Suzy
Hinila ko ang kumot ko para mas lalo akong matabunan nito. Napakalamig ng gabi ko ngayon. All I want to do is stay in bed and sleep... but I can't. I can't sleep after all that's just happened a while ago. I can still remember the exact same scene from that time. Nakatatak na ang mga senaryong iyon sa utak ko. Pakiramdam ko ay may trauma pa ako pero hindi pwede iyon. I am a hunter's daughter; I need to get used to that sight.
Kahit na alam ko sa sarili kong ayokong mangyari iyon. Kahit na ayoko talaga sa ideyang maging hunter, wala akong magagawa. I can't let Lyra inherit the business for me because she's still too young for this - at least younger than me.
I still hate my Grandpa. How could he do that? That's so unreasonable! Bakit niya kailangang patayin ang lobong iyon kung pwede naman namin siyang i-turn down sa nakatataas? I'm sure that they can do something about her. I really don't want to tolerate my Grandpa's selfish act.
Hindi naman pwedeng ang dahilan niya ay dahil ang mga lobo ang pumatay kay mama. For pete's sake, hindi naman lahat ng mga lobo ay kayang gawin iyon sa mga inosenteng tao! They should have known better!
Kung nandoon kaya kanina si papa ay pipigilan niya si Grandpa? I know that papa loves werewolves kaya nga siya naging hunter. Alam niya kung ano ang pinagkaiba ng ibang mga lobo sa mga killer werewolves. Not all of them are killers! Even rogues have hearts.
I just want to sleep and escape from everything that's happening.
Naitalukbong ko ang kumot ko nang marinig ko ang mahinang pagkatok sa pinto. I don't want to talk to anyone right now but myself. Ayoko munang kausapin ang kahit sino lalo na si Grandpa. Alam kong kahit na hindi niya ako natitiis minsan ay may limit pa rin iyon. I don't want to know and experience that limit.
"Anak, can papa come in?" tanong ng lalaking kumatok.
Natanggal ko kaagad ang kumot ko sa pagkakatalukbong at saka tumayo. Tumakbo ako palapit sa pinto upang pagbuksan si papa. I know he would understand me! He knew right away every time I'm having a hard time.
"Papa!" I immediately hugged him.
Medyo nagulat pa siya sa ginawa ko pero niyakap pa rin niya ako pabalik. This is all that matters to me now. Yakap lang ni papa ang kailangan ko ngayon. I know that everything's going to be fine.
"What's wrong? Manang Celestia said that you're not eating anything that she brings here. Is there something wrong?" tanong niya sa akin habang hinihimas ang buhok ko.
I looked up to him and frown. "I'm not hungry."
Huminga siya nang malalim at saka ako nginitian. "But that's not right. Ayokong mangayayat ka. I know Lyra would scold me when she sees you thin and pale," aniya.
Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya. Oo nga pala. Malapit na ring umuwi rito si Lyra. Isang buwan din siyang mananatili before going back to the U.S. for her studies.
"Okay, I'll eat. But I'm just going to eat here in my room."
"Why? Ayaw mo ba kaming makasabay sa ibaba?" tanong ni papa.
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. "I don't want to see Grandpa right now."
"Why is that? Did he do something wrong?" tanong ni papa.
Napakagat ako sa labi ko dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang nakita ko sa kaniya kanina. Alam kong hindi sinabi iyon ni Grandpa sa kaniya kaya hindi niya iyon ino-open sa akin. Papa's against the idea after all; the idea of me being a hunter like them.
"I saw it all, Papa," sabi ko.
Saglit pa siyang natahimik at kumunot ang noo. Nang ma-realize niya ang ibig kong sabihin ay napamura na lang siya nang mahina.
"Your Grandpa let you see that?" tanong niya, hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Tumango lang ako sa tanong niya at napaiwas ng tingin.
"I need to talk to him," sabi niya.
Bago pa siya makaalis ay pinigilan ko na siya. Umiling ako at sinabi, "No, Papa! Please, huwag na lang. Baka magalit siya sa akin at sabihing nagsumbong na naman ako sa 'yo," sabi ko sa kaniya.
Huminga siya nang malalim. "But I don't want him to do that anymore. Masyado ka pang bata para makita ang mga ganoon. You're still learning how to use guns tapos ganoon na ang ipapakita niya?"
"Pero kahit ano naman ang mangyari ay makikita ko pa rin naman iyon, hindi ba, Papa?" tanong ko, nakasimangot sa kanyang harapan.
Malungkot din akong tiningnan ni papa sa mga mata bago ako niyakap ulit. "I'm sorry, Suzy, anak. Hindi ko talaga gustong ipakita sa iyo ang mundong ito pero wala akong magawa," aniya.
"I'm the next heir after all. Ayos lang naman ako, Papa. Pero ayoko lang ng ideya ni lolo. He's killing them all without even hearing their sides! May mga pakiramdam pa rin naman sila kahit papaano and grandpa chose to ignore them."
"I'll talk to him, Suzy. Ayokong mangyari ulit ang nangyari kanina," aniya.
Hindi ko na siya napigilan pa after that. Umalis na siya sa kwarto ko para kausapin si Grandpa. All I could do was follow him - eavesdrop on everything that they're going to talk about. Kahit na alam kong mali ang ginagawa ko ay hindi ko na iyon pinansin. I'm curious.
"'Pa..." Papa called.
Nakatayo lang si Grandpa at nakatingin sa labas ng nakabukas na bintana. Napatingin siya kay papa nang magsalita ito at lapitan siya. Isang tipid na ngiti ang ginawad niya kay papa at saka ito hinarap.
"Anak, ano ang kailangan mo? Did Suzy eat or she chose to be stubborn again?" he asked.
Napanguso ako dahil sa sinabi niya pero tumahimik pa rin. He always thinks that I'm stubborn when I'm really not. I just chose to do what I want, that's all. Is that being stubborn?
"I heard what happened a while ago, 'Pa. I told you numerous times that she's still too young to witness those things!" Anger was visible in my Papa's voice as he said those words.
Protective lang talaga siya not only to me but also to Lyra. Mabuti pa ang kapatid ko ay hindi na kailangan makita ang mga ganitong bagay. But I don't want that to happen. Lyra's too vulnerable to this kind of thing.
"Cholo, anak, you need to open your mind about this. Hindi na siya pabata. Ilang taon na lang ay tutungtong na siya sa tamang edad and this is just the right thing to do. Kung hindi pa niya makikita ang mga ganito, kailan pa? Kapag huli na ang lahat? Kapag dumating na sa puntong makakaharap na niya ang mga werewolves na 'yon?"
Papa sighed, and said, "I understand, Papa. But please understand me as well. She just wanted you to hear out what they wanted to say before killing them. It's not justice to kill them just because they were werewolves!"
"And my daughter's death was because of justice?" he asked.
Naramdaman kong napatigil si Papa dahil sa tanong ni lolo. Alam kong isa ito sa mga topic na iniiwasan ni Papa na mapag-usapan. This topic's what I'm trying to avoid as well.
"They killed my daughter without hearing her out first. They killed her because she's a hunter's daughter. Is that justice? Ngayon pa ba natin pag-uusapan kung ano ang justice?"
Huminga nang malalim si Papa. "Ano na ngayon, 'Pa? Gagawin natin ang ginawa nila and then what?" tanong niya. "Paulit-ulit na lang na mangyayari ang mga iyon. Maggagantihan na lang tayong lahat hangga't sa hindi na natin maiiwasang magkaroon ng gyera sa pagitan ng mga lahi natin. Hindi mo ba naisip na baka kami naman ang mapahamak nang dahil sa ginagawa mo?"
"I just want what's best for my granddaughters!" bulalas ni lolo. Bakas na rin sa boses niya ang frustration dahil sa pag-uusap na ito. The last time this happened was when a werewolf kidnapped Lyra, and that was decades ago.
"I just want what's best for my daughters too, Papa. Think about Suzy and Lyra. Sila na lang ang mayroon ako ngayon and I'm going to do everything to protect them. Ayokong malagay ulit sa panganib ang mga anak ko just because of this job. Suzy won't inherit the Family business anymore."
Pabalang na tumingin si lolo sa kaniya. "Nababaliw ka na ba, Cholo? This business was being run since my great great grandfather. Ano ang ibig mong sabihing hindi na siya ang magmamana? You mean to say na itigil na ito at tapusin na sa 'kin?"
"Buo na ang pasya ko. Hindi ko ilalagay sa panganib ang buhay ng anak ko hangga't hindi naaayos ang relasyon ng mga tao sa kanila. Offer me the position again and I'm going to accept it this time." Umalis siya sa sala matapos sabihin ang mga katagang iyon.
Samantalang napanganga na lang ako dahil sa narinig ko. Hindi ko alam na darating sa ganitong punto na aakuin na ni papa ang bagay na tinanggihan na niya noon... all because of me.
I went back to my room and jumped on my bed. I didn't want Papa to know that I heard everything they talked about. Tiyak na sesermonan niya ako tungkol doon. That's the last thing I would do right now. Alam kong mainit pa rin ang ulo niya matapos ang nangyari.
Hindi ko rin maiwasang hindi ma-guilty. Papa doesn't want to associate himself fully when it comes to killing them. Like what I've said, he loves them too much that he can't afford to kill them. Paano na lang ngayon na siya na ang hahawak? Paano kung dumating sa puntong kailangan na talaga niyang pumatay dahil kailangan?
"Baby?" rinig kong tawag ni papa sa labas ng kwarto ko.
"Yes, Papa? W-what happened?" I asked. I fixed myself and sighed before facing him with a slight smile.
Naglakad siya palapit sa 'kin at tumabi sa kama ko. He sighed then gave me a warm smile. Kung hindi ko lang narinig ang pinag-usapan nila ni lolo kanina ay baka na-convince na niya akong ayos lang ang lahat. I can't help but feel guilty even more.
"Nakausap ko na ang lolo mo and I think hindi na mauulit ang nangyari kanina. You don't have to worry about it too much, okay? Matulog ka na at magpahinga," aniya.
"Okay. Good night, 'Pa."
I didn't bothered asking for more details. Mas ayos na ang ganito. Hahayaan ko na lang silang dalawa na mag-usap dahil alam naman nila kung ano ang mas nakakabuti para sa 'kin. Hindi ko lang alam kung hanggang kailan ako mananatiling tahimik tungkol sa ginagawa ni lolo.
Nagising ako nang maalimpungatan ako nang umagang iyon. Pagtingin ko sa orasan ay alas tres pa lang naman ng madaling araw. Lumabas ako para sana uminom ng tubig at bumalik na lang ulit sa pagtulog nang marinig ko ang maliliit na boses sa sala. Mukhang may gising pa nang ganitong oras o baka naman ganito lang talaga sila kaaga magising.
Hindi ko na sana papansinin nang marinigan ko ang pangalan ko. Doon ko nakitang si Papa pala at si Lolo ang nag-uusap. Mukhang kalmado naman ang pag-uusap nila pero halata sa mukha ni papa na hindi siya natutuwa sa kung ano man ang pinag-uusapan nila.
"Iyon na ang pasya ko, Cholo. Kung hindi ka pa sasang-ayon ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kung hindi naman tatanggapin ni Suzy ang maging tagapagmana ko ay mas makabubuti lang na bumalik siya sa pag-aaral. Maaari pa rin siyang makatulong sa business sa hinaharap."
"Pero kailangan ba talagang sa isang boarding school siya ipadala? Hindi ba pwedeng sa isang normal na school na lang? Malalayo siya sa 'tin, 'Pa! Pati sa mga kaibigan niya rito," pagdadahilan ni papa.
Miski ako ay gustong tumutol. Ayoko sa isang boarding school! Masyadong maraming rules akong kailangang sundin! Gusto ko mang sabihin na wala naman akong kaibigan na maiiwan pero ipinagkibit-balikat ko na lang.
"Hindi ba at ayaw mo na siyang iharap sa mga lobong iyon? Ito lang ang paraan na naisip ko. It's either she attends a boarding school or she'll end up homeschooling. You choose, Cholo." What about my opinion, Grandpa? Papa? Hindi ninyo man lang ba ako tatanungin kung ano ang gusto ko?
Hindi na nagsalita si papa kaya naman sa tingin ko ay alam ko na kung ano ang kahahantungan ko. Mukhang sa boarding school talaga ang bagsak ko. Alam kong ayaw ni papa na mag-homeschooling ako dahil tiyak na magrerebelde ako. I will certainly do that! I don't want to be a prisoner of some sort.
"Hayaan mo muna akong kausapin siya, 'Pa. Tiyak na hindi siya sasang-ayon lalo na at marami siyang mga kaibigan na maiiwan sa dati niyang school. Susubukan ko pa rin siyang kausapin tungkol dito."
"You don't have to," hindi maiwasang sambit ko.
Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at lumapit sa kanila. Mukhang nagulat sila sa bigla kong pagsulpot kaya hindi agad sila nakapagsalita.
"I accept whatever it is you want me to do. As long as Lyra and I won't be the inheritor, then that's fine with me."
"Anak... pwede mo pa namang pag-isipan - "
"No, 'Pa. Kung iyon naman na ang napagpasyahan ninyo, I accept it. Hindi naman masamang um-attend sa isang boarding school. Sa ganitong paraan din ay malalayo ako sa bahay kahit panandalian lang. That way, I won't witness the injustice way grandpa's doing."
Masamang tingin ang pinukol ni lolo sa 'kin but I stayed calm. Hindi ako nagpatinag dahil tama naman ako. Gusto kong malaman niyang hindi tama ang ginagawa niya kahit na alam na niya ang tama sa mali.
Yes, he knew what's right from wrong, but is he doing the right thing? No, he's just aware but he doesn't care.
"When am I going to start so I can fix my things already?"
Nagkatinginan lang silang dalawa at hindi ulit nakapagsalita. I think they chose not to say anything more. Hindi ko naman sila masisisi. This is what they wanted, right? I'm just doing them a favor. I chose not to be stubborn this time and obey them. Kaya bakit ganito ang reaksyon nila?