Chapter 14 Suzy "Tumigil ka nga!" sigaw niya nang mahuli ang paa ko. Nang maayos na ang paningin ko ay saka ko lang napagtantong si Mervin pala ito at alam kong wala na ako sa panganib. Hindi ako nagsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Gusto kong umiyak. Takot na takot ako dahil akala ko ay nasa panganib na ako. Nang makita ko siya, gusto ko siyang yakapin at umiyak dahil nakahinga ako nang maluwag pero hindi ko magawa. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Huh!" bulalas niya. Halata ang galit sa mga mata niya kaya hindi ko na napigilan. Kusa nang tumulo ang luha sa mga mata ko. "I – I..." hindi ko masimulan ang mga sasabihin ko. Napahikbi na lang ako at napayuko. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Nahihiya ako dahil sa ginawa ko, kinakabahan d