Chapter 4
Suzy
I cover my mouth as I yawn. Ginising lang ako nitong si Mervin nang makarating na kami. Nilibot ko ang tingin sa labas ng sasakyan at hindi ko talaga nagustuhan ang nakita ko. Nanlaki na lang ang mga mata ko habang nakatingin sa labas.
"What the hell is this place!" hindi maiwasang bulalas ko.
Idinikit ko ang palad ko sa salamin ng sasakyan para mas makita ko pa nang maigi ang labas. Hindi na umuulan at may sikat na rin galing sa araw pero ang buong lugar ay nakakaiyak. Puro putik at mukhang hindi pa makausad ang sasakyan namin kaya nakahinto kami ngayon sa gitna ng kawalan.
"Hanggang dito na lang po ang kaya ng sasakyan at kailangan nang lakarin mula rito," sabi ng driver.
Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya nang lumabas na siya ng sasakyan. "Ano 'ng ibig mong sabihin, manong? Na paglalakarin ninyo ako mula rito?" Napanganga na lang ako nang tipid siyang napangiti sa 'kin.
Tuluyan na siyang lumabas at sinara ang pinto ng sasakyan. Kinuha na niya sa likod ang mga gamit ko at saka kay Mervin ko naman tinuon ang atensyon ko.
"Sabi ko naman sa 'yo, hindi magandang ideya ang sapatos na suot mo ngayon. Hindi ka naman nakikinig sa 'kin."
"Pero hindi mo naman sinabing sa putikan tayo maglalakad. Eh ‘di sana ay nakapagpalit man lang ako o nagpabili sa inyo ng pares ng tsinelas sa daan, 'di ba?"
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko naisip 'yon kaya problema mo na 'yan." Akmang lalabas na siya ng sasakyan nang hawakan ko siya sa braso. Napatingin siya sa 'kin. "Ano? May sasabihin ka pa ba?"
"So, inaasahan mong maglalakad talaga ako gamit ang mga sapatos na 'to?" mahinang tanong ko, pinipigilan ang inis na tono ng boses ko.
"May magagawa pa ba ako?"
Kinagat ko ang ibabang labi ko at hinayaan na siyang lumabas para tumulong sa pagbuhat ng gamit ko. Isang malaking maleta iyong binuhat ni manong at maliit lang ang isa pa na si Mervin ang nagbuhat.
Inalis ko ang tingin sa kanila at saka nag-isip ng paraan kung paano ako maglalakad nito. Ayoko namang mag-apak, 'no! Baka mamaya ay mabubog pa ako, mas lalo lang akong mahihirapan maglakad.
Napaingit na lang ako at huminga nang malalim. Gustong-gusto kong magalit sa kaniya pero hindi naman 'yon tama. Wala naman talaga siyang kasalanan pero bakit ba inis na inis ako sa kaniya? Bakit hindi man lang niya kasi sinabing putikan ang daraanan, 'di ba? Mahirap ba 'yon? Haist! Bahala na nga.
Dahan-dahan akong lumabas ng sasakyan. Sinubukan kong tumapak sa kung saan tingin ko ay matigas. Tumapak ako sa mga dahon at mga bato, basta hindi putik. Humawak ako sa mga puno para hindi ako tumumba pero mukhang wala talaga akong magagawa kung hindi ang lumubog sa nakakainis na daan na 'to.
Ang pinakanakakainis lang talaga ay nakuha pa talaga akong tawanan nitong mokong na 'to. Nakita na ngang hirap na hirap na ako sa lagay ko pero ito at tuwang-tuwa pa siya. Hindi ko tuloy maiwasang hindi siya pansinin kahit na gusto ko na siyang upakan.
"Kapag hindi ka tumigil sa katatawa mo, baka pakainin kita ng putik! Masyado ng mainit ang ulo ko kaya huwag ka ng dumagdag," bulalas ko.
"Pasensiya na po. Hindi ko lang talaga maiwasan. Hindi ba kasi nasabi ni Tita na maputik ang lugar na 'to?" tanong niya.
Tinapunan ko siya ng isang naiiritang tingin. "Nasabihan niya ako, Mr. Obvious. Kaya nga nakatakong ako ngayon kasi alam kong maputik ang daan, 'di ba?" sarkastikong sagot ko.
Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa daan kaysa makipagtalo sa kaniya. Mapapagod lang ako sa kaniya! Kaya naman tinanggal ko na ang takong ko at nagtapak na lang. Mas mapapadali ang trabaho ko kung ganito na lang ang gagawin hanggang makarating kami. Maglilinis na lang ako ng paa... nang mabuti.
Huwag lang talaga ako makakaapak ng bubog.
"Malayo pa ba tayo?" ingit ko habang nakatingin sa harap namin. Parang wala naman kasi akong nakikitang kahit na anong bahay o kahit anong building sa malapit.
He cleared his throat before answering, "Malapit na. Kaunting tiis na lang, Ms. Beauty Queen."
Pinukol ko siya ng isang masamang tingin na ikinatawa lang niya. Pati si manong ay natawa kaya naman napairap na lang ako. Argh! Boys. Why am I stranded with two ungentle men?
"Ayos lang bang iwan ang sasakyan mo roon, manong?" tanong ko nang maalala ko ang sasakyan niyang naiwan. Ayoko sanang itanong dahil sa pagtawa niya sa 'kin. Hayaan mo iyong mawala, wala akong pakialam.
"Babalikan ko naman iyon agad, Ma'am, kaya ayos lang. Hindi naman iyon mawawala roon dahil madalang naman ang mga hindi kilalang taong nagpupunta rito."
"What about some visitors?" tanong ko, keeping myself busy. Kaysa naman ituon ko ang inis ko sa mga putik na 'to.
"Sasabihan kami nina madam kapag may mga bisita tulad mo. Hindi naman iyon mapapaandar dahil nasa akin ang susi," aniya sabay wagayway ng susi sa harap ko.
Hindi na ako nagsalita o nagtanong pa.
"Ouch," mahinang sambit ko.
Medyo nauuna na sila sa 'kin kaya medyo huminto muna ako para tingnan ang nangyari sa paa ko. Doon ko lang napagtantong may sugat na pala iyon. Ito na nga ba ang sinasabi ko! Hindi naman ako takot sa dugo o kahit anong sugat pero kung hindi ko 'to magagamot agad ay baka maimpeksyon pa 'ko.
Kinagat ko na lang ang labi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Kaunti na lang, Suzy, makakaraos ka rin. Kaunti na lang at makakaligo ka na. Kaunting tiis na lang sa lagkit ng paa mo, okay?
Nagkatinginan kaming dalawa ni Mervin nang bigla siyang huminto. Huminga siya nang malalim at saka lumapit sa 'kin. "Hawakan mo nga 'to," utos niya sabay abot ng maliit na bag. Hindi naman siya ganoon kabigat pero nakakainsulto, ah?
Nalilitong tiningnan ko siya. "Huh? Nakita mo na ngang nahihirapan na akong maglakad tapos pagbibitbitin mo pa 'ko. Sadista ka ba?" bulalas na tanong ko.
"Huwag ka na ngang maraming sinasabi. Sa tingin mo, paano kita mabubuhat sa likod ko kapag hawak ko rin iyang bag. Hindi naman mabigat kaya huwag ka na umangal."
Napaatras ako dahil sa sinabi niya. "Sinabi mo bang ipapasan mo 'ko?"
"Opo, Ms. Paulit-ulit."
"N-no, thanks. Hindi mo kailangang gawin 'yon. Ayos lang naman ako."
"Alam mo, kung bibilisan mo lang naman ang lakad mo ay kanina pa tayo nakarating pero dahil ang kupad mo, nandito pa rin tayo sa gitna ng daan."
