"Yes, Dad. I think I'm falling hard for her," walang gatol na sabi ng doktor sa kanyang ama habang ang tingin ay hindi inaalis sa akin.
Tumawa na naman ang matanda sa sinabi ng kanyang anak na halatang aliw na aliw sa ginagawa ng kanyang anak.
Falling hard?
Weh?
"Sino'ng niloloko mo, Doc?" Gusto kong ibato sa doktor subalit hindi ko mahanap ang dila ko dahil sa gulat ko sa mga salitang lumalabas sa kanyang bibig.
Baka lust at first sight ang ibig niyang sabihin?
Hindi ako naniniwala na na-in love siya sa akin nang una niya akong makita. Minayak nga niya ako at baka gusto niyang ipaalala ko sa kanya kung paano niya ako hinawakan sa aking pwet! Na kulang na lang ay tampalin niya ito sa gigil niya!
"Well, I already like her for you, son. She is beautiful and I know maaga niya akong bibigyan ng magiging apo ko. Knowing kung gaano ka kalibo—-"
"Dad! Watch your words!"
"What's wrong? Nagsasabi lang ako ng totoo. Doon din naman ang punta ng relasyon ninyo kung magustuhan ka ni Helena."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ng Director. Gusto kong magprotesta sa sinabi niya. Bakit parang ang bilis naman lumipad ng imahinasyon niya. Apo agad? Ni hindi pa nga niya ako tinatanong kung gusto ko rin ang anak niya!
"Dad! Huwag munang ganyan ang sinasabi mo. Huwag mo naman akong ipahiya sa harapan ni Helena. Hindi pa nga ako pumoporma eh mukhang basted na yata ako dahil sa mga sinasabi niyo."
Lumipat ang tingin ko sa lalaking ang kapal ng mukha at nakahawak pa rin sa baywang ko. Buti alam niya! Hindi pa lang bumubuka ang kanyang bibig para pumorma sa akin ay talagang basted na siya sa akin!
"Aw! Sorry, son."
Mas humalakhak ang matandang lalaki. Habang napakamot naman sa batok niya ang kanyang anak.
Ako naman ay mas lalong namula ang aking mukha. Gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko dahil kung pag-usapan nila ako ay tila wala ako sa kanilang harapan. Knowing na may mga tao pa sa paligid namin na naririnig ang pag-uusap ng mag-ama. Tapos ang kapal ng lalaking nakahawak sa baywang ko. Kung makahawak siya sa akin ay tila pag-aari niya ako.
"Well, pakasalan mo na agad kapag sinagot ka."
Mas lalong nalaglag ang panga ko sa salita ng matanda. Hindi ko na alam kung ano ang susunod kong galaw dahil gulat na gulat ako sa mga salitang namumutawi sa kanilang mga bibig.
"Are they out of their minds?!" gusto kong ibulalas sa kanila subalit hindi ko mahanap ang dila ko.
Nahihiya ako! s**t! Nasaan ang angas ko? Bakit nawala at hindi na ako makaporma sa bwisit na lalaking ito. Baka isipin niya na gusto ko ang mga nangyayari at pabor ito sa akin!
Gusto kong pabulaanan ang sinasabi ng matanda dahil sa totoo lang ay nandidiri ako sa kanyang anak. Diring-diri ako to the point na gusto ko na siyang umbagin maalis lang siya sa akin katawan at matigil sa kanyang mga sinasabi. Kung hindi ko lang iniisip ang trabaho ko rito ay kanina ko pa sana naumbag ang bwisit na malanding doktor na 'to!
Kahapon lang ay may nakita akong kakantuts niya at tila threesome pa nga sila dahil sa nurse na nakasalubong kong parang dinaanan ng buhawi ang katawan sa gusot. Tapos ngayon, kung makapagsalita ang lalaking ito ay parang hindi ko siya nahuli na may kakantuts siya kahapon? Iniisip ba niya na ang dali sa akin na tanggapin siya? Na porke magandang lalaki siya ay balewala lang sa akin ang mga nakita ko kahapon?
No way!
Hindi basehan ang kanyang mukha para magustuhan ko siya kaagad. Attitude pa rin ang mas lamang sa akin. Aanhin mo ang gwapo kung malandi at salawahan? Na oras-oras kang paiiyakin dahil sa kalandian niya.
Falling hard daw?!
Tse siya! Sinong niloko niya? Baka 'lust at first sight' ang nararamdaman ng lokong manyak na 'to sa akin! Akala naman niya papatusin ko ang sinabi niya at madadala ako?
Gago siya!
Mali siya ng babaeng target! Hindi ako kailanman magpapagoyo sa kanya lalo na at alam ko kung gaano kalandi ang doktor na ito. Hindi ako pumapatol sa lalaking sobrang landi pa sa babae at overused na nga ang ano! Baka mamaya ay mahawaan pa ako ng HIV lalo na at kung sino-sino na lang ang kinakalantari niya.
"Ah…eh, excuse lang po, Doc." bigla kong singit nang bumalik na ang boses ko. Hindi na ako natutuwa sa takbo ng usapan at ayaw ko namang kainisan ako ng mga babaeng nasa likuran ko na kanina lang ay pinag-uusapan nila kung paano masisilo ang manyak na doktor.
Narito ako para kumuha ng mas maraming experience sa pagiging licenced nurse. Hindi ako narito para punuin ang pantasya ng doktor na ito. Hindi rin ako narito para maging karibal ng mga babaeng halos gusto ng lumuhod mapansin lang ng doktor.
"Yes, what is honey my love so sweet?" tanong ng lalaking nakahawak sa akin. Hinaplos pa niya ang baywang ko dahilan para umakyat ang dugo sa akin ulo.
Tinirik ko ang mga mata ko sa sahig saglit at halos gusto ko siyang bugahan ng apoy nang lumingon ako sa kanya para ipagpatuloy ang aking sinasabi.
Honey my love so sweet?
Gosh! Ang korni niya!
"Don't call me that way, Doc. It's disgusting...so please don't," ani ko sabay alis ng kamay niya na nakapulupot sa baywang ko.
Feeling close?
Sumisimple ang isang ito! Akala naman niya katulad ako ng ibang babae na kikiligin at magkakandarapa sa kanya kapag nahawakan niya! Pwes! He is wrong for thinking that way, huh!
He is not my type kahit sobrang gwapo niya at macho. Hindi ako mahuhulog sa lalaking pinaglihi yata sa kalandian.
Suminghap ang ama niya na nanonood sa amin. Habang ang malanding doktor na nasa harapan ko ay ngumisi lang habang naglalaro ang mga mata niya sa mukha ko.
Hindi man lang siya tinablan sa sinabi ko?
"Sorry...akala ko magugustuhan mo ang ganyang endearment. Iisip na lang ako ng kakaibang itatawag ko sa iyo, Helena. Iyong kumportable ka kapag tinatawag kita ng ganoon. What do you think?"
Sinamaan ko siya ng tingin.
"No need for you to do that, doc. Let me remind you. Wala tayong relasyon para mag-isip ka ng endearment na itatawag sa akin. Masyado ng lumilipad sa kung saan ang utak mo, doc . Hindi po ako narito para pagpantasyahan mo para gawing girlfriend at asawa. I'm here for work, for my profession. If you'll excuse me. May iba pa pong ipapakilalang nurse sa likod ko at baka gusto niyo pong lubayan na ako para maipakilala na sila," ani ko sa pormal na tono sabay talikod sa kanya.
"Ouch!" narinig kong bulalas ni Doctor Lopez. Otomatikong natigil ako sa paglalakad at agad na umangat ang tingin ko sa kanya na nagtataka habang hawak niya ang tapat ng kanyang puso.
Ang kanyang ama naman ay tumawa lang ng malakas na tila aliw na aliw sa sagutan namin ng kanyang anak.
"Basted ka na agad, son. Paano ba 'yan? Matatagalan pa ang apo ko, I guess..."
Hindi ko na inintindi ang sinabi ng matanda. Yumukod ako sa matanda bilang pamamaalam at walang-lingon na pumunta sa likod para bigyan ng pagkakataon si Nurse Grace na ipakilala ang susunod na nurse na nadagdag sa linya namin na mukhang na-late ata ng pasok.
Tumayo ako sa pinakadulo at iniwasan na tumabi sa mga babaeng alam kong nabigo dahil sa pinagsasabi ng doktor. Nagkibit-balikat lang ako nang makita kong inirapan ako ng dalawang nurse na sinusundan pala ako ng tingin.
Bahala sila sa buhay nila. Narinig naman nila na hindi ako interesado sa doktor na kinababaliwan nila.
Nakinig ako sa sinasabi ni Nurse Grace sa harapan. Hindi na ako nagtangkang itaas ang aking ulo dahil ayaw kong magtama ang paningin namin ng kinaiinisan kong doktor.
Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kanya. Binigyan na agad niya ako ng problema. Kanino pa ako maki-close nito ?
Hanggang sa matapos ang pagpapakilala sa ibang nurse ay nanatili akong nakayuko. Pero kahit nakayuko ako ay ramdam ko naman na nakatitig sa akin ang manyak na doktor.
Pumunta na ako sa una kong pasyente nang i-dismiss na kami ng director. Mas nauna pa nga akong umalis sa pila dahil ayaw ko talagang abutan ni Dr. Lopez. Pakiramdam ko ay may plano siya na lapitan ako ngunit inunahan ko na dahil nagmamadali akong tumalilis.
Pinainom ko ng gamot at pinalitan ko ang benda sa braso ng batang pasyente na una sa listahan ng mga pasyente ko ngayong araw. Medyo natuwa pa ako sa pakikipagkwentuhan sa bata dahil nakisuyo ang kanyang ina na bantayan ko ito saglit dahil bibili lang ito ng pagkain.
Nang dumating ang babae ay saka ako tumungo sa second patient ko na lilinisan ko naman ang sugat at papalitan din ang benda.
Papalapit na ako sa room ng pasyente nang biglang sumulpot si Dr. Lopez sa harapan ko na hindi ko alam kung saan nanggaling at biglang nakatayo na lang siya sa harapan ko.
"Helena, honey..."
"What do you want?" I said in a cold tone. Hindi ko na siya na-address ng "doc" dahil nasira bigla ang mood ko sa kanya.
"You. I want you, Helena..." walang gatol naman niyang sabi habang ngumingiti.
Inirapan ko lang siya at saka nilampasan.
"Wala akong oras sa mga kalandian mo, doc. Iba na lang ang kulitin mo dahil hindi ako interesado sa iyo."
Nagtuloy-tuloy ako ng lakad matapos ko itong sabihin. Subalit nagulat na lang ako at halos mapatili nang bigla niya akong hilahin sa aking braso dahilan para mahinto ako at mabitiwan ko ang mga hawak ko.
"Ano ba?! Tingnan mo ang ginawa mo! Nahulog ang mga gagamitin ko!" naiinis kong sigaw.
"Bakit hindi mo ako gusto? Bakit hindi ka nahulog sa karisma ko?" Tanong ni Dr. Lopez na tila sarili lang nito ang kausap nito.
"Dahil hindi lahat ng babae ay magkakagusto sa iyo! Hindi lahat ng babae ay magkakandarapa sa iyo!" Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. Akala ko pipigilan niya ako subalit hindi naman siya gumalaw at nanatili lang siyang nakatayo na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Iiling-iling na pinulot ko ang mga gamit ko na nagkalat sa sahig. Pagkatapos ay tumalikod na ako para ipagpatuloy ang naudlot kong paglalakad. Subalit ang bwisit na doktor ay humabol sa akin at mabilis na naman niya akong nahawakan sa baywang ko.
"Helena..." anas niya sa pangalan ko habang nakahawak ng mahigpit sa baywang ko.
Mabilis ang kanyang paghinga na tila hinihika siya.
Problema ba ng isang ito?
Bakit ba ayaw niya akong lubayan?
Tingin niya nagpapakipot lang ako?
"Doc, ano ba?! Pwede ba tigilan mo na ako?" nawawalan na ng pasensiya na sabi ko. Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa baywang ko. Akala ko hahayaan na niya ako katulad ng kanina. Subalit nagulat na lang ako sa sumunod na galaw niya.
He kissed me on my lips torridly. Shocked na shocked ako na halos nabitiwan ko na naman ang hawak ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Tulala lang ako habang ako ay kanyang hinahalikan.
"Noooooooooo!!!" sigaw ko sa utak ko.
Shit siya! First kiss ko 'to! At ninakaw ng doktor na 'to ang first kiss ko!
Nagpumiglas ako ngunit mahigpit ang yakap ni Dr. Lopez sa baywang ko. Tapos nakahawak sa panga ko ang palad niya kaya hindi ko magawang iiwas ang labi ko para hindi tumagal ang halik niya.
Pinilit kong manlaban ngunit kapag ginagawa ko iyon ay mas lalo lang niyang hinihigpitan ang hawak sa akin. Hanggang sa hinayaan ko na lang siya sa kanyang ginagawa. Nanghihina na ako sa panlalaban lalo na at hindi ko alam kung bakit biglang nagiging jelly ang mga tuhod ko sa halik na pinapadama niya sa akin.
Para rin akong nakakarinig ng anghel na nag-aawitan sa aking paligid. Hindi ko alam kung hallucinations ko lang ito pero parang naririnig ko talaga na tila may umaawit.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko at hahayaan ko na lang sana si Dr. Lopez sa paghalik niya sa akin. Subalit bigla akong napamulagat nang maramdaman kong hinawakan niya ako sa aking dibdib. Dito na ako nagising sa kahibangan na nararamdaman ko.
This is not right!