Chapter 13

1778 Words

13 Suzy "Hoy! Problema mo?" Napatingin ako kina Larianne na nakakunot ang noo sa 'kin. "Kanina ka pa tahimik. Magsisimula na ang defense niyo pero mukhang hindi ka kinakabahan," ani Larianne. "Mukhang confident na matatanggap ang inyo, ha?" Nakipag-apir naman siya kay Larianne pero hindi ko na pinansin. Pinagti-tripan na naman nila ako. "Huwag niyo 'kong asarin. Mainit ang ulo ko kaya huwag niyong sagarin," asar na sabi ko. Binasa ko ulit ang mga sasabihin ko mamaya at naghanda na. Ayoko namang bumaba ang grades ko dahil lang sa lalaking iyon. Oo, naaasar pa rin ako dahil ang seryoso niya ngayon. Wala na iyong lalaking masayang kaasaran na nakilala ko noong una. Baka kaya hindi siya si Mervin? Pero hindi rin, nakita ko na si Marvin kaya alam kong makalokohan din ang isang iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD