Chapter 8

2155 Words
Chapter 8 Suzy If someone is going to ask how my life with my two roommates is, it is the worst! I never had a good night sleep last night because I needed to deal with their questions about my relationship with Mervin. Paulit-ulit kong sinasabing magkakilala lang kami because of my Tita Merced. Hindi naman sila naniniwala! They insisted we had something. Who knows what that something was? Ayoko na lang tanungin. The next day, I was half-asleep. Noon ko lang nalaman na kailangan palang alas sais pa lang ay nasa field na for the everyday routine. The flag ceremony, Panatang Makabayan, prayer and the exercise were held in front of the school. Hindi 'to nabanggit kahapon ni Mervin! I should have known. Para naman nakapaghilamos man lang ako bago lumabas. Mabuti na lang at hindi ako 'yong tipong nagkaka-morning glory tuwing umaga. At mabuti na lang at na-maintain ko ang skin care ko kagabi. Kung hindi ay baka mukhang dilat na langaw ako ngayon. I will strangle Mervin to death if I saw him! "Let us start our ceremony to be held by Jonabet Eusebio, grade nine's representative," ani isang lalaking guro na naka-amerikano. A petite girl, tan and serious-faced, walked at the platform with a microphone on her hand. Nang magsimula na ang kanta, I was mesmerized by her voice. Halos nakalimutan ko na ngang kumanta dahil mas gusto kong pakinggan na lang ang boses niya. Hindi siya mataas pero ang angelic ng boses niya. Nakakaantok! The Panatang Makabayan was performed by a small guy with a nerdy eyeglass. Ang sa prayer naman ay isang estudyante na nakamahabang dress na parang pang-madre. I doubt na isa siya sa mga estudyante ng school. Then came the part which I hated lalo na ngayong wala akong masyadong tulog – the exercise. I was fighting the urge to fall asleep when someone slaps me on the back lightly. I was ready to scold whoever that was when I realize Mervin was at my side already. "Hardly slept last night?" he whispered, trying to follow the routine lead by a group of dancers. "Thanks to my roommates and their questions about us," I said then rolled my eyes. I did the routine without realizing. The lively music helped me wake up. He chuckled and asked, "What about us? Are you convinced that we make a good couple now?" I had the urge to slap him at his shoulder – which I did – and then laugh. Ganito ba talaga siya tuwing umaga? Sinasapian. "What the hell, Mervin? Are you on your right mind right now?" I focused my attention in front. Bigla kasi akong nailang na magkatabi kami ngayon. What the hell, right? This is Mervin we are talking about – the guy who makes my blood boils. He shrugged. "Maybe I barely even slept last night as well. Ikaw kasi..." I looked at him confused and then in front again. I had a slight idea of what he is going to say but I pushed that idea aside. I have had enough about my roommates asking about the two of us. "Why are you blaming me? Wala naman akong ginawa." "Yes, you did. Hindi ko alam kung bakit umiikot ka sa isip ko kagabi, trying to invade every sense I have." And there he really said it. Binatukan ko na lang siya at tinawanan dahil hindi ko talaga alam kung ano ang ire-react ko sa mga pinagsasabi niya. Baka mamaya ay bawiin na rin naman niya at sabihin niyang nagbibiro lang siya. That is the kind of guy he is! "Thank you for participating, students. You may now proceed to the dining hall for your breakfast." Nauna akong maglakad sa kaniya. Hindi ko na siya hinintay dahil masyado na akong naiilang. We barely know each other, we are still strangers to each other, and then this? There is really something wrong with the circumstances. Hindi ko alam kung ako ang may mali o siya pero may mali talaga – iyon ang napatunayan ko. Sana naman ay hindi na muna kami magkita dahil hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko sa kaniya. "Hey!" Hindi ko sana papansinin ang sumigaw dahil baka hindi naman ako nang bigla na lang may brasong kumapit sa braso ko. "Nakita ko 'yon! Nakita ko! Sabi ko na nga ba at hindi pwedeng