lang tayo sa k---"
"Ayoko nga!" mabilis kong pagtutol. "Asa ka naman. Hindi porket kasal tayo ay magtatabi na tayo sa kama."
"Walang malisya, promise. Tulog lang."
"Tigilan mo ako, Franco."
"Alam mo bang maraming nangangarap na makatabi ako sa pagtulog?" pagmamayabang niya.
"Wala akong pake." Inunahan ko naman siyang makapasok sa loob ng kwarto.
"H-Hoy!" sigaw niya nang mapansin ako. "Mga galawan mo talaga, e."
Napapikit ako nang ibagsak ko ang katawan sa malambot na kama. Tamang-tama ang oras na ito para magpahinga. Ginamit ko na lang ang paa sa pagtanggal ng rubber shoes ko para mauntay ko ang buong parte ng katawan ko.
Napadilat ako nang maramdaman na may umupo sa kabilang gilid ng kama. Sumalubong sa akin ang nakabusangot na mukha ni Franco.
"Nakakahiya naman sa'yo," ani nito.
"Inaantok na ako, kailangan ko nang magpahinga," pag-ulit ko sa sinabi niya kanina. Kinuha ko ang unan at niyakap, 'saka ko pinikit ang mata ko. Naramdaman ko ang pag-alis niya sa kama kaya napangiti ako. Pero nagulat ako nang buhatin ako ni Franco.
"Anong ginagawa mo?!" galit kong tanong sa kaniya. "Ibaba mo ako."
Binuhat niya ako papunta sa may sofa ng kwarto.
"Ibaba mo ako, Franco!" utos ko.
"Masusunod po, mahal na reyna." Nanlaki ang mata ko nang makita ang pagngisi niya. Pero dahil matalino ako ay hinatak ko rin ang sando niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang parehas kaming ma-out of balance at bumagsak sa may sofa. Hindi ako makagalaw dahil nasa ibabaw ko siya.
"It's our first day of being married." Nakita ko ang pagtaas baba ng kilay niya habang diretsong nakatingin sa mata ko. "Hindi pa huli ang lahat para sa honeymoon, Jhoyce."
"W-What?!"