Chapter 12 Suzy "Grabe! Hindi ko inasahan 'yong pagsabog kahapon. Sino naman kaya ang magtatangka ng ganoon sa 'tin kung may gwardiya naman sa mga entrance?" tanong ni Larianne habang kumakain ng cheesecake. Ayon sa kaniya, isa iyon sa mga comfort foods niya. "Hindi ko nga alam kung ano 'ng gagawin ko kahapon. Akala ko world war three," ani Gerimhae. "Oy huwag ka ngang magsabi ng ganiyan! Mamaya kung ano 'ng mangyari sa mga salita mo!" bulalas ni Larianne sa kaibigan. Nanatili akong tahimik habang mabagal na nginunguya ang blueberry cheesecake na binili ko kanina. Naaalala ko pa rin kasi ang nangyari kahapon. Ang daming tanong sa isip ko magmula sa pagsabog na iyon. Sino ang nagpasabog? Sino 'yong sinundan ni Mervin sa gubat at bakit may tama siya ng kutsilyo na ginagamit ng mga hunt