Malakas ang ulan sa labas ng bintana nang buksan ko ito para sana sumagap ng sariwang hangin. Napatili pa ako ng mahina dahil sa gulat ko. Malakas din kasi ang hangin na gumulat sa akin kaya mabilis ko rin itong isinara nang matalsikan ako ng ulan sa aking pisngi. "May bagyo yata," bulong ko sa aking sarili habang pinupunasan ang ulan na tumalsik sa mukha ko. Natuluyan na yatang bumagyo. Kahit pala hindi sabihin ni Dr. Lopez, I mean Justin na mag-absent ako ngayon, hindi rin ako papasok dahil nagbabadya ang sama ng panahon sa labas. Hindi rin ako papayagan ni Kuya Storm na lumabas ng bahay kapag ganitong masama ang panahon. Alas-otso pa lang ng umaga ang nakita kong oras sa aking suot na relong pambisig. Maaga akong nagising dahil akala ko ay makakapasok ako. But it seems, kailangan ko