"No, honey. Just stay here."
Uminit ang ulo ko sa aking narinig. Sinabi ko ng huwag niya akong tatawagin sa kahit anong endearment dahil hindi kami at hindi ko 'to gusto. Ayaw ko ring isipin ng mga makakarinig na may namamagitan sa amin ng malanding doktor na ito. Ayaw kong isipin nila na ako ang next niyang target. Na pagkatapos paasahin at tikman ay iiwan na lang na luhaan at naghahabol sa kanya.
Hindi ako mahahanay sa mga nurse na naghahabol sa kanya gaya ng sabi ni Dr. Martin. Hindi ko pinangarap ito dahil ang gusto ko sa magiging Prince Charming ko sakali ay matino at ako lang ang mahal niya. Na hindi siya lilingon sa iba at ako lang nakikita niyang maganda sa kanyang paningin.
"Doc, pwede ba?! Walang tayo. Kaya pakiusap naman huwag mo akong tawaging honey!" masungit kong sabi. Nanghahaba ang nguso ko sa inis at gusto ko sana itong ipakita sa kanya. Subalit ayaw ko namang humarap sa kanya dahil baka matameme ako sa mukha niya. Masyado pa naman kaming malapit sa isa't isa at alam kong nakakakaba ang taglay niyang kagwapuhan. Isa pa, iniisip ko na baka mag-take advantage na naman siya sa akin na hindi malabong mangyari. Ngayon na nga lang ay nakahawak na siya sa akin na animo ay may karapatan siyang hawakan ako.
Kailangan kong lumayo sa kanya. Mamaya ay maisip na naman niya akong halikan at baka mawala na naman ako sa sarili ko dahil sa tamis at sarap humalik ng kanyang mga labi. Hindi na naman ako makakatulog nito ng ilang gabi kapag nangyari muli iyon.
"Wala nga, pero iyan ang gusto kong itawag sa iyo," wika niya sa baritonong tono. Kumunot ang noo ko at mas nanghaba ang aking nguso. Nang-aakit ang baritono niyang tono. Pwes! Hindi niya ako madadala sa ganito. Magpa-cute man siya ay hindi ko pa rin siya papatusin.
Tsaka pansin ko makapal talaga ang mukha ni Dr. Lopez. Maka-stay here siya kanina sa akin ay akala mo nasa kanya ang lahat ng right para magdesisyon para sa buhay ko.
Stay here niya mukha niya!
Pinilit kong alisin ang mga braso niyang parang ahas na pumulupot sa baywang ko. Subalit humigpit pang lalo ang mga ito dahilan para mas lalo akong mainis sa kanya.
"Ayaw ko nga! Don't you dare call me that way again! I don't like it!" Halos pasigaw ko ng sabi. Pinilit kong tanggalin muli ang braso niya sa baywang ko ngunit ayaw niya talaga akong pakawalan!
"Pwede ba! Bitiwan mo na nga ako! May duty pa ako at naiistorbo mo na ako!" banas ko ng sabi. Sumuko na ako sa pagpiglas sa kanya at marahas na nagpakawala na lang ng malalim na paghinga.
Ayaw kong makipagbangayan sa kanya kaya ako umiiwas. Natuwa ako na hindi niya ako nilapitan nang nakaraan subalit heto siya ngayon at makakapit sa akin ay parang ayaw na niya akong pakawalan!
"Na-miss lang naman kita, Helena. Ilang araw kitang tiniis, hinayaan kita para mapawi ang galit mo sa akin. Tapos kagabi, snob ka naman. Nakaka-hurt iyon ng feelings alam mo ba? Tapos ngayon ay nagmamadali ka na naman na makaalis sa tabi ko," malungkot niyang sabi na tila nagmamakaawa mabigyan ko lang siya kahit konting atensyon.
Umusok lang lalo ang ilong ko sa sinabi niya. Wala akong pakialam sa nararamdaman niya. He deserves it. He deserves to be punished like this. Huwag niyang isipin na lahat ng babae ay magkakandarapa sa kanya. Na luluhuran siya mapansin lang niya at matikman.
Iba ako, iba ako dahil kahit gaano pa siya kagwapo ay nagagawa ko namang kontrolin ang sarili ko na huwag mahulog. Iisipin ko lang ang mga pangit niyang ugali at hayun na, walang epekto sa akin ang kanyang karisma at gandang lalaki.
"Eh di ma-hurt ka! Wala akong pakialam sa nararamdaman mo! Tsaka ako snob?" Tinuro ko ang sarili ko na natatawa. "Natural na iyan ang gagawin ko sa iyo pagkatapos ng pagnanakaw mo ng first kiss ko! Anong gusto mo matuwa ako? Sa magiging nobyo at asawa ko dapat iyan! Pero ikaw, ninakaw mo lang!"
"F-first kiss mo ako?" Halos mabulol na sabi ni Dr. Lopez. Tila nawindang pa nga yata ang utak niya sa nalaman niya dahil biglang lumuwag ang kapit niya sa baywang ko.
Kinuha ko naman itong pagkakataon na makawala sa katawan niya. Nagawa ko naman dahil hindi niya ako pinigilan kahit na nakatayo na ako sa harapan niya at masama siyang tinititigan.
"Oo! At nakakainis dahil ikaw ang nagnakaw nito!" Tungayaw ko sa kanya na asar na asar. Sa magiging asawa ko iyon dapat ko ibibigay. Pero ang putris na malanding doktor na ito ang siya pang kumuha.
Mas lalong tila nawala sa kanyang sarili si Dr. Lopez dahil kinumpirma ko ito ng malinaw sa kanya. Natameme siya sa pagtitig sa mukha ko habang malawak na nakangiti siya na tila sinapian na ng kabaliwan.
Anyare sa kanya?
Nahihipan ng hangin?
Nabaliw na?
Makaalis na nga bago pa siya balikan ng kanyang katinuan at baka kung ano pa ang maisip niyang gawin sa akin. Wala pa naman katao-tao rito sa pasilyo at madali para sa kanya na gawan ako ng masama.
Iiling-iling na tumalikod ako at nagmamadaling iniwan siya. Kapag hindi ko pa ito ginawa ngayon ay mali-late na talaga ako sa first patient ko na kailangan ng makainom ng gamot at papalitan ko ng dextrose.
Ayaw kong isipin ng head nurse namin na pasaway ako at late sa pag-aasikaso ng aking mga pasyente. Ayaw kong isipin nila na dahil sa katayuan ko sa buhay ay ginagawa ko itong excuse para ma-late sa aking mga responsibilidad.
Nakarating ako ng locker naming mga nurse na walang sumusunod sa akin na malanding doktor. Mabuti naman at akala ko ay sumunod siya at baka pasukin pa niya ako sa loob at gawan ng masama. Tingin ko naman ay hindi magagawa iyon ni Dr. Lopez lalo na at matalik niyang kaibigan ang kapatid ko. Hindi naman siguro siya gagawa ng rason para mag-away sila at magkalimutan na lang ng kanilang mga pinagsamahan.
Kaya ba sabi niya sa kuya ko na magseseryoso na siya sa iisang babae?
At ako naman iyon?
Weh?
Nakuhh…maniwala ako sa malanding iyon.
Once a playboy, always a playboy.
Mabilis natapos ang duty ko nitong umaga. Kaya naman maaga akong nananghalian sa canteen para hindi na ako nakikipagsiksikan sa mga kasama ko para lang makahanap ng pwesto na pagkakainan. May dala akong pagkain na pinabaon ni Yaya Guada kaya naman hindi na ako pumila pa para bumili pa ng aking kakainin.
Sa may sulok na pwesto ako pumunta kung saan ay madalas akong pumwesto kapag narito ako. Maganda kasi ang view doon at medyo malayo sa mga nurse na nagtsistsismisan na akala mo ay hindi ko naririnig kung sino ang topic nila.
Kailan kaya mawawala ang issue sa akin? Alam ko naman na iyong nakaraang issue na ginawa ng malanding doktor ang pinag-uusapan hanggang ngayon.
In-snob ko ang mga naririnig ko sa paligid. Nag-concentrate ako sa pagkain ko habang nakatanaw ako sa magandang tanawin sa labas. Kabundukan kasi ang nasa likuran ng ospital. Berdeng-berde ito at tila nangangako ng magandang tirahan ng mga mababangis na hayup at kung ano-ano pa.
Nilantakan ko ang pork steak na siyang pinabaon ni Yaya Guada sa akin, may inihaw din na baboy at fried chicken na ewan ko ba kung mauubos ko lalo na at wala akong gana ngayong kumain.
Nabusog ako sa mineryenda ko kanina at mali yata na napaaga ang kain ko ng tanghalian. 'Di bale, susubukan kong ubusin. Magtatampo sa akin si Yaya Guada kapag nakita niyang hindi ko naubos ang hinanda niyang pagkain.
Nakakalahati ko na ang kinakain ko nang biglang may naglapag ng tray ng pagkain niya sa ibabaw ng lamesa at ksabay nito ay ang paghila nito ng upuan kaharap ko.
Takang nilingon ko ang pangahas at halos magsalubong ang mga kilay ko nang makita kong si Dr. Lopez ito.
Malawak ang ngiti niya sa akin at kita ko na nagniningning ang kanyang mga mata sa tuwa.
"Hindi kita pinahintulutan na makisalo sa akin sa pagkain," masungit kong sabi nang makabawi ako sa pagkabigla.
"I know. But I invited myself to sit here with you," nakatawa naman niyang sabi dahilan para mas lalong magsalubong ang kilay ko sa inis.
"Ayaw kitang kasalo, Doc. Maghanap ka na lang ng ibang table," prangka kong sabi dahilan para mawala ang ngiti niya sa kanyang mga labi.
"Ganyan mo ba ako kaayaw na maging sa pagkain ay ayaw mo akong kasabay?" malungkot niyang saad habang nakatitig sa mga mata ko.
Tumango ako bilang pagsang-ayon.
"Ikaw ang dahilan kung bakit ganito ang pakikitungo ko sa iyo, Doc. You gave me wrong impression at laging nasa utak ko na iyan at nakatatak," ani ko naman na hindi nagpaapekto sa kanyang malungkot na itsura.
Hindi ako padadala sa mga ganitong eme eme niya. Mamaya, nagpapaawa lang siya para makaisa at mailapit niya ang loob niya sa akin. Tapos ano ang kasunod? Iisip na siya ng paraan para mabilog ang utak ko?
"Sorry...akala ko kasi katulad ka ng iba..."
"Iyan...diyan ka kasi magaling. Alam mo, maraming namamatay sa maling akala, Doc. Kaya ikaw, tigil-tigilan mo na ang paglapit sa akin. Hindi ka papasa sa taste ko dahil ayaw ko sa lalaking sobrang landi!"
Pagkatapos ko itong masabi ay mabilis kong iniligpit ang mga baon ko. Nawalan na ako ng gana na kumain dito. Hahanap na lang ako ng tahimik at tagong lugar at doon ipagpapatuloy ko ang pagkain ko ng tanghalian. Hindi ko nais makasalo sa pagkain ang lalaking ito dahil naiilang ako sa mga taong nakatingin na sa mesa namin. Mas nadagdagan naman ang tsismis sa amin alam ko.
"Nagbabago naman na ako, honey. Hindi na ako katulad ng dati," depensa naman ni Dr. Lopez sa kanyang sarili.
Ang bilis naman niyang nagbago?
Seryoso siya sa sinabi niya nang nakaraan sa kanyang ama kung ganoon? At iyong sinabi niya kay Kuya Storm kagabi, mukhang seryoso siya sa kanyang sinabi kahit lasing siya.
Ano naman?
Hindi pa rin ako magkakagusto sa kanya kahit magbago pa ang malanding ito.
"Good for you, Doc. Sana makahanap ka na ng tunay mong pag-ibig."
Hindi ako iyon. Hindi siya ang Prince Charming ko. Wala sa kanya ang mga signs na hinahanap ko.
Ni hindi siya tugma sa lalaking pinapangarap ko.
"Nahanap ko na nga. Nakatayo siya ngayon sa harapan ko."
Natutop ko ang bibig ko sa sinabi niya. Kumabog ng mabilis ang puso ko kahit alam kong ako naman ang tinutukoy niya.
"Good luck kung magustuhan kita," sabi ko na halos manginig pa ang boses ko.
Ano'ng nangyayari sa akin? Affected ako sinabi ng malanding ito?
Tumalikod na ako bago pa man siya may mapansin sa kilos ko. Ayaw kong may mahalata siya sa akin dahil ayaw kong makakita siya ng katiting na pag-asa para makalapit siya sa akin.
Sa third floor ako ng ospital humantong. May teresa rito na malawak na pwedeng pagpahingaan habang naghihintay ng oras ng duty. Natulakasan ko ito nang nakaraan ng magkaroon ako ng pasyente rito sa third floor. Kaya simula noon ay dito na ako tumambay kapag vacant ko o kaya naman ay kapag naghihintay ako ng oras para umuwi.
Naupo ako sa may sulok at tumunganga sa paligid. Tiles ang sahig at malinis kaya naman hindi ako nag-aalala na madumihan ang suot kong uniporme.
Nilabas ko ang cellphone ko at kumuha ng larawan sa paligid. Ang ganda at nakaka-relax sa mata kaya naman sumali rin ako sa background habang kumukuha ako ng larawan.
Nang magsawa ako ay saka ako muling naupo at in-check ang mga muha ko.
"Perfect! Ang ganda-ganda mo talaga Helena!" tuwang-tuwa na bulalas ko habang tinitingnan ang mga kuha ko.
Ngunit kaagad ko ring natutop ang aking bibig nang maisip kong pinupuri ko na ang sarili ko masyado. Maganda ako pero hindi ko na kailangan ipangalandakan ito.
Binalik ko sa bulsa ko ang cellphone ko nang magsawa ako sa kakapindot dito. Naghihikab na sumandal ako sa semento at tumunganga sa mga ulap na nakadikit sa langit.
Hindi ko namalayan na nakaidlip ako. Siguro dahil sa sobrang busog ko sa kinain ko kaya inantok ako.
Paggising ko ay nagulat ako nang mamulatan ko ang aking sarili na nakahiga sa malambot na sofa habang may nakabalabal na kumot sa parteng ibaba ng aking katawan.
Takang napaupo ako habang iniisip ko kung nananaginip ba ako.
Sinapo ko ang noo ko habang tumatayo sa sofa. Subalit nahinto ako sa aking ginagawa nang biglang bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan ko.
"Oh, you're awake, honey. Mabuti naman para sabay na tayong umuwi," wika ni Dr. Lopez na siyang bumungad sa may pintuan.
"N-nasaan ako?" tanong ko na hindi pinansin ang kanyang sinabi.
"You're in my office."
"W-what?" gulat na bulalas ko. Kaagad kong inispeksyon ang sarili ko kung may ginawa ba siya sa akin na hindi ko namalayan habang tulog ako.
Narinig ko siyang tumawa na halatang na-gets ang ginagawa ko.
"Wala akong ginawa sa iyo. Huwag kang mag-alala."
Nakahinga ako ng maluwag at agad na tumingin sa aking relo.
Patay! Alas-singko na ng hapon!
Ang haba ng tinulog ko at nakakahiya sa kanya! Baka isipin niya na pinababayaan ko ang mga pasyente ko!
"P-pasensiya na, Doc. Nakatulog ako," hiyang-hiya na paumanhin ko."
"Okay lang, honey. Kahit matulog ka buong araw ay ayos lang naman sa akin. If you want tatabihan pa kita."