"Sinabi mo bang – "
"Oo, ang kupad mo. Tumahimik ka na nga lang!" aniya na para bang inis na inis na siya sa 'kin. Aba at siya pa ang may ganang mainis! Parang kanina lang, tinatawa-tawanan niya na lang ako.
In one swift move, nakita ko na lang ang sarili kong pasan-pasan niya. Hindi na rin niya binigay ang bag sa 'kin at dinala na lang din niya. Napakapit tuloy ako nang mahigpit sa leeg niya para hindi ako malaglag.
A strange feeling flowed inside me. May kung anong kakaiba sa loob ko ang biglang nagwala. I just couldn't figure out what it was. Napahinga na lang ako nang malalim dahil sa bigla.
Doon ko lang nalaman kung gaano siya kalakas. Ni hindi man lang siya pinagpapawisan o nahihirapang huminga dahil sa pagod. Kahit na ako, isang anak ng hunter na madalas mag-training ay napapagod din, siya naman ay pa-easy-easy lang. Na-curious tuloy ako kung anong klaseng training ang ginagawa ng isang ito. Hindi ko alam kung magaan lang ba ako o sadyang malakas lang talaga siya.
While riding on his back, I can smell him. He smells so manly yet sweet. Hindi ko alam na pwede pala iyon. Napapikit na lang ako at dinama ang pagsakay ko sa likod niya. Huli na nang ma-realize ko kung ano ang ginagawa ko.
"I have another bottle of my perfume. You can have it. Hindi mo kailangang ubusin ang pabangong suot ko ngayon," aniya. Ayon sa pananalita niya ay kasalukuyan siyang nakangisi ngayon.
Uminit bigla ang pisngi ko. Binatukan ko siya bago magsalita, "Excuse me, Mr. Feeling. Hindi kita inaamoy. And I don't need your perfume. Iyo na ang pabango mo."
He chuckled. "Kunware ka pa. Hindi mo naman kailangang mahiya sa 'kin."
"Bakit naman hindi ako mahihiya? Hindi naman kita ganoon kakilala."
Tumango-tango siya at sinabi, "Sabihin na nating oo nga, hindi mo pa ako ganoon kakilala pero kahit ano namang gawin mo ay nakakahiya. Mukha namang sanay ka na kaya bakit ka pa mahihiya?"
"Ang kapal mo talaga! For your information, hindi lahat ng ginagawa ko ay nakakahiya. I am just confident in everything I do."
"That is the same, though."
"Just shut up, Mr. Know-it-all!"
Hindi na naman siya nagsalita gaya ng sabi ko. Hindi naman din nagtagal at nakarating na rin kami sa bahay nina Tita. I had one picture in me that Tita sent me. It's just that, she didn't capture the muddy part. Kung kasama lang sana iyon sa picture ay baka nakapag-ready ako ng boots.
Bumaba na naman ako sa pagkakapasan ko sa kaniya. Everything that has happened a while ago vanished. Nakalimutan ko ang kahihiyang dinanas ko kanina nang makita ko ang buong paligid.
The air was fresh and unpolluted. From the left side of the house, I can see the mountain full of green trees. The clouds were thick and fluffy. It's so peaceful and calm that I just forgot all of my problems. Parang hindi umulan kanina dahil sa aliwalas ng paligid.
"This is unbelievable," mahinang bulalas ko.
Instead of going inside to fix my things, I chose to stay outside and overlook the surroundings. All I can see was green and nature. Nakakabighani na para bang gusto kong dito na lang tumira habang buhay.
Tita's modern house blended well with the surroundings. It has huge glass windows where I can see the inside interiors. A big tree is in the middle of the house. Para bang iniwasan talaga ng arkitekto ang punong iyon at hindi tinanggal kung saan nakatanim. Imbis na ipatag din ang pundasyon ay hinulma na lang doon ang buong bahay.
"You mean, awe-inspiring," singit ni Mervin at saka tumabi sa 'kin.
Hindi ako nagsalita at tinuon na lang ang atensyon sa pagkuha ng mga litrato. I am gonna post these on my i********: later.
"These are just some reasons why I love it in here. Kaya kahit na hindi ko na kailangang magtrabaho rito ay mas pinipili ko pa ring bumalik dahil nakakaramdam ako ng kapayapaan."
When I looked at him, I saw a glint of sadness in him. He's smiling and yet, his eyes were filled with sorrow. I couldn't help but wonder what his problem was. Is something bothering him? Because he doesn't look like the type of person who carries his burden with him. In my opinion, he is more like an easy-going type of person.
"Then, there must be something in this place that can comfort me as well," sabi ko. Ibinalik ko na ang tingin ko sa magandang tanawin.
I remembered my mom. I know, kahit na hindi ko masyadong dinadamdam ay alam kong hanggang ngayon ay malungkot pa rin ako. I just chose to ignore it, dahil alam ko sa sarili kong kapag pinag-usapan namin ang tungkol kay Mama ay magbe-break down na lang ako nang hindi ko namamalayan. So, ignoring the topic is the best way I can come up with for now. At saka ko na lang iisipin ang gagawin at sasabihin kapag nakahain na sa harap ko ang topic.
"Let us get inside at magmiryenda muna. I know you are starving," aniya habang nakalahad ang mga kamay sa harap ko.
I rolled my eyes. "Really? Paano mo naman nasabi na gutom ako? I just ate at the plane," I retorted. I didn't bother mentioning the foods I ate.
He eyed me from head to toe, hindi naman nakakainsulto so I let him. "Mukha kasing matakaw ka. You are so fat," aniya bago naglakad palayo.
Naiwan akong nakanganga roon at hindi makapaniwala. "That little!" bulalas ko. "Hoy bumalik ka rito at bawiin mo ang sinabi mo!" sigaw na utos ko sa kaniya. Sinundan ko siya papasok sa bahay ni Tita, almost stumbling on a stair.
"I won't take back what I said. And by the way, I only tell the truth and nothing more."
Talaga namang! Nakakainsulto na siya. Forget about the fact that he looked miserable a while ago. Wala akong pakialam! Napakawalang-modo niya. Hindi ba niya alam na napaka-ungentleman sabihin ang mga salitang iyon sa isang babae? How dare he!
Hindi ko na nagawang makipagtalo pa sa kaniya dahil maraming tao sa loob. Wala naman sa 'kin iyon pero baka kung ano ang sabihin ng mga ito kay Tita pagkarating nila. Itinago ko na lang ang inis ko sa lalaking ito na mukhang nag-eenjoy talaga sa pang-aasar. I have never been humiliated in my life since forever! Siya lang ang may ganang sabihin iyon sa 'kin. Hindi kaya ako mataba! I am just chubby!
"Please prepare the snack for our guest," utos niya sa isa sa mga babae sa kusina. Agad naman siyang sumunod at nagpatong ng kung ano-anong pagkain sa mesa.
"I told you, hindi ako matakaw. Kaunti lang ang kakainin ko ngayong miryenda," asik ko. Umupo ako sa isang bakanteng upuan. Lilimitahan ko na lang ang pagkain ko ngayon kahit na gutom na gutom na ako.
"You don't have to be shy, Ms. Fatty. Eat all you want, hindi na lang ako magsasalita," sabi niya, hindi na naman maalis ang pagkakangisi sa kaniyang labi.
I grabbed a knife and almost stabbed him. But instead, I stabbed the bread and ate it ungracefully. Forget being a lady in front of him! Mukhang hindi naman babae ang tingin niya sa 'kin. The hell I care, bahala siya riyan!
He sat in front of me and watched me eat. Kung hindi ko siya kilala, maiilang ako. Pero dahil kilala ko na siya at wala talaga siyang modo ay hinayaan ko na siya. Wala naman akong pakialam kung ma-turn off siya. Who cares?