Chapter 1
Suzanne Berry Azarcon
I can hear the collision of our spoon and fork as we eat our lunch. My Grandpa, Dad, and I are having our lunch together when Sebastian interrupts us. "Don Craig, a new one has appeared southeast on the forest." He is one of our loyal hunters in the Azarcon Group, a 20-year old guy who is a little serious and someone who dedicates his life to this work.
Kung ako ang tatanungin, ayoko sa kaniya. Masyado siyang loyal and I hate it. Hindi niya kasi alam kung ano ang pwedeng mangyari kung masyado niyang pinagkakatiwalaan ang grupong ito. Kahit ako ngang apo ng mga Azarcon ay hindi masyadong nagtitiwala sa trabaho nila.
My Grandpa, Craig George Azarcon, is a well-known hunter and the leader of Azarcon group; a group of elite hunters who hunt down rogues and killer werewolves.
Normally, ang hinuhuli lang namin ay mga lobo na pumapatay ng mga inosenteng tao. Madalas ay mga Rogues ang tawag sa mga iyon. But now, I think it's no longer how it is. I mean, hinuhuli nga namin ang mga pumapatay na mga lobo pero hindi na kasi iyon ang nakikita ko. My Grandpa is killing them one-by-one. And if I say one-by-one, ibig sabihin ay wala na silang pakialam kung mabait ba o hindi ang mga pinapatay nila. Basta isa kang lobo, they'll hunt you down for sure.
"Call out for backup. I'll be there in five minutes," sabi ni Grandpa kahit na hindi pa nangangalahati ang kinakain niya.
I stare at my food. Unlike them, I'm nearly finished. "Won't you finish eating first before going? I cook them myself," sabi ko. Minsan lang ako magluto tapos hindi niya uubusin? I won't allow it.
"Apo, I'm just going to eat again later. The foods can wait, the rogues can't." He wiped his hands with a table napkin before standing. "Excuse me."
I rolled my eyes because of what he said. Hindi ko naman magawang suwayin ang sinabi niya. What he wants is what he gets. Pero ibang usapan na kapag umapila ako.
I wiped my hands as well and stood. "I'm going as well." My Father and Grandpa both looked at me and were about to say something when I stopped them. "It's final! I'm already finished eating, I'll go. I'm sorry pero hindi ko kayang hayaan ka na lang sa pagpatay sa mga lobo, Grandpa."
Huminga siya nang malalim bago tumalikod. But before he disappeared, he said, "I'll leave in three minutes. Be ready or I'll leave you behind."
Sebastian followed him quietly habang ako naman ay napangiting mag-isa. Hindi niya talaga ako matitiis.
"Aren't you going, 'Pa?" tanong ko kay papa na patuloy lang sa pagkain at hindi na kami pinansin. He doesn't mind being left behind. He must be really hungry.
"Nah. I'm fine here. Go with your Grandpa, baka mainip pa iyon at iwan ka." Pinunasan niya ang labi niya. Ngumiti siya sa akin at saka tinuro si Grandpa na nakasakay na sa loob ng bukas na kotse. He looks impatient as he glances at me.
Lumapit ako kay papa para halikan siya sa pisngi. "Alis na ako, 'Pa! Take care!" pagpapaalam ko.
"By the way, your Sinigang is the best!"
Ngumiti ako sa kaniya bilang tugon. I should cook Sinigang more often.
I jump inside the car. Hindi naman nagtagal ay humarurot na iyon. Kinuha ko ang baby ko sa likod at saka pinunasan. It is a small pistol but I treasure it like my own child.
Ito ang unang armas na ginamit ko noong nagsisimula pa lang ako kaya ito na ang lagi kong ginagamit. Not like the usual pistol, its bullet is silver. Sa dulo ng bullet ay may maliit na kumikinang na bagay - the wolf's bane. Ginawa talaga ang mga ganito para pahinain ang mga lobo. Hindi naman sila agad namamatay kapag tinamaan pero madalas ay sobra ang panghihina nila. Doon namin sila hinuhuli at tinatali para sa interrogation.
"Remember, apo, huwag na huwag kang kikilos nang basta-basta. Wait for my signal," aniya.
Napairap ako habang pinupunasan ang baby ko. He already told me that for the nth time and it's starting to get annoying. "I know, Grandpa, I know. Hindi naman ako lulusob na lang bigla. I don't want to die yet," sarkastikong sabi ko.
That's true. My mom's already gone and I don't want them to be more upset if I die as well.
"We're almost there. Get ready!" Grandpa said, pertaining to everyone.
Hinawakan ko ang baril sa kanang kamay ko habang tinatago ang patalim sa tagiliran ko gamit ang kaliwa. It's also made of silver and a wolf's bane, both harmful to humans and werewolves.
Nang tumigil ang sasakyan, ako na ang nagbukas ng pinto sa gilid ko habang sa kabilang gilid dumaan si Grandpa. Nakita ko na ang ilang mga tauhan niyang mga naka-earpiece pa. Sadly, I don't have one.
Like me, they're holding different kinds of guns in their hands. Some of them are bigger than mine. A 50 caliber sniper is also present here. Madalas ay mahahabang baril ang dala nila while my Grandpa holds a gun which is a lot bigger and heavier. Malaking tao kasi si Grandpa. Ma-muscle pa para sa isang may edad na lalaki.
Isang tauhan niya ang lumapit sa kaniya habang may hawak na tela. Sa tingin ko ay may laman iyon pero hindi ako sigurado kung ano. I can't smell something foul so I think it's not a dead body of some sort.
Good. I really can't take corpses. At least not now. Kakakain ko lang.
"He got caught on a trap, Don. It looks like he's not from the packs in this place, a lone wolf or something," aniya.
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Sa pagkakaalam ko ay dalawa lang ang pack na nasa lugar na ito. Maliban na lang kung mayroon pa kaming hindi natutunton pero imposible namang magkaroon ng lone wolf dito.
Ang mga lone wolf ay mga lobo na hindi kasama sa isang pack. Kung tama man ako ay madalas na target ng ibang mga lobo ang mga lone werewolves. Dahil nga mahina lang sila at walang kakampi ay roon sila nagpapalakas – by killing their own kind. At ito pa ang isa sa mga mga paborito kong information; kapag napatay mo ang isang alpha o ang leader ng isang pack, ikaw na ang papalit sa kaniya... ikaw na ang alpha na hawak ng napatay mo.
Isn't that kind of exciting? Kaya lang, noong nalaman kong hindi iyon angkop sa mga tao ay nanghinayang ako. Not that I want to become like them pero hindi ba at kakaiba ang mga ganoong case? Magiging isa ka sa kanila kapag napatay mo ang pinakapinuno nila. Kaya lang, alam ko na sa sarili kong hindi iyon posible dahil nakapatay na si Grandpa ng isang alpha.
"Take me to him," sabi ni Grandpa.
Napatigil ako sa susunod na sinabi ng tauhan ni lolo. "It's a she-wolf, Don."
Hindi ko na hinintay pa ang susunod na sasabihin ni Grandpa bagkus ay naglakad na ako palapit sa kakahuyan. Gusto kong makita kung sino ang nahuli namin ngayon. I met a girl werewolf before and she's not that bad. Hindi naman kasi talaga lahat ng mga lobo ay masasama. Na-gegeneralize lang talaga kung minsan.
Nang makita ko siyang nakasabit sa isang trap nina Grandpa ay nakahinga ako nang malalim. It's not her. She's tied upside down and good thing she's not in her werewolf form. Ngayon ko lang siya nakita pero hindi ko masasabi kung tagarito ba siya o hindi. Hindi ko pa naman kasi nakikita ang lahat ng mga werewolves na nandito kaya hindi ko matutukoy.
"What the hell are you doing, Suzanne?" Rinig ko agad ang malalim at ma-autoridad na boses ni Grandpa kaya napangiwi ako. Ayoko kasi sa buo kong pangalan. I prefer being called Sue or Suzy. Just not Suzanne, really, I might kill anyone who dares.
"I just want to check on her. And I'm done, I'm out of here!" sabi ko habang nakataas ang dalawang kamay at mabagal na umaatras. Hindi ako tumingin kay Grandpa dahil pakiramdam ko ay ang sama ng tingin niya sa akin. One thing that I hate the most is his eyes; it reminds me of my mom's glare at me. It hurts!
"Just step back!" tanging sabi niya na lang kaya tumango ako habang nakanguso.
I looked at the growling werewolf in front of me. She looks hopeless. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi maawa sa kaniya. Kahit ano kasing pagpupumiglas ang gawin niya ay hindi pa rin siya makawala. She really can't. Both of her hands are tied up and she's just hanging in the air. If only she could use her paws then, she can easily escape.
"What do you want? Why are you here and killing people?" tanong ni Grandpa.
"Killing? Nobody mentioned killing," hindi ko maiwasang singit.
Sinamaan na naman ako ni Grandpa ng tingin kaya napaiwas na naman ako.
I cross my arms and roll my eyes. "It's the earpiece, young lady," mahinang sabi ni Sebastian.
Napatingin ako sa kaniya pero nakatingin pa rin siya sa lobo. I grab his earpiece immediately pero hindi naman siya umangal. He's used to it, trust me.
"The guy is not yet dead but we can't ask him a question because he's in trauma. What should I do?" tanong sa earpiece na suot ko.
Hindi sumagot si Grandpa sa kaniya o kahit na sino sa mga tauhan. Tutok lang sila sa lobo na nasa harap namin. Binalik ko na ang earpiece ni Sebastian at saka nakinig sa pinag-uusapan nina Grandpa.
"He tried to attack me that is why I killed him! You can't really blame me. That's self-defense!" bulalas ng lobo na hindi ko alam kung ano ang pangalan.
"Maybe he's just trying to protect herself. I can't really blame her," pagsabat ko.
They all looked at me but said nothing. My Grandpa glares at me again that's why I shrug my shoulder off.
"What? That's just my opinion! Can't I at least voice it out?" gigil na sabi ko.
"You shouldn't have come. Can you just stay quiet in there? Just for a second at least," naiiritang sabi ni Grandpa. He can't get angry with me. He loves me so much!
"I'm quiet..." sabi ko sabay zip ng bibig ko.
Natahimik si Grandpa saglit at saka napailing. "Now, where am I?" pabulong na tanong niya, sapat lang para marinig ko.
"She's just trying to defend herself from the guy," sabi ko.
Mas lalong napailing si Grandpa pero hindi ko na alam kung ano ang problema niya ngayon. Is he sick?
"What's really your purpose on coming here?"
"I heard that the new alpha is here. I just want to meet him. I want to be one of his pack," sabi ng babae.
Nadinig ko ang maliit na pag-asa sa kaniyang boses na para bang ang tagal na niyang naghihirap sa kung ano o sino man. She must be really lonely.
"Looking for the alpha while killing humans, that's not forgivable!" bulalas ni Grandpa.
"I told you, that was just self-defense! He tried to harm me with some kind of a gun," pagpapaliwanag niya. A lone wolf can be affected by an ordinary gun, as the book says. I don't understand why.
"That doesn't mean you can kill him!" pilit na pinaglalaban ni Grandpa.
"The guy's not yet dead, though. Why can't we just forget about this and let her go? Let her find the alpha and everything is solved!" nakangiwing sabi ko.
"I said, you shut up, Suzanne!" sigaw ni Grandpa.
Napaawang ang labi ko dahil sa pagsigaw niya. Ramdam kong galit na talaga siya ngayon. Hindi ko alam kung kanino ba siya galit, sa akin o sa lobong ito.
Muli niyang hinarap ang lobo at nagsalita, "I can't let her go. I can't risk anything from letting her go. Letting her go means more people dying!"
The girl growled at him again. Hindi naman natinag si Grandpa at nakuha pang makipagtitigan sa babae.
Napailing na lang ako dahil sa sinabi niya. Kahit papaano naman ay may punto siya. Marami lang mapapahamak kung patatakasin namin siya.
Naglakad si Grandpa sa isang gilid at saka may kinuha sa loob ng tela. Ito iyong hawak kanina ng tauhan niya bago ako umalis. Ngayon ay alam ko na kung ano ang laman n'on. Literal na nanlaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ko siyang punasan ang espada.
It's the sword used to cut them. It can't be. He can't be serious about this. The girl hasn't even killed anyone yet! At this moment, the girl is not yet a murderer!
"Grandpa, stop it!" bulalas ko. Lalapit na sana ako nang hawakan ni Sebastian ang braso ko. I glared at him. "Let go lip gloss freak!"
"I bet I can't do that," malumanay na sabi niya, para bang wala lang sa kaniya ang sinabi ko.
"Just let go already!" frustrated na sigaw ko. Kumawala na ako sa pagkakahawak niya pero hindi ko pa rin magawa. He's just too strong!
"I can't let humans live with fear. That means I have to kill you."
Napatingin ako kay Grandpa nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Pilit pa rin akong kumakawala sa pagkakahawak ni Sebastian pero napakatigas talaga niya.
"No. No, Grandpa! You're not a murderer. Just let her go!" Halos maputol na ang litid ko sa kasisigaw pero wala lang siyang naririnig. Gusto kong maiyak, gusto kong maglupasay at magmakaawa na itigil niya ang ginagawa niya, pero wala siyang naririnig.
He still did what he knew was right but still a sin. All I could do was stare at it as blood flows out and her other half touched the floor. I almost vomited on the sight but I didn't. I felt numb and hopeless and useless. This is just too cruel. I hate it!