Blurb

652 Words
Helena Nalupa is young, talented and genius. Siya iyong klase ng babae na papangarapin mong maging ideal girl. Dahil bukod sa mga katangian niyang ito, ubod din siya ng ganda, sexy, at galing pa sa mayamang angkan, ang mga Nalupa. Kahit halos nasa kanya na ang lahat ng pinapangarap ng ilan na makamit dito sa mundo, hindi siya naging masaya kahit kailan dahil may malaking kulang sa buhay niya na nais niyang makamtan. Ito ang pagmamahal at kalinga ng isang magulang. She grew alone because her parents are too busy mourning for her sister's disappearance. Nawala kasi ang nakababata niyang kapatid na babae noong baby pa lang ito at hanggang ngayon ay nagluluksa pa ang Mommy niya sa pagkawala nito. Hindi matanggap ng kanyang ina ang pagkawala ng kanyang kapatid kaya naman upang maka-move on ito, dinala ito ng kanyang ama sa abroad upang makapagliwaliw at makalimot. Lumaki siya sa pangangalaga ng mga yaya sa mansion nila. Iniwan siya ng mga ito sa pangangalaga ng mga yaya at hindi man lang siya naisipan na dalhin. Tapos once a year lang niyang makasama ang parents niya ngunit madalas naman siyang tawagan ng mga ito sa telepono kapag may oras ang mga ito. Ngunit hindi ito sapat para sa kanya dahil ang gusto niyang mangyari ay makasama ang mga ito. Ngunit siguro hindi ganoon kadali ang hinihiniling niya kaya naman siya na ang kusang nag-a-adjust. Sanayan lang iyan, kapag sanay ka na, bahagya na lang ang sakit. Mabuti na lang at laging to the rescue ang Kuya Storm niya sa kanya. Lagi siya nitong kino-comfort kapag nami-miss niya ang mga magulang nila. Ang Kuya Storm niya ang naging sandalan niya sa lahat ng kalungkutan at pagkukulang sa kanya ng kanilang magulang. Kaya naman kahit papaano ay hindi na siya masyadong nangungulila sa mga magulang nila. Hanggang sa nagkaisip siya at nagdalaga ay hindi pa rin umuuwi ang mga magulang niya. Naroon pa rin sila sa Amerika at hanggang ngayon ay hindi pa nakaka-move on ang kanyang ina. Hanggang kailan siya mamamalimos ng kalinga sa kanyang mga magulang? Hanggang sa i-take over niya ang pamamahala sa Hellios Nalupa University ay hindi pa rin umuuwi ang mga ito. Nagkaroon siya ng pagkakaabalahan dahil dito. Bukod sa umaga na naroon siya sa HNU sa gabi naman ay nag-o-OJT naman siya sa ospital ng kaibigan ng Kuya Storm niya. Kuntento na siya sa ganitong buhay actually. Kahit hindi umuwi ang mga magulang niya ay ayos lang sa kanya. Tahimik pa ang buhay niya at walang masyadong bigat na nakaatang sa balikat niya hindi katulad ng Kuya Storm niya na hawak ang lahat ng negosyo ng kanilang pamilya. But her life changed when she met Dr. Justin Ivo Collins Lopez, ang doktor na matalik na kaibigan ng Kuya Storm niya na ubod ng pervert at laging ginugulo ang tahimik niyang mundo. Ang tahimik niyang mundo ay nabulabog. Lagi siya nitong kinukulit na makipag-date sa kanya. Na kahit ilang beses na niya itong tinanggihan dahil sa pagiging palikero nito ay hindi ito sumuko. Kaya naman isang araw prinangka na niya ito na itigil na nito ang ginagawang paglapit at pagsuyo sa kanya dahil hindi siya interesado. Wala pa sa isip niya ang makipagnobyo lalo na at hindi pa siya tapos sa kanyang pag-aaral. Plano pa niya na mag-doktor at magiging sagabal ang pakikipagnobyo niya sa doktor kung hahayaan niya itong makalapit sa kanya. Sinunod naman ng doktor ang sinabi niya. Tinigilan siya nito at hindi na nilapitan. Ngunit bakit ganoon? Nami-miss niya ang pangungulit nito, ang pagiging possessive nito sa kanya na hindi naman dapat. Ang pagsira nito sa araw niya. At higit sa lahat ang pagpapadala nito ng mga bulaklak araw sa quarters niya na bigla na lang gugulat sa kanyang paningin. Ngunit ang hindi niya alam na unti-unti na pa lang nagbabago si Dr. Justin para sa kanya. Unti-unti nitong binago ang sarili para maging karapat-dapat sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD