Chapter 10

1882 Words
Chapter 10 Suzy Nagtatawanan kami nang papunta kami sa una naming room. We are classmates! Pare-pareho kaming Grade eleven at pare-parehong STEM din ang kinuha namin. I have got to admit na hindi talaga sila mahirap makasama at maka-close. Lahat ng sasabihin ko ay may come back agad sila. Any topic! Nakakatuwang parang ang tagal na naming magkakakilala sa asta namin ngayon. Our room was located on the fourth floor, which is the last floor. The elevator was a big help, really! Kung walang elevator ay baka wala nang pumapasok sa klase sa floor na ito. Maliban na lang syempre sa mga nasa third floor ang dorms tulad namin. The room was spacious. Tulad ng sabi ni Mervin, mukha lang talagang maliit ang school pero malawak na siya sa loob. Para akong nasa isang malaking facility kapag nasa loob. May bulletin every room dahil tuwing gatherings ay may mga nabibigyan ng awards tulad ng, Most Presentable Bulletin, Most Discipline, and Cleanest Classrooms. Kahit kami ay mayroon para daw mapaghusay pa namin ang arts skills namin at iba pa. This is quite a nice school... nicer than I thought it was. "Good morning, class!" masiglang bati sa 'min ng aming guro. Sa tingin ko ay siya ang magiging adviser namin sa buong school year. Maliit lang siya, maikli ang buhok at may rimmed-eyeglass. Medyo chubby rin siya at kahawig niya si Dora. Mas maputi nga lang siya. "My name is Sandy Villarosa and you are right, I am your adviser the whole school year!" Nakakahawa ang kasiglahan niya ngayong umaga. Mapapangiti ka na lang talaga habang nakatingin sa kaniya. Para siyang isang happy virus. Mukhang magiging masaya ang taon ko. "Ang iba sa inyo ay magkakakilala na, I assume?" Tumango naman ang ilan kong kaklase sabay sagot. "Kung gano'n, magsimula na tayo sa pagbotohan kung sino ang officers," aniya sabay palakpak. Kumunot ang noo ko dahil unang araw pa lang at ito na agad. Pero ayon sa reaksyon ng iba kong mga kaklase ay normal na ito. Sa likod kami umupo kahit na gusto ng dalawa sa harap. Sa ganitong paraan kasi ay maoobserbahan ko ang buong klase. Kahit ngayong araw man lang sana. May mga nakikita akong tahimik lang na nakikinig, may ilang nagkukwentuhan tulad nina Larianne at Gerimhae, ang ilan naman ay pa-cool lang na nakaupo at nakikinig. "So, any nominations?" tanong niya habang nililibot ang tingin sa buong klase. Nang dumako ang tingin niya sa 'kin, para bang nagulat pa siya. "May bago pala tayong kasama, bakit hindi ninyo naman sinabi? Miss, pwede ka bang magpakilala? And afterwards ay magpakilala na rin ang lahat sa kaniya." Confident akong tumayo at naglakad sa harap na para bang wala lang. It looks like magkakakilala na sila at ako na lang ang hindi. Kailangan maalala nila ako bilang kanilang confident and beautiful classmate. I put my award-winning smile and introduced myself. "My name is Suzy Berry Azarcon, sixteen. I am from Bournemouth and because of some circumstances, my grandpa sent me here. I hope we will get along well and let us have a wonderful year ahead of us!" They all clapped their hands at my mini speech. Contented with the outcome, I walked back at my seat and gave the two girls a high five. Nakangiti pa rin ako hanggang sa makaupo ako at napansin kong ang ilan sa kanila ay sinundan pa ako ng tingin. I knew it! "Thanks for a very energetic introduction. Magpapahuli ba ang iba sa inyo? Let us start from you at the first row," aniya sa isang lalaki. They all introduced themselves pero kaunti lang ang natandaan ko. It is fine, though. Mahaba pa naman ang panahon para mas makilala ko sila. Nalaman kong ang friendly pala nilang lahat kahit na iyong mga tahimik lang kanina. Magkakakilala na pala talaga sila dahil high school pa lang ay magkakasama na sila rito. Mas napapalapit daw sila sa isa't isa lalo na tuwing may gatherings. Matapos ang ilan pang paalala ay nagsimula na ang botohan. Our president's name is Christine, the Vice President is Francis, the secretary is Denise, Angela is the treasurer and Nathan is our Auditor. May PRO din na sina Niel at Erika. Then, the Muse and Escort. "I nominate Suzy!" bulalas ni Larianne kahit na hindi pa naman siya tinatawag. Siniko ko naman siya nang bahagya dahil nakakahiya. Wala akong balak sumali sa mga ganiyan dahil kahit Muse, may responsibility. "Si Suzy na ang Muse! I close the nomination!" Ginatungan pa talaga ni Gerimhae sabay apir kay Larianne. Sabay silang tumawang dalawa na mukhang plano talaga nila 'to. In the end, nangyari ang gusto nilang dalawa. I was about to decline nang may kumatok sa pinto ng room namin. Nang magbukas iyon ay nakita namin ang isang matangkad na lalaki, maitim at malaki ang pangangatawan. Bumagay ang matangos niyang ilong sa kulay ng balat niya. Kulay blue-green din ang mga mata niya kaya masasabi kong hindi siya pinoy. "Mr. Narvaez, what brought you here?" tanong ng teacher namin. "May meeting po kasi ang mga adviser at kailangan na raw po kayo sa office," sabi ni Mervin nang hindi man lang ngumingiti sa teacher namin. Pa-cool talaga ang isang 'to kahit kailan. "Sige, maraming salamat, Mr. Narvaez." Bago umalis si Mervin ay nakita ko pa siyang tumingin sa 'kin bago ngumisi. Napanguso na lang ako dahil sa pang-aasar niya kahit na hindi niya naman alam ang nangyari. Kinilig naman ang dalawa sa nangyari pero wala na akong sinabi pa. "So, ayos na naman ang lahat kaya maaga ko kayong idi-dismiss. See you tomorrow, class." Napainat ako nang makalabas na siya ng room. Ang ilan sa mga kaklase ko ay nagsitakbuhan na sa labas dahil sa excitement. Napatingin ako kay Gerimhae nang sikuhin niya ang tagiliran ko. "Problema mo?" tanong ko. "Ang sweet ninyo ni Mervin, a?" Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Ano ba ‘ng sinasabi mo? Ano naman ang sweet do'n?" hindi makapaniwalang tanong ko. "May patitigan effect pa nga kayo kanina e," gatong na pang-aasar ni Larianne. "Anong titigan? Napatingin lang, titigan agad?" "Kahit naman sino ang makakita ay masasabing may sparks kayong dalawa," ani Gerimhae. "Sparks, sparks, mag-aral pa kayo! Nandito ako para mag-aral, hindi para humanap ng ka-sparks." "Sabi mo eh." Inirapan ko na lang silang dalawa nang hindi sila maniwala sa 'kin. Wala naman akong magagawa dahil pinagtutulungan na nila ako. I will just let things be. May spark pa kasing sinasabi, wala naman. At saka, ano ang malay ko sa sparks na 'yon? Baka ang kuryenteng dumadaloy sa mga mata namin dahil sa sama ng tingin namin sa isa't isa. Ay ewan! Matapos naming kumain ay nagkaniya-kaniya na kami. May mga sari-sarili na kasi kaming gagawin. Mas ayos na rin ito para hindi kami magsawa sa mukha ng isa't isa. Baka maumay kami. Nang padaan ako sa library ay nagitla ako. Napansin ko kasi siya kasama ang mga tropa niya kaya naman nagtago ako sa gilid ng hagdan. Sa harap kasi ng library ay may hagdan, sa kanan naman ng hagdan ay papuntang hallway na walang masyadong tao. "Looking fine, aren't we?" bulong ko. Napansin ko ang pagtigil niya sa pagkwentuhan sa mga kaklase niya. Nakatambay sila malapit sa hagdan pero alam kong hindi naman niya ako mapapansin. Pero mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko siya. May tinanong sa kaniya ang tropa niya pero mukhang hindi siya nakikinig. Natawa na lang ako nang mahina. Hindi na ako muling nagsalita at sinundan siya. Humiwalay siya sa tropa niya habang siya naman ay papunta sa kung saan. Sinundan ko lang siya hanggang sa mapunta kami sa isang isolated na hallway. Wala na nga palang klase kaya hindi na ako nagtatakang walang masyadong tao rito. Napapikit ako nang maramdaman ko ang malakas na pwersa sa likod ng ulo ko. Naramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko kaya hindi ako agad nakakilos. "Sue? Ano 'ng ginagawa mo rito?" Napadilat ako nang makilala ko ang boses na iyon. "A-Ah... oo. Ahm... sinundan kasi kita." Bahagyang kumunot ang noo niya at nakakainis na amining ang gwapo niya nang gawin niya 'yon. "At bakit mo naman ako susundan? I mean, akala ko ba ay naiinis ka sa 'kin?" "Ah..." Natawa ako nang peke. "Nakita kasi kita kanina, m-mukhang may problema ka. Kaya ayun!" pagdadahilan ko kahit na hindi naman talaga totoo. Tinanggal niya nang dahan-dahan ang pagkakaipit sa 'kin pero hindi pa rin siya lumalayo. Hindi ba uso sa kaniya ang space? "Paano mo naman nasabi na may problema ako?" "Nasa mukha mo kaya!" bulalas ko. "Really?" "Kahit naman sino ang makakita sa 'yo ay magtataka. Kung makatingin ka, parang may gusto kang patayin." "Meron nga." Napalunok ako sa sinabi niya. Ako ba ang tinutukoy niya? Huwag naman sana. "G-Grabe ka naman!" "Joke lang..." Nakahinga ako nang maluwag dahil sa nalaman ko. Safe pa ako ngayon. "So, may problema ba?" mahinang tanong ko. Medyo nag-aalala rin kasi ako baka sumobra na ang biro ko. Mainitin pa naman ang ulo nila. "Paano kung sabihin kong meron?" seryosong sambit niya. "Ah... malay mo, may maitulong ako, 'di ba? Pwede mong sabihin." "Ayaw mo nga sa 'kin, paano mo ako tutulungan?" Bumuntong-hininga ako. "Kahit naman ayoko sa 'yo, hindi ibig sabihin n’on ay hindi na kita tutulungan. Hindi naman ako ganoon kasama sa mga taong ayaw ko." "Sige lang, ipamukha mo lang sa 'king ayaw mo ‘ko." Natahimik ako. Gusto ko sanang sabihing hindi naman sa ayaw ko sa kaniya pero nakakainis lang talaga siya minsan lalo na ang mga pang-aasar niya. Baka mamaya ay asarin niya lang ako kaya shut up na lang. "May problema ako..." Napatingin ako sa magaganda niyang mga mata. Seryoso rin siyang nakatingin sa 'kin. At aaminin ko, kahit na naiilang ako sa kaniya ngayon dahil sa lapit niya ay hindi ko magawang iiwas ang mga tingin ko. May kung anong humihila sa 'kin sa mga tingin na iyon. "A-Ano?" tanong ko. "Alam kong ikaw lang ang makakatulong sa 'kin." Kumunot ang noo ko. "Ako? Bakit naman ako?" "Ikaw lang ang makakapagpagaan ng pakiramdam na 'to." Nagsimulang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Wala naman akong dapat ipagpabahala, 'di ba? Pero paano kung alam niyang ako iyong kumakausap sa kaniya? Papatayin niya na ba talaga ako, for real? "Ano nga 'yon?" Medyo naiirita na ako sa kaniya. Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin. Mas lumapit pa siya, kung may ilalapit pa nga ba. Tuluyan na akong napasandal sa pader. Nahigit ko na rin ang hininga ko at medyo na-conscious sa hininga ko. Ano ba ang kinain ko kanina? Wala naman sigurong sibuyas doon, ‘no? "I... I am confuse, Sue," aniya. Itinaas niya ang isang kamay niya at nilapat sa pisngi ko. "Very... very... confuse." Ano na? Pa-suspense naman ang isang 'to! Wala na ba siyang ilalapit? Kapag talaga ako na-badtrip sa kaniya, uupakan ko 'to. What the hell's wrong with him? I was about to complain when suddenly, everything turned blank. The only thing that's clear is that his lips are on mine. J-Just what the hell?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD