Chapter 11 Suzy Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa harap ng board. Kasalukuyang nagle-lecture ang guro namin sa EAPP pero walang pumapasok na kahit ano sa utak ko. Naiuntog ko na lang ang noo ko sa lamesa nang maalala na naman ang nangyari kahapon. Why the hell would he do that? Ano ba ang pumasok sa isip niya? Hindi talaga ako nakapag-react dahil hindi naman iyon ang akala kong sasabihin niya. At ano ang problemang 'yon? Anong klaseng problema ang gusto niyang sabihin sa halik na 'yon? Hindi ako manghuhula para malaman agad nang hindi sinasabi sa ‘kin. Muli kong inuntog ang noo ko sa mesa para magising ako. "Ms. Azarcon, are you alright?" tanong ng guro namin. Napatingin ako sa kaniya at napagtantong lahat pala ng mga kaklase ko ay nakatingin na sa 'kin. Tipid at nahihiyan