Nagpupuyos ang loob ko na lumabas ng ospital. Mga bastos! Mga walang hiya! Hindi na nila binigyan ng kahihiyan ang mga sarili nila. Ano sila? Aso lang? Na kung saan dapuan ng libog ay doon na sila mag-iyutan!
And gosh! Of all people that I will see today, ang manyakis na doktor pa talaga na iyon ang nakita kong kaulayaw ng nurse na grabe kung makatuwad sa harap niya! Sabi ko na nga ba, may nangyayaring kababalaghan somewhere out there and I didn't know na ako mismo ang makakasaksi ng bwisit na eksenang iyon.
Tapos iyong lalaki pang manyakis na humawak ng pwet ko ang makikita ko na kaulayaw ng nurse! Sinasabi ko na nga ba! Sobrang manyakis niya talaga na tila wala na siyang pinipiling lugar para makipagkantu—hays!
Sayang talaga siya!
Sobrang masiba niya sa puks! Gaano ba siya kahilig na kung saan-saan na lang siya inaabutan ng init ng kanyang katawan? Ano iyon? Daily exercise niya? O daily routine na niya ito araw-araw dahil tila gustong-gusto rin naman ng mga nurse na magpabiyak sa kanya.
Naalala ko tuloy iyong nurse na nakasalubong ko, tila kasama nila iyon. Nakipag-threesome siya kahit tanghaling tapat?!
Ang pervert ni Doc! Sobrang wild na nagawa pang makipag-threesome sa gitna ng kanyang duty!
Gwapo siya at macho. Doktor pa at mukhang humihiga na rin ito sa pera gaya ng Kuya Storm ko. Pero bakit hindi man lang pumili ng tamang lugar na pwede siyang makipagtalik ng maayos. Five star hotel o kaya sa mga motel na nakahilera sa may bandang Timog. Hindi iyong para siyang walang pera na kung saan-saan na lang gusto makabutas.
Naku! Kung ako lang ang may-ari ng ospital na ito at nahuli ko ang kababalaghan ng lalaking iyon! Patatalsikin ko siya kahit gaano pa siya kagaling na doktor.
Nakakasira ng imahe ng ospital ang bwisit na lalaking iyon. Akala ko pa naman istrikto sila rito? Na well-mannered ang mga empleyado. Bakit iyong tatlong iyon ay hindi yata na-briefing? Panira sila ng imahe ng ospital! Ang taas pa naman ng tingin ko sa mga taong nagtatrabaho rito sa LMH, iyon pala ay may nakatagong kabulukan ang nasabing ospital.
Hindi pa man ako nakakapagsimula sa trabaho ko rito ay nakadalawang engkwentro na kami ng manyakis na doktor. Hiling ko nang nakaraan na sana ay huwag ng muling pagkrusin ang mga landas namin. Subalit mukhang nanadya ang pagkakataon dahil nagkita kaming muli sa sitwasyon na hindi ko akalain na makikita ng aking paningin.
Hindi na tuloy ako tumuloy ng mall para mamili. Nagpahatid na lang ako sa driver pauwi habang mariin na nakapikit ang aking mga mata at nananalangin.
Gusto kong mawala sa isipan ko ang mga nasaksihan ko kanina. Subalit hindi ko ito magawa dahil pabalik-balik lang sa utak ko ang eksena kung saan ay nasa likuran ng nurse ang doktor habang mabilis na bumabayo ito sa likuran ng nurse.
Wala akong nakitang exposed na private part nila. Pero sapat na ito para hindi mawala sa utak ko ang eksenang iyon.
Padabog na nahiga ako padapa sa kama ko. Makatulog na nga lang muna baka sakaling mabura ko iyong nakakainis na alaala na nasaksihan ko sa ospital.
But damned! I can't sleep!
Kaya ang ginawa ko ay naligo na lang ako. Maligamgam ang tubig na pinanligo ko and somehow naman nakalma ang katawan ko at nawala na sa utak ko iyong bwisit na manyakis na lalaking iyon.
Nagpupunas na ako ng aking basang buhok nang mag-ring ang cellphone ko. Kaagad ko itong sinino at halos mapatalon ako sa tuwa nang makita kong si Mommy ang tumatawag!
I miss her so much. Dalawa sila ni Daddy. Last week pa iyong tawag ni Mommy sa akin. Paano, salitan kung tawagan nila kaming magkapatid. Busy daw sila sa tour nila sa iba't ibang panig ng America kaya every week na lang silang nakakatawag na dati eh halos araw-araw para lang hindi kami magtampo sa kanila ni Kuya Storm.
Well, sanay naman na kami. Sinanay namin ni Kuya ang mga sarili namin na hindi sila kasama. Naiintindihan namin sila, especially my mom. Mahirao ang sitwasyon niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tanggal ang lahat.
"How's your day at the hospital, Helena?" tanong ni Mommy habang nakatitig siya sa akin sa screen ng kanyang cellphone.
Ako naman ay tipid na ngumiti sa kanya at sumagot ng magalang. Excited ako lagi na makausap siya at sana naman this time ay mahaba-haba ang conversation naming mag-ina.
"Ayos naman po, Mommy. Hindi po muna ako masyadong nagkaroon ng interaksyon sa mga pasyente kanina. Nagkaroon lang po ako ng konting briefing about my work and rules and regulations po ng ospital," masaya kong pagbabalita. Nilaktawan kong ikwento iyong part na naiinis ako. Dapat magagandang bagay lang ang ikwento ko sa kanya para matuwa naman siya sa akin.
Sinabi ko kasi sa kanya nang nakaraan na papasok ako sa LMH dito sa La Union habang hinihintay ko na i-take over ni Daddy sa akin ang Helios Nalupa University. Para malapit na lang ang pinapasukan ko sa mansion. Para hindi na ako umuuwi every end of the month just to be with Kuya Storm.
Sabik ako sa atensyon ni Mommy kaya naman hanggang maaari ay masasaya at magagandang bagay lang ang ikwento ko dapat sa kanya. Noong bata pa lamang ako at hanggang ngayon ay sabik na sabik ako dahil bihira ko lang silang makasama ng aking ama. Tapos kapag tatawag pa sa telepono o cellphone ay saglitan lang din na parang laging nagmamadali kahit wala naman siyang ginagawa.
I understand her, mahirap ang sitwasyon niya and until now hindi pa niya tanggap na hindi na namin makikita si Hailey Savannah.
Sobrang sakit iyon sa part ni Mommy lalo na at baby pa ang kapatid ko nang tangayin ito at hindi na makita.
Syempre, nahihirapan siyang mag-move on, iniisip ni Mommy kung buhay pa ba siya o nasa maayos na kalagayan. Kung kumakain ba ng wasto at hindi nagkakasakit.
"I miss you so much, hija."
Gusto kong maiyak sa sinabi ni Mommy. Ganitong mga linyahan ang lagi kong inaabangan sa kanya. Kahit papaano ay naiibsan ang pagtatampo at pangungulila ko sa kanya. Pero syempre nagtatampo pa rin ako pero sabi ko nga sanayan lang iyan. Na kapag sanay ka na sa nakagawian mo ay hindi na masyadong masakit.
"Pasensiya ka na kung hindi pa kami makakauwi ng Daddy mo. I'm still healing my broken heart and I hope you understand your mother, hija..." naiiyak na sabi ni Mommy habang buong pagmamahal siya na nakatitig sa akin.
"Alam ko marami akong pagkukulang sa inyo ng Kuya mo, Helena. Sana maintindihan mo ako. Uuwi ako riyan kapag okay na ako. Sa ngayon, dito na muna ako. Nahihirapan ako kapag nariyan ako at iniisip ang bunso ninyong kapatid."
Tumango-tango ako na malawak ang ngiti sa labi. Somehow, tanggap ko na ang ganitong set up namin noon pa man. Pero masakit pa rin, kailangan ko ng mga magulang habang lumalaki ako at nagkakaisip. Subalit hindi nila ito naibigay sa akin. Ayos lang, sabi ko nga ay naiintindihan ko sila.
"It's okay, Mom. Don't worry, narito lang po ako at naghihintay sa pag-uwi ninyo ni Daddy..."
"Thank you, my dear daughter. I love you so much..."
"I love you too, Mommy."
"Oh, siya ibaba ko na ang tawag. We will call you tomorrow."
"Okay po, bye."
She is calling from Los Angeles California. Madaling araw na sa kanila habang hapon pa lang naman dito sa Pilipinas.
Malaking effort na ito para sa akin ni Mommy. Na kahit sa ganitong gesture lang ay ramdam ko mahalaga ako sa kanya. Hindi naman siya nakakalimot sa pagtawag sa akin lalo na kapag may espesyal na okasyon. Ayos lang naman sa akin ang ganito dahil ramdam ko naman na mahal niya ako.
Matamlay akong bumaba para mag-dinner. Hindi raw kami tuloy ni Kuya Storm na mag-dinner sa labas dahil nagkayayaan sila na mag-inuman. Ayos lang naman sa akin pero nakakalungkot ang mag-isang kumain, kaya naman konti lang ang kinain ko at umakyat na rin agad ako pabalik sa kwarto ko nang matapos akong kumain ng dinner.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok ng ospital gaya ng pangako ko kay Nurse Grace. Gusto kaming makilala ng director ng ospital at sino naman ako para magpaimportante na mali-late ng pasok.
Nakahilera kami sa may labas ng ospital habang naghihintay sa pagdating ng director. Halos thirty minutes na siyang late sa totoo lang dahil kanina pa kami nakatayo rito sa labas at nag-aabang sa pagdating niya.
"Nariyan na sina Director at Doc. Umayos na kayo ng tayo at magalang siyang batiin," wika ni Nurse Grace na nakatayo sa pinakaharap at nakatingin sa papalapit na puting sasakyan.
"Wow! Ang gwapo naman ng anak ni Director Lopez," dinig kong bulalas ng mga kasamahan kong nurse na nasa aking unahan. Hindi ko makita ang tinutukoy nila dahil natatakpan nila ako na narito sa likuran. Mukhang palapit na sa aming kinaroroonan ang hinihintay naming mahahalagang tao.
"Ang gwapo rin ni Dir. Lopez kahit matanda na ano? Kita pa rin ang tikas ng kanyang katawan at ganda ng tindig. Sa kanya nagmana malamang si Dr. Lopez."
Nakikinig lang ako sa usapan ng mga nurse na nasa unahan ko. Kahit hindi ko kita ang mga tinutukoy nila ay nagkaroon na ako ng ideya sa mga itsura ng taong pinag-uusapan nila. Paano, halos i-describe na nila ito na parang pati ang buhok sa ulo ay alam nila ang bilang.
"Can I get your attention, please." wika ni Nurse Grace na dahilan para matahimik ang mga katabing kong nagtsitsimisan.
"Narito na sina Dir. Lopez at Dr. Lopez. Sila ang may-ari ang ospital at alam kong alam na ninyo ito...blah...blah..." Marami pang sinasabi si Nurse Grace na hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin.
Tumayo na lang ako at hinintay na makalapit ang dalawang tao na kailangan naming makilala at dapat na pakisamahan ng mabuti dahil sila ang amo namin.
Isa-isa kaming pinakilala ni Nurse Grace. Nang ako na ang susunod niyang ipakilala ay pumunta ako sa harapan para ipakilala ang aking sarili sa mag-ama.
Nakayuko pa ako na naglalakad habang palapit sa kanila. Dahan-dahan din akong nagtaas ng aking mukha nang makalapit ako. Subalit napatda ako nang makita ko ang mukha ng lalaking labis kong kinaiinisan at ni ayaw ko sanang makakrus ng landas!
"I-I'm Helena Sheen Nalupa..." panimula ko na medyo nautal pa habang nakatitig sa lalaking humipo sa pwet ko.
Hindi ko akalain na anak pala siya ng may-ari ng ospital at hindi ko akalain na siya ang Dr. Lopez na ilang beses na na-mention ni Nurse Grace sa akin.
Ang tanga ko! Dapat pala nag-research muna ako! Bakit nakaligtaan ko 'tong gawin? Dati naman inuuna ko ang pagre-research tungkol sa may-ari ng ospital na papasukan. Ngayon, nakalimutan ko dahil sa sobrang excited ko na makapasok ng LMH.
Ngumisi ang manyakis na doktor na katitigan ko. Nakita ko pang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa. At paa pataas sa ulo ko ulit.
Lagot na! Kaya pala ang lakas ng loob gumawa ng kababalaghan. Anak pala siya ng may-ari ng ospital!
Naisip ko na ito noong umpisa pa lamang subalit inalis ko 'to sa isip ko dahil akala ko talaga isa lang siyang doktor dito na mahilig mambutas kung saan-saan.
"Nice meeting you, Nurse Helena." Kumindat ang doktor sa akin at naglakad palapit. Ako naman ay medyo napaatras habang sumama ang timpla ng aking mukha. I don't like what's running into his mind. Pakiramdam ko kalokohan iyon at kabastusan.
"Hmn...I think mapapadalas na yata ang pagpasok ko nito ng maaga araw-araw," ani niya pa habang simpatikong ngumingiti sa akin.
Nagsinghapan ang mga taong nakatingin sa amin. Habang ang kanyang ama ay malakas na humalakhak.
Ako naman ay napanganga lang lalo na nang lumapit pa siya sa akin at hawakan ako sa aking baywang.
"Love at first sight ba, son? Bibigyan mo na ako ng apo this time?" anang kanyang ama na tumatawa pa rin habang nakatingin sa aming dalawa.
What??? gusto kong ibulalas subalit wala akong lakas ng loob na magtanong. Pulang-pula ang mukha ko sa hiya at parang gusto kong kumaripas ng takbo at magtago sa mga taong ito!