Napatalsik sina Nurse Mildred at ang limang kasamahan niyang nurse sa LMH na kasabwat niya nang ipahiya ako. Hindi nakaligtas sa kuha ng CCTV na kasama niya ang mga ito nang planuhin nila ito kaya hindi sila nakaligtas sa hatol. Nalulungkot ako para sa kanila pero hindi ko na ito iniisip pa dahil deserve nila ang anomang naging hatol sa kanila ng director. Si Doc Justin ang nagdesisyon na tanggalin si Nurse Mildred kasama ang limang nurse. Sinang-ayunan naman ito ng ama niyang director kaya walang nagawa ang anim na babae kundi umalis at hakutin ang kanilang mga gamit. Kawawa sila sa totoo lang, ang hirap maghanap ng trabaho ngayon kahit pa nakapagtapos ka ng four year course. Good catch ang LMH dahil malaki ang pasahod at maluwag pa ang management sa mga trabahador nito lalo na kapag ma