Chapter 6
Suzy
"I'm done here!" Tita popped out of nowhere. "May napili ba kayo para sabay-sabay na tayong magbayad?" she asked but neither the two of us were holding something.
She just shrugged and went on the cashier to pay. Naiwan na naman kaming dalawa na magkasama pero wala ni isa ang nagsasalita.
I busied myself on a specific stand. May mga bracelets, watches, rings at earrings na naka-display roon kaya naman tiningnan ko kung may magugustuhan ako.
An earring caught my attention. I do love fancy earrings pero minsan ay gusto ko lang iyong simple. The earrings were like a pair of fangs but it is gold in color.
Kinuha ko agad iyon at saka inabot kay Tita. Mabuti na lang at hindi pa siya nakakapila. Para naman hindi masayang ang pagpasok namin dito. At isa pa, kapag may nagustuhan ako, I always get it no matter how expensive it is.
But I was confused when I saw him handed Tita something, too. Gusto ko sanang itanong kung ano pero nahihiya lang ako. It's none of my business anyway.
"Here's my pay, Tita," aniya pa.
"No, no, I'll pay for this one." The teasing smile on Tita's face was visible. When I looked at Mervin, he just ignored me and glanced away. Ang weird nilang dalawa ngayon.
Looking at them suspiciously, we walked outside the shop. Imbis na bumalik sa sasakyan ay pumasok na naman kami sa isang shop. This time, it is a gun shop. Gusto ko sanang ma-excite habang nakatingin sa mga ito pero inisip ko pa rin ang magiging reaksyon ni Mervin. He doesn't know what I do before coming here.
"I knew you'll love it in here that's why I entered after the boutique. Just enjoy yourself with the sight, Sue. This will be, I think, the last time you'll see them after this," she said.
I did what she told me. Sinuyod ko ang buong shop. This is legal, okay? Madalas na makikita mo rito ay puro mga pulis o kaya naman ay mga sundalo. Kung may pupunta man ditong hindi, which is kami, iyon ay para tumingin-tingin lang.
Sa pagkakaalam ko, mayroon ding mga tao na nakatira dito na may lisensya kahit na hindi mga pulis. Mostly for hunting like our family. Hindi ko na alam kung para saan pa ang iba. Baka panakot sa mga asawang gabi kung umuwi.
Tulad ng nasa bahay ay may mga glass na nakaharang sa mga baril. May ilang mga nakalabas pero walang mga bala akong nakikita.
"I..." hindi ko maiwasang hindi sabihin nang makita ko ang baril na kamukha ng baby ko – a silver pistol. Sigurado akong ang mga shop na ganito ay may area kung saan pwedeng subukan ang mga baril. "I want to try... just for the last time," sabi ko.
Mervin must have heard me that is why he ambled near me. "We want to try this gun. Pwede ninyo ba kaming i-assist sa loob?" aniya sa isa sa mga assigned staffs.
Agad namang may lumapit sa 'ming isang lalaki para dalhin kami sa loob. There were some papers needed to be filled but it didn't take us long enough lalo na nang ipakita ko ang lisensya ko na kailangan ko ring ibigay kay Tita soon. Buti at hindi agad kinuha sa 'kin.
Maraming sinabing payo ang lalaki kanina kung paano gagamitin but I knew exactly what to do. Bata pa lang ako ay trained na ako kung paano humawak ng baril at patalim. This is an easy piece. Gusto ko lang talagang damahin dahil ito na sa tingin ko ang huling beses na makakahawak ako ng ganito after all that's happened.
I aimed for the target. I focused on the heart and fired all the bullets. Nang tingnan ng lalaki ang tinamaan ko ay hindi na siya nagkomento. I loaded the gun again and shot the head with all the bullets, ganoon pa rin ang kinalabasan. The third and the last was at the right eye where I shot all the bullets again.
Nakahinga ako nang malalim dahil parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. I grabbed the binoculars at the side and looked at my target – a clear three holes at the heart, head and at the right eye. Malaki ang butas kaysa bala dahil paulit-ulit iyong dinaanan ng bala kanina. Walang mintis.
But it all ends now.
Umalis na ako pagkatapos n’on kasunod sina Tita at Mervin. "I want to go home now. Kung gusto ninyo pa pong gumala ay ayos lang. I can just take a cab," paalam ko sa kanila nang makalabas kami sa shop.
"I understand. I'll come with you at home," ani Tita. Tumingin naman siya kay Mervin at sinabi, "Ikaw? May gusto ka pa bang puntahan or are you coming home with us?"
"Meron sana, Tita, pero magiging ayos lang ba kayo nang wala ako?" he looked at her worriedly while stealing some glances at my direction.
"Of course! Enjoy your vacation and don't mind us," aniya.
Matagal akong tiningnan ni Mervin na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa.
Tita chuckled. "Ako na ang bahala sa kaniya, iho. Don't worry about her. I know how to take care of my niece."
He sighed. "I understand." He looked at me again and said, "Take care, okay?" he said in the most soothing voice he can ever mutter... or is it just my imagination?
"I will. Thank you," I said.
Tumawag siya ng cab para sa 'min ni Tita. It seemed that he knew the driver well base on how they interact. Hindi na rin ako nagulat. Sa pagkakakilala ko sa kaniya ay baka friendly lang talaga siya. Madalas dinadaan sa pang-aasar pero paraan lang niya iyon para mas makapagpasaya pa ng ibang tao. Kahit na hindi naman ganoon ang epekto sa 'kin.
Maybe because of exhaustion, I fell asleep on our way. Hindi naman ako ginising ni Tita na narinig kong kausap si Tito bago ako makatulog. I will surely miss holding a gun and firing them but there will always be a limit and end to everything, and this is the day where my hunting career stops.
When I was a kid, I used to read a lot of books – as in a lot. It helped me become the top student in our class. I was in an ordinary school at that time.
When I turned five, I remembered my grandpa talking to me. Doon ako nagsimulang mamulat sa mga baril. I used them, fired them. Nawala ang atensyon ko sa pag-aaral at imbis ay natuon sa pag-aaral ng iba't ibang klase ng mga baril at patalim.
I continued my studies, though. Iyon nga lang, hindi na ganoon ka-focus gaya noong mas bata pa ako. Hindi na ako ang top student pero hindi naman ako nawala sa honors. That happened until I finished elementary.
Nang mag-high school ako, bumalik ang pagpupursigi ko sa pag-aaral and at the same time, I did hunting. Grade ten ako nang patigilin na ako ni grandpa sa pag-aaral para mag-focus. I will inherit the family business, right? Kaya naman ngayon na lang ulit ako magpapatuloy.
At the age of sixteen, I am on my grade eleven now. Alam ko namang gusto lang akong ilayo nina papa sa kapahamakan kaya nilayo nila ako sa mga werewolves sa lugar namin. Sa tingin ko ay safe sa boarding school kaya roon nila ako dinala. I wouldn't know unless I start studying and living there.
Nang makarating kami sa bahay ay nagpahinga na ako. Nagpaalam sa 'kin si Tita na kailangan niyang puntahan si Tito sa office kaya naman maiiwan akong mag-isa rito. Ayos lang naman dahil bukas na rin naman ng hapon ang alis ko. Doon ako mananatili sa boarding school at monthly ang magiging uwi ko sa bahay. May kalayuan kasi ang school sa bahay nina Tita. Tiyak na kasama ko na naman si Mervin simula bukas.
I picked up the earrings I bought a while ago and examined it. Minsan talaga ay ang weird ng taste ko. Tiyak na pagsisisihan kong binili ko 'to sa future. Kaya hangga't maaari ay isusuot ko na ito ngayon pa lang.
"Ma'am Suzy, handa na po ang hapunan ninyo sa ibaba," rinig kong sambit ng isang babae sa pinto matapos niyang kumatok.
"I'm coming right up!" I answered while fixing the earrings. I glanced one last look on my appearance at the mirror before heading out of the room.
"Aling Mirna cooked all the foods. From Sinigang, Kaldereta at Adobo. Mayroon ding paborito ni Ma'am Suzy, ang ginataang gulay at pritong isda. Enjoy!" ani isang maid sa aming dalawa ni Mervin. He was already seated on a vacant chair, waiting for me, when I came.
"Thank you!" sambit niya sa babae bago humarap sa 'kin. "Join me. Let's eat!"
Naupo naman ako sa harap niya at sumalo sa kaniya. Kanina pa nagwawala ang mga alaga ko sa tiyan kaya hindi na ako umangal pa. Bahala na siyang mang-asar diyan. I don't mind. Isa pa, halos maglaway na ako habang nakatingin sa paborito kong pagkain.
"Bukas pa ng umaga ang uwi nina tita kaya huwag mo na raw silang hintayin," aniya matapos ang mahabang katahimikan.
Hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin kahit na ako ang kausap niya. Akala ko pa naman ay mang-aasar na naman siya. Kahit na kanina lang kami nagkakilala ay parang na-miss ko na ang mga iyon.
"Naiintindihan ko. Bakit hindi na lang niya sa 'kin sinabi at kailangan sa 'yo pa?" I asked as calmly as possible.
"Hindi ko alam. Bakit ako ang tinatanong mo?"
I raised an eyebrow at him and stopped eating. Wala naman siyang pakialam at patuloy lang sa pagkain.
"Ano ba 'ng problema mo at galit ka sa 'kin? Wala naman akong ginagawa sa 'yo."
Without looking, he answered, "Hindi ako galit sa 'yo."
"Then stop acting like a kid and look at me!" bulalas ko sa kaniya.
Nang tingnan naman niya ako ay para bang umurong naman ang dila ko at hindi ako makapagsalita. Ayos naman kami kanina, ah? Concern pa nga siya sa 'kin kanina bago kami umuwi ni tita kaya ano 'ng nangyayari sa kaniya?
"Now what? Kumakain tayo kaya bilisan mo na ang sasabihin mo," aniya na medyo naiirita. Naghanap ako ng sasabihin pero wala naman akong masabi. "May sasabihin ka ba o wala dahil kung wala naman, kumain ka na lang."
Everything remained silent after that. Nawalan na ako bigla ng ganang kumain dahil sa naging palitan namin ng salita.
What's wrong with this guy? Hindi ko naman siya inaano. Kung galit siya sa isang bagay, hindi naman yata tamang ibunton niya iyon sa 'kin, 'di ba? He's being unreasonable!
Agad akong tumayo matapos kong kumain. "I'm done and I'm sleeping," sabi ko.
Hindi ko na rin siya tinapunan ng tingin dahil mainit na rin ang ulo ko sa kaniya. Bahala na siya. Problema niya na kung ano man ang ikinainit ng ulo niya kaya labas na ako roon.
I'm about to step on the stair going to my room when a warm hand stopped me. Pakiramdam ko ay nahigit ko bigla ang hininga ko.
"Look." Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy, "I'm sorry. Hindi ko dapat binaling sa 'yo ang galit ko and it's my fault. I really am sorry... really."
I turned around and faced him before saying, "Apology accepted! Pero sana naman, bago uminit ang ulo mo ay isipin mo naman kung ano 'yong mararamdaman ng kausap mo. Not only to me but to others as well." Napanguso na lang ako dahil parang hindi ko kilala kung sino ang nagsasalita ngayon.
Napangiti naman siya sa sinabi ko and gave me a pat on my head. I tried my best to hide the smile that's starting to form on my lips. This is not the right time para sirain ang moment na 'to. Baka isipin niya na attracted na ako sa kaniya. In less than Twenty-four hours, people!
"Yes, Ma'am. Kaya bumalik ka na sa hapag at ayusin mo ang kain mo. Alam kong hindi ka man lang nabusog sa kinain mo kanina," pang-aasar na naman niya.
"Hindi ko tatalikuran ang alok na 'yan!" bulalas ko at saka nauna nang bumalik sa hapag.