"S-sorry…"
"Sorry!"
Halos panabay na sabi namin ng taong nakabangga ko. Kaagad akong lumayo sa kanya at hinaplos ko ang ilong ko na medyo nasaktan sa pagbangga ko sa mala-pader na dibdib ng lalaki. Ang tigas naman ng dibdib niya. Mukhang alaga sa gym kaya sobrang tigas na tila handang makipagsuntukan kung hahamunin siya ng laban. Na parang handa ka niyang ipagtanggol kahit kanino, char…
Panay ang haplos ko sa ilong ko habang ang taong nakabangga ko ay tila hindi man lang apektado sa pagkakabangga ko sa dibdib niya. Nakatayo lang siya sa harapan ko at tila hinihintay ang susunod kong galaw. Wait lang siya, medyo nahilo ako ng bahagya. Sa tigas ng dibdib niya, malamang ako lang talaga ang nasaktan.
"P-pasensiya na po talaga sa abala," hingi ko muli ng paumanhin at bahagyang yumuko nang makabawi ako. Nakita ko na nakasuot ng scrub suit ang lalaki kaya humingi muli ako ng paumanhin. Binundol kaagad ako ng kaba sa dibdib dahil baka isa sa may-ari ng ospital ang nabangga ko. Masisira ang imahe ko kapag hindi ako nagpakumbaba lalo na at mag-a-apply pa naman ako ng internship para makapasok dito.
Hindi sumagot ang lalaki sa sinabi ko. Hinintay ko siya na magsalita subalit nakalipas na ang ilang minuto ay nanatili siyang walang imik. Sayang ang oras, naghihintay na ang mag-i-interview sa akin. Kaya naman napilitan na akong tumingala at tiningnan ang itsura ng nakabangga ko.
"s**t! Bakit ang gwapo?!" bulalas ko sa utak ko. Bakit hindi naman nagsasabi ang lalaking ito na ang gwapo pala niya. Artista ba siya? Oh my gosh! Papapirma ako ng autograph sa kanya!
Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan na tumili. Parang pakiramdam ko pa nga ay nagkorteng puso pa ang mga mata ko dahil sa kagwapuhan ng nilalang na nakatayo sa harapan ko.
"Doktor ba ito rito? Oh baka modelo o kaya ay artista talaga? Baka may shooting ng pelikula somewhere here at ako ang sumira sa eksena nila?"
Lagot ako kung ganoon. Nagpalinga-linga ako sa paligid para tingnan kung nasa shooting nga ang lalaki subalit wala naman akong nakitang mga nagkakamera at kumukuha ng video sa paligid kaya malamang ay doktor nga talaga ito rito.
Bumalik ang tingin ko sa lalaki. Kanina pormal lang ang mukha niyang nakatingin sa akin. Ngayon amused na siya na tila nahihiwagaan siya sa aking ginagawa.
Doktor siya rito walang duda dahil nakita kong may hawak siya medical bag sa kanyang kaliwang kamay. Malamang kakatapos lang niyang mag-rounds at pauwi na. May suot din siyang stethoscope sa kanyang leeg at salamin sa mata na kadalasan ay porma na ng mga doktor na nakakasalamuha ko. Pero bakit tingin ko, mas bagay sa kanya ang modelo kaysa doktor?
Ang kinis ng mukha at napakaputi ng balat. Half-half itong lalaking ito palagay ko. Medyo may pagka-kulay asul ang mga mata niya na bihira kong makita sa mga Pinoy. Tapos sobrang tangkad at malaki ang katawan niya. Hanggang dibdib niya lang ako kaya sa matitipuno niyang dibdib ako bumangga.
Tapos…
Natigilan ako sa pagmamasid ng mga katangian niya nang masilaw ako ng bahagya nang ngumiti siya sa akin. Napansin siguro niya na medyo natulala ako kaya hindi niya napigilan na ngumiti.
"S-sorry talaga, hindi ko sinadya na banggain ka," ani ko muli para pagtakpan ang aking pagkapahiya. Nahihiya ako dahil alam kong nahuli niya akong pinag-aaralan ang kabuuan niya.
Pero wow! Ang ganda ng ngiti niya! Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa ngiti niya. Ang ngipin niya ay pantay-pantay at alam kong alaga ito sa dentista.
"Okay lang naman sa akin, Miss. Kung gusto mo kahit araw-arawin mong banggain ako ay pwedeng-pwede," sabi ng lalaki sabay kindat sa akin at hipo sa pang-upo ko ng bahagya siyang lumapit.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawa niya. Gulat na gulat ako dahil hindi ko akalain na hihipuan niya ako! Lahat ng paghanga na nadarama ko sa kanya kanina ay biglang naglaho. Napalitan ito ng inis at otomatikong gumalaw ang palad ko at dumapo sa pisngi niya.
Pakkkkkkkkk!
Isang malakas na sampal ang lumagapak sa pisngi ng lalaki na sobrang ikinagulat niya.
"What the f**k?! Why did you slapped me?" gulat na bulalas nito habang hawak niya ang pisngi niyang sinampal ko. Hindi siya galit pero nagtataka siya kung bakit ko siya sinampal. Hindi ba siya sanay makatanggap ng ganitong pagtrato sa mga babae? Tingin niya, lahat ng babaeng saglit na natulala sa kanya ay pwede na niyang hipuan. Pwes! It's a no, no, to me! Hindi ako pinanganak para manyakin lang ng kung sino! Sayang! Ang gwapo pa naman, manyak naman pala!
"Minanyak mo ako, Mister! Hindi ko mapapalampas ang ginawa mo kaya natural na masasampal kita bilang ganti!" Inis kong sabi. Ayaw kong gumawa ng eskandalo subalit hindi ko mapapalampas ang ginawa sa akin ng lalaking ito kaya napalakas ang pagtatalak ko sa kanya. Pasalamat siya walang tao sa paligid kundi kanina ko pa siya pinahiya.
Hinipuan niya ako sa aking pang-upo natural magalit ako! Anong gusto niya matuwa ako dahil nahawakan ako ng isang katulad niya.
Tss! Pwes, ibahin niya ako! Hindi ako natutuwa at kailanman ay hindi ako matutuwa! Kainis siya! Kapal ng mukha niya! Kahit araw-arawin ko raw ang pagbangga sa kanya ay ayos lang? Dahil ano? Gusto niyang manantsing! Bwisit! Pakyu siya!
"Tsk! Ang swerte mo nga dahil hinawakan kita," ani niya na tila nagmamalaki pa. Na tila proud pa siyang sabihin sa akin na swerte ko at hinipuan niya ako!
"Ano'ng swerte roon? Na minanyak mo ako?" Halos pandilatan ko ng mga mata ang lalaki. "Are you out of your mind, Mister, Doc? Walang babae na matutuwa na manyakin sila!"
Tumawa lang ang lalaki sabay haplos sa mukha niya. Tila tuwang-tuwa pa ito sa sampal na natamo sa akin.
Tila napansin naman nito ang weird na tingin na pinupukol ko sa kanya. Ngumisi siya sa akin bago kagat-labing lumibot ang paningin niya sa aking kabuuan.
Inis naman na napaatras ako habang tinatakpan ko ng bag ko ang dibdib kong siyang tinititigan niya. I know biniyayaan ako ng malaking papaya. Huwag naman siyang obvious sa pagtitig sa papaya ko dahil baka isampal ko ito sa kanya!
Ay! Huwag na pala. I've changed my mind. Matutuwa lang siya kapag ginawa ko ito.
"Swerte ka dahil napansin kita. Mahal ang atensyon ko, Miss. Kaya ang swerte mo dahil nakuha mo ang atensyon ko. Pakipot ka pa, ano? Strategy mo iyan para magpapansin sa akin?" Tumawa siya ng malakas pagkatapos. Ako naman ay ngani-ngani ko siyang gustong sampalin muli dahil sa mga salitang sinasabi niya na walang katotohanan.
"Every girl dreams of my touch and be with me. Tapos ikaw? Ang arte mo. Halata naman na nahulog ka sa aking karisma kanina kaya huwag ka ng magpakipot," tumigil siya saglit sa kanyang sinasabi at humakbang palapit sa akin. Umatras naman ako at sinamaan siya ng tingin. "Or, is this your way to get my attention? Kunwari naiinis pero gusto rin naman pa lang mahipuan." Tumawa siya ng malakas pagkatapos niya itong masabi.
Nalaglag naman ang panga ko sa aking narinig. Gusto kong bigwasan siya ngunit nagpigil na lang ako.
"Mangarap ka ng gising, Doc! Hindi ako nagpapansin sa iyo! Hindi lahat ng natutulala ay humahanga. May iba na natutulala dahil napapangitan. Kaya ikaw, huwag masyadong assuming. Hindi ko type ang kagaya mo at para sabihin ko sa iyo, hindi ka gwapo!" Pagkatapos ko itong sabihin ay nagmartsa na ako papasok ng building. Mas hahaba pa ang usapan kapag hindi ko pa ito pinutol. Tsaka ayaw ko na siyang makausap. Umiinit ang ulo ko lalo na at pinipilit niya na nagpapakipot daw ako. Nagpapansin!
Tss! Neknek niya!
Sayang siya! Gwapo nga, manyak naman!
Naglakad ako ng mabilis nang makita ko siyang sumusunod sa akin. s**t siya! Huwag niyang sabihin na sinusundan niya ako?
Hindi lang sampal ang matitikman niya sa akin kapag umulit siya. Baka umbagin ko na siya at magamit sa kanya ang tinuro sa akin ni Kuya Storm na Muay thai.
Isa pa, wala akong panahon makipag-iringan sa kanya. Hinihintay na ako ng mag-i-interview sa akin. Nasayang ang ilang minuto ko sa bwisit na doktor na ito! Napakamanyak! Ang sarap bigwasan ng kanyang lato-lato!
Kaya lang naisip ko, paano kung siya pala ang may-ari ng ospital?
Ano naman ngayon?
Kung hindi ako matatanggap eh di huwag. Kaysa naman matanggap ako pero araw-arawin namang bubwisitin ng lalaking ito ang araw ko kakamanyak sa akin!
Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong hindi niya ako sinundan nang lumiko ako. Baka iisang way lang talaga kami kaya siya nakasunod sa akin.
Mabuti naman, akala ko dinibdib niya ang sinabi kong pangit siya kaya siya sumusunod sa akin. But it seems may emergency yata siya dahil paalis na siya kanina pero bumalik ulit.
Mabilis lang naman natapos ang interview ko. Pumasa ako at bukas na magsisimula ang internship ko. Tuwang-tuwa na ibinalita ko ito kay Kuya Storm pero binara lang ako ni Kuya dahil hindi naman trabaho ang in-apply-an ko para i-congratulate raw niya ako. Internship lang naman kaya huwag daw akong masyadong magsaya.
Eh pahirapan pumasok sa LMH kaya para sa akin dapat itong i-celebrate at dapat niya akong i-congratulate dahil nagawa kong matanggap sa ospital na hindi gumagamit ng ano mang back up o tulong niya.
Mabilis akong nakabalik ng mansion at kwarto ko kaagad ang tinungo ko. Mag-aayos ako ng mga gagamitin ko pagpunta ko bukas ng ospital. Dapat nakaayos na ang mga ito dahil maaga ang duty ko. Pinili ko ang morning duty dahil sa hapon ay aaasikasuhin ko naman ang pagbabasa ng mga dokumento at records na galing ng HNU. Pag-aaralan ko na ang bawat pasikot-sikot ng eskwelahan bilang paghahanda sa pag-take over ko nito pagdating ng tamang oras.
Ipapaplantsa ko na rin ang mga uniporme na gagamitin ko sa ospital kay Yaya Guada o kaya ay kay Yaya Sita. May ibinigay silang uniporme at mabuti naman at hindi ito palda dahil baka magkrus lang muli ang landas namin ng doktor na iyon at baka manyakin ako kapag nakitang nakamaikli akong palda.
Sana nga hindi magkrus ang landas namin sa ospital dahil hindi ko gugustuhin na makita siya. Baka maumbag ko na talaga siya kapag sinubukan na naman niya akong manyakin.
Sayang siya... ang gwapo at hot pa naman.