Chapter 9
Suzy
"Go Anpo Tigers!"
"Go go, fight fight, win win, Tigers!"
"Laban, sigaw, Anpo Tigers!"
"Tigers?" patanong na sambit ko sa dalawang kasama ko.
Naupo kami sa gitna ng bleachers. Kahit na sinabi nilang practice lang ito ay ang dami pa ring nanonood. Akala ko ay puro kababaihan ang makikita ko pero nakagugulat na pati mga lalaki ay nanonood din sa isang gilid.
May ilang mga players din sa ibang sports ang tumigil para siguro manood ng laro. The team must be really good. They have to, my hopes are already high.
"Noong sumali ang team sa Christmas Cup, tinawag na silang Tigers kaya naman nakasanayan na rin. Sa huli, tinawag na Anpo Tigers ang hockey team," sagot ni Gerimhae.
She is already holding pom-poms and chanting with the other students. Hindi rin nagpatalo si Larianne. All I did was blink my eyes and here they are, already holding pom-poms. Buti at walang lobo dahil hindi ko na alam kung ano pa ang masasabi ko.
"Mas pipiliin ng lahat manood nito kaysa mag-training. Pati ang mga teachers ay iyon at manonood," ani Larianne habang nakaturo sa likod namin.
I glanced at my back and saw the windows open. Some of them I recognized as the faculty staff and teachers.
Umiling na lang ako. They must not disappoint me now. Baka sakaling may matutunan ako sa kanila kung sakali mang matanggap ako sa Women's Hockey. I would love them to shout my name.
"Team, gather!" shouted the guy who I assumed was the coach. He is wearing the team's shirt. Maroon ang kulay nito at medyo fitted, making his built practically visible. "Just like the usual, this is just a friendly game but that doesn't mean you are going to hold back anything just because they are your friends. Fight like you mean it!"
"Mervin will lead while Erylle will lead the other team. Form your own strategy! Magkakakilala na kayo kaya inaasahan kong kaya ninyo nang gawan ng paraan 'yan," he said mostly to Mervin and the guy named Erylle.
Hockey is also called field hockey, an outdoor game played by two opposing teams of eleven players each, who use sticks curved at the striking end to hit a small, hard ball into their opponent's goal. It is called field hockey to distinguish it from the similar game played on ice – Ice Hockey.
Both teams were split into half – the other group on our left and the other on the right.
I watched as Mervin talk and told them the game plan. He looked serious, far from the guy I saw at the airport and the guy I was with yesterday.
I was so busy examining him that I haven't noticed that I am staring for too long. Thanks to Larianne for screaming when the game was about to start. The team positioned themselves and the crowd started screaming again. I just clapped my hands to show that I am with them.
Nang magsimula ang laro, I watched him. Sa buong laro, siya lang ang pinanood ko. It seemed like his twin was not there. Malalaman ko naman iyon kapag nakita ko siya. They are twins after all. Pero siya lang ang nakita kong naglalaro ngayong umaga.
He looked so focused that he didn't bother glancing at my way. I am not really assuming or anything pero syempre, kilala niya ako kaya bakit hindi niya ako ngingitian man lang. Though, while watching him, I can tell that he really loves playing.
Doon ko lang ulit nakita ang ngiti sa labi niya kahit na may gear sila sa ulo. He was just having fun. Kung sineseryoso niya ang laro o hindi, hindi ko masabi. Pero isa lang ang nakikita ko. He is having fun playing with his teammates. At sa tuwing nakaka-score ang isa sa kanila, kalaban man o hindi, masaya silang lahat at nagtatawanan.
I envy him. Napalilibutan siya ng mga ganitong kaibigan. Na kahit na magkakalaban sila sa isang laro ay masaya pa rin sila. Yes, I had friends from my previous school. Pero hindi ko masasabing kilalang-kilala ko sila. I doubt that they knew me well, too. Ni hindi nga nila alam kung ano ako noon.
That is why watching them seemed painful for me. Nakakainggit. Something about their friendship bothers me. Hindi naman sa sinasabi kong nagpaplastikan lang sila or something. But there is something about them that makes me sad and lonely.
"Mag-cheer ka naman, Suzy!" sigaw ni Gerimhae, dahilan para bumalik ako sa katinuan. Hindi ko namalayang nag-space out na pala ako.
"Oo nga naman! Ano ka ba, Suzy, minsan lang natin sila mapapanood dahil may klase na tayo next week. Mag-enjoy ka naman!" Larianne encouraged me.
I rolled my eyes at them. "I know. I know. Ito na nga oh!" And there, I cheered at the top of my lungs, making Mervin look up at us. The girls squirmed when he smiled at our direction.
Napapailing na lang ako. Sorry, girls, sa 'kin siya ngumiti.
While looking at Larianne and Gerimhae, napaisip ako. Ito na ba ang tamang panahon para i-open ko ang sarili ko sa ibang tao? Ito na ba ang tamang panahon para makipagkaibigan naman ako sa iba? Iyong pagkakaibigan na wala silang pakialam sa kung sino ka basta kaibigan ka nila. Matatanggap ba nila ako kapag sinabi kong pumapatay ako ng mga werewolves noon?
Kapag naiisip kong matatakot sila sa 'kin, mas lalo akong nagdadalawang isip na sabihin sa kanila. Siguro natatakot ako sa rejection. Ayokong pati sa magiging kaibigan ko ay hindi rin ako tanggapin. I want to live my life normally. Malayo sa kung ano ang nakasanayan ko na.
The game ended peacefully. Lahat sila ay masaya kahit na sina Mervin ang nanalo. Hindi ko naman masyadong napanood ang laro dahil nakatulala lang ako sa kawalan o hindi kaya naman ay pinagmamasdan si Mervin. I am attracted to him. Pero alam kong hanggang doon na lang iyon. I won't wish for anything more.
HINDI KO ALAM kung bakit, but I found myself watching their game again the other day. Ang sabi ni Larianne, "Pasukan na next week kaya kailangan na nating mag-enjoy! Akala mo ba ay easy-easy na lang ang buhay senior high? Hindi! Para na tayong college kapag nagkataon!"
And here I am, rolling my eyes while they both shout at top of their lungs. Sila ulit ang maglalaro pero sa tingin ko ay nag-shuffle ang players. The coach helped them this time, strategizing and all.
At ito na naman ako, siya na naman ang pinanonood. Sisiguraduhin ko na ngayong mapapanood ko na talaga ang buong game. Wala naman akong mapapala kung siya lang ang panonoorin ko.
"Ayan na!" they both beamed in excitement. Something strange crawled inside my system that without a doubt was excitement as well.
Both teams positioned themselves, each looking at everyone. When the referee whistled, the game started.
The other team got the ball and passed it to the other member. Hinarangan agad siya ng kalaban. They passed the ball until it reached near the goal, the player hit it but the defender caught it. The defender passed it to his teammate, and they all started running on the opposite side.
Nang ipasa nila iyon kay Mervin, napansin kong mas tumindi ang pag-defend ng kalaban. Ang buong akala ko, ipapasa niya pero laking gulat ko nang ihagis niya agad iyon sa goal kahit na may kalayuan pa siya. To my surprise, pumasok iyon. They all cheered at him pero naiwan akong nalilito.
What the hell just happened?
Habang tumatagal ang panonood ko, may kakaiba akong nararamdaman. His speed, his strength, and everything were exceptional... almost inhuman. Siguro kung ordinaryong tao ang manonood ay hindi mapapansin ‘yon pero I've seen enough. Something is wrong with him and his entire self!
"Alam kong naririnig mo 'ko," I whispered, trying my luck.
Nang makita kong na-distract siya sa laro, I know that he is not really human. Humans can't hear my voice from this far, not to mention the girls screaming around me.
"Subukan mong hanapin ako, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," I warned him.
Hindi niya ako hinanap pero alam kong naririnig niya pa rin ako. "Kapag naipasok mo ang isang iyan ulit, iisipin kong naririnig mo talaga ako."
But then, it didn't go in. Napangisi na lang ako nang patago. "I knew it," I whispered again. "Naririnig mo nga ako."
I stood from my seat and hid at the nearest post. Sinigurado kong makikita ko pa rin siya at ang kilos niya. Gumawa na lang ako ng excuse kina Larianne na magc-CR lang ako.
"Alam ko kung ano ka," I continued to whisper. Nang kumunot ang noo niya, mas lalong lumakas ang kutob ko. "At alam ko rin kung ano ang kahinaan mo."
Natapos ang laro pero napansin kong hindi siya nakikinig sa coach niya. Pasimple niyang nililibot ang paningin niya kaya naman mas lalo pa akong nagtago sa posteng kinatatayuan ko.
"I told you not to look for me. Gusto mo talagang masira ang reputasyon mo sa school na 'to?"
"Huwag kang mag-alala, hindi ko ipagkakalat ang sikreto mo," sabi ko at saka naglakad na pabalik sa upuan ko. I looked at Mervin's direction and saw him looking at me already. I waved and smiled, and acted naturally. He smiled back as if nothing happened.
Huminga ako nang malalim at napaisip. Hindi ako makapaniwalang kahit na inilayo na ako nina papa sa lugar na iyon ay makakakita pa rin ako ng gaya nila. Ang buong akala nila ay magiging ayos ang lagay ko rito, malayo sa mga nilalang na ayaw kong patayin pero kailangan. Doon sila nagkamali dahil isa sa kanila ay ang sumundo pa sa 'kin sa airport noong isang araw.
Now, what am I going to do with you, Mervin? Para tuloy gusto kong makipaglaro sa 'yo to make my year here less boring. Pero hindi naman ako ganoon kasadista para paglaruan siya. Syempre sasabihin ko pa ring alam ko kung ano siya. Hindi pa nga lang ngayon. Gusto ko munang makasigurado.
Isa pang sign na isa nga siyang werewolf…
"Nasabi ninyong may mga kapatid si Mervin, 'di ba? Alam ninyo ba kung saan sila nakatira dati?" tanong ko sa kanilang dalawa nang bumalik kami sa dorm namin.
Kailangan ko na rin maghanda dahil ilang araw na lang ay magsisimula na ang klase namin. Alam ko pa rin naman kung ano ang priority ko.
Agad nila akong pinukol ng kakaibang tingin na ikinaikot lang ng mata ko. Ito na naman silang dalawa, kung ano-ano na naman ang iniisip.
"Sabi ko na nga ba at magbabago rin ang isip mo tungkol sa kaniya! Hindi nga kami nagkamali," ani Larianne.
"Oh, please! Stop that. Na-curious lang ako. It is not like I am in love – or attracted to him." I sighed.
Nice one covering that up, Suzy! Muntik mo nang masabi na attracted ka na talaga sa kaniya and it's just a matter of time, and moments, to fall in love with him.
"Sabi mo eh! Pero para sagutin ang tanong mo kanina, sa pagkakaalala ko, galing sila sa Bournemouth."
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Doon siya nakatira kasama ang buong pamilya, kamag-anak at ang buo nilang angkan. Iyon ang nasagap ng radar ko."
"He lived there?" gulat na tanong ko.
"Bakit? Bakit naman parang gulat na gulat ka? May masama ba sa sinabi ko?"
Agad akong umiling sa kaniya. "Nothing," I said. "Pero galing din kasi ako sa Bournemouth kaya bakit hindi ko siya kilala? I should have seen him one time, lalo na at sikat siya."
Gerimhae chuckled and handed me a sweatshirt. "Ang laki ng Bournemouth, Suzy. Huwag ka na magtaka!"
I shrugged and let the thing go. Siguro nga at tama siya. Kahit na sabihing maliit lang talaga ang mundo, may mga tao talagang hindi nakatadhanang magkita sa isang espisipikong araw. Baka ngayon lang talaga kami itinadhanang magkita.
I shivered with the thought.
The next days were as entertaining as the other day. Mas lalo kong napansin ang kakaibang kilos ni Mervin. His actions and plays seemed limited like he's being careful because of something. His coach noticed his reluctant moves that is why he thought that he is just not feeling well.
Bumalik siya sa dorm niya without any other comments. Mukhang masama talaga ang pakiramdam niya. And I knew well enough that it has something to do with me – not that he knew it was me. Pero sa tingin ko ay nababahala siya sa mga sinabi ko.
Hindi ko naman talaga siya ipapahamak, 'no! Wala naman akong balak na ipagkalat. Na-eenjoy ko lang siguro ang itsura niyang ganoon; no more grins and mocking looks, just plain seriousness, and irritation.
Mabilis pa namang uminit ang ulo niya sa mga bagay-bagay. That's why I need to watch myself as well. Baka mamaya ay hindi na talaga niya makontrol at mawala na lang siya sa sarili niya.
I won't risk it. Ayokong paalisin na naman ni grandpa kapag nalaman niyang may werewolf akong kasama. Ako pa mismo ang unang-una na magtatago ng tungkol dito.
Madalas ako ang nag-aayang manood kaya naman itong dalawa na 'to, kung ano-ano na agad ang nasa isip. Kesyo nahulog na raw talaga ako nang tuluyan kay Mervin simula nang mapanood ko siyang maglaro.
Ha! Kung alam lang nila. Mabuti na nga lang at hindi na niya ako masyadong kinakausap dahil mapanganib. Not that I don't like him, aminado na naman akong attracted talaga ako sa kaniya pero hanggang doon na lang talaga iyon.
Lalo na at malapit na ang pasukan. Alam kong mas matutuon na naman ang atensyon ko sa ibang bagay.