Chapter 7

2097 Words
Chapter 7 Suzy I walked out of the car and looked around. Sinilong naman ako ni Mervin sa payong na dala niya dahil medyo umaambon ngayong umaga. The boarding school is bigger than what I have imagined. Siguro may nasa apat na palapag din siya. It is in color white and pink. There was no gate or fences but instead, trees cover the entire school. Ang tanging daan lang ay ang tinahak namin kanina papunta. Korteng 'U' ang buong school at sobrang lawak ng harapan na pwede ka pang makapaglaro ng baseball sa gitna. "Hindi mo naman nabanggit na ang lawak pala ng school na 'to," sabi ko. Nagpaalam kami kay Tita dahil one way ang binabaan namin, marami ang nakapila sa likod. Tapos na ang pagpapaalam namin sa loob pa lang ng sasakyan. "Of course, Sue. This is a boarding school. May school at dorms para sa mga hindi umuuwi sa kanila," sabi niya na para bang obvious na obvious ang bagay na iyon. "Ewan ko sa 'yo!" "By the way, buti naman at naisipan mong hindi isuot ang killer shoes mo na 'yon?" aniya habang deretso lang ang tingin. Napatingin ako sa sapatos ko at napangisi. "Ayoko namang mangyari na naman iyon, natuto na 'ko." Nakakahiya kayang magpapasan! Minsan nakaka-conscious sa weight. Hindi ko tuloy alam kung malakas lang ba talaga siya o sadyang magaan ako kahapon dahil kaunti lang ang nakain ko sa eroplano. "So, tell me about this school, Anpo Boarding School," I demanded kahit na may kaunting alam na ako tungkol sa school na ito. Gusto ko ring ibahin na lang ang topic dahil baka maungkat pa sa pagtatanong ng kung ano ang weight ko. Nagsimula kaming maglakad sa malawak na field at may mangilan-ngilan na napapatingin sa 'min. It's either kilala nila si Mervin o talagang nagulat lang sila sa kagandahan ko. I won't blame them. "Anpo Boarding School was found by George Anpo, a hockey player from London. He visited our country, and when he met different students who love hockey like he does, he started a small school and trained all of them. That was in 1873." He waved at the group of guys who I assumed were his friends but continued to escort me instead. Siya kasi ang tour guide ko imbis na ang student council president. Tita Merced insisted on this. "The classrooms are at the middle, male's dorms are at your right side while female's dorms are at the left side," aniya habang tinuturo ang banda ng mga building. "Mukha siyang maliit sa height pero malawak siya sa loob kaya marami ang mga rooms. Ang ilan pa nga ay hindi pa nagagamit." "You mentioned the founder as a hockey player. Eh ‘di ibig sabihin ay may mga hockey players sa school na ito?" tanong ko. I enjoyed playing hockey when I started high school pero hindi natuloy. Wala naman kasing ganoon karaming players ng game sa lugar namin. "Of course. Isa sa mga dahilan kaya dinadayo at gusto ng ibang players na mag-aral dito. Both female and male hockey have so many players. May scholar din ang ilang star players na naglalaro nito." Excitement filled my system. Para tuloy gusto ko nang pumasok sa loob at mag-register as a hockey player. "May iba pa bang sports dito except hockey?" I asked curiously. Ang lawak naman kasi ng school na ito kaya nakapagtataka kung ano-ano ang mga ginagawa nila. At nakapanghihinayang kung hindi naman nagagamit. "Not really popular but we have Basketball, Volleyball, Tennis, and Baseball. Sa likod madalas ginaganap sa tuwing nagkakaroon ng sports events." "Ang lawak ng school pero wala namang masyadong sports," hindi maiwasang sambit ko. Sayang naman kasi kung hindi magagamit ang malawak na field sa harap ng school kaya nakapanghihinayang. Ang sarap tuloy taniman na lang ng mga halaman. "We may not have big events when it comes to sports pero dinadayo kami rito monthly for our monthly gatherings," excited na sambit niya. "Gatherings? Like what?" takhang tanong ko. At last, we entered the front door where a guard wearing a pink uniform greeted us and let us in. The hall sure was really spacious and elegant in a pinky-way. "Every January 3rd, we celebrate new year here before starting school. February 14th where Valentine's Day is held, a little grand than necessary. March 10th is the Graduation day and so on and so forth." I lifted an eyebrow at him and asked, "How grand is that?" "Hmm... how, you ask?" he thought. "Every month there are stalls everywhere where our neighbors are welcome to join us. We seldom accept visitors, you see. kahit na sabihing kamag-anak ng ilan ang mga bumibisita. Pero hangga't walang pahintulot sa principal ay hindi pwedeng pumasok. Kapag may mga gatherings, doon lang nakakabisita ang mga parents and guardians like today. Walang event ngayon kaya hindi pwedeng sumama sa 'tin si Tita kahit na i-eenrol ka lang. You should learn how to enroll yourself." I smirked. "I know how to, Mr. Senior. I can take care of myself just fine," sabi ko. But the red carpet seemed to disagree with me because I almost stumbled at my feet. Maraming salamat kay mokong at hindi naman ako sumubsob sa sahig. Why is that every time my clumsy persona shows, he is the one who always saves me? "You were saying, Ms. Junior?" he asked sarcastically. "Thank you, Mr. Savior. I am not saying anything about I can take care of myself just fine." I giggled while he chuckled at my retort. We headed at the principal's office and enrolled myself. When I got out, I raised my eyebrow at him. "I told you I can take care of it." "Okay, then. What did they say about your room?" he asked while carrying my heavy bag. We just retrieved it from the man called Nestor. "3rd floor, room 601, is everything she told me." Mukhang ngang masungit iyong nakausap ko. Hindi naman siya ang principal pero mukhang proxy lang. "Please, lead the way, Mr. Oldie." "Follow me then, Ms. Newbie." Napailing na lang ako dahil ang isip-bata naming dalawa pero hindi na nagkomento. Mukhang game naman siya sa larong sinimulan namin nang hindi namin namamalayan. Hindi naman siya umaangal kaya sa tingin ko ay ayos lang sa kaniya. Surprisingly, there was an elevator at the end of the hall where some students were waiting. Nakisalo kami sa kanila upang maghintay. "Remember that if you are going up and down, it is wise to take the right elevator every time rather than the left elevator." "I thought there's a wrong elevator. Direksyon pala ang tinutukoy mo," natatawang sambit ko. "Hey, Mervin!" bati ng isang babae sa kaniya. Nang tingnan ko ang reaksyon ni Mervin ay ang lawak ng ngiti! Pilasin ko kaya 'yang pisngi mo? "Hey, Blanche. How are you?" he asked the blonde girl. So, ito pala ang tipo niya? Matangkad, blonde, maputi at skinny. Straight din ang buhok niya na kapag nagpakulay siya ng itim ay magmumukha siyang si Sadako. Creepy. I love my hair still. Natural curly at itim na itim. No one is asking, Suzy. "I am fine. How is your vacation? Our batch had a little party last April but you didn't come," she said, frowning a little. Gusto kong alisin ang pagkakahawak niya sa braso ni Mervin but who am I to do that? And why the hell am I going to do that! "I am sorry, got caught up with a family problem and stuff. I am gonna join the gals after I finish touring my friend," he said. Friend. So, friends na pala kami. Ano 'ng gusto mo, Suzy? More than that? Manahimik ka na lang diyan at hayaan mo na silang dalawa sa growing love nila. The blonde girl looked at me, amused, and said, "Oh, you are with someone. Hello there! The name is Blanche Throckman. It is nice to meet you," masiglang bati niya sabay lahad ng kamay niya. Wala na tuloy akong nagawa kung hindi ang tanggapin iyon. "Suzy Azarcon. Nice to meet you, too!" I introduced with the same intensity. I looked at Mervin, then at the elevator when it finally opened. "We need to go, Blanche. I am escorting her to her dorm. If you don't mind," he politely said with a slight grin in his face. "Sure, sure, I am on my way outside, too. Take care!" She kissed him on his cheek before walking away gracefully. She looked like a walking stick, a barbie doll if that sounds a little offending. I made my way inside the elevator and waited. May mga tatlong estudyante lang kaming kasabay kaya hindi naman crowded sa loob pero mukhang kilala rin nila si Mervin. "Hi, Kuya Mervin!" bati ng isang babaeng sa tingin ko ay mas bata sa 'kin ng dalawang taon. "Hi there, Cynthia! How is vacation? Nakauwi ka ba sa bahay ninyo sa New Jersey?" he asked. Nakagugulat na kilala niya pala ang isang ito personally. I wonder how? "Yes, Kuya. Sabi ni ate, miss ka na raw niya. Dalawin mo raw siya minsan kapag may time ka," aniya. Mervin ruffled the kid's hair and said, "Sure! I will. Maybe if I have time I will visit her there myself." After that, everything stayed silent. Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin kaya nanahimik na lang ako. Inayos ko na lang ang buhok ko habang nakatingin sa pader na ginawa kong salamin. Hindi naman siya magulo pero wala naman kasi akong maisip na gawin. Ilang segundo lang ay bumukas na ulit ang elevator. Nang lumabas si Mervin ay sumunod na rin ako sa kaniya. May mangilan-ngilang napapatingin sa 'ming dalawa at ang ilan sa kanila ay binabati siya. Mukhang sikat talaga ang mokong sa school na 'to. Hindi kaya siya ang SSC president? "Ito ang magiging room mo," aniya nang huminto kami sa tapat ng isang pinto. Sa gilid n’on ay mga pangalang nakalagay. "Larianne Siscar at Gerimhae Arejola. May roommates ako?" I asked more to myself. Hindi naman siya sumagot, imbis ay kumatok nang tatlong beses. Isang matangkad na babae ang nagbukas. Maikli ang itim na buhok at may malaking nunal sa ilalim ng kanang mata niya. Maliit lang din ang ilong niya at manipis ang kaniyang labi. Malapad siyang nakangiti nang buksan niya ang pinto ngunit nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung sino ang kumatok. "M-Mervin Narvaez?" hindi makapaniwalang tanong niya habang nakaturo ang mga daliri sa kaniya. Mukhang gulat din si Mervin sa reaksyon ng babae pero hindi nagpahalata. Imbis ay ngumiti na lang siya at sinabi, "Siya nga pala si Suzanne Azarcon." Masamang tingin ang pinukol ko sa kaniya nang tawagin niya ako sa buo kong pangalan. "Simula ngayon ay magiging roommates na kayo," aniya. Napatingin sa gawi ko ang babae, gulat pa rin sa nangyayari. "Hi! Ako nga pala si Larianne, Larianne Siscar," pagpapakilala niya sabay tingin ulit kay Mervin. Ano ba 'ng problema ng isang ito? "Sino 'yan, Larianne?" tanong ng isang babaeng mas maliit sa kaniya. Tumabi siya sa kaibigan niya at nanlaki rin ang mga mata habang nakatingin kay Mervin. "Mervin!" bulalas niya pero hindi na nagsalita. "Ahm... oo, ako nga. Maiwan ko na kayo. Sinamahan ko lang siya rito. Have a nice day!" sambit niya sa dalawa bago tumingin sa 'kin. "Mauna na 'ko. Kung may kailangan ka ay pwede mo naman silang sabihan. Ipagdasal na lang nating magkita ulit tayo sa campus," aniya habang nakangisi. "Mas ipagdadasal ko na huwag na," biro ko sa kaniya. Sumimangot naman siya sa 'kin at sinabi, "Grabe ka naman sa 'kin! Kung alam ko lang, ma-mimiss mo ang pang-aasar ko kapag hindi mo na ako nakita." Tinaas-baba niya pa ang kilay niya sa gawi ko na para bang inaasar na naman ako. "If you insist, Mr. Feelingero! Umalis ka na nga!" natatawang pagtataboy ko sa kaniya. Ako na ang humawak sa bag ko dahil pwede ko naman na iyong hilahin papasok sa loob. "I am going now, Ms. Fatty." Hinampas ko pa siya ulit sa braso niya dahil sa huli niyang sinabi pero tinawanan niya lang ako. He even waved his hand while walking away. Nang tingnan ko ang dalawang magiging roommates ko, they were mesmerized because of something I didn't know. Literal na kumikinang ang mga mata nila habang nakatingin sa 'kin. I was forced to step back. They are creepy! What is wrong with these two?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD