"H-huwag mo na akong sinasabihan ng ganoon. Sinasabi ko na sa iyo, hindi ka na makakaulit ng date sa akin," inis pa rin na sabi ko habang kaagapay ko sa paglalakad ko si Doc Justin. Hindi na ako nagpahawak sa kanya dahil sa inis ko sa sinabi niya. Hindi na sana ako tutuloy na makipag-date sa kanya sa biro niyang iyon. "Don't worry, I'll be gentle…" Kinilabutan talaga ako ng matindi sa sinabi niyang ito. Uurong talaga ako kung hindi lang ako nasasayangan sa effort ko sa pagbibihis at effort niya na nagpa-reserve ng seat namin sa restaurant na balak niyang pagdalhan sa akin. Kung bakit naman kasi biglang nawala si Yaya Guada sa kwarto ko. Saan kaya iyon nagsuot at hindi alam ng ibang katulong kung saan siya naroroon. Sabi ko sasabay na ako sa pagbaba sa kanya kanina at hintayin ko na lang