CHAPTER 1

1499 Words
Present Drei's Point Of View Isang buwan na kami rito pero wala pa ring nangyayari sa pagmamasid namin. Kung sana'y narito na ang taga-PCU na may psychometric ability, mas mapapadali ang trabaho namin. Napatingin ako sa mop na hawak. Janitor talaga? Tsk. Ito lang ang bakante sa ospital no'ng nag-apply ako. Pumayag na rin ako kaysa wala. At least, malapit ako kay Milet. Mababantayan ko siya. Nilinga ko ang kahabaan ng 4th floor, busy ang mga nurse sa station nila, habang naglalakad-lakad ang iilaang pasyente kasama ang mga bantay nito. Nasaan na ba si Milet? Gabi na ah. Uuwi na kami. Bumaba ako sa third floor para doon magpanggap na naglalampaso habang hinahanap ko si Milet. Wala pa rin itong nakukuhang impormasyon kahit natanggap itong Front Desk Clerk ng ospital. Sa Registration ito naka-assign. "George." Nilingon ko ang tumawag sa akin. Ang Head Nurse ng Polymedic. "Yes, Ma'am?" "Pakitapon sa likod ang mga naipong basurang nasa bakanteng unit sa dulo. Kukuha bukas ng umaga ang truck," utos nito habang nagpapapungay ang mga mata at maluwang ang ngiti sa akin. Maganda naman ito kahit sobrang pula ng lipstick. "Sige, Nurse Berna." Tumalikod na ako agad at baka kung saan pa mauwi ang pagpapa-cute nito. Tinungo ko ang bakanteng unit at dinampot ang dalawang trash bag na punong puno. Magagaan naman dahil mukhang syringe, gasa at bulak lang naman ang laman ng mga ito. Sumakay ako ng Utility Elevator pababa ng basement, mas malapit dito patungong likod ng ospital. Dito ko rin ipina-park ang motor ko. Palapit pa lang ako sa tambakan ng basura sa likod ay amoy ko na ang sangsang ng mabahong basura. Hindi na lang ako huminga, binilisan ko na lang ang pagtatapon para makaalis na. Bawal ang mga pasyente sa gawing ito dahil for employees at for deliveries lang ang pwede sa area na ito. May isang truck na naka-park 'di kalayuan mula sa tapunan ng basura. Maaaring delivery ito ng medical supplies. Nagkibit-balikat na lang ako at minadali ang pagtatapon para makabalik na sa taas. Kailangan ko pang hanapin si Milet. Naglalakad na ako sa basement nang makarinig ako ng mga yabag ng paa mula sa gawi ng fire exit, papalapit sa kinatatayuan ko. Tumatakbo ang mga ito na tila hinahabol ng kung ano. Nagtago ako sa likod ng isang kotse at sumilip sa mga ito. "Bilisan natin, baka may makakita pa sa atin," sabi ng isang lalaki. "Ikaw ba naman kasi, napakapabaya mo. May makakita ba naman sa 'yo?" paninisi ng isa. May nakasuksok na baril sa baywang nito. "Tama na ang paninisi," sabi ng kasunod nila na may pasan-pasang babaeng naka-uniform ng staff ng ospital. Mukhang wala itong malay. Patungo na ang mga lalake sa itim na kotse. Napagawi ang gilid ng mukha ng babae sa direksyon ko, nandilat ako sa nakita ko. Si Milet! Umakyat ang dugo sa ulo ko. Susugurin ko na sana sila pero nakasakay na ang mga ito at madaling nakasibat palabas ng basement. Tinakbo ko agad ang motor kong naka-park 'di kalayuan sa pwesto ko. Nanginginig ang mga kamay ko habang dinukot ang susi sa bulsa ng pantalon ko saka sinusian ang motor. Sinuot ko ang helmet saka paharurot kong pinaandar ang motor. Natanaw ko ang kotse na kumaliwa sa intersection. Kaunti na lang at maaabutan ko na sila. Sino sila? Bakit nila kinuha si Milet? May kinalaman ba ito sa mga nangyayari sa San Joaquin? Abot-abot ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kanya pero kailangan kong alamin kung saan nila dadalhin si Milet. Hinayaan ko ang sapat na distansya para hindi ako paghinalaan. Nakaabot kami sa isang kalsadang hindi pa nasisimentuhan. Luad pa ang lupa dito at bako-bako. Kumanan sila sa makipot na kalsada kaya hindi ako maaaring sumunod. Paghihinalaan nila akong sinusundan ko sila. Inilagpas ko ang motor ko nang kaunti saka ipinarada sa pagitan ng matataas na damong nasa gilid ng daan. Siniguro kong walang makakakita sa motor ko at maghihinala na may ibang taong narito. Lakad-takbo ang ginawa ko at binaybay ang makitid na daang tinahak ng sasakyang dumukot kay Milet. Nasaan ang mga 'yon? Ginamit ko ang flash ng phone ko bilang tanglaw sa dilim ng kakahuyan. Nawala na kasi ang bakas na may dumaang sasakyan dahil sa mga bagong tubong d**o. Hindi ko na rin matandaan kung saan ako nanggaling. Mahaba-haba na rin ang nilakad-takbo ko bago ko namataan ang isang malaking bahay na gawa sa kahoy. Naroon din ang kotse ng mga dumukot kay Milet. May ilan akong panaghoy na naririnig mula sa loob ng bahay. Kunot-noong nagtago ako sa malaking puno 'di kalayuan sa kinahihintuan ng kotse't ini-off ang flash ng phone ko. May tatlong lalakeng naninigarilyo ang nasa labas. Ang dalawa ay may sukbit na riffle sa balikat. Kahina-hinala ang mga ito. "Tumahamik kayo! Ang iingay n'yo!" bulyaw ng isa pang lalake na nasa bungad ng pinto ng bahay. Hinampas nito ang pintuan para patahimikin ang mga umiiyak sa loob, tinig ng mga babae at bata. Malakas ang tunog ng kadena, tila sinasarhan nito ang pinto. Hindi ko matantya kung ilan ang naroon sa loob. "Bantayan n'yo ang mga 'yan, Fredo, Gado. Kapag nagtangkang tumakas, barilin n'yo. Kailangan naming bumalik ni Sam sa ospital. Babalik kami agad dito." Inakbayan nito ang malaking lalakeng mahaba ang buhok saka nagtungo sa kotse. Naiwan ang dalawang lalakeng may riffle. Hinintay ko munang makalayo ang sasakyang umalis bago ako kumilos. Marahan akong pumasok sa kakahuyan at umikot patungong likod ng bahay. Nasa harap ng bahay ang dalawang bantay na naiwan. Nakalapit ako sa bahay, may siwang ang kahoy kaya sumilip ako rito. Hindi ko maaninag dahil masyadong madilim sa loob. Kailangan kong gawan ng paraan para mailigtas si Milet pati ang ibang nasa loob. Marahan kong tinungo ang gilid at sumilip. Nagkukwentuhan ang dalawang lalakeng may riffle. "Ihi lang ako, pare," paalam ng isang may katabaang lalake. "Sige." Lumapit ang naiwan sa siga, kinuha ang pinapakulong mainit na tubig at nagsalin sa baso. "Ang lamig ng panahon," anas nito. Sinipat ko ang direksyong tinungo ng lalakeng iihi raw. Mukhang hindi lang pag-ihi ang gagawin no'n dahil nagpakalayo-layo ito. Pinagmasdan ko ang mga kamay ko. Magagamit ko ito ngayon. Maingat na tinungo ko ang pinuntahan ng umalis. Tama nga ang hinala ko, nagtanggal ito ng pantalon at umupo. Nakatalikod ito sa gawi ko. Ah! s**t! Ang baho! Gusto kong masuka sa naamoy ko pero kailangan kong makakuha ng tyempo. Nilapitan ko ito at sinunggaban ang leeg sabay takip sa bibig nito. Napahigpit ang hawak nito sa braso kong nakasakal sa leeg niya. Naramdaman ko ang enerhiyang dumaloy sa akin. Aaminin ko, nakakasabik, nakakaadik ang ganitong pakiramdam pero ayaw ko namang abusuhin. Nang matiyak kong sapat na ang panghihina nito ay binitawan ko na ito. Ang baho talaga. Lumigid ako pabalik sa kasama nito. "Ang tagal mo naman, pare. Ano ba ang ginawa mo?" malakas na tawag nito sa kasama pero walang sagot mula rito. "Fredo?" tawag ulit nito. Nagtaka yata ito kaya tumayo ito para lumapit sa gawi ng kasama, inihanda ang baril. Nang makalagpas ito sa pinagtataguan ko ay sinunggaban ko agad ito mula sa likod. Pigil ko ang baril habang hawak ko ng isang kamay ang leeg nito. "Aaaakkk! S-Sino ka?" nanghihinang tanong nito. Hindi ko ito binitiwan hanggang sa mawalan ito ng malay. Kinuha ko ang baril saka tinakbo ang harap ng bahay. Nakakandado ang pinto. Sinubukan kong sirain ang kadena gamit ang dulo ng riffle pero matibay ito. Wala akong choice kundi gamitin ang riffle. Binaril ko ang kandado. Naghiyawan dahil sa takot ang mga nasa loob. "Huwag kayong matakot! Pulis ako!" hiyaw ko para marinig nila ako. Tila kumalma naman dahil humina ang pag-iyak nila. Dinukot ko ang phone ko sa bulsa at inilawan ang mga nasa loob. Ilang bata, teenagers at si Milet ang nasa loob. Wala pang malay si Milet. "Milet...." Tinapik-tapik ko ang pisngi nito. "Ungh." Tila nagkakamalay na ito. "D-Drei?" "Ako nga. Kailangan na nating tumakas. Kaya mo ba? Kailangan nating magmadali, baka bumalik ang mga kasama ng napabagsak ko." Inalalayan ko ito sa pagtayo. "K-Kaya ko." Nilinga nito ang tatlong batang lalake at apat na babaeng teenagers na nakagapos. "Oh my..." agad naming pinakawalan ang mga ito mula sa pagkakatali. "Halika na. Kailangan na nating umalis." Inalalayan namin palabas ang ibang hostage. "S-Saan tayo?" nag-aalalang tanong ni Milet. Kakahuyan ang paligid, madilim at matalahib. Naalala kong sa harap ng bahay ako nagmula, pero baka bumalik ang mga kasamahan ng mga kidnaper at makasalubong namin. Itinuro ko ang kanang bahagi. "Doon tayo." Lakad-takbo ang ginawa namin para makalayo agad. "Kaya mo pa?" nag-aalalang tanong ko kay Milet. Mukhang nanghihina pa ito. Maaaring may pinaamoy ditong pampatulog. "Ano ba ang nangyari? Bakit ka nila dinukot?" "Mamaya ko na ikukwento, Drei. Kailangang makalayo tayo." Bakas ang takot sa magandang mukha nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD