Kabanata 8. Palihim niya akong binabakuran.

1746 Words
Maaga akong pumasok sa ospital kinabukasan. Maaga rin ang uwi ko mamaya kaya may time ako para pumunta ng mall o kaya sa simbahan. Sa simbahan ang napagpasyahan ko na puntahan. Saka na ako mag-m-mall kapag may sale na ulit sa mall ng kaibigan ng Kuya ko. Mas marami akong nabibili kaya isinantabi ko muna ang kaadikan ko sa pag-s-shopping. Matagal na akong hindi pumunta ng simbahan kaya naisip ko na roon muna ako tutungo mamayang hapon pagkatapos ng duty ko. Magdadasal ako ng taimtim at magtitirik ako ng kandila para kay Hailey. Sana kung patay man siya ay matahimik na siya kung saan man siya naroroon. Patahimikin na niya si Mommy dahil grabe ang pangungulila at lungkot ni Mommy sa kanya. Hirap na hirap na siya sa kakaisip kung buhay pa ba ang kapatid namin o patay na. Ngunit kung buhay pa siya ay sana naman magbigay ang Diyos ng sign kung nasaan siya. Kung saan namin siya matatagpuanpara muling makasama at sumigla ang aming ina. Gusto ko na ring malutas ang problemang ito ng pamilya namin. Matagal ko ng gustong bumalik sina Daddy at Mommy dito. Sana mahanap na siya. Ilang taon na akong nagtitiis sa set up namin ng mga magulang ko. Sana naman this time mahanap na siya. Huwag naman sanang umabot na hanggang sa mag-asawa ako ay naroon pa rin sila sa ibang bansa. Na magsesenti pa rin si Mommy kahit wala ng pag-asa na makita ang aking kapatid. Kung hindi na talaga nila matagpuan si Hailey ay sana naman mag-move on na sina Daddy at Mommy. Especially my Mom, I know gusto ng mag-move on ni Daddy ngunit dahil ayaw pa ni Mommy kaya nananatili ito sa tabi niya at binibigyan ng pag-asa ang magulang ko. Sa locker ako dumiretso nang makarating na ako ng LMH. Magbibihis pa ako ng aking uniporme bago ako magsimula sa aking trabaho. Sana naman kaunti lang ang pasyenteng nakatoka sa akin para kahit papaano ay maisingit ko ang pagkain sa canteen at magkaroon ng medyo mahabang breaktime. Kahapon kasi ay talagang pagod ko, gusto kong mag-day off dahil Linggo naman. Subalit naisip ko na sa Martes na ako mag-day off dahil aasikasuhin ko ng araw na iyon ang pagpapaayos sa office na tutuluyan ko sa HNU. Sabi kasi ni Daddy nang nakaraan na baka next month or the other month ay ibibigay na niya sa akin ang pamamahala nito. Sa sobrang excited ko naman ay marami ng plano na nabuo sa utak ko. At isa na nga rito ang pagpapaayos ng office na siyang magiging tanggapan ko sa HNU. "Magandang umaga, Nurse Helena," bati sa akin ng doktor na nakasalubong ko sa may pasilyo. Isa siyang pediatrician at medyo nagiging close ko na rin kahit papaano dahil lagi kaming nagsasabay ng duty. Mabait ito at laging nakangiti sa akin kapag nakikita ako. Bilang ganti dahil hindi naman siya manyak katulad ni Dr. Lopez ay pinakikibagayan ko rin siya ng maayos para naman kahit papaano ay may kaibigan ako o ka-close rito sa ospital. Paano, wala akong makausap dito kundi iyong matatandang nurse na ang susungit. Hindi kasi ako gustong kausapin noong ibang nurse lalo na at alam kong kalat na iyong naging pahayag ni Dr. Lopez sa akin nang nakaraan. Na sinang-ayunan naman ng kanyang ama na ewan kung pati ba ang matanda ay seryoso sa mga sinabi niya kay Dr. Lopez. "Magandang umaga rin, Dok." Nakangiting ganti kong pagbati. Tumigil ako sa paghakbang nang makita kong tumigil din siya malapit sa akin. "Mas maganda ka pa nga sa umaga, Nurse Helena," nakangiting saad ng doktor at simpatikong ngumiti sa akin. Tumawa naman ako sa sinabi ng doktor. Sanay na ako sa mga pambobola niya sa akin. Pambobola niya na sinasakyan ko naman. "Bolero. Hindi mo ako madadala sa mga pambobola mo," irap ko sabay halukipkip ng mga braso ko sa tapat ng aking dibdib. Humalakhak si Dr. Martin na nag-echo pa sa apat na sulok ng pasilyo. Mabuti na lang at wala kaming kasabayan sa paglalakad kaya naman panatag ako na walang mang-iintriga sa amin. Baka kasi matsismis kami lalo na at may nobya na itong doktor na ito. Tapos malapit na rin silang ikasal at ayaw ko namang maging dahilan para hindi ito matuloy. "Naku…kung hindi lang ako taken, Nurse Helena. Liligawan talaga kita," bigla ay seryoso niyang sabi na dahilan para mawala ang ngiti sa mga labi ko. Inirapan ko lang siya ng makabawi ako at saka siya sinagot ng prangka. "Kahit hindi ka naman taken ay wala ka pa ring pag-asa sa akin. Wala pa sa isip ko ang makipagrelasyon dahil ang nasa isip ko ngayon ay kumuha ng experience at mag-aaral soon." "Ouch! Basted na pala agad ako," nagkakamot sa ulong sabi ni Dr. Martin. "Oo. Kaya umayos ka. Huwag kang ma-f-fall sa akin dahil wala kang pag-asa." "Oo, hindi. Tsaka may magiging karibal ako kung sakali ngang ligawan kita. Bigatin iyon kaya hindi ako lalaban sa kanya," nakatawa ng sabi ng doktor nang makabawi ito sa pagiging prangka ko sa kanya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at nagtatakang nagtanong. "Sino naman?" Tinaasan ako ng kilay ni Dr. Martin na tila hindi makapaniwala na wala akong alam sa tinutukoy niya. Aba'y malay ko naman. Baka may suitor ako na hindi ko kilala. "Si Dr. Justin. Iyong anak ng direktor natin." Sumama ang timpla ko nang mabanggit niya ang pangalan na kinaiinisan ko. Iyong inis ko sa kanya kagabi ay narito pa sa dibdib ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko kapag kinompronta ako ni Kuya Storm. Sa dami ng sasabihin niya ay iyon pa talaga! Hindi man lang siya nahiya sa Kuya Storm ko! Siya na kalalaking tao ang nagtsismis pa sa kuya ko na nahalikan niya ako! Grrr! Nagtagis ang mga ngipin ko sa inis. Kapag nakita ko siya ay baka bigwasan ko na lang siya bigla sa inis ko sa kanya. "Mahilig ka rin pala sa tsismis, Dok." biro ko na itinago ko ang pagkainis sa doktor na binanggit niya. Pati pala sa kanya ay nakarating ang tsismis na 'to. "Hindi naman, Nurse Helena. Narinig ko lang nang nakaraan kina Nurse Mildred at Nurse Grace na pinag-uusapan nga iyong naging pahayag ni Dr. Justin sa iyo noong magkaroon ng introduksyon sa mga bagong hired na nurse at doktor. Matagal na iyong usap-usapan dito pero hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin nila," depensa naman nito sa kanyang sarili habang kinakamot ang kanyang batok. Tila naisip yata niya na naging tsimoso pa rin siya. Tsismis pa rin iyong nasagap niya kaya huwag niyang sabihin na hindi siya tsismoso. "Ah," tangi kong naging reaksyon. Akala ko patay na ang tsismis na 'to. Mukhang buhay pa rin yata at hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin nila ako. Kainis kasi si Dr. Lopez, pakiramdam ko ay binabakuran niya ako ng hindi ko namamalayan. Na parang naging way ito para hindi ako lapitan ng ibang doktor. Okay na rin ito dahil hindi naman ako narito para magkaroon ng boyfriend o fling. Narito ako para sa aking propesyon na gusto kong mahasa. "Mag-iingat ka sa kanya, lahat ng dalagang nurse rito ay nakuha niya at pinaasa lang bandang huli," payo ng doktor. Umasim ang mukha ko sa sinabi niya. Alam kong sobrang manyak ng doktor na iyon pero hindi ko alam na grabe pala. Halos lahat nakuha niya? Ang tanga naman ng mga nurse rito kung ganoon. Hindi man lang sila nagkaroon ng respeto sa kanilang mga sarili. Alam na nilang mahilig tumira ng nurse ang doktor ay okay lang sa kanila na masama sa listahan nito. "Hindi mo na ako kailangan pagsabihan pa, Dok. Talagang iniiwasan ko si Dr. Lopez kahit noon pa man." "Mabuti kung ganoon. Sayang kung maging fling ka lang niya at maghahabol lang sa kanya sa bandang huli. You deserve better, Nurse Helena at sana nga hindi ka mahulog sa karisma niya." Mariin akong umiling sa sinabi ni Dr. Martin at nagsalita. 'No way, hinding---anong?!" Natigilan ako sa aking sinasabi at takang nilingon ko kaagad ang taong yumakap sa baywang ko. Kahit hindi ko ito lingunin ay alam ko kung sino ito. Sa amoy ng pabango niya at tigas ng braso niya na yumakap sa akin ay nahulaan ko na kaagad na si Dr. Lopez ito! Shit! He is acting possessive over me! Na tila sa pagyakap niyang ito ay parang sinasabi niya na pag-aari niya ako at hindi dapat ako nilalapitan ni Dr. Martin para kausapin. Narinig kaya niya ang pag-uusap namin ni Dr. Martin? s**t! Sana naman hindi! Shocked pa rin na napatitig ako kay Dr. Lopez nang tumambad sa akin ang kanyang paningin. Kahit inasahan ko na siya ay nagulat pa rin talaga ako. Pansin ko lang na masama ang tingin niya kay Dr. Martin na na nakatayo sa aking gilid at hindi rin marahil napansin ang paglapit ng doktor dahil pareho kaming nakatalikod sa gawi na bigla na siyang sumulpot. Masama ito. Baka narinig niya ang sinabi ni Dr. Martin at maging dahilan pa ito para mainis siya sa doktor. "Wala kang karapatan na pangunahan ang mga desisyon ko sa buhay, Dr. Martin. Wala ka ring karapatan na i-judge ako lalo na at ang layo ng plano ko para sa amin ni Helena riyan sa sinasabi mo. Lahat ng tao ay may karapatan magbago at iyan ang patutunayan ko sa inyong lahat," wika ni Dr. Lopez sa malamig na tono. Hindi nakahuma si Dr. Martin at hiyang-hiya na yumuko habang hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa doktor. Pati ako na nangakong bibigyan ng bigwas sa mukha si Dr. Lopez ay natameme na rin ako. Hindi ko na mahanap ang galit at inis sa dibdib ko nang marinig ko ang sinabi niya. "Papagoyo ka na niyan, Helena?" tudyo ng utak ko. "No!" Malay ko ba kung tulak ng bibig, kabig ng dibdib ang naging pahayag lang ni Dr. Lopez. Hindi dapat ako papasilo sa matatamis niyang salita! "S-sorry, Dok. Naging matabil ang bibig ko. Pasensiya na...if you'll excuse me," narinig kong sabi ni Dr. Martin na halatang ilag kay Dr. Lopez dahil siguro ayaw niya ng gulo. "It's okay. Sige, iwan mo na kami ni Helena." Kaagad akong nag-panic nang makabawi ako sa aking pagkabigla. Hindi niya ako pwedeng iwan kasama ang manyakis na doktor na 'to. "A-aalis na rin ako," nauutal kong sabi habang inaalis ang braso ni Dr. Lopez sa baywang ko. Subalit humigpit ang kapit niya dahilan para maramdaman ko ang matigas niyang likod. "No, honey. Just stay here..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD