"Salamat, Manong Lito. Pakidala na lang po ang ilang gamit ko sa likod," wika ko sa matandang driver ko na nagbukas sa akin ng pinto ng sasakyan.
Kipkip ko ang mga gamit ko nang lumabas ako ng SUV. Galing ako sa ospital at dama ko iyong pagod sa buong araw na duty ko.
"Sige, Miss Helena."
"Salamat po. Pati po iyong nasa trunk, Manong. Pakilabas na lang po at pakidala sa kusina."
"Masusunod, Miss Helena."
Mabuti at naalala ko iyong nasa trunk ng kotse. Mga sariwang isda iyon na binili ko pa kanina sa isang nanay doon sa ospital. Pinakyaw ko para makatulong sa pagbili ng gamot ng anak niya. Dinagdagan ko pa nga dahil naawa ako lalo na at wala ng katuwang sa buhay ang kawawang babae.
Nagmagandang loob pa ako na tutulong sa gastusin nila ng anak niya. Subalit sinabi naman ng ale na wala ng problema roon dahil sakop naman ng Philhealth ang lahat ng gagastusin nila.
Dapat kanina pa ako nakauwi, mga alas-tres. Kaya lang ay wala iyong karelyebo ko ng duty kaya nag-extend ako ng hanggang alas-sais ng gabi. At heto nga ginabi na ako ng uwi at hindi ko na naman makakasabay sa pagkain ang aking kapatid. Malungkot kumain ng mag-isa at baka maalala ko na naman ang Daddy at Mommy ko ay mas mawalan ako ng gana.
Hays…
'Di bale, tatawagin ko na lang si Yaya Guada para samahan akong kumain. Wala akong choice, ayaw ko lang masira ang appetite ko lalo na at gusto kong magkalaman ng kaunti ang katawan ko. Baka kasi next week ay mapasabak ako sa night duty at alam kong puyat ang magiging kalaban ng katawan ko nito.
Naglakad ako papasok sa mansion at dumiretso agad sa aking kwarto. Nagmamadali kong hinubad ang lahat ng suot kong uniporme at naka-underwear na nag-dive sa kama.
Pagod na pagod talaga ako. Kailangan kong ipikit muna ang mga mata ko at saglit na itulog ang hapong nadarama ng katawan ko.
Hindi ko naman need na magkapagod sa totoo lang. Bilyonaryo ang pamilyang kinabibilangan ko subalit para ito sa propesyon na gusto ng Daddy at Mommy ko para sa akin. Kahit sa pamamagitan man lang nito ay na mabigyan ko sila ng kasiyahan.
Isa pa, baka gusto talaga nila na ako mismo ang mag-alaga sa kanila kapag sila ay uugod-ugod na.
Well, I am glad to take care of them. Kaya heto at kukuha pa ako ng maraming experience sa LMH at saka ako magtutuloy ng pag-aaral ko sa medical school kapag handa na akong muli na mag-aral. Sa ngayon, ang Helios Nalupa University muna ang pagtutuunan ko ng pansin. Isa ito sa pangarap ko noon pa man at baka sakaling makapagturo ako kapag naisingit ko ito sa schedule ko sa ospital.
Two at a time ang goal ko ngayon. Mahal ko ang pag-aalaga sa mga pasyente pero gusto ko rin magturo ng mga estudyante.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Paggising ko ay nilalamig na ako sa lamig ng aircon. Naitodo ko pala ang lamig nito kaya heto at para akong nagdedeliryo sa lamig na aking nadarama. Hindi man lang kasi ako nagkumot at basta na lang akong dumapa sa kama ko at natulog.
Masakit ang leeg ko at baywang nang bumangon ako sa kama. Nangawit ito sa dalawang oras na paghiga ko kaya naman nag-unat muna ako at inikot-ikot nang marahan ang ulo ko para mawala ang pananakit ng leeg ko. Pinatay ko ang aircon at nagtungo na sa banyo para maglinis ng katawan. Mga ilang minuto lang ay tapos na ako at pababa na sa komedor para kumain ng late dinner.
Hindi pa naman late dinner ito actually, alas-otso y medya pa lang naman at tama lang iyong haba ng itinulog ko para makapagpahinga at ma-relax ang katawan ko.
Nagutom ako sa amoy ng pagkain na in-serve sa akin ni Yaya Guada. Afritadang manok, beef curry, at inihaw na liempo ng baboy. Nilantakan ko ito agad nang maihain sa harapan ko. Ngunit natigil ako sa pagsubo nang maalala ko ang Kuya Storm ko. Baka hindi pa siya kumakain at baka pwedeng makasabay ko pa siya sa pagkain.
"Si Kuya Storm, Yaya? Kumain na ba siya?" tanong ko kay Yaya Guada na nagpupuno ng orange juice sa baso ko at pagkatapos ay naupo sa tabi ko at nilagyan ng ulam ang plato ko.
"Tapos na sila ng mga kaibigan niya, hija." sagot ng matanda habang inaalisan naman ng buto ang liempo na nilagay niya sa plato ko.
Napangiti ako sa gesture ng matanda. Kung pagsilbihan niya ako ay para na niya akong anak. Kaya naman sobrang lapit ng loob ko sa kanya. Siya ang pumuno sa pagkukulang ni Mommy sa akin. Tinuring niya akong parang tunay na anak kung asikasuhin. Pero may hinahanap ang puso ko na alam kong hindi maibibigay ni Yaya Guada sa akin. Alam kong kay Mommy ko pa rin mararamdaman ang pakiramdam na iyon kaya naman umaasa pa rin ako na someday, uuwi si Mommy dito at magiging priority na niya kami ni Kuya.
"Oh, may mga bisita pala siya." ani ko na hindi na nagtaka. Kaya hindi na niya ako hinintay na mag-dinner dahil may mga kaibigan pala siyang bumisita.
Kumpleto kaya sila ngayon?
Malamang dahil Sabado bukas at wala silang mga trabaho sa opisina na pinagkakaabalahan.
"Oo, hija. Naroon sila ng mga kaibigan niya sa may bandang pool at nag-iinuman."
"Kanina pa po ba sila o kakasimula pa lang?" tanong ko nang bitiwan ko ang kutsara at tinidor na hawak ko.
"Kani-kanina lang din. Mas nauna ka kasing dumating sa kanila. Mga ilang minuto lang pagdating mo ay sunod-sunod naman silang dumating. Pero diretso sila sa study room ng Kuya Storm mo. Nag-meeting pa kasi sila roon ng ilang minuto at pagkatapos ay kumain na sila ng dinner bago sila nag-inuman."
Tumango-tango ako sa sinabi ng matanda. Ibig sabihin hindi pa sila lasing. Kaya siguro tahimik pa sa may pool dahil mga wala pang tama ang mga kasama niya. Kapag medyo maingay na at malalakas na ang tawa nila, lasing na ang mga iyon for sure.
Nang matapos akong kumain ay sumilip ako sa labas ng bintana na malapit sa kinaroroonan nina Kuya. Nais ko lang makita kung sino-sino ang mga kainuman niya. Kumpleto na kaya ang barkada niya this time? Iyong doktor na kaibigan niya na may-ari ng LMH meron kaya? Iyong Justin?
Doktor na kaibigan niya na may-ari ng LMH.
Natigilan ako bigla sa naisip ko. Nalaglag ang panga ako at napahawak ako sa bibig ko nang may ma-realize ako.
"s**t!" Napamura ako nang mahina nang maisip kong ang Justin na kaibigan niyang doktor ay ang Dr. Lopez na anak ng may-ari ng ospital na minanyak ako!
Iisa lang sila dahil siya lang naman ang anak ng may-ari ng LMH!
Inihilamos ko ang aking palad sa aking mukha nang maisip kong ang tanga ko.
Bakit hindi ko 'to naisip?
Laging nagkukwento si Kuya Storm tungkol sa kaibigan niyang doktor na sobrang husay dahil lahat ng pasyente niya ay gumagaling, kung hindi man ay nadudugtungan naman niya ang buhay ng mga ito kahit papaano.
Nawala na rin sa utak ko dahil wala naman akong pakialam sa mga kwento niya tungkol sa mga kaibigan niya. Ngayon lang naging klaro sa akin ang mga kwento ni Kuya tungkol sa kaibigan niyang doktor. At naisip kong hindi rin ako kilala ni Dr. Lopez at wala siyang ideya na kapatid ako ng matalik niyang kaibigan dahil kahit kailan at hindi pa kami nag-meet.
Kung alam niya, alam kong hindi niya magagawa sa akin iyong paghipo at paghalik niya sa akin. Alam kong igagalang niya ako bilang kapatid ng matalik niyang kaibigan!
Hinimas ko ang kamaong sumuntok sa sikmura niya pagkatapos kong magising sa nakapanlalambot na halik niya sa akin nang nakaraan. Masakit pa rin ito hanggang ngayon dahil sumuntok ba naman ako ng pader este abs pala niyang mala-pader sa tigas.
Hinilot ko ng bahagya ang kamao ko. Ang sakit pa rin talaga.
Napahawak ako sa labi ko nang makadama ng kung anong pananabik dito nang maalala ko kung paano ako halikan ni Dr. Lopez. Ngunit bigla ko ring kinastigo ang aking sarili dahil hindi dapat ako nakakadama ng ganito. Hindi dapat ako masabik sa halik ng salawahan at manyak na doktor na iyon.
Pero aaminin ko, ilang gabi rin akong hindi pinatulog ng mga halik niyang iyon. Hindi ako makatulog dahil kapag pipikit ako ay naalala ko lang kung paano ako nasarapan sa halik niya.
Ayaw ko mang aminin pero ang sarap niyang humalik. Hindi ko naman kasi siya maikumpara sa iba dahil first kiss ko iyon. Pero hindi dapat ito ang iniisip ko. Hindi ko dapat iniisip ang lalaking iyon!
Mabuti na lang at hindi nagkukrus ang landas namin, alam kong hindi na iyon uulit pagkatapos ko siyang suntukin sa sikmura at gamitin sa kanya ang itinuro sa akin ni Kuya Hellion na Muay Thai.
Gulat na gulat siya nang bumalibag siya sa sahig. Sa sobrang gulat niya ay hindi siya nakapagsalita at awang ang labing tumitig sa akin.
Akala niya lahat ng babae ay nadadaan sa santong paspasan! Ibahin niya ako sahil kamao ko ang sasalubong sa nguso niya sa susunod!
Naglakad ako palapit sa grupo nina Kuya Storm na nasa may malapit sa pool at nag-iinuman.
May importante akong sadya at sana wala iyong manyak na doktor niyang kaibigan.
"Kuya!" kuha ko sa atensyon ng Kuya Storm ko na siyang bumabangka ng kwento. Nakatalikod silang lahat sa gawi ko at halos sabay-sabay na lumingon sila ng kaibigan niya sa gawi ko.
Bigla naman akong nahiya lalo na at naisip kong nakamaikli pala akong shorts at hanging na blouse. Makukurot ako sa singit ni Kuya kapag napansin niya na hindi disente ang damit ko na humarap sa kanila.
"Yoh! What's up little sis?" bulol na sabj ni Kuya na kaagad na lumapit sa akin at inakbayan ako. My nose wrinkled when I smell his scent. Amoy alak at sigarilyo. Kadiri! Pero hindi ko naman magawang itulak siya dahil baka matumba siya lalo na at kita ko na lasing na lasing na siya.
Ang mga kaibigan niya na nakatingin sa amin ay nakamata lang. Isa-isa ko naman silang tiningnan at naisip ko kumpleto sila. Nang dumapo ang tingin ko sa lalaking naka-all white na kilala ko kung sino kahit hindj ko tingnan ang mukha. Kaagad na umasim ang mukha ko lalo na nang makita ko siyang nakangiti sa akin habang naglalakbay ang tingin niya sa aking kabuuan.
Sabi ko na nga ba! Siya ang kaibigan ni Kuya Storm! Walang duda dahil siya lang naman ang anak ng may-ari ng ospital! Hindi man lang siya nagulat na kapatid ako ng kaibigan niya! Hindi man siya nahiya at natakot na baka magsumbong ako sa Kuya ko! Wala nga yatang hiya sa katawan ang lalaking ito! Makangiti ay para siyang walang nagawang kabalbalan sa akin!
"Ang manyak talaga! Hanggang dito ba naman ay mamanyakin niya ako sa titig niya." Bulong ko sa isip ko habang iniirapan ko siya. Tumawa lang ng mahina ang loko at tila tuwang-tuwa siya na naiinis ako sa kanya.
"Kuya, may pinapatanong si Mommy. Kailan ka raw pupunta sa Davao. Doon sa kung saan nakita ang lampin ni Hailey," ani ko kay Kuya Storm nang maalala ko ang sadya ko sa kanya. Inalis ko ang tingin sa bwisit na doktor pagkatapos ko siyang irapan.
"I'll go there tomorrow, sis."
"Oh, okay, Kuya. Sige, balik na ako sa kwarto ko."
Tangka ko na sanang umalis nang maalis ko ang braso niya na nakaakbay sa akin. Subalit natigilan ako nang bigla niya akong pigilan.
"Wait, Helena."
"What?" kunot-noo kong tanong habang tinataasan siya ng kilay. I need to get out of here. Hindi na ako natutuwa sa titig ng doktor sa akin. Sa dibdib ko siya nakatingin at tila nahuhulaan ko na kung ano ang naglalaro sa kanyang isipan. Nahawakan na niya ako rito at malamang ilang beses na siyang nagpantasya.
"Come on, ipapakilala kita kay Justin."
Kaagad akong umiling sa sinabi niya lalo na nang makita kong humakbang palapit sa amin ang kaibigan niyang doktor.
"Nagkakilala na kami, Kuya. Sige, aalis na ako," wika ko nang makalapit na si Dr. Lopez sa akin.
"Oh, I thought..."
"Nahalikan ko na nga, pare..." natatawang ani pa ng doktor nang bigla na lang sumingit sa usapan namin.
Nanlaki ang mga mata ko habang ang Kuya ko naman ay natawa ng malakas.
"f**k you, Justin! Huwag mong sabihin na ihihilera mo ang kapatid ko sa mga flings mo!"
"No, pare. I think, magseseryoso na ako simula ngayon."
Sigawan ang iba pa nilang mga kaibigan sa sinabi ng kaibigan nila. Habang ako naman umiling lang at agad na iniwan sila.
Magseseryoso?
Really?