Simula

2050 Words
Sa malayo pa lang ay nakita ko na kaagad si Helena. Kanina pa ako paikot-ikot sa buong ospital ngunit dito lang pala sa ground floor makikita ang hinahanap ko. Mukhang papunta siya sa kanyang pasyente dahil sa dala-dala niyang mga gamot at record na nakakipkip sa kanyang kili-kili. I won't miss this chance kaya kukunin ko itong pagkakataon para makausap siya. Mahihirapan na naman akong makalapit sa kanya kapag hindi pa ako gumawa ng sarili kong move. I saw her immediately walk fast as she saw me coming. "Helena!" I yelled her name. Pero parang walang narinig na nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad. "Helena, ano ba?" Naiinis ko ng sabi habang sige ako sa paghabol sa kanya. "Mag-usap naman tayo." Subalit nanatili siyang bingi at patuloy na naglakad ng matulin na tila ako isang taong may sakit na dapat niyang iwasan. Yamot na tumakbo ako para mahabol siya. Walanghiya! Hindi pa ako naghabol sa kaninong babae! Ngayon ay literal na akong naghahabol! "Helena, please…listen to me…" Habol ko kay Helena sa hallway at mabilis na hinarang ko ang dalawang kamay ko para hindi siya makadaan. "D-Doc…may pasyente po ako. Mamaya na 'yang sasabihin mo. I need to go to room 1669 para mapainom na itong mga gamot," aniya sa magalang na tono ngunit kababakasan ko naman ng iritasyon ang mukha niya. "Just a minute, please. Alam ko namang iiwasan mo na naman ako after this…" I saw her heaved a deep sigh at bored na tumingin sa akin. Napakamot ako sa ulo ko at parang bigla akong dinapuan ng hiya No, hindi dapat ako mahiya. I won't miss this chance again. Alam ko naman na iniiwasan na niya ako simula ng araw na iyon. Pero wala akong magagawa kundi magtiis at subukan ilapit ang sarili ko sa kanya at patunayan na malinis ang hangarin ko sa kanya. Na hindi lang dahil sa s*x ang gusto ko sa kanya at pang-flavor of the month lang siya kaya ako lapit nang lapit sa kanya. Gusto kong patunayan na hindi ito ang habol ko sa kanya basta bigyan lang niya ako ng chance para patunayan ito sa kanya. Nais ko ngang magpatulong sa kaibigan kong matalik na si Storm na Kuya niya ngunit pinayuhan niya ako na ako ang gumawa ng paraan para mapalapit kay Helena. Mas lalo raw akong aayawan ni Helena oras na malaman niyang tinutulungan niya ako. He is right. Baka mas lalo lang niya akong ayawan kapag nalaman niyang nagpapatulong ako sa kuya niya para mapalapit ako sa kanya. Pero humingi pa rin ako ng tips sa kanya para alam ko kung paano ako mapapalapit kay Helena. Marami naman akong nalaman kay Storm lalo na ang mga paborito ni Helena. Mula sa bulaklak, chocolates, cakes at iba't ibang brand ng sapatos, bags at damit. Bininigyan ko siya ng flowers and chocolates araw. Tapos nagbibigay din ako ng branded na sapatos at bag. Ginawa ko naman ang lahat ng sinabi ni Storm pero same pa rin, wa-epek pa rin. Wala pa rin….hindi ko pa rin mahuli ang loob niya. Snob pa rin siya at pormal pa rin siya kung makipag-usap sa akin. "Ano na naman kasi ang sasabihin mo?" yamot na niyang sabi. "I love you, Helena. Please, bigyan mo naman ako ng chance," pagsusumamo ko. Bahala na kung magmukha akong kaawa-awa. Bahala na kung magmukha akong tanga. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay malaman niya ang nararamdaman ko. Ang tunay na nararamdaman ng puso ko. Nakita ko siyang umismid. She is mocking me I know and I know she doesn't believe mo. Ayos lang, basta masabi ko lang ang laman ng puso ko. Para malaman niya na totoo ang nararamdaman ko. "Doc, please. Wala akong time sa drama mo. Kahit kailan ay hindi ako maniniwala sa tamis ng mga salita mo. Huwag ako, pakiusap lang," ani niya sabay tabig niya sa braso ko at pinilit na dumaan sa daan na hinaharangan ko. "Mahal talaga kita, Helena! Maniwala ka naman sa akin. Mahirap bang paniwalaan iyon?" medyo may pagdaramdam na tanong ko kay Helena. Hindi naman ako nagsisinungaling para lang magoyo ang utak niya. Sinasabi ko ito dahil ito ang nadarama ko para sa kanya. "Paniwalaan mo naman ako, please. Seryoso ako sa mga sinabi ko sa iyo noon. And until now seryoso pa rin ako. Mahal kita, Helena. Kung kailan ko 'to naramdaman…hindi ko rin alam. Basta nagising na lang ako isang araw na mahal na kita…" Nakita ko siyang muling umismid sabay ikot ng kanyang paningin. Bumuntonghininga naman ako at parang mauubusan ng pasensiya na hinagod ang maikli kong buhok. Mali yata ang mga salitang ginamit ko? Pang-pelikula yata ang dating at parang walang originality. Pero kasi desperado na ako. Gagawin ko ang lahat maniwala lang siya sa akin. Sobrang stress na ako kakaisip kung paano ko ba mahuhuli ang kiliti niya. Ilang ulit na akong nagsabi sa kanya ng aking nadarama ngunit ganoon pa rin, ayaw niya akong paniwalaan. Hindi ako nai-stress sa mga pasyente ko ngunit kay Helena yata ako sobrang mai-stress ngayon. Ilang araw na akong wala sa aking sarili. Mabuti na lang kapag may emergency dito sa ospital ay hindi lumilipad ang utak ko. Mananagot ako ng malaki kapag may napabayaan akong pasyente. Maganda ang record ng ospital namin at ayaw ko namang dungisan ito dahil sa aking kapabayaan. Malapit pa naman na itong i-take over sa akin ni Daddy. Ako ang papalit sa pwesto niya bilang CEO ng ospital. Kaya naman ayaw na ayaw kong bigyan siya ng ikakadismaya niya sa akin, lalo na at may mga kapatid ako sa labas na pwedeng umagaw ng posisyon ko rito sa ospital. Yeah, my Dad had so many affairs with women. Naiintindihan ko siya. He has needs. Nang mamatay si Mommy ay hinanap na niya sa iba ang kalinga na binibigay nito sa kanya noong nabubuhay pa siya. Hinayaan ko lang siya ngunit hindi ko naman akalain na magkakaroon ako ng mga kapatid sa labas na pwedeng umangkin sa pinatayong ospital ng mga magulang ko. My parents are both doctors. Si Mommy physician habang si Daddy naman ay neurosurgeon ang field na natapos niya. Kaya naman sumunod din ako sa yapak nila kahit pagmomodelo ang gusto kong tahakin na landas. Ako lang kasi ang nag-iisa nilang tagapagmana kaya wala akong nagawa kundi pagtiyagaan na magtapos ng pag-aaral. "Paano ako maniniwala sa iyo kung hindi lang ako ang sinabihan mo ng ganyan, Doc Justin?" Masungit niyang sabi sabay irap ng matindi sa akin. "Eh, di ba…girlfriend mo si Nurse Mildred?" panghuhuli niya. Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Paano nakarating sa kanya ang affair ko kay Nurse Mildred? Matagal na iyong tapos at ni hindi ko na nga pinapansin ang babaeng iyon kahit panay ang chat at tawag sa akin. Maging dito nga sa ospital ay todo iwas din ako para hindi kami magkaroon ng issue. "What? No! Hindi ko siya girlfriend though inaamin ko na naging fling ko siya," inamin ko na ang relasyon ko dati sa nurse para hindi na niya ito sa iba malaman. Mahirap na, iniingatan ko ang imahe ko ngayon dahil alam ko, isang maling galaw ko lang ay aayawan na ako nang tuluyan ni Helena. Hindi pa nga ako nagsisimula na ligawan siya, nabasted na ako ng ilang ulit. Ipinilig ko ang ulo ko para pawiin ang mga senaryo na pumasok sa utak ko. Kaharap ko si Helena pero kung saan-saan na naman umabot ang isip ko ko. Ayaw kong maging lutang sa harapan niya. Gusto ko focus lang ako para sabihin niyang seryoso ako sa kanya. "Tell that to the marines, Doc! Sinabi niya sa akin na kayo pa at palagi ka pa ring pumupunta sa condo niya kaya huwag ka ng gumawa ng kwento riyan na hindi na kayo! Hindi mo ako maloloko sabi ko na sa iyo kaya pakiusap lang, tigilan mo na ako!" Nalaglag ang panga ko. Kaagad akong nag-panic nang makawala siya sa hawak ko. Kaya naman humarang akong muli at hinawakan siya sa kanyang braso. "Helena, wait! Walang kami! Gawa-gawa lang niya iyon para siraan ako sa iyo dahil alam niyang ikaw ang gusto ko. Matagal ko ng tinigilan ang pambabae simula ng makilala kita, Helena. Maniwala ka naman sa akin. Hindi totoo ang sinabi niya kahit magtanong ka pa sa iba. Lagi lang ako rito sa ospital dahil sa dami ng trabaho at pasyente." Tinabig ni Helena ang kamay ko na nakahawak sa kanya subalit hindi ko ito pinahintulutan. Hinawakan ko pa rin siya para makapag-usap pa rin kami. "Tss! Ang galing mong umisip ng palusot! Hindi totoo 'yan dahil hindi naman kita madalas makita rito lalo na kapag gabi." Pinalisikan niya ako ng mga mata. "Hindi mo talaga ako makikita dahil nasa opisina ako sa taas. You can ask my assistant, if you want proof." nauubusan ang pasensiyang sabi ko. Nilapit ko siya sa katawan ko at inamoy ang mabangong aroma ng kanyang katawan. Kung bakit naman kasi ang daming tsismosa rito. At iyong si Nurse Mildred, humanda siya sa akin! Sinisira niya ang diskarte ko kay Helena porke hindi ko na siya pinapansin. "Hay naku, doc! Tama na sa palusot, babush!" Tinulak niya ako at asiwang lumayo sa akin. Napansin yata niya ang ginawa ko kaya heto at asiwa siya na makalapit ako sa kanya "No way! Mag-usap muna tayo!" I insisted. "Ayaw ko nga! Hindi naman ako maniniwala kahit ano pa ang sabihin mo! Babaero ka, Doc Justin at ayaw ko ng babaero! Baka nga hindi lang ako ang sinasabihan mo ng I love you mo!" sigaw ni Helena sa mukha ko. Napahawak ako sa batok ko at medyo lumayo sa kanya dahil natulili ako sa sigaw niya. Puta! Bakit ba ayaw niya akong paniwalaan? Ilang ulit ko ng sinabi sa kanya ang tunay kong nadarama para sa kanya ngunit ayaw niya pa rin akong paniwalaan. Kinorner ko siya ngayon at kinuha ang pagkakataon na ito para makausap siya. Napapansin ko na umiiwas na siya sa akin nang araw na umamin ako sa kanya na gusto ko siya, na mahal ko siya. Seryoso ako sa mga sinabi ko sa kanya. If courting her seriously is what she wants, gagawin ko. Pupunta ako sa bahay nila para ipakita sa kanya na seryoso ako sa panliligaw ko sakanya Umiling ako sa sinabi ni Helena. "Wala pa akong sinasabihan ng 'I love you' kahit sino. Babaero ako pero hanggang sa kama lang ang relasyon ko sa mga past relationships ko. No feelings involve kaya swerte mo, nabihag mo ang puso ko…" Sinamaan ako ng tingin ni Helena sa sinabi ko at inalis ang stethoscope na nasa kanyang leeg at hinarap ako. "Sigurado ka? Tsaka ako, swerte? Swerte pa ako ng lagay na 'yan? Overused na iyang 'ano' mo Doc Justin kaya huwag mong sabihin na swerte ako sa iyo!" Tiningnan niya ang nasa pagitan ng mga hita ko at halos pamulahan siya ng mukha nang makitang nakabukol ito at parang naghahanda sa pagsalakay. Napahalakhak ako sa sinabi niya. Lalo na ang ginawi niya. Akala ko ako lang ang pervert, mukhang pati yata siya ay gayundin. "Naniwala ka naman na marami na akong naikama? Pervert ako pero hindi naman ako kasing manyak ng iniisip mo. To tell you honestly, lima pa lang ang naikama ko kaya huwag mo akong sasabihan na overused ang ano ko." "Overused naman talaga dahil kung sino-sino ang kinakalantari mo." "That's part of my past, Helena. Lahat ng lalaki ay nagdaan sa ganyan. Let me prove my love for you. At kung papayag ka na maging nobyo ako, magiging loyal ako sa iyo at pangako ko sa iyo, ikaw lang ang mamahalin ko." "Tse! Magtigil ka nga! Kung saan-saan na umabot ang usapang ito. To tell you honestly, Doc. I don't like you. Kaya ikaw, tumigil-tigil ka na sa panggogoyo sa akin dahil hindi mo ako madadala sa matatamis mong salita. Hindi kita gusto at kahit kailan hindi kita magugustuhan!" Nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa sinabi ni Helena. Kung kailan handa na akong maging seryoso sa isang relasyon saka naman ako mababasted ng paulit-ulit. Ang sakit naman. Hindi niya ako gusto at kailan man ay hindi niya ko magugustuhan? Tss! Mahal ko na siya eh…bakit ba ayaw niyang maniwala sa akin? "Huwag kang magsalita ng patapos, Helena. Baka kainin mo ang sinabi mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD