Chapter 3

2361 Words
Chapter 3 Suzy "Sigurado ka na ba talaga? Baka naman kasi mainit lang ang ulo ni lolo kaya niya nasabi 'yon. Pwede mo pa naman silang makausap," ani Lyra sa kabilang linya. Mukhang hindi ko na maaabutan ang pag-uwi niya dahil magsisimula na pala ang klase sa boarding school na a-attendan ko. Handang-handa na pati ang uniform ko na para bang matagal na nilang napagplanuhan ang bagay na ito. Napapailing na lang ako at hindi na nagkomento pa. "Hindi na kailangan, Lyra. Ito na rin naman ang gusto ko. I don't want to hear the word stubborn again from grandpa. I am so tired of it. Susunod na lang ako sa gusto niya," sabi ko. I zipped my bag and arranged my travel bag. Unfortunately, the boarding school grandpa was talking about is located at a rainy province. Tiniyak kong marami akong dalang sweater and raincoats in case. "Pero hindi naman yata makatarungan 'yan. Hindi pa nga tayo nagkikita ulit tapos ilalayo ka pa lalo sa bahay. I will make sure to visit you. I promise, Ate!" "Okay, I will look forward to that. Alam mo namang na-mimiss na rin kita. Ilang buwan na rin tayong hindi nagkikita." "I know! Bakit ba naman kasi nangyari 'to?" I can tell by her voice from the other line that she is frowning. Oh, dear! "Ask that to grandpa, Lyra. Hindi ko talaga alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya lalo na nitong mga nakaraang araw. I barely know him now." "Kahit naman ako, Ate. Alam kong kahit si papa ay hindi rin alam kung ano ang nasa utak ni lolo. Kaya nga hindi sila magkasundo simula pa lang noong una, 'di ba?" "Right." "By the way, I will tag Devin and Andrea along on my visit. Tawagan na lang tayo para sa date." I smiled with that thought. Alam kong sila na at hindi na ako nagulat. I can see some chemistry between them since the first time I saw them together. Hindi na nakapagtatakang magkasama na talaga sila ngayon. "That is a good idea. I badly wanted to meet Andrea again. Never mind Devin." I rolled my eyes because of the guy. I can't really stand guys like him. He seemed weak and fragile. Boys are supposed to be manly but him? Nah-uh. I really hate weak guys. "Magugulat ka kapag nakita mo siya. He has changed. I don't know what but there is something in him that changed. You just have to see him again, Ate." Natawa na lang ako dahil sa excitement sa tono ng boses niya. She sounds like a kid on Christmas day opening her Christmas presents. "Okay, okay. I am going to hang up now. Papa is here to say something to me. You know him." I said when I saw papa downstairs, looking at me worriedly like I am going to get married and this is the last time he is going to see me single. "I know right. Take care of yourself, Ate. Kilala pa naman kita, you trouble seeker." I rolled my eyes again kahit na hindi naman niya nakikita. I am not really a trouble seeker, trouble just loves me kaya lagi siyang nakadikit sa 'kin. Well, everyone loves me! "Hi, 'Pa," I greeted him and gave him a hug. He hugged me tighter and squeezed me a little. Para talagang ewan si papa kung minsan. Masyado siyang protective pero hindi naman ako nagsisisi. Kung hindi siguro siya protective sa 'kin ay baka hindi ako ganito ngayon. Well, I am braver than before because of him. "Mag-iingat ka roon, anak. I am not there to look after you but I will make sure to call as often as I can. Do not silent your phone so you can hear my calls, okay?" "'Pa, I can't do that. Syempre kailangan kong i-off minsan ang phone ko lalo na kapag nasa klase ako." Ngumuso naman siya dahil sa sinabi ko kaya natawa ako. "But I promise to always check my phone. Kapag may time ako, ako ang tatawag sa 'yo, okay?" I assured him. "Be sure to do that, okay?" "I will." Hinila na niya ang maletang dala ko at hinatid ako sa sasakyan. He is going to send me off to the airport while grandpa, I don't know where he is. Siguro ay busy na naman sa pagtingin sa business niya. Mas importante pa yata ang business sa kaniya kaysa sa apo niyang tinalikuran ang pamana niya. I shrugged my shoulder and looked outside the window, drowning my thoughts with other things. I researched about the school. It is a big international boarding school kaya hindi na ako magugulat kung may mga foreigner pa roon. It is not a big province but the school is popular for those who wanted to take up law and medicine. Siguro kaya rito ako dinala nina papa dahil gusto kong mag-Law. May ilang courses din doon pero hindi ganoon kasikat kumpara sa dalawa. Now that I am not the future heir of the hunting business, kailangan ko namang tumulong sa business na naiwan ni mama na may kinalaman sa Law. Bata pa lang kasi ako, gusto ko nang mag-Law. Kaya naman gagawin ko ang lahat para makapagtapos ako. Ngayong alam kong ako na ang gagawa ng paraan para makaraos ako sa hinaharap. I will make sure Mom's proud of me up there. "We are here," ani Papa nang makarating kami sa airport. Bumaba agad ako habang sinusuot ang shades ko. Tirik kasi ang araw nang makarating kami. I fixed my black straw hat with white lace. Summer na summer ang get up ko with my white dress and three-inches red heels. Tanging ang dala ko lang ay ang maliit kong purse kung nasaan ang phone ko at ilang wallets. Tahimik akong sumunod sa driver namin na nagdala sa mga gamit ko. Humawak ako sa braso ni papa habang papasok sa loob at hanggang sa makapag-check in ako. I checked my phone out of boredom. Kalahating oras din kasi kaming naghintay bago tawagin ang destination namin. Hindi naman ako excited sa pag-alis pero hindi ko naman masasabihing hindi ako masaya. Well, at last, malalayo ako kay grandpa kahit saglit lang! He even confiscated my baby. Kahit na sabihing ayokong pumatay ng mga werewolves ay hindi ako masaya sa tuwing 'di ko siya hawak. I feel safe whenever I hold my baby. Para bang kaya niya akong protektahan sa kahit na anong kapahamakan. "Remember what I told you last night, okay? Take care of yourself, don't forget to call every now and then, and don't forget to drink your vitamins." "Roger that, 'Pa. Hinding-hindi ko makakalimutan. I can take care of myself. I'm already sixteen, 'Pa." "You are only sixteen, Sue. Sige na at baka ma-late ka pa. Your Aunty Merced will be waiting for you there. Binigay ko sa kaniya ang phone number mo para matawagan mo siya kapag nakababa ka na, okay?" Isang matamis na ngiti at tango lang ang ginawa ko bago ko siya hinalikan sa pisngi. Dumeretso na ako bago pa ako magtagal sa mga sermon niya. I appreciate his protectiveness but I am well aware of it already. Ang gusto ko na lang ay makaupo at makatulog sa eroplano. Sa buong byahe ko, nagigising lang ako kapag dumadating ang attendant. Humingi ako ng kumot at unan, kape, librong mababasa at kumain na rin ako ng tanghalian. Matapos n’on ay puro tulog na lang ang inatupag ko. Hindi ko na masyadong pinansin ang paligid ko dahil sa pagod. Nang makarating ako, dali-dali akong lumabas ng eroplano at nakipagsiksikan. In-open ko ang phone ko para makatanggap ng mensahe mula kay Tita Merced, my dad's older sister. I am sorry to inform you, pamangkin. Hindi kasi ako makakarating on time kapag ako ang susundo sa 'yo so I asked one of my trusted friend na sunduin ka. His name is Mervin Narvaez and he is a gentleman. I'm really sorry for the sudden changes. I will just see you this evening. Take care, pamangkin. Tita loves you! Napabuntong-hininga na lang ako sa nabasa ko. I don't normally trust someone so easily, but I trust Tita Merced. I know that she won't send someone dangerous to get me home on her behalf. Nasabi na rin kasi ni papa na dadaan muna ako sa bahay ni Tita bago ako pumunta sa boarding school. And now, how am I supposed to know who this Mervin guy is? Mukha ba siyang driver, cowboy o city boy? Think Suzy, think. Drivers and the like are normally in the waiting area, so I will just go in there. If he is not, bahala na. Iikutin ko na lang ang buong airport para makauwi ako nang buo. I walked gracefully and looked around. My curly long hair brushed my waist. Tinanggal ko na ang sumbrero ko dahil hindi naman mainit dito sa loob, sa katunayan, mukhang uulan na sa labas ng airport. That is why I regretted wearing these high heels. Huwag sana putikan ang daanan namin mamaya. I saw a white card where my name was written, and then my eyes traveled at the guy who is holding it. Para sa isang driver, gwapo ang isang ito. His whole body shouts masculinity. He has these nice biceps and according to his fitted shirt, he has got those mighty abs. I cleared my throat and ambled near him, a little cautious. Mamaya ay hindi naman pala ako iyong S.B. Azarcon na tinutukoy niya. Bakit kasi hindi na lang niya binuo, 'di ba? Hindi lang naman kami ang Azarcon sa mundo. When he smiled widely at me, I stopped. "Ms. Suzanne Azarcon?" tanong niya. Agad na pumintig ang kilay ko sa narinig. How dare he call me Suzanne? "Excuse me, Sir, it is Suzy or Sue Azarcon," pagtatama ko. Gwapo na sana pero hindi well-informed. Wala bang nakapagsabi sa kaniyang ayoko ng pangalang Suzanne? Almost everyone knew that... except him. "I am sorry about that, Ms. Suzy or Sue Azarcon. Naghihintay na po ang sasakyan sa labas," aniya. Sa tono ng pananalita niya, ayoko na agad sa kaniya. Masyadong mayabang ang boses niya kahit na mukhang nagbibiro lang naman siya. He reminded me of someone, someone I don't like. "Okay, Sir." Nang magsimula na kaming maglakad ay nagsalita siya, "Do you normally go with someone you don't know?" tanong niya bigla, all eyes in front. Kumunot naman ang noo ko sa pagkalito. "Huh?" "I mean, hindi mo naman ako kilala pero sumasama ka sa 'kin. What if masama pala akong tao?" Biglang kumunot ang noo ko. Huminto ako sa paglalakad saka humawak sa beywang ko. What's the deal of this guy? Nagkamali ba ako o baka naman niloloko lang ako ng lalaking 'to? "You are Mervin Narvaez, right?" "Yes, of course." I rolled my eyes. Nakaka-stress ang isang 'to! Hindi ko alam kung ano ang problema niya. "Iyon naman pala. Ano naman ang pinagsasabi mo pa riyan tungkol sa masamang tao?" "What if hindi pala ako dapat na sumundo sa 'yo at may balak pala akong kidnap-in ka, ano na lang ang mangyayari sa 'yo?" I stumped my feet because of frustration. Okay, I get what he wants to say pero kaya ako naiinis sa kaniya ay dahil may point siya. "Fine! Maraming salamat sa payo, Mr. Narvaez. Hindi na mauulit. Now, can we just go along and get this thing over with? I am tired and everything!" Masyado akong napagod para sa pakikipagtalo pero naiinis talaga ako sa kaniya. Masyadong nagmamagaling. Ito pa naman ang pinakaayaw ko. "Kung iyan ang gusto mo, Ms. Azarcon." He smiled and I rolled my eyes at him. Kung makangiti siya ay para bang tuwang-tuwa siyang naasar niya ako. Kapag talaga hindi lang ako napagod sa byahe ay baka kung ano pa ang masabi ko sa kaniya. But never mind. Nauna na akong maglakad sa kaniya para hindi ko na makita pa ang nakakainis niyang mukha. Tahimik lang naman siyang sumunod sa 'kin hanggang sa makuha ko ang maleta ko. Siya ang nagdala nito habang ako naman ay nauuna pa rin sa paglalakad. As expected, umuulan na sa labas. Hindi naman ganoon kalakas pero nakakairita pa rin. Mababasa pa ako nito. Bago pa naman itong sapatos ko. Mukha namang alam niyang uulan ngayon dahil may dala siyang kulay asul na payong. Mukhang normal lang na umulan talaga sa lugar na ito. Mas lalo tuloy nadagdagan ang init ng ulo ko. "Nakarating ka na ba kina Tita Merced dati?" tanong ni Mervin nang makaupo kami sa loob ng sasakyan. Family driver nina Tita ang nagmamaneho samantalang nasa tabi naman niya itong mokong. Mabuti naman at hindi siya tumabi sa 'kin dahil baka ibalibag ko lang siya sa labas kapag nagkataon. "Yes, obvious naman." Balita ko kasi ay matagal na siyang foreman kina Tita lalo na kapag pasukan. Tuwing bakasyon naman ay umuuwi siya sa pamilya niya. Hindi ako stalker, naikwento lang ni Tita ang tungkol sa kaniya noon sa 'kin. Hindi ko lang talaga alam ang pangalan niya, not until now. "Kung ganoon, sa tingin ko ay hindi magandang ideya ang mga sapatos na iyan pagkarating natin doon." Tiningnan niya ako sa salamin sa harap kaya tinaasan ko siya ng kilay. Ito na naman siya, nagmamagaling na naman na para bang alam niya ang dapat gawin at ako ang walang alam. "Pati ba naman sapatos ko ay pakikialamanan mo? Just stay out of it," sabi ko at saka pumikit. I want to sleep as long as I can. Mamaya na ako magpapaka-armalite para mabara ko naman siya. "Ikaw ang bahala. Huwag ka na lang aangal mamaya." Hindi na ako sumagot at tinuon na lang ang sarili ko sa pagtulog. This is what you call life. Just a little sleep and everything about me will be peaceful. Huwag niya lang talaga akong iistorbohin. I've had enough of my dad's sermon, huwag na sana siyang dumagdag pa, 'di ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD