"Ang init! Wala na bang itotodo ang aircon, Manong?" iritadong tanong ko sa driver na nasa harapan at nakatingin sa kahabaan ng mga sasakyan na natigil sa gitna ng kalsada. Nakabukas naman ang aircon pero randam ko ang impyerno sa aking inuupuan. Sobrang init ng panahon na kahit buksan ang aircon ay tutulo pa rin ang pawis mo. Kulang na lang ay magliyab sa init ang aspaltadong kalsada na kinatitirikan ng aking sasakyan para masabi kong nasa impyerno na nga ako.
"Nakatodo na, Miss Helena. Talagang mainit lang ang panahon ngayon kaya walang epekto ang lamig ng aircon ng sasakyan," sagot naman ng driver ko na halatang naiinip na rin at gusto ng makawala sa traffic.
"Hays…ano pa nga bang magagawa natin kundi ang magtiis na lang muna, Manong," bulalas ko sabay sandal sa backrest ng inupuuan ko at tumunganga sa labas.
"Iyon na nga ang dapat nating gawin sa ngayon, Miss Helena. Magtiis sa init at maghintay kung kailan uusad ang trapiko."
Marahas akong bumuntonghininga sa sinabi ng matanda. Hanggang kailan? kapag naubusan na kami ng gas?
Ang haba pa naman ng traffic sa aming harapan at ewan ko kung uusad pa ito sa haba nito. Ni hindi nga gumagalaw ang sasakyan namin kaya alam ko na hindi kami uusad hanggang hindi umuusad ang mga nasa harapan.
Pauwi na ako ng mansion at sa minalas-malas ay naabutan pa ako ng traffic. Sabi ng traffic enforcer na napagtanungan ni Manong Lito kanina ay may nagbanggaan daw na sasakyan malapit sa palikong parte ng kalsada sa harapan na siyang sanhi ng traffic. Nahirapan daw ang mga medics na alisin sa pagkakaipit ang lalaking driver na sakay ng SUV na sumalpok sa eight wheeler truck, kaya ito ang nag-c-cause ng traffic kaya hindi makausad. Kasalanan daw ng lalaking sakay ng SUV kung bakit nagkabanggaan sila ng truck. Mabilis daw ang patakbo nito kahit alam nitong paliko ang daan at hindi kita kung may kasalubong na sasakyan.
Kawawa naman iyong lalaki. Kung bakit naman kasi hindi mag-ingat sa pagmamaneho. Makakarating ka rin naman sa pupuntahan mo mabagal man ang iyong patakbo ng sasakyan. Hindi iyong ganoon ang sinapit niya na ewan kung mabubuhay pa ng normal pagkatapos niyang maaksidente.
Napatingin ako sa suot kong relo na pambisig nang may maalala ako.
Patay!
It's three o' clock!
Malalagot ako nito kay Kuya Storm! Iyong usapan namin! Lagot na! Hindi ako makakasipot! Alas-dos ang usapan namin pero ano'ng oras na? Alas tres na at ang malas pa dahil walang signal dito sa lugar na kinatitirikan ng aking sasakyan para sana sabihan ko siya na huwag na niya akong hintayin at baka mahuli pa siya sa business meeting niya. Kanina pa naghihintay si Kuya Storm alam ko at malamang salubong na ang mga kilay niya habang nakatingin sa kanyang orasan at cellphone.
Galing pa kasi akong Hellios Nalupa University at kinuha ko ang records ng mga estudyante na pag-aaralan ko sana mamaya pag-uwi ko. Siguro kung hindi ako dumaan doon ay baka magkausap na kami ngayon at hindi siya magagalit sa akin. Sabagay, may rason naman ako para hindi siya mainis sa akin nang tuluyan. Nag-take ako ng picture sa kalsada para proof na na-traffic ako sa daan.
Tiningnan ko ang ilang bungkos ng folder na nasa aking tabi. Ilang buwan na lang ay ite-takeover ko na ang Helios Nalupa University. Pangarap ko na hawakan ito noon pa man. Kung hindi lang ako pinakuha ng Nursing ni Daddy, pagiging teacher ang kukunin kong kurso dahil ito ang gusto kong kunin na kurso noon pa man. Gusto ko ang pagtuturo, pero si Daddy ang nasunod, ani niya, gusto niya na ako ang mag-alaga sa kanila ni Mommy kapag nagkasakit sila. Umoo na lang ako kahit na alam ko naman na hindi rin sila papayag na alagaan ko sila kapag nagkasakit sila. What's the use of our wealth? Bilyonaryo ang pamilya ko at alam kong hindi gugustuhin nina Daddy at Mommy na ako ang mag-alaga sa kanila in the near future.
Tapos na ako sa kursong kinuha ko ngunit hindi naman nagpaalaga si Mommy sa akin nang magkasakit siya. Ngayon, nag-a-apply ako ng intership sa bagong ospital na balak kong kuhanan ng experience. Gusto ko lang palawakin ang kaalaman ko dahil alam kong magagamit ko ito in the near future. Plano ko na mag-take ng Master's degree kapag sinipag ako. Pero sa ngayon ang Helios Nalupa University muna ang pagtutuunan ko ng pansin kung sakaling ipa-manage na sa akin ito ni Daddy. Excited na ako sa totoo lang. Mabuti na lang at ito ang ibibigay na responsibilidad ni Daddy sa akin. Pangarap ko na itong eskwelahan ang mapunta sa akin noon pa man at dininig naman ang aking hiling.
Wala si Kuya Storm nang makauwi kami ng mansion ng driver ko. Aasahan ko pa ba kung halos mag-aalas singko nang dumating kami rito?
"Bumalik na ng opisina niya, Helena. Mamayang gabi na raw kayo mag-usap," wika ni Yaya Guada na siyang nakita kong naghihintay sa may living room ng mansion.
"Galit po ba siya, Yaya?" nag-aalangan kong tanong habang kagat ko ang aking hintuturo. Ito ang mannerism ko noon pa man na hindi ko maalis. Lalo na kapag natataranta ako o kaya ay may nagawang mali.
"Hindi naman, hija. Kailan ba nagalit sa iyo ang Kuya Storm mo? Alam mo naman na mahal na mahal ka ng Kuya mo at ang magalit sa iyo ang hindi siguro niya gagawin," nakangiting saad ng matanda sabay haplos sa aking buhok nang makalapit ito sa akin.
"Talaga, Yaya? Sa tingin mo?" malambing naman akong yumakap sa matanda at tumingala sa kanya. Kilala ko si Kuya Storm, mainitin ang ulo niya at laging nakasigaw sa kanyang mga empleyado kapag may nagawang mali ang mga ito. Pero syempre, pagdating sa akin marahan siya at malumanay akong kausapin. Hindi siya marunong magalit sa akin kahit alam kong punong-puno na siya sa akin minsan. Iyong bang gigil na gigil na pero nakuha pang ngumiti kahit gusto na niya akong saktan.
Siguro dahil ayaw niyang magtampo sa kanya. Alam niya kung gaano ako nagtatampo sa pambabalewala sa akin ni Mommy noong bata pa lamang ako at hanggang ngayon na nagkaisip na ako. Alam niya kung gaano ako nagdaramdam dahil mas mahalaga pa sa kanila ang pagluluksa sa pagkawala ng kapatid kong si Hailey Savannah. Kaysa sa anak nilang narito at kailangan ng kanilang atensyon at pagmamahal. Ayos lang, sabi ko nga kay Kuya Storm, sanayan lang 'yan. Sanay na ako at hindi na masyadong masakit mabalewala.
"Oo naman. Sabi niya magpahinga ka na lang daw muna pag-uwi mo. Pag-uwi niya ay saka na kayo mag-usap."
"Napakabait talaga ni Kuya Storm, Yaya Kasing bait mo po kaya mahal na mahal ko kayong dalawa," malambing kong ssbi sabay baon ng mukha ko sa dibdib ng matandang babae.
Siya na ang tumayong ina ko nang iwan kami nina Daddy at Mommy sa pangangalaga ng mga katulong. Si Yaya Guada ang nagpalaki sa akin at nag-alaga habang ang Kuya Storm ko naman ang siyang naging sandigan ko kapag ako ay may problema.
Masaya naman ako na kasama sila pero iba pa rin ang pag-aalaga ng tunay na magulang. Ito ang hindi maisip nina Daddy at Mommy nang iwan nila kami ni Kuya Storm sa pangangalaga ng mga Yaya rito sa mansion.
"Akyat na po muna ako sa kwarto ko para magbihis, Yaya. Pakitawag na lang po ako kung meron na si Kuya o kung oras na ng hapunan. Matutulog na po muna ako."
Inaantok ako dahil sa ilang oras na paghihintay na umusad ang trapiko. Pakiramdam ko bugbog ang katawan ko sa pag-upo ng ilang oras at inip na naghihintay kung uusad ba ang sasakyan namin o hindi. Nangawit ang pwet ko at likod at pakiramdam ko bugbog sarado ako dahil sa punyetang trapiko.
"Oo, hija. Magpahinga ka na muna sa kwarto mo at alam kong pagod ka rin sa pinuntahan mo. Huwag kang mag-aalala at ako na mismo ang aakyat para tawagin ka."
"Thank you, Yaya. Pork steak at inihaw na bangus sa hapunan, please…" pakiusap ako habang naka-puppy eyes.
"Kung iyan ang gusto mo ay masusunod aking prinsesa," nakatawang saad ng matanda sabay pisil sa aking ilong na gawain na niya noon pa man kapag nanggigil sa akin.
"Love you,Ya!"
"Sus! Naglalambing ka na naman, hija. Oo na, sasarapan ko ang luto para sa iyo. Sige na, akyat na para makapagpahinga ka na muna."
Tumawa lang ako at kaagad na tumalikod para umakyat sa ikalawang palapag.
Kinabukasan…
"Kuya…can we talk?"
"Yes? Tell me what it is, Helena?" Taas-kilay na tanong ni Kuya Storm sa akin. Itinigil niya ang paghihiwa ng bacon sa kanyang plato at ibinigay niya sa akin ang buong atensyon niya. Kanina ko pa gustong magbukas ng usapan ngunit nag-aalangan ako na magbukas dahil baka galit siya sa ginawa kong pagpapahintay sa kanya kahapon. Importante iyong meeting niya at alam kong grabeng abala iyong ginawa ko para sa kanya. 'Di bale, I have proofs here kung magalit man siya sa hindi ko pagsipot.
"A-ahm. Sorry nga pala kahapon, pinaghintay kita..."
Tumango lang si Kuya Storm sa sinabi ko.
"A-ano kasi, Kuya. I'll just ask your opinion kung okay lang sa iyo..."
"Opinion for what? Ano ba ang sasabihin mo at kailangan mo pa akong paghintayin ng matagal kahapon? I said I have a meeting at three pm but you didn't arrive? Ano ba kasi iyon? Sabihin mo na dahil maaga akong papasok ngayon."
Nahimigan ko ang iritasyon sa boses niya. Galit nga siya at mukhang pinipilit niya lang magtimpi. I know how he hates waiting. Lalo na kapag hindi naman masyadong importante. Pero kasi, chance ko iyong kahapon na makausap siya at humingi ng advice sa pinaplano ko. Mahirap siyang hagilapin at nagkataon na free siya kahit papaano ng isang oras.
Kaya maaga rin akong gumising ngayon just to have his time. Luckily narito pa siya at mukhang hindi naman masyadong nagmamadali.
"Okay lang ba na roon ako sa Lopez Medical Hospital ako mag-intern? Hindi ba ako alanganin sa qualifications nila?" nag-aalangan kong tanong habang tinutusok ko ang hotdog na nasa aking plato. Kagabi ko pa ito nais itanong sa kanya subalit hindi naman ako nagkaroon ng oras dahil madaling araw na siya nakauwi. Nagkayayaan daw ang barkada nila na mag-bar dahil nakapag-close sila ng malaking deal.
Ito lang naman ang sadya ko sa kanya kahapon. Kaibigan kasi niya ang may-ari ng ospital kaya naman kukunin kong back up si Kuya para makapasok sa ospital na gusto kong kuhanan ng experience.
Malaki at kilalang ospital ang LMH dito sa La Union. Kahit nag-aral ako sa kilala at eksklusibong paaralan sa Manila ay hindi pa rin ako confident na matatanggap agad ako sa ospital na pag-aari ng kaibigan niya kahit mag-i-intern lang naman ako. Balita ko mahigpit sila sa pagkuha ng mga empleyado nila dahil na rin gusto nilang alagaan ang pangalan ng ospital nila. Kaya naman pili lang talaga ang nakakapasok dito kahit mag-a-apply man lang na intern o kaya ay empleyado.
Maganda naman ang performance ko doon sa ospital na last na pinasukan kaya naman confident din ako kahit papaano na matatanggap ako sa LMH.
"You are overqualified, Helena. You graduated with flying colors at maganda rin ang performance mo sa ospital na pinagtrabahuan mo. So don't you worry, makakapasok ka sa ospital nina Justin."
Justin? sambit ko sa pangalan ng kaibigan niyang doktor.
Bakit parang ang sarap naman bigkasin ng pangalan na 'to?
Hindi ko pa nakita ang kaibigan niyang ito. Ewan kung nagkakataon lang na hindi ko siya naiispatan o baka hindi lang talaga pinagtatagpo ang aming mga landas.
For what reason, I don't know?
Halos kilala ko na ang mga kaibigan ni Kuya Storm. Iyong doktor lang talaga na kaibigan niya ang hindi ko pa nakikita.
"Oh, natahimik ka na? Ano? Kuntento ka na sa narinig mo?"
Ipinilig ko ang ulo ko nang medyo lumipad na yata ang utak ko kung saan. Kaharap ko si Kuya Storm ngunit naglalakbay ang utak ko kung saan.
"And don't worry, my little sister. Back up mo ako. Kapag hindi ka tinanggap, magwewelga ako."
"Seriously?"
"Joke lang, Helena. Matatanggap ka roon. May available na slot at mukhang nakareserba na iyon sa iyo dahil walang nakakapasa sa taste nila."
Kinabahan ako sa sinabi ni Kuya Storm What if pati ako hindi makapasa sa taste nila? Paano na? Saan ako mag-a-apply ng intership dito sa La Union? Iyong pag-aaring ospital ng kaibigan niya ang gusto kong pasukan.
"Sa tingin mo makakapasa kaya ako sa interview, Kuya?"
"Tss! Internship lang inaaplayan mo, Helena. Hindi pa trabaho. Don't worry, ako na ang bahala. Okay?"
"Thank you so much, Kuya!"
"No worries, small thing."
Natawa ako sa sinabi niya. Napakayabang talaga! Sabagay, the word impossible for him is nothing. Lahat ng imposible ay ginagawa niyang posible. Sana lang kapag dumating ang time na ma-in love na siya, sana naman huwag niyang gamitin ang motto niyang ito. Kawawa naman ang babae lalo na at alam ko kung gaano ka-possessive sa pagmamay-ari nito si Kuya Storm.
Pagkatapos naming mag-almusal ni Kuya Storm ay maaga akong nagtungo sa Lopez Medical Group para magpasa ng requirements ko. Kumuha na ako ng nakaraan kaya naman ready na ang lahat ng requirements ko ngayon.
Nakatayo ako sa labas ng ospital at pinagmamasdan ang kagandahan nito mula sa labas. Parang hindi kasi ospital, parang mansion lang para sa mga taong maysakit.
Pumunta na ako sa entrance ng ospital.
This is it! sabi ko sa aking sarili. Wala ng atrasan ito. Sabi naman ni Kuya ay ba-back-up-an niya ako kapag hindi ako nakapasok But I think, I don't need it. Kung hindi nila ako tatanggapin eh di huwag. Tatambay na lang muna ako sa mansion.
All smile pa ako na papasok ng entrance ng ospital ngunit napawi ang ngiti sa labi ko nang bumangga ako sa isang pader. Hindi pala pader, matigas pala na dibdib na hindi ko alam kung kanino.