"Helena, wait!" sigaw ko. Plano ko na pigilan sa kanyang pag-alis si Helena, subalit mabilis na siyang nakalayo sa amin ni Storm na kasama kong naiwan na nakatayo habang nakatingin sa kanyang kapatid. Wala akong nagawa kundi tingnan ang mabilis na paghakbang ng kanyang kapatid na hindi man lang lumingon nang pigilan ko siya sa kanyang pag-alis.
I know she is avoiding me. Papalapit pa lang ako sa kanya kanina ay umiwas na siya. Alam ko kung bakit. Paano hindi ko na naman napigilan na hagurin ng tingin ang kanyang kabuuan. Nakakainit siya ng dugo. She is so sexy and very attractive. Hindi ko na napigilan na magpantasya lalo na at laman din naman siya ng isip ko gabi-gabi.
Iyong kung paano ang pakiramdam na nasa ibabaw siya ng aking kama. Habang nakapatong ako sa kanya at lamas ang kanyang mayayamang dibdib habang labas pasok naman ako sa kanyang lagusan. Alam ko kung gaano kalambot iyon kaya hindi ko napigilan na mapalunok ng ilang beses at pilit kinakalma ang nagwawala kong ahas.
Kita ko na sumama ang mood niya na alam kong ako agad ang dahilan. Kita niya ang pagnanasa sa aking mga mata na hindi ko na nagawang pigilan talaga.
Ang sama ng mga tingin niya sa akin. Nakairap siya at tila gusto akong tusukin sa aking mga mata kung magagawa lang niya.
It's my fault. Yeah, I know. Hindi ako naging maingat sa mga kilos ko hanggang ngayon lalo na at hindi maganda ang naging engkwentro namin noong unang pagkikita namin. Akala ko kasi katulad lang siya ng ibang babae. Na mabilis makuha lalo na at nakita ko siyang natulala sa aking gandang lalaki. Na sa simula ay ide-deny na hindi ako type pero kalaunan ay maghahabol naman pala. Akala ko umaakto lang siya na hindi niya ako kilala at nagpapa-hard-to-get lang. But she is not. Talagang ayaw niya sa akin at hindi siya nagpapanggap para lang makuha ang atensyon ko.
Hindi niya ako gusto, ito ang nilinaw niya sa akin ng ilang beses.
Napatunayan ko na she's different from all the girls that I met. Kung nalaman ko lang ng mas maaga na kapatid siya ni Storm at hindi siya basta-basta lang na klase ng babae na pwedeng lapitan at landiin. Di sana'y umayos ako sa harapan niya at pinakitaan siya ng pagkamaginoo. But I was too late to realize that she is my friend's sister! Nalaman ko lang nang tingnan ko ang records niya. Pinahanap ko talaga dahil gusto ko sanang alamin ang lahat ng tungkol sa kanya. Kung alam ko lang talaga! Hindi sana ako nakagawa ng mga bagay na kaiinisan niya sa akin.
Sirang-sira na ang imahe ko lalo na at nahuli pa niya ako na may katalik sa restroom ng ospital last, last week!
Kung alam ko lang na papanain ni Kupido ang puso ko at siya ang babaeng itinakda niyang maging kapareha ko, 'di sana'y nagpa-good shot na ako simula pa lang noong una kaming magkita.
Kaya lang ay wala rin naman akong alam na magigising na lang ako isang araw na gusto ko na siya at hindi na kumpleto ang araw ko na hindi siya nakikita.
Kaya naman pagkatapos ng insidente na nawala ako sa aking sarili. Kung saan ay hinalikan ko siya at nagawang hipuan. Hindi na muli akong lumapit para mapawi ang galit niya sa akin. Galit na galit siya sa akin nang araw na iyon kaya dumistansiya ako.
Natatandaan ko pa kung paano niya ako sinuntok sa aking sikmura at pagkatapos ay ginamitan niya ako ng Muay Thai martial arts na hindi ko inaasahan na marunong pala siya. Buti at hindi niya ako masyadong napuruhan nang tadyakan niya ako sa pagitan ng mga hita ko. Subalit hindi ko rin inaasahan na nagawa niya akong ibalibag sa sahig nang malingat ako. Mabuti at mabilis ang reflexes ko at hindi ako masyadong nasaktan, kung hindi, nakahilata na sana ako sa ospital bed habang umaaray.
"What happened?" Si Erwin na natigil sa kanyang pagpalakpak na nagtataka.
"f**k! Nainis ba siya sa amin?" wika naman ni Sky na napatayo pa at lumapit sa kinaroroonan namin ni Storm.
Natahimik ang iba pa naming mga kaibigan ni Storm na tuwang-tuwa na nag-che-cheer lang sa amin kanina. Ngayon ay parang ramdam nila ang aking pagkabigo habang malungkot akong nakatingin sa likuran ni Helena habang siya ay papalayo na nang papalayo sa kinaroroonan namin.
"Cheer up, pare!" wika ni Blue na mabilis na nakalapit sa aking kinatatayuan at tinapik ako sa aking balikat.
"Hindi ibig sabihin na nabigo ka ng isang beses ay dapat ka ng sumuko," si Sky na kaagad na umakbay sa akin nang makita niyang bigla akong tumamlay.
Madaling sabihin ito para sa kanya dahil maayos na ang relasyon nila ni Jasmin. Paano naman ako na hindi pa man pumoporma ay basted na agad.
Pakiramdam ko pangalawang pambabasted na ito ni Helena sa akin at hindi ko alam kung makakaporma pa ba ako sa kanya pagkatapos na muli akong mabigo kanina.
"Dasurv!!!" Panunudyo ng utak ko.
"f**k you!" Mura ko sa isip ko habang iniisip ko kung paano ako puporma sa kanya sa susunod.
Hindi ko alam na darating ang araw na maiisip kong mahuhulog sa kanya ang loob ko.
Naisip ko ng ilang ulit na sana ay nagpa-good shot na ako noong una pa lang kaming magkita. But damned! Hindi ko naman alam na mahuhulog ako ng ganito sa kanya.
"Siguraduhin mo lang na magseseryoso ka na, pare. Sinasabi ko na sa iyo…ako ang una mong makakalaban kapag nalaman kong pinaglalaruan mo lang ang kapatid ko," banta ni Hellion Storm sa akin nang tuluyan ng mawala ang kanyang kapatid. Ramdam ko na mariin siyang nakatitig sa akin kahit hindi ako tumingin.
Nakatanaw kasi ako sa kanyang kapatid na matulin na naglalakad palayo sa amin. Na tila naaalibadbaran siya sa presensiya ko kaya kung makalakad siya ay para siyang hinahabol ng mabangis na aso sa bilis ng kanyang paglalakad.
"Seryoso ako, Justin. Makakatikim ka sa akin kapag sinaktan mo lang ang kapatid ko," muli ay turan ni Storm na tila sinisigurado na narinig ko ang banta niya.
Tumawa ako ng mahina sa sinabi niya. Hindi pa nga nagiging kami ni Helena ay parang gusto na akong patayin ni Storm sa kanyang tingin.
"Sa tingin mo sisirain ko ang pagkakaibigan natin, pare?" kunot-noong tanong ko.
"I know you won't do that. Pero alam mo rin na alam ko kung gaano ka kapalikero, Justin."
"That was a long time ago, pare." Wika ko na tinataas ang mga kamay ko na tila sumusuko. Ayaw ko ng makipag-argumento sa kanya lalo na at lasing na siya.
"A long time ago. Your ass! Last week lang iyon!"
Napakamot ako sa batok.
Para kasing ang tagal ko ng hindi lumalapit sa mga babaeng nagpapakita ng motibo sa akin kaya feeling ko sobrang tagal na.
"At least umiiwas na ako. Hindi na ako katulad ng pagkakakilala niyo noon," proud kong sabi pero nasa tono ko ang lungkot.
Mukhang mabibigo ako sa kanyang kapatid. Kita ko kung paano ako ayawan ni Helena.
"Good for you then," wika ni Storm na tinapik ako sa aking balikat at muli siyang naupo para ipagpatuloy ang inuman. Sina Blue at Sky ay sumunod din sa kanya habang ako naman ay naiwan at nakatunganga sa daan na dinaanan ni Helena.
"Can you help me, pare?" halos magmakaawa na sabi ko. Hindi ako mapakali habang nakatingin sa kanilang mansion. Gusto kong makita si Helena at sabihin na malinis ang hangarin ko sa kanya. Na seryoso ako sa nararamdaman ko sa kanya.
Kumunot ang noo ni Storm sa sinabi ko.
"Help you for what?"
"Na makalapit sa kapatid mo. Y-You see...ayaw niya sa akin..." alanganin kong sabi habang ang ibang kaibigan namin ay nakikinig lang habang mabagal na tumutungga sa kani-kanilang kopita.
"Ikaw ang gumawa ng dahilan para ayawan ka niya, pare. Ikaw din ang gumawa ng paraan para mahulog siya sa iyo," ani naman ni Storm habang umiiling sa sinabi ko.
Bumuntonghininga ako. "Ang hirap niyang lapitan. Nakita mo naman kanina, papalapit pa lang ako ay nakalayo na siya."
"May ginawa kang hindi kanais-nais kaya hayan todo effort siya makaiwas lang sa iyo."
"H-hindi ko na napigilan ang sarili ko na halikan siya, pare."
"Iyan nga ang tinutukoy ko. Baka iniisip ni Helena na gusto mo lang siyang ihilera sa mga babaeng dumaan sa palad mo. Nasa isip niya na baka katawan lang niya ang gusto mo, ang habol mo dahil iyon naman ang ginagawa mo sa ibang naka-fling mo na."
"Hindi iyan ang nasa isip ko, pare. Puso niya ang gusto ko munang makuha..."
"Weh?" Tudyo ng utak ko.
Pero sa sarili ko ay pinanindigan ko rin na ito ang priority ko sa ngayon. Isasantabi ko ang libog na nadarama ko para lang patunayan kay Helena na hindi libog ng katawan ang nadarama ko para sa kanya. I like her and I will prove to her na mabuti at malinis ang hangarin ko sa kanya.
"Are you serious about her?" Naninigurado na tanong ni Storm.
"Yeah. Hindi ako magpapatulong sa iyo ng ganito kung hindi." Sumimsim ako ng alak sa kopita na dinampot ko at parang hirap na hirap na inubos ko ito.
Nawalan na ako ng gana na uminom. Iniisip ko si Helena at ang feelings ko sa kanya na baka walang katugunan.
"If you're serious, paghirapan mo na kunin ang loob niya. Make her fall for you. Ipakita mo na siya lang ang babaeng gusto mo. Na siya lang ang mahal mo at hindi ka na muling titingin sa iba," payo naman ni Sky na marahil hindi na nakatiis na sumingit.
Nabaling tuloy ang atensyon ko sa kanya at tila nagkaroon ako ng pag-asa.
"Court her, Justin." Payo naman ni Erwin. "That way, maiisip niya na seryoso ka sa hangarin mo."
"Seryoso naman talaga ako sa kanya, pare." Tumingin pa ako kay Storm nang sabihin ko ito. Nasa akin ang atensyon niya at kanina pa niya pinag-aaralan ang reaksyon ng aking mukha. Na parang hinahanap niya sa mukha ko kung seryoso ba talaga ako o balak ko lang makaisa para tikman ang kapatid niya.
Yes, part na rin iyon pero mas nananaig ang nararamdaman ng puso ko. I want to own her. I want to own every inch of her.
"Kung seryoso ka talaga kay Helena. Sige, tutulungan kita pare. But make sure that you won't break her heart. Dahil kapag sinaktan mo ang kapatid ko, kamao ko ang matitikman mo."
"Alam mong hindi ko magagawa iyan, Storm. Hindi ko sisirain ang pagkakaibigan natin para lang paglaruan ang damdamin ng kapatid mo. Iba siya at hindi ko magagawa iyon sa kanya. Alam mong hindi rin ako magsasabi sa iyo ng ganito. Hindi ko hihingin ang tulong mo kung hindi ako seryoso sa kanya. Gusto ko ang kapatid mo and I think I am falling hard..."
"Malaki ang tiwala ako sa iyo, Pare. Sana huwag mong baliin ito dahil gusto kita para kay Helena. I know you can take care of her and make her happy. Kaya sana pakiusap lang, kung may balak ka lang na paglaruan siya in the end. Tumigil ka na bago pa siya masaktan. Ayaw kong dagdagan pa ang sakit at kalungkutan na nararamdaman ni Helena. Binalewala siya ng aming mga magulang dahil sa paghahanap sa nawawala naming kapatid at sana huwag mong ipadama iyon sa kanya dahil sa totoo lang, durog na durog na ang puso ni Helena. Gusto ko namang makitang masaya ang kapatid ko. Hindi iyong pilit lang. Na nagiging masaya lang siya kapag naalala siyang tawagan nina Mommy. Alam mo, mahirap kunin ang tiwala ni Helena sinasabi ko na sa iyo ngayon pa lang. Takot siyang masaktan at alam kong sobra kang mahihirapan sa kanya lalo na at hindi maganda ang pagtrato mo sa kanya noong una. Nakatatak na sa utak niya iyon at kailan man ay hindi mabubura. Kaya ikaw, magtiyaga ka sa kanya if you truly love her."
Natulala ako saglit sa haba nang naging pahayag ni Storm. Tumimo ito sa utak ko at pinakatandaam. Ang lungkot naman ni Helena. Alam ko ang kwento tungkol sa nawawala nilang kapatid. Pero hindi ko alam na dahil sa paghahanap ng mga magulang nila sa kapatid nilang bunso ay may anak na nasasaktan. Alam kong ramdam din ito ni Storm. Pero siguro dahil lalaki siya ay hindi na ito masakit sa kanya at isa pa, matanda na siya para mag-demand ng atensyon sa kanilang ina. Pero si Helena, I know how she feels. Maliit pa yata siya ng umalis ang mga magulang nila at alam kong malaki ang tampo niya sa mga ito lalo na at hindi siya inalagaan ng mga ito.
"Wala akong plano na ganyan, Storm. Seryoso ako sa kapatid mo."
Kung alam ko lang talaga na kapatid siya ni Storm. Hindi ko gagawin sa kanya ang mga nagawa ko noon. Alam kong kahit sinabi ni Storm na may tiwala siya sa akin. Alam kong nag-aalangan pa rin siya para sa kanyang kapatid.
"Then good luck sa iyo. Sana mapasagot mo si Helena..."
Sana nga...