wala lang 'yon, e! Kinikilig ako sa inyo kahit na nag-uusap lang naman kayo!" bulalas ni Larianne. "Alam mo 'yong kapag nag-uusap sila, iyong ngiti sa mga labi nila, hindi mapagkakaila? May sparks, bes!" bulalas naman ni Gerimhae habang magkasaklop ang mga kamay na para bang nagdadasal. "Tumigil nga kayo! Sinabi nang wala lang 'yon. Porket nag-usap, may something na agad. Huwag nga ako!" sambit ko, umirap nang dahil sa sinabi nila. "Masaya lang naman kami para sa 'yo. Kahit na hindi pa tayo ganoong magkakakilala, maraming panahon pa tayong magkakasama lalo na at roommates tayo!" ani Larianne. "Noong una nga kaming magkita ni Larianne, nag-click agad kami. Sabay agad kaming nagbo-boy hunting at kung ano-ano pang kalokohan. Kaya walang imposible!" sabi naman ni Gerimhae. "Wala naman sa 'kin kung magiging kaibigan ko kayo pero iyong iniisip ninyo tungkol sa 'min ni Mervin, malabo! As in malabo!" sambit ko. Gusto ko lang ipaalam sa kanila na hindi rin ako interesado sa iniisip nila. Nandito ako para mag-aral at maging lawyer! "Okay, okay. Pero ipakilala mo naman kami sa kaniya next time. Ilang taon na namin siyang pinagpapantasyahan dito sa school pero nginingitian niya lang kami na lagi naman niyang ginagawa kahit kanino," nakasimangot na sambit ni Larianne. Nakarating kami sa room namin at mga nagsipagligo na. Nagbihis na rin kami ng uniform namin dahil tuwing Biyernes lang daw pwedeng mag-casual. Depende kung wala ka pang uniform. In my case, mayroon na ako kaya hindi na ako mahihirapan. The uniform is a 3/4 white blouse na may ribbon na pink, ang palda ay stripe pink and light green na may habang hanggang tuhod. Ang sapatos ay dapat black at white long socks na hanggang ibaba ng tuhod. Para sa 'kin, ang cute ng uniform, ayoko lang talaga ng kulay. Mapapatanong ka na lang ng, bakit pink? "Sikat ba talaga 'yong mokong na 'yon dito sa school?" tanong ko sa kanila. Mukha kasing crush na crush talaga nila at mukha namang lahat ng mga estudyante ay kilala siya. Hindi kaya tama ang naisip kong siya ang SSC president, hindi niya lang sinabi? "Hindi ba niya nasabi? Isa siya sa mga players ng Anpo Boarding School!" tili ni Larianne habang nakasilip sa 'min. Kasalukuyan kasi siyang naliligo at talagang kapag si Mervin ang pinag-uusapan ay ang talas ng pandinig niya. "Player ng ano?" Sinuklay ko ang buhok ko na tinirintas naman ni Gerimhae. Mukhang maalam ang isang ito sa kung ano-anong kolorete sa buhok. "Hockey!" sabay nilang bulalas. "Sikat ang hockey sa school na 'to at siya ang pinapanood ng lahat, ayon sa opinyon ko. Hindi lang siya magaling, ang gwapo pa niya at matalino. Kaya nga nagtataka ako kung bakit dito siya nag-aaral. Ang daming school na gusto siyang kunin dahil dati rin siyang naglalaro ng football," mahabang pagkukwento ni Gerimhae. "You should watch him play sometime. Baka kapag napanood mo siya ay magbago ang isip mo at ikaw pa ang manligaw sa kaniya!" natatawang sambit ni Larianne nang makalabas siya ng banyo. Nakabihis na siya at nagpapatuyo na lang ng buhok. Umiling-iling ako. "I am sorry pero wala talaga sa isip ko ang mga ganiyang bagay. May bagay akong kailangang patunayan bago ako sumubok sa mga lalaking 'yan," sabi ko. I want to prove to my grandpa that I am not this failure of a granddaughter. Gusto kong malaman niya na kahit na hindi ko tanggapin ang pamana niya ay may dereksiyon pa rin ang buhay ko. Nagkatinginan lang silang dalawa at hindi na nagkomento. Sabay-sabay kaming bumaba nang makakain na kami ng agahan at may mga ilang estudyante na ang narito. Nalaman kong ang mga senior high na gaya namin ang tanging nakasuot ng ganito samantalang mas mahaba naman ang sa mga grade seven to ten. Sa college naman ay plain white lang depende sa course na kukunin. Wala namang elementary sa school na ito. "Balita ko, engineering ang kinuha ni Mervin. Cartoonist naman ang kambal niya na naglalaro na rin ng Hockey. Balita ko ay puro talaga sila mga football players na magkakapatid. Hindi ko lang alam kung bakit naging Hockey," pagkwento ni Larianne. Pumila kami para makakuha ng pagkain. Sakop na ito sa binayaran namin kaya wala na kaming poproblemahin. Sapat nga lang ang ibibigay kaya baka pumayat ako nito. May panahon naman kami para bumili ng iba pang pagkain kaya kailangan kong sulitin iyon. "Mga magkakapatid? Ibig sabihin ay hindi lang sila ang magkapatid?" tanong ko, na-curious bigla sa buhay niya. Naupo kami sa bandang gitna dahil occupied na ang ilan sa tabi. Komportable naman dito at hindi masyadong agaw atensyon. "Apat silang mga lalaki at babae naman ang bunso nila. Hindi ko lang alam kung ano ang mga pangalan nila," ani Gerimhae. I rolled my eyes. "Magtataka na talaga ako kapag pati pangalan nila ay alam mo. You both sound like a stalker to me," hindi maiwasang sambit ko. "Syempre! Isa pa, halos lahat naman ng mga estudyante alam iyon kaya huwag ka nang magulat!" bulalas ni Gerimhae. Natawa kami ni Larianne sa sinabi niya at nagsimula nang kumain. It is a corn soup for breakfast, a piece of bread and hotdog and bacon. Confirm, papayat nga ako nito. "I should have known," tanging nasabi ko na lang. Una pa lang, alam ko na dapat na sikat siya. He is handsome, alright? His body screams perfection, his eyebrows are thick, and his nose is big yet pointed. Ang talagang nakabibighani sa kaniya ay ang dimple niya sa kaliwang pisngi sa tuwing ngumigiti siya. Wala na akong nakilalang lalaking ganoon kagwapo sa tanang buhay ko. Well, I must admit that that Freidrich guy's handsome, too, pero hindi ko na siya ulit nakita. After eating our breakfast, dinala nila ako sa likod ng school. Doon ko nakita ang malawak na field kung saan may court ng iba't ibang sports. Ang pinakamalaki yata ay ang field ng Hockey. Tig-dala-dalawa naman ang ibang mga sports kaya sa tingin ko ay may fair treatment naman. "And what are we doing here, exactly?" I asked in my most intriguing voice ever. Parang hindi ko yata gusto ang mag-stay rito. Tiyak na makikita ko siya in case may training ang hockey players, which is hindi malabong mangyari. "We are watching Hockey!" bulalas ni Larianne sabay talon-talon. Kung hindi ko lang siya kilala, mapagkakamalam ko siyang Elementary. I doubt na ganito pa rin umarte ang mga elementary, she is more like a pre-schooler. Hindi naman siya maliit pero sobrang impit kasi ng boses niya na ngayon ko lang nalamang normal na boses niya. "Tuwing umaga ay may practice game sila. They participate at the Christmas Cup and New Year's Cup. Marami pa silang sinasalihang tournaments kaya madalas silang mag-training. Kaya naman sobrang galing nila, napagsasabay nila ang games sa studies nila." "Everyone can do that. You just have to manage your time," I stated. I am not trying to be a Know-It-All kind of a girl but I am just stating a fact. Ang dati kong school ay puno ng dedicated athletes na kayang pagsabay-sabayin ang mga ginagawa nila without having a hard time. Minsan ay sumasali pa sila sa ibang clubs like dance club, literature club and the likes. "Maybe, yes," said Larianne. "Yes, indeed. Kailangan mong makapunta sa school ko dati para malaman mo. I bet you can also do that," I encouraged her. She laughed and said, "Kung sporty sana akong tao, baka posible. But I barely had exercise except those stunts earlier this morning. Kung hindi siguro dahil sa sakit sa puso ay baka may isa man lang akong sports na nasasalihan every month." I gaped. "Sorry to hear that. But what is with that monthly thing? Tulad ba ng mga gatherings na sinabi ni Mervin?" Just by mentioning his name, napansin kong kinilig ang dalawa. Really, girls? "Yes, yes, pero more on a friendly game lang naman laban ang iba't ibang schools. Sa ganoong paraan, nate-train na rin sila. Win or lose, sila pa rin ang chini-cheer." "I bet they are." I don't know why but I got excited just by thinking about the games. Thinking about those monthly gatherings they were talking about made me giddy. I wished I will have fun in this school with them. I just had to prevent myself from harmful things... like him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD