First day ng duty ko sa Lopez Medical Hospital. Okay naman, hindi ako masyadong pagod dahil hindi pa naman ako actual na nag-asikaso ng pasyente. Bale binigyan pa lang ako ng briefing ng head nurse at in tour niya ako sa buong building ng LMH.
Namamangha ako sa bawat floor na pinapakita ni Nurse Grace sa akin. Sobrang high-tech ng LMH at hindi mo aakalain na nagtatago sa probinsiya ang ganito kalawak, kaganda at ka-high-tech na ospital.
Sobrang lawak at ganda ng building ng LMH. Nakita ko na ginawa talaga ito para maging kumportable ang mga pasyente at ang mga nurse at doktor na nagbibigay ng kalinga sa mga pasyenteng dumarating dito para magpagamot.
Maihahalintulad ito sa mga sikat na ospital na nakita at napasukan ko na sa Manila. Kaya naman nag-aalangan ako noong una kung matatanggap ba ako para sa internship na ina-apply-an ko rito.
And yes, I did it. Siguro nakatulong iyong past internship ko sa St. Luke's Medical Center na pang-world class hospital talaga kaya kaagad akong natanggap dito. Sabagay, who wouldn't accept me? Sabi nga ni Kuya Storm ay overqualified ako for the position. Isa pa, internship lang naman ang pinapasukan ko, hindi pa naman trabaho so wala akong doubt na hindi ako matatanggap.
"Agahan mo ang pasok bukas Nurse Helena. Darating ang direktor ng ospital at gusto niyang makilala ang mga bagong empleyado na na-hire. You're included in the list dahil kasali ka sa sets of intern na kukuha ng experience rito sa LMH. And in the near future at maganda ang performance mo at gusto mong maging empleyado na rito permanently. Mag-apply ka na agad para ma-reserve sa iyo ang position," nakangiting sabi ni Nurse Grace nang matapos ang pagto-tour niya sa akin sa buong building ng LMH. Medyo nakabisado ko na ang ilang rooms dito tulad ng sa ICU, NICU, emergency room, madali ko itong mahahanap dahil nasa second floor ang lahat ng ito.
Bukas, simula na ng actual na trabaho ko bilang nurse. At wish ko, mapunta ako sa mga pasyente na madaling i-please at asikasuhin. Sana naman hindi ako mataon ang duty sa mga matatandang masungit at iyakin na bata. Mahaba naman ang pasensiya ko sa mga ganitong klase ng pasyente though minsan napapatid iyong pisi ng pasensiya ko dahil nasasagad ako minsan. Kaya naman kahit gigil na akong magtaray ay hindi ko magawa dahil laging nasa isip ko na trabaho ko na alagaan sila at intindihin. Ang isang nurse dapat ay mahaba ang pasensiya kahit gigil na minsan at sobrang pagod na. Trabaho ko na magbigay ng kalinga sa mga pasyenteng maysakit kaya dapat habaan ko pa iyong pasensiya ko. Hindi ako ang susuko sa kanila dahil ito ang propesyon na pinili ko. At syempre may panata ako na maglilngkod sa mga pasyente.
"Yes, Nurse Grace. Salamat po sa info, itatak ko po iyan sa isip ko at syempre pag-iisipan ko na rin po. Don't worry po, early riser ako, agahan ko po bukas talaga. At salamat po ulit sa pagtitiyagang pagtuturo ng mga gagawin ko bukas at pag-tour sa buong building ng LMH kanina."
"Naku! Wala iyon, hija. Trabaho ko iyan at wala kang dapat ipagpasalamat sa akin," natatawang ani ng matandang nurse habang kinukumpas niya sa harapan ko ang kanyang mga kamay.
"Salamat pa rin po sa time mo, Nurse Grace."
"You're welcome, hija. Sige, maiwan na kita at pupunta pa ako sa office ni Dr. Lopez para maibigay itong mga record ng pasyente na kailangan niya. Ikaw, pwede ka ng umuwi kung gusto mo tutal tapos naman na tayo at nabilin ko na ang mga dapat mong gawin. But if you want to stay and explore more, nasa sa iyo iyan lalo na at wala ka pang kakilala rito. You can stay to introduce yourself to other nurses na makakasama mong mag-duty para naman may close ka na rito agad," suhestiyon ng matandang nurse habang pinagmamasdan ang aking kabuuan.
"Okay na po muna ako sa ganito. Bukas na lang po ako makikipagkilala sa mga makakasama konsa duty. Gusto ko rin po kasing magpahinga at mag-relax ng katawan para sa maging handa sa unang araw ko bukas."
"It's up to you naman, hija. Sige maiwan na kita. Mag-iingat ka sa pag-uwi."
"Opo, salamat po."
Mabilis na nawala sa paningin ko si Nurse Grace na halatang nagmamadali. Importante siguro iyong mga records na hawak niya kaya parang nag-ala-Flash siya na umalis sa tabi ko.
Tumalikod na rin ako nang mawala siya sa aking paningin. Sa locker ako papunta para makapagpalit ng damit bago umuwi. Ayaw ko na ganito ang suot ko dahil pwede akong makahawa ng kung ano'ng mikrobyo sa mga taong makakasalamuha ko lalo na at galing akong ospital.
Plano ko na magtungo muna sa mall ng kaibigan ng Kuya Storm ko kaya kailangan ko talagang magpalit ng disenteng damit. I heard there are a lot of sales there. Mahilig ako sa damit at sapatos, koleksyon ko ito at baka may maispatan ako na brand na naka-sale na gusto ko.
Bumibili talaga ako ng mga damit at sapatos kapag sale. Though hindi ko na kailangan ang mga ito sa dami ng branded na damit at sapatos na binibigay ni Mommy sa akin galing abroad na hindi ko nasusuot.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bili pa rin ako nang bili kahit tingin ko naman ay hindi ko naman masusuot iyon lahat. Pwede na nga akong magpatayo ng sarili kong ukayan sa dami ng damit sa loob ng walk-in closet ko.
"Nakakatakot naman dito," bulong ko sa aking sarili habang pababa ako at papunta sa locker naming mga nurse. Doon ko iniwan ang mga gamit ko nang makapagpalit ako ng uniporme.
Tahimik kasi ang buong paligid habang papalapit ako nang papalapit sa locker naming mga nurse. May kasabayan naman ako kanina sa paglalakad subalit bigla silang mga naglaho nang iba ang ruta na tinahak nila.
Sa sobrang tahimik ng paligid ay ang tanging maririnig lang ay ang ingay na gawa ng takong ng aking sapatos na hindi naman ganoon kataas. Para akong kinikilabutan habang naglalakad akong mag-isa sa gitna ng pasilyo. Idagdag pa sa nakakakilabot na imahe ng pasilyo ang medyo dim na mga ilaw na parang mamamatay anomang oras. Iyong parang nangyayari sa movie na biglang patay-sindi. Tapos may lilitaw bigla sa gitna at mananakot.
Tapos pakiramdam ko na parang medyo humaba ang way ng pasilyo na aking lalakarin para lang makarating sa aking paroroonan. Oh baka nasa isip ko lang ito since tinatakot ko ang sarili ko.
Ipinilig ko ang aking ulo. Nasa isip ko lang ang takot. Hindi naman siguro ako makakakita ng multo rito lalo na at tanghaling tapat pa lang naman. Nagiging malikot na naman ang imahinasyon ko at ito ang ayaw na ayaw ko sa sarili ko lalo na kapag ganiting takutan.
Pero promises, ramdam ko na pinagpapawisan ako ng malapot habang palapit ako nang palapit sa lugar na sadya ko. Na parang ano mang oras ay may lilitaw na gumagapang sa kisame o bigla na lang haharang sa aking daraanan.
"Ay, santisima! Marimar!" sigaw ko na muntik ng atakihin sa puso. Napahawak ako sa puso ko habang nanlalaki ang aking mga mata na nakatingin sa nilalang na bigla na lang sumulpot kung saan.
Muntik na akong himatayin sa gulat nang biglang may lumabas na nurse sa palikong pasilyo na aking tatahakin sana. Hindi ko alam kung ano ang kanyang ginagawa roon pero hula ko ay kababalaghan iyon na tila sobra siyang nasarapan. Sobrang gusot kasi ng kanyang pang-itaas na damit na animo nilamukos ang kanyang dibdib kaya sobrang nagusot. Tapos wala na sa tamang pagkakaayos ang kanyang buhok na tila sinabunutan dahil sa gigil. And then lastly, pansin ko rin na nabura ang kanyang lipstick at parang may nakita akong pulang marka sa kanyang bandang leeg.
Diyos ko po! Huwag niyang sabihin na nakipag-do siya rito sa banda rito?
Wala ng piniling lugar? Basta mailabas lang ang init ng kanilang mga katawan?
Kaya ba tahimik sa banda rito dahil lugar ito para sa "something fishy thing" ng mga dinadapuan ng libog na nurse at doktor. Buti at hindi ko naabutan kung paano sila umungol. Kung hindi, baka napagkamalan ko na silang multo sa sobrang nerbiyos at takot ko habang naglalakad sa pasilyo.
Deadma lang ako sa nurse nang lampasan niya ako. Umakto ako na parang walang nakita na nagtuloy ako sa paglalakad. Nakakahiya rin kasi kyong reaksyon ko kanina. Akala ko talaga multo na siya na biglang mananakot na lang sa akin.
Malapit na ako sa tapat ng locker ko at pansin ko na mabilis na nawala ang nurse sa aking paningin. Baka malamang ay pumasok ng restroom para mag-ayos ng kanyang sarili na parang ni-rape dahil sa gulo ng buhok at damit.
Hay naku, ginoo! Nagkalat yata ang mga manyakis dito sa LMH. Kahapon, iyong manyakis na doktor ang nakaengkwentro ko. Ngayon naman ay nakasalubong ako ng nurse na may ginawang kababalaghan.
Napaisip tuloy ako. Ang ganda at sikat ng ospital na ito pero pinamumugaran yata ng mga uttog na mga nurse at doktor. Sabagay, sabi nila, ang mga Ilocano raw ay malilibog. I disagree naman. Hindi naman lahat. Sadyang may mga tao lang talagang mataas ang libido. But as for me, wala sa isip ko ang s*x lalo na at hindi pa naman ako nagkaka-boyfriend.
"Pero nahipuan ka na sa pwet, Helena!"
Gusto kong magdabog nang maalala ko iyong gwapong doktor sana pero ubod naman ng manyakis. Kainis siya! Siya pa lang ang lalaking humawak sa virgin kong katawan. Ang masaklap pa ay pwet ko pa ang hinawakan niya!
Di bale! Nasampal ko naman. Hindi na siguro uulit iyon.
Sinusian ko ang locker ko at kaagad na kinuha ang damit na narito. Makapagbihis na nga lang para makaalis na at makarating agad sa pupuntahan ko. Naalala ko na may early dinner pa kami ni Kuya Storm mamaya sa Iceland Restaurant. Manlilibre siya dahil nakapag-close sila ng deal ng kaibigan niyang piloto.
Tinungo ko ang restroom pagkatapos at pipihitin na sana ang door knob nito nang bigla akong matigilan sa aking narinig.
"Ungghhh...ohhhhh...ahhhhhh..." narinig kong ungol ng kung sino man.
Hay naku! Pati ba naman dito ay may nangyayaring kababalaghan?
"Ahhhh...ohhhhh...ughhhh!"
Kaagad na nagpalinga-linga ako sa paligid dahil parang malapit lang ang mga ungol at hindi naman nanggagaling sa banyo.
My gosh naman oo! May gumagawa pa rin ng milagro rito? Akala ko pa naman tapos na iyong isa. Pero wala akong nakitang lalaki na lumabas kasama noong nurse. Huwag niyang sabihin na may part two pa? Oh baka threesome iyon at nauna ng nakaraos iyong nurse na nakasalubong ko kanina. Malamang naiwan pa iyong kaulayaw ng nurse dahil hindi ko naman ito nakitang sumunod sa nurse.
Kinilabutan ako sa huling naisip ko. Huwag naman sanang ganoong. Ayaw kong makakita ng live porn. Hihimatayin ako sa gulat kapag nagkataon lalo na at birhen pa ang mga mata ko!
"Ughhhhh...ahhhhhhh!"
Gusto kong takpan ang mga tainga ko. Pero sobrang lakas ng mga ungol na parang ume-echo pa sa pasilyo sa sobrang ingay ng dalawang taong nagtatalik na ewan kung saan banda ang mga ito.
Tinampal ko ang noo ko nang maisip kong kailangan ko ng magbihis. Bakit ko pa prinoproblema ang dalawang nilalang na nasa kasarapan ng kanilang ginagawa.
I need to get out of here bago pa ako ma-LUS. Last ungol syndrome! Parang nag-e-echo na kasi ito sa utak ko at hindi na mawawala pa kapag hindi pa ako nakaalis dito.
Lakas-loob na pinihit ko ang seradura ng pinto at mabilis. na binuksan ito. Subalit nagulat at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang dalawang nilalang na nasa kasarapan ng kantu---opss. Basta 'yon na 'yon!
"What the f---" nabitin sa ere ang sasabihin ng lalaki nang magtama ang aming paningin.
Umasim naman bigla ang reaksyon ko nang makita ko ang gwapong doktor na manyakis na humawak ng pwet ko.
Siya pa ang malakas umungol dahil nasa climax na yata sila ng nurse na nakatuwad habang mabilis niyang binabayo mula sa likuran!
Hindi na ako nagtaka na siya ang makikita ko rito. Sa sobrang pervert niya, malamang lahat ng nurse rito ay nakan- hay!
"Mga bastos!" inis na sigaw ko at binalibag ang pinto. Kaagad akong nagmartsa paalis sa lugar na iyon na nagpupuyos ang kalooban.
Sobrang manyak talaga! Sayang siya, crush ko pa naman!
Oppps!